Chapter 3

2552 Words
Uwian na dapat namin. Sabay kami ni Addie lumabas ng room since classmate ko siya sa lahat ng subject. Siya 'yong feeling kong second lead hehe... Nagulat naman ako kasi lahat ng basketball player na kaibigan ni Irish ay inaabangan kami! "Irish, totoong bang kayo na raw ni Hades?! Kalat sa buong campus!" Sigaw ng tropa, nasa covered court kaming lahat, as in kami lang. Sinundo nila ako ng mapag-alaman nilang inaabangan ako ni Hades. "Nako, susugurin talaga natin ang lalaking iyon wala akong pakiaalam kahit scholarship ko pa kapalit!" Naiinis nga ako at hindi ko sila matanggihan, kasi siyempre okay na sa aking maging jowa no'ng Hades kahit 'di pa talaga... Malay mo naman 'di ba ito pala 'yong huli ng novel at magigising na ako. "Hindi kami... Siguro pinagkalat lang niya kasi pumayag ako makipagkita sa kaniya mamayang gabi... Uhm, bakit ano bang nangyari at parang sobrang b-big deal hehehe." Nahihiya ako sa kanila, kasi hindi ko naman alam ang istorya nito, bukod doon sa nabasa kong description nito ay wala na akong idea. Pero mamaya nga search ko sa Google kung may Undying Love. Napatingin naman sila sa akin na nanlalaki ang mata, medyo kinabahan ako kaya inangasan ko ang porma ko at kunwaring malakas na nilalang. "Huh? Anong big deal? Talagang big deal ito sa samahan natin! Baka nakakalimutan mong bukod sa pinagkaisahan ka ng lalaking iyon, sila pa ang kaaway namin sa basketball! Pinilayan niya si Nathan pero hindi sila na foul! Maduga at masama ang ugali ng mga iyon! Alam mo ang grupo ng Spade! Lagi tayong pinagti-trip-pan, lalo ka na. Nang malaman niya sa campus na magbabarkada tayo ay dinamay niya kami! Kasi 'di ba pinagbawal niyang may kumaibigan sa iyo! Alangan namang iwan ka namin sa ere kaya ayon, nandidimonyo sila!" "Tapos tinakot ka pa niya dati patungkol sa taxi ni Tito dahil sila ang nagmamay-ari ng lahat! Si Steve rin na siniraan ang binibenta na candies ng mama mo!" Aniya kaya natawa ako pero 'di ko pinahalata. Medyo na ge-gets ko na ang istorya. So, ang magkaaway talaga ang grupo ko saka noong Hades. Ako talaga ang pinaka main na kaaway niya, nadamay lang 'yong iba. Dagdag pa na mahirap lang kami at hindi sila papayag na ang makakatalo sa kanila ay mga poor basketball players kaya marumi sila maglaro. Meron pang rumor na 'yong ilan sa tuta noong leading man ay ginawang pustahan lang 'yong mga kapatid ng mga kaibigan ni Irish. "H-Hindi naman kami ng Hades na 'yon... Pumayag lang akong kausapin siya saka... Wala akong balak s-syotain siya ano, kadiri!" Kunwari kong sabi, nagtawanan naman sila... Napatingin naman ako sa isa pa naming kaibigan, Justin ata ito. Lagi ko siyang napapansin na iba kung tumingin pero ayoko namang sitahin. "Uhm, nga pala bakit k-kumalat na kami na ng lalaking iyon?" "Hay nako! Kanina doon pa lang sa cafeteria, parang may something kayo at pinagkalat pa ni Hades na wala na raw puwedeng kumanti sa 'yo! Eh ano pa ba ang meaning no'n? Siyempre magtataka ang students! At saka 'di mo ba alam? Narito si Sheila Villanueva! Nagkagulo sa buong campus! Kasi may artista at sinabi ng babaeng iyon na kabit ka raw ni Hades!" "Ano?! Kabit?! Teka, teka! Ang bobo naman no'n! Kahit na sabihin kong jowa ko nga ang Hades, hindi ako kabit! Kasal ba sila? Putek na iyan! Tara nga at puntahan natin, magpapaliwanag ako." Nakakatakot kaya, kasi oo inaamin kong hindi ito real world pero para talaga siyang totoo, kaya 'yong kaba at pamamawis ko, ay totoong-totoo rin! Hindi ko naman alam na sa ganito pala aabot! Mama... "Sandali lang Irish! Hinahanap ka ng buong students sa school! Baka pagkaguluhan ka nila, hayaan muna natin humupa 'yong gulo! Lalo pa at baka maulit ang mga pasa mo noong nakaraan, baka mag-abasent ka ulit!" Pinalipas muna namin ang oras bago kami lumabas, wala na masyadong tao sa field. Kaya naman umalis na kami kaagad, kaniya-kaniya kaming dala ng bag... Pero hindi muna kami uuwi dahil may mga van pa na nakaparada sa tapat ng university, meaning nandito pa si Sheila. "Tago muna tayo sa may rooftop or classroom... Baka pagkaguluhan tayo." Sabi ng Justin, tumango naman kaming lahat. Medyo nandidiri pa ako kasi pawisan sila. Two days pa lang ako rito sa panaginip ko pero kung ano-ano na nangyayari! "Ay tangina! Baba!" Pag-akyat namin ay nagulat kaming pababa naman ang bunch of students that I have really no idea where the hell they come from?! Oh putakte! Malas naman! "Where are you going?" Apple tree... Charot... Biglang may humarang sa aming magandang babae at siyempre si Sheila ito. Sobrang ganda niya! Artistang-artista! "You think, makakaalis kayo dito ng buhay?" Ang OA naman nito akala mo kabilang sa fraternity! Bakit gano'n pala 'yong mga nababasa ko, ang lala ng script! "Ah eh... H-Hindi kami no'ng Hades ah, baka isipin mo jowa ko iyon. Saka, kami ng mga k-kaibigan ko eh, wala kaming pakialam doon sa anim sila lang talaga ang nanggugulo... Hehehe..." Marahan kong sabi! Ito naman dapat 'di ba! Ayoko maging tungaw, I mean sa mga ganitong ganap dapat sabihin mo na agad para mabilis matapos! Ayoko ng suspense at dahil pakiramdam ko real world ito ay dapat maging matino ako! Kaibigan ko ang mga kasama ko, hindi sila 'yong kaibigan ko sa school na nakikipag-F.O. kapag same kami ng character na crush, itong mga friend ko ngayon, matured! "W-Wala kaming balak na guluhin ang mga iyon... Sila lang naman kasi..." Gulat silang lahat nakatingin sa akin, maging ang member ng Spade. Oh 'di ba! Kahit hindi ko sinasadya nagiging Jollibee ako! Sakit pala sa lungs kapag center of attraction, magkaka-heart attack ako sa ganito eh! "Wow... So ikaw pa ang tumatanggi na may something between you and him? Hindi kayo bagay, hindi ka magugustuhan ni Tito. You're just a poor scholar girl who's acting weird since day one." Hindi ako magugustuhan no'ng Tito? Bakit tinanong niya ba ako kung gusto ko siya? Joke lang siyempre! Shutanes Hahaha! Ito ata ang part na kapag naging magjowa kami no'ng Hades ay mag-offer sila ng 100M para paghiwalayin kami! Sarap naman no'n! "Sheila, tigilan mo na nga iyan! You didn't even ask Hades to conclude your claim. You have no right to say those things." Singit ng isa sa anim, tapos ang next naman is 'yong second lead. Wala lang feeling ko siya 'yong second lead. "Tumingil na nga kayo! Sa una pa lang bakit ba ang init ng dugo niyo sa amin! Tss, mga mapagkunwari. Kayong anim, wala kaming pakialam sa inyo! Huwag niyo idamay si Irish sa basketball or should I say, huwag niyong idamay ang basketball sa problema niyo sa amin nina Irish!" Ayokong aminin pero natatawa ako! Ngumuso ako ng kaunti para hindi nila mahalatang ngumingisi ako. Nag-uusap pa rin sila habang nakayuko ako. Naririnig ko bulungan ng mga istudyante at hinarang ko ang isang kamay sa bunganga para hindi nila mahalata 'yong damdamin ko. "Tss, papansin kasi siya sa anim, bagay lang sa kaniya iyan. Sheila is better than anyone." "Yeah sis! Agree!" "I don't know talaga kung bakit nagustuhan siya ni Hades, I mean we're prettier kaya." Putangina, ganito 'yong mga nababasa ko eh, intense talaga pero kapag nasa loob ka pala nakakatawa, para silang tanga. Yes I get it, madrama talaga ito pero kasi duh, sinong normal na artistang magkakalat sa school at ipapakita niya ang true color niya sa madla. Itong mga schoolmate ko naman, ang yayaman tapos mga chismosa, nagvi-video pa! Hahaha! Wait, anong taon ba ito? Mukhang bago-bago rin ang gaganda ng phone eh! "Addie, can you please shut up?! And you! I didn't conclude anything that we are in a relationship! I just comand that no one will touch you again... So don't you dare to p-punish me by... Anyway pumayag ka na ngang mag-date tayo ah... Tapos..." Nalusaw ang imagination ko ng biglang tumingin na sa akin ang lahat dahil sa paratang ni Hades The Pogi. Grabe ang gwapo niya pero bobo. Sumulyap naman ako sa mga kasamahan ko at umiling. Oh 'di ba na career ko na ang pagiging bida! Putangina kasi eh! "O-Oo na! Sabihin na nating pumayag ako makipagkita but it doesn't mean na there's something regarding our agreement... It can be uhm friendly date..." Pag-e-english ko na parang bida talaga, ginaya ko 'yong tono ni Sheila para wala lang. Kaya lumaki talaga mata nilang lahat pero wala akong pakialam tutal panaginip ko lang naman 'to! There is no f*****g rules in my head yow! Kahit maghubad pa ako! "Akala ko lang na you want to spend time with me since you and your uhm... members? Want to say sorry to me. At saka puwede rin namang sama-sama ang group ko at saka group mo? Hehehe o kaya kayo-kayong mga lalaki na lang, actually ayoko na rin eh... Hehehehe" Honest kong dagdag from the deep inside of my black heart! Bakit kasi kailangan pa ng grupo? Ano ito MTAP? Huhuhuhuhu! Ayoko na talaga, sa books kapag may groups nakakamangha pero kapag reality, napaka weird! Gumagawa sila ng problema nila eh, mind your own business na lang kasi! "Yuck/Kadiri!" Sabay nilang sabi kaya napadila na lang ako sa labi ko. Tangina niyong lahat. Ang aarte, bahala kayo sa buhay niyo! Tamad na tamad na ako! Na-miss ko bigla si Mama! Ganiyan reaksyon niya eh kapag pinapatay ako ng ipis sa banyo! "A-Anyway, hindi ako kabit ng Hades ah. Lilinawin ko lang po. Wala po talagang something sa amin-" "Huh? Mabuti naman because Tito will never gonna like you! Hindi ka bagay sa tagapagmana!" Nye nye nye... "Sheila enough, aren't you're busy? How many times do I have to tell you that I don't like you?!" Galit na wika ng Hades. Kawawa naman si Sheila pero dimonyo naman siya kaya wala akong pakialam. "Hades tingin mo ba magugustuhan siya ni Tito? Do you think she can replace me? She's poor and inelegant woman!" Gago 'to ah. Kapag nababasa ko ito, sabi ko sabunutan mo. Pero kapag totoo, nakakakaba pala ng very slight. Ito na ba 'yong punto na ma-re-realize ni Irish na hindi sila bagay nitong si Hades? Nako Irish maganda ka, matalino, malakas, at higit sa lahat hindi ka palamunin! Ako nga na si Charlotte na walang ganap sa bahay namin ay jojowain ko pa rin si Hades! Patigasan lang ng sikmura 'yan! "Kung ikaw ang gusto ni Dad! Edi kayo ang magpasakal!" Habang nagkakagulo ang mga magagandang nilalang ay may binubulong na sa akin ang mga kaibigan ni Irish. Panay ang bulong nila sa akin habang ang lima naman sa grupo ni Hades ay nakatingin sa akin. Namamawis ako kasi ang pogi nila! Sabi ko dati, ang landi ng mga babaeng bida dahil hindi makuntento sa isa... Ako nga lahat crush ko ultimo kapatid ko! "Tumakas na tayo. Takbo tayo doon sa may kabilang building. Bawal tayo bumaba dahil may media! Ayoko namang mapunta ang pogi kong mukha sa newspaper!" Bulong nito, tumango naman kami... "Pagbilang ko ng tatlo, takbo na... Isa, tatlo!" Matulin kaming tumakbo ng sabay-sabay parang nagising naman ang mga istudyante at hinabol kami na para bang silang mga zombie! Ramdam kong humahabol na ang lahat rinig na rinig namin ang mga sapatos nila, magkanda-dapa-dapa na nga ako buti na lang at hawak ako ng second lead kaya, kaya ko naman. Nakita namin na bukas ang pintuan doon sa may pinakahuling corridor kaya agad kaming pumunta doon lalo pa at bukas ang ilaw! Kaagad namin ni-lock ang pintuan! Sumilip kami ng palihim sa bintana, kita namin na naghiwalay-hiwalay na ang mga istudyante upang hanapin kami! Kita ko rin ang Spade na umakyat sa kabilang building, nagbabakasakaling makita kami doon! Si Sheila naman ay 'di ko makita marahil hindi nakatakbo sa taas ng takong! "Hayst salamat-" "Anong ginagawa niyo dito mga bata?!" Biglang sigaw ng matanda sa likod namin! Kaya naputol ang paghinga ko ng maluwag. "Sino ang nagpahintulot sa inyo na pumunta dito sa library? Ipinagbabawal ni Hades Grey na kayong labing lima na pumasok dito!" Alam niyo ba kung hindi lang niya sinabi ang bilang namin ay hindi ko pa malalaman. Oo, kasi wala talaga akong pakilalam, lutang pa ako. "Shh, huwag po kayong maingay... Sino rin nagpahintulot sa inyo na sumigaw sa library?" Kalmadong sabi ni Dennis ata ito. Nagtawanan naman ang ilan at bigla ako hinila ng kasamahan ko. "Baka hindi niyo po nakikilala si Irish, siya po ang syota ni Hades Grey... Gusto niyong isumbong po namin kayo? Hindi pa ba nakaabot sa inyo ang balita?" Kalokohan... Paanong matatakot ang professor sa istudyante? Pero malay ko naman 'di ba. Sa totoong buhay at peke, malakas talaga impact ng pera. "Ah gano'n ba... Pagpasensyahan niyo na ako ah. Sige magbasa na kayo." Hala siya... Tapos bumalik na sa puwesto niya na parang walang nangyari, naghikhikan naman ang mga abnoy na kasama ko. "Buti dito tayo nakapunta, hindi ba at bawal tayo sa library kaya hindi nila maiisip na dito tayo dumiretso." Malaki itong silid, as in malaki talaga siya. Dagdag pa na kami-kami lang ang narito kaya mas lalong umaliwalas! "Anong gagawin natin dito? Alam niyo namang mahina ako sa pagbabasa kaya nga scholar lang ako dahil sa basketball." Natatawang sabi ng isa at naupo muna, ang ilan naman ay tumayo para maghanap ng libro sa thesis nila. Ako naman ay naghanap ng mapagkakaabalahan, wala akong pakialam sa thesis, maghahanap ako ng book na pampawala ng stress! "Woah, The Noob Agent!" Pagakamangha ko at biglang natawa, ito ang isa sa paborito kong libro! Nabasa ko na ito ng ilang beses at natutuwa ako kasi sa loob ng panaginip kong novel ay may novel pa sa loob, magulo pero nakakatuwa! Lakas maka nostalgia nang ganito! "Namiss ko si Mama..." Naalala ko noon na sa sobrang adik ko basahin ang librong iyon ay nalilimutan ko ng kumain! Maganda kasi ang kwento, tanga 'yong agent pero siya lagi ang nakaka-solve ng kaso! Tapos baliw din siya paminsan-minsan hahaha! Pero hanep din siya sa lakas makipagbakbakan! "Alam mo iyang kwentong iyan?" Tanong sa akin ni Addie. Tapos kinuha niya rin ang isang kopya at binasa niya pa! =The Noob Agent= Yushia Cristobal, the woman who can do anything just to be a great officer, her I.Q. is... Anyway at least she is beautiful and competitive police officer. She is only living by herself. A strong independent woman but she usually end up saying "oops". She will do anything just to be part of Nico's Group. Aside of that she did everything not to be dumb as hell. "Hay nako, hahaha sobrang grabe talaga ang pagiging bobo niya pero nakakatawa! Hahahaha manhid din iyang babaeng 'yan siguro dahil focus siya sa trabaho..." Sabi ko habang hawak ang libro, binuklat ko iyan at binasa ang iilan sa paboritong part ko. "Nakakatawa itong basahin at nakaka-" "Wait... Sina Hades nandito ata, tago muna tayo!" Aniya kaya umupo kami ng dahan-dahan, ang mga lalaking nasa upuan naman ay nagtago sa ilalim ng mesa! "Shh..." "Prof! Nakita niyo po ba sina Irish?" Boses sa isa sa member ng Spade ata iyon kaya napapikit kami ng sabay ni Addie... Ako naman ay napayakap sa librong binabasa dahil sa kaba hanggang sa... "Nandito po sila?!" Hanggang sa, ay ewan ko na... Nahilo ako at naging itim na ang paligid ko...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD