"Bakit absent ka raw? May nangyari ba sa iyo?" Basa ko sa biglang nag-text. Hindi 'yon naka-register pero pakiramdam ko ay 'yong leading man 'yon.
'Di ko na lang pinansin at naka-focus ako sa mga lalaking nakikipagkwentuhan sa akin. Ang hirap-hirap ng ganitong sitwasyon. Ano ba 'yan!
"Sige, bye... uwi na ako sa amin baka hinahanap na ako ni Mama."
Nakisama na lang ako sa pamilya ni Irish pagdating sa hapunan. Naging okay naman dahil hindi ako nagsasalita at puro lang ungot, alam kong nagtataka sila pero hindi ko magawang magpanggap ng maayos. Naiisip ko pa lang sitwasyon ko, nanlalambot na ako. First time ko kasi ito, 'yong magkaroon ng ganitong panaginip. Hindi pangkaraniwan at gusto ko na lang mag-go with the flow para paggising ko maganda ang mga alaala ko.
"Parang totoo..." bulong ko sa sarili habang nakatingin sa salamin. Tulog na ang lahat ng characters sa bahay na ito maliban sa akin.
Kasi kung panaginip nga talaga ito, paano ako nag-iisip? I mean, sa loob ng utak ko naroon ako at 'yong ako, nag-iisip din? Hasyt putek! Ang gulo!
"What does it mean when my dream is extremely realistic." Bulong ko kasabay ng pagtitipa.
Lucid dreams are when you know that you're dreaming while you're asleep. You're aware that the events flashing through your brain aren't really happening. But the dream feels vivid and real. You may even be able to control how the action unfolds, as if you're directing a movie in your sleep.
"Woah! Yes..." Mahinang bulong ko nang makabasa na mairoon pa lang sitwasyong gano'n.
Sometimes the dreams we have seem so real. Most of the emotions, sensations, and images we feel and visualize are those that we can say we have seen or experienced in real life. This is because the same parts of the brain that are active when we are awake are also active when we are in certain stages of our sleep.
"Bangon na!"
Putangina talagaaaaaaaaaaa! Ayoko na nakakapagod! Naririnig ko na ang boses pero mariin pa rin akong pumikit! Imposible naman kasi na ganito kahaba! Like what the...
Nakakainis na kahit natulog na ako ng ilang beses ay ganito pa rin! Ano na?! Wala na ba talaga akong chance na magising?! Putek na 'yan! Ayoko mang aminin pero natatakot talaga ako! Unang-una bakit ko naranasan ito?!
Kung panaginip nga talaga ito aba kailan ba ako magigising kasi ngayon, ito ako nasa harap ng hapag kainan! Kagigising ko lang at ang bumungad uli sa akin ay 'yong dalawang lalaking nakahubad! Taka pa nga sila na bakit naging tamad na raw ako! Kasi nahuli nila akong natutulog ulit!
Actually, ginagawa ko talaga 'yon, nagbabakasakaling magising na ako bilang Charlotte Hernandez!
"Siguro naman puwede ka na namin makausap tungkol doon sa mga pasa mo anak? Sabi nito ni Chris nagkwento ka pa raw sa kaniya na ang dami mong nabugbog." Mahinahon na itong Nanay at binaliwala lang ang pag-iimok ko sa kanila kahapon.
Putek na 'yan! Kung totoo 'to nako! Lagot na ako kay Mama kapag minura ko siya ng gano'n kahit biro pa! Siguro kasi wala sa istorya na mabilis silang magalit?! Baka maiba ang kwento kapag pinagalitan nila ako ng lubusan! Ang ending lang naman kasi nito ay 'yong landian namin no'ng Hades! Jusko! Baka magigising lang ako kapag tapos na ang istorya!
"K-Kaunting bangas lang po iyon at hindi naman ako nauna sa pananakit..." Sagot ko nang nakayuko sabay kagat ng hotdog. Tumango naman sila at napabuntong hininga. "Uhm, Sorry pala sa joke-joke ko kahapon, arte-arte lang 'yon para ano... Para 'di niyo mapansin 'yong s-sugat ko."
Buti na lang ang nakatala sa libro ay palabiro ang babaeng ito, kung 'di. Ay ewan. I wonder kung may utak ba sila? Scripted ba sinasabi nila? Pero hindi naman kasi, sabi nga noong Tatay kahapon, bastos daw ako. Hayst! Sakit na ng ulo ko putakte! Nako! Hindi ko na kayang labanan ang brain cells ko.
Ayoko naman kasing guluhin ang istorya kahit pa panaginip 'to ano! Tanga-tanga ko rin eh! Ugh! Dapat pala bibo ako! Bakit ba kasi napaka mahiyain ko gayo'ng gawa-gawa lang naman sila ng isip ko. Ah basta kung ano na lang ang gusto kong arte 'yon na lang, wala namang rules gayo'ng utak ko lang 'to!
"Tsk, ito talaga si Irish! Kahit kailan parang baliw Hahahaha! Natatawa ako sa mga arte mo kahapon. Puwede ka ng artista, 'di ba Kuya?"
Grabe para talagang totoo...
"Aba oo naman! Ang title no'n Irish the NBSB! Hahahahaha! Tol, oo nga pala kailan ka magkaka-boyfriend?! Sa ating tatlo ikaw lang walang karanasan kaya ka napag-aakalang tibo eh!"
Isa lang ata ang pagkakaparehas namin nitong si Irish, ang pagiging NBSB, hayst, ano ba kasi ang point ng panaginip na 'to? Ito namang Utol na ito maisingit lang 'yan kahit 'di naman dapat belong sa usapan.
"Ewan ko po..."
"Alam mo ngayon ka lang naging kalamya ng ganiyan! May ginagaya ka na naman ba? Kahapon pala sino ginagaya mong artista? Si Sheila Villanueva?"
Sino naman 'yon? Putangina pati artista dito iba-iba na rin! Wala bang Liza Soberano? Nadine Lustre o kaya Kathrine Bernardo?! Nakakaiyak na nakakabaliw! Kapag ako talaga nagising! Sasabihin ko lahat 'to kay Mommy!
"Hehehehe, sino naman 'yon?"
"Ano ka ba Kian, alam mo namang 'di mahilig sa teleserye 'yang si Irish. Puro lang 'yan pag-aaral, basketball, at pagbabarkada! 'Di tulad niyong dalawa, nako! Adik kayo sa mga artistang babae." Sabi nitong Tatay kuno, nagtawanan naman sila kaya nakitawa rin ako kunwari. Ang hirap naman nito.
"Ayt! 'Di ba Tol! Naging ex ni Hades si Sheila? Angas talaga no'n! Gwapo sana talaga 'yon kung 'di ka lang ginagago eh 'no!" Dagdag pa uli nito kaya napatingin ang mga magulang sa akin. Ano ba 'yan...
So dating jowa pala ng Hades ang Sheila? Tapos ano ang ending? Mas gusto niya ako na boyish na 'di siya type? Tapos ibabaliwala niya si Sheila na artista na for sure super pretty. And for sure maldita 'yon. Kakilig na sana kaso nakakawalang gana. Kainis, dati gusto ko maranasan ang nasa libro pero ngayong nandito na ako, nakakaiyak pala! Siyempre mas gusto ko pa rin si Mommy!
Never na ako mag-read nang ganito kung pupunta rin naman pala ako sa loob mg novel na 'to! Ano ba kasi nangyari sa akin at nagkaroon ako ng dream like this ugh!
"Sinong Hades? Hades Grey?! Nako! Kayang-kaya ni Irish ang leader ng limang lalaking 'yon! Mga duwag naman 'yon eh, nagpapatulong pa!"
"Ikaw ba ay pinagkakaisahan ng mga lalaking 'yon Irish? Mayabang ang batang 'yon ah porque anak ng may-ari ng school. Basta anak kaya mo 'yan!"
Anong kaya ko 'yon? Binu-bully na ako at nagkakapasa! Kung si Mommy 'to matagal na 'yon sumugod sa school! Isa pa dapat tanggal na sa school ang bidang lalaking 'yon, kasi dami na niyang kaso! Kainis 'to! Wala ka bang pakialam sa anak mo? Nakakayamot! Naiiyak na ako kasi baka may bugbog scene eh damang-dama ko pa man din ang mga skin to skin dito!
Binilisan ko na lang ang pagkain at naligo na, civilian lang ang suot ko since college na si Irish. Nakakainis naman 'to! Kaka-graduate ko lang ng high school paggising ko college na ako! Civil Engineering pa!
Tumingin ako sa salamin at kita kong medyo naghihilom na agad ang sugat ko! Kung totoo 'to, aabot siguro ng buwan. Bwiset naman kasi... Ugh basta, go with the flow na lang, alam ko naman eh, na panaginip lang 'to! Kaya may parte sa akin na libutin na lang ang buhay ng Irish.
"Ayan na siya!" Sigaw ng ilan sa mga estudyante pagkarating ko, parang mga tanga. Sa high school nga 'di namin ginagawa ang ganiyan. Tapos kayong mga kolehiyo na.
Hayst... Pero kahit na gano'n kinakabahan talaga ako, kasi pagdaan ko sa gate, nakatingin silang lahat sa akin ng masama! Kita ko naman 'yong mga kaibigan ko kuno na naglalaro ng basketball ay palapit sa akin. Daig ko pa si Jollibee sa pagiging bida!
Tama, ang isipin ko lang lahat sila ay peke. Ako lang ang totoo dito kahit nga maghubad ako sa harapan nila ay dapat hindi ako mahiya. Imagination ko lang sila, tama.
"Huwag mo na lang sila pansinin tutal nabugbog mo naman ang ilan sa kanila." Sabi ng lalaki at hinakbayan ako, kaibigan 'to ni Irish kaya hinayaan ko na lang pero 'yong totoo nahihiya ako kahit... Kahit alam kong hindi sila totoo.
"Anong huwag pansinin? Kulang pa ang ginawa ni Irish! Ang dami nga nag-aabang sa magiging ganap niya ngayon eh. Tara resbak tayo sa mga kakalse mo! Hahaha."
"Ah eh... Huwag na, n-next time na lang siguro... Una na ako sa klase." Mahinhin kong sabi at mabilis silang iniwan.
Sabi no'ng Hades bawal daw akong may kaibigan sa school so 'yong mga basketball player na kaibigan ni Irish kaaway din ng anim? Meaning magulo sila. Hayst, bahala na. Huhuhuhuhu...
Agad kong hinanap ang room ng Irish, mabilis ko lang nakita since 'yong isang kaibigan ko ay kaklase ko. Nagkaroon ng bulungan sa loob ng university na ito, kung ano-ano. Madalas ko pa makita na nakatingin sila sa akin at umiirap. Maganda ang school at lahat ng istudyante ay may hitsura.
"Masyado kang nagpapansin sa anim kaya 'yan ang napapala mo! So ano na? What happened to your record... 'Di ba ayaw mong mag-absent? Hahaha. Yabang mong manakit ng mga lalaki eh kami ngang mga babae hindi mo kaya." Sabi ng mala-dyosa, makapal ang make-up niya pero halatang maganda pa rin kahit wala iyon!
"Uhm..." Napalunok ako.
Bigla akong kinabahan ng palibutan nila ako sa upuan ko. Sa totoo lang kapag nakakabasa ako nito ang lagi kong sinasabi na patulan na 'yan, pero ngayon hindi ko magawa. Nakakakaba pala. Shutaness!
"Hoy, Trixie tigilan niyo na nga si Irish, pasalamat nga kayo at 'di kayo pinapatulan." Saktong-sakto ang dating nitong friend ko kuno kaya nakahinga ako ng maluwag.
Bakit ka ba kasi lumabas? Wala ka namang ginawa, ano 'yon scripted ba 'yon?! Ay ewan nakakabaliw!
"Salamat ah..." Sabi ko ngumiti naman siya at kinurot ang pisngi ko. Hala second lead ata ito, ay ewan!
Nagbasa na lang ako at tinignan ang mga istudyante, wala silang buhay kasi nakatingin lang sila sa akin. Grabe moving on sa kanila, like pinalibutan ako noong mga babae tapos ngayon parang walang nangyari. I mean 'di man lang sila magbulong-bulong o kaya isumbong nila 'yong nga 'yon kasi 'di naman namin kaklase 'yong Trixie na 'yon.
Nag-aral na lang ako kahit wala akong maintindihan kaya pinapakopya na lang ako ng second lead na friend ni Irish. Hehe...
"Akin na lang 'tong chicken!" Sabi ng kaibigan ko kuno. Nasa cafeteria kami ngayon at kasabay ko ang friends no'ng Irish. Masasabi ko rin na walang ganap sa klase nila kanina, walang ginawa ang mga estudyante kung 'di tignan lang ako ng masama.
Ewan ko na sa Earth. Bahala na.
"Nandiyan na 'yong anim..." Bulong ng katabi ko, napatango naman ako. Nasa likod ko lang, actually interesado naman akong makita pero naiiyak ako. Kada patagal nang patagal ang oras ay na mi-miss ko si Mama.
"Hoy, babae..."
Hayst... Nandito na 'yong kalandian ko, sumubo muna ako ng manok bago lumingon at....
"H-Huh?"
Gagi baka tumulo ang laway ko kasi...
Putangina ang pogi! As in sobrang pogi! Lahat sila pogi! Hindi na ako magtataka, mga kapatid ko nga lowkey crush ko eh ito pa kayang talagang bida! Oh my God! Ang gwapo-gwapo-gwapo-gwapo talaga! Putangina! Putakteng mukha 'yan! Mas pogi pa siya sa artista! Grabe siguro ang descriptions kaya ganiyan ang kinalabasan! Sobrang wahhhhhhhhh!
"Bakit 'di mo pinansin text ko! Ako ang nagtext sa 'yo kagabi!" Sigaw nitong gwapong nilalang kaya as usual napatingin ang mga estudyante! Ang iba naman ay sure akong naiingit kuno kasi gano'n 'yon eh.
Sorry guys ako ang bida, gawa na lang kayo ng sarili niyong panaginip!
Hindi ako nagsalita as in na-star struck ako! Bahagyang nauwang ang bibig ko habang nakatingin sa kaniya, nagsalubong naman ang kilay niya at umirap ng bahagya ng mapansing kasama ko ang mga lalaki kong kaibigan kuno!
Oh bakit selos ka ba? Ang pogi mo gusto mo pakasalan na kita ngayon?! Putek! Babaguhin ko 'tong sa panaginip ko, wala ng pakipot-kipot, altar na agad!
"Hey... w-why are you looking at me like that? May naiisip ka na naman ba na ka-abnormalan? Tsk..."
Ang gwapo mo kaya, sa sobrang gwapo mo nga sarap mo nang ibulsa! Kung marunong lang ako mag-drawing!
Teka nga ano ba magiging tugon ko sa lalaking ito? Like? Sasabihin ko bang tangina niya o sasabihin kong napatawad na siya? Bawal pala talaga akong magpakipot... Kasi tatagal ang kwento at worst 'di na ako agad magigising. Inaamin kong sobrang gwapo niya at kaya ko siyang jowain pero si Mama ko...
"Mag-usap nga tayo nang tayo lang..." Bigla niya akong hinila. 'Yong lima namang lalaking kasama ng Hades ay walang script tapos 'yong mga kaibigan kong basketball player ay napatayo lang pero wala ring sinabi. Habang puro bulungan lang ang mga nanonood sa amin.
"Wait, dahan-dahan..." Halos bulong kong sabi dahil nakakahiya pa rin kahit panaginip lang! Ang pogi niya gagi!
Napanguso na lang siya at binitiwan ako kung saan walang tao... Court ata ito ng volleyball.
"O-Okay ka lang ba? 'Yong nangyari sa iyo noong nakaraan... Uhm hindi ako ang nag-utos no'n... Alam kong 'di ka maniniwala pero... H-Hindi talaga ako..."
Naniniwala naman ako. Kasi dami ko nang na-encounter na ganitong istorya. At dahil hindi ako tangang bida, 'di naman kita sisihin. Siguro kung totoong buhay ito kakasuhan kita pero dahil isa ka lang na poging character, mamahalin kita kahit tangina ka.
"Ah okay... N-Naniniwala ako... Hehehe..." Dapat ligawan na ako nito nang sa gano'n magising na ako. Sa sobrang adik ko naranasan ko pa! Okay lang din dahil never na ako makakakita ng ganitong mukha sa personal!
"Ano?! T-Talaga? Alam mo akala ko... Akala ko, magagalit ka sa akin..." Namula siya ng bahagya, gagi kinilig ka ba? Wow naman Irish ang cute-cute naman ng leading man mo! Nawala ang imagination ko ng magsalita siya ulit. "Uhm... hindi ko... Sandali nga. Hoy babae, nakikinig ka ba?"
"Uh? Oo..." Mahinang sabi ko tumingin pa sa paligid dahil sa kahihiyan. Naiilang ako... Feeling kong may sasabihin siyang ikakalamig ng organs ko.
"Y-Yayain sana kitang lumabas... At bawal tumanggi! Uhm! 07:00 P.M. mamaya, kapag 'di ka nagpakita... Lagot ka sa akin." Biglang pagbabago ng tono niya kaya nanlaki ang mata ko. Madalas kong sabihan ng bobo ang leading lady pagdating sa ganito kasi sa P.O.V. nila gusto na nila ang lalaki tapos kapag niyaya tumatanggi pa. Pero ngayon, medyo naiinis rin ako kahit pogi siya. Putek, may sapi ata ito.
"I'll go first, huwag mong kakalimutan ang sinabi ko." Halos patakbo na siya, nakanganga pa rin ako habang nakatingin sa dinaanan niya paalis.
Pupunta ba ako? Sobrang sama naman ng ugali no'n, kung sabagay nangbubugbog nga eh, dimonyo talaga 'yon. Bastos pa, "hoy babae" lagi ang sinasabi, may pangalan 'yong tao, gago 'to. Putek, kapag tumanggi ba ako bobong bida na ako? Kaya ko lang naman sinasabing bobo kasi pinapahaba pa ang istorya pero kung totoong buhay nga ito aba bakit ang sama noong lalaki kahit may gusto na siya kay Irish? Kaso bawal akong tumanggi... Kapag nagpakipot ako...
"Baka hindi kaagad ako magising! Putek na 'yan!"