"May meeting daw mamaya sabi ni Deputy." Hindi ko sigurado kung ganiyan ang narinig ko pero parang ganiyan nga. "Woi, Officer Cristobal! Bangon ka na diyan... Sige ka mahuhuli na naman tayo..."
Kinamot ko ang noo ko at medyo naalimpungatan ako dahil sa sakit ng balakang ko. Nakaupo akong matulog at ramdam kong nakataas ang aking mga paa sa ibabaw ng lamesa, may sumbrero rin ang ulo ko at hindi ko maintindihan ang pakiramdam.
"Hayaan mo siyang matulog... Dagdag problema lang naman siya sa kaso. Kahit kailan walang magandang dulot ang babaeng 'yan." Narinig ko ang mahihinang tawa ng ilan dahil sa sinabi nito.
"Lieutenant, huwag naman gano'n, ginagawa naman po ni Pards lahat eh." Ganting sabi nito sa lalaking kausap... Boses pa lang nila alam ko na agad kung sino ang mas nakakataas. Napalunok ako, kahit nakapikit ng mariin ay ayokong dumilat sapagkat pakiramdam ko mababaliw akong muli.
"Kulang ang salitang lahat kapag siya ang gumagawa, kabutil lang ang I.Q. niyan. 'Di ko nga alam kung paano kapasa ng bar exam 'yan..."
Medyo nanginginig na ang balikat ko. No way, hindi ito puwede. Hindi puwede ang nasa utak ko. Grabe na ito ah. I need psychologist! Ayoko na magmura pero putangina naman. No, hindi puwede.
Gising na ako pero ayokong dumilat. Deja Vu ba ito? Ganitong-ganito ang pakiramdam ko no'n sa bahay ni Irish. Okay, for now tatanggapin ko kung dumilat ako at Irish ang itatawag sa akin pero much better kung Charlotte. Kapag ibang pangalan ang narinig ko. I swear to God. Iiyak talaga ako!
"Officer, nandito na ang Head... Bangon ka na please." Bulong sa akin kasabay ng marahang pagbangga. "Malilintikan na..."
Unti-unti kong tinanggal ang sumbrero ko at tumayo ng dahan-dahan. Nakayuko pa rin ako at ayokong ipakitang may luha sa mata ko. Nanlalambot na naman ako. Ito na naman, ano ba 'to? Kada two days ba iba-ibang panaginip ang mararanasan ko?!
"Oh gising ka na pala... Sakto, malapit na dumating ang Director sa department. Meron na namang mission na guguluhin mo." Iyan agad ang good morning sa akin no'ng Nico. Oo si Nico 'yan, dahil alam ko ang tabas ng dila niya. "Kababaeng tao, kung saan-saan natutulog."
Hindi sinasadyang nadapuan ko siya ng tingin sapagkat sinisilip ko kung narito na ang Head, naririnig ko na kasi ang sapatos nito... Pero putakte nakuha agad no'ng Nico ang atensyon ko! Siya at si Hades! Iisa lang ang mukha, height, katawan, as in lahat! Putangina!
"Dilat na dilat ah, lumalaki na eyebag mo. Try mo kayang tumigil na sa profession mo? Para magka-beauty rest ka? What do you think huh?" Aniya at bahagyang nakasandal sa lamesa, ang isang kamay naman niya ay nasa bulsa.
Noong nababasa ko ang ganito, tawa ako nang tawa sa lait niya pero kapag nakikita, nakakainis pala. Kagigising lang at ngarag-ngarag pa iinsultuhin kaagad?! Kung sabagay, alam ko namang may gusto siya kay Yushia.
"Magandang araw po."
Dumating ang Head at sabay-sabay kaming sumaludo rito, hindi ko alam kung paano kaya ginaya ko na lang sila. Masama ang tingin ng Head sa akin at huminto muna siya sa gitna namin bago niya ako insultuhin. Ito talaga ang nakakabilib kay Yushia kahit bobo siya kasi kahit 'yong Pards lang niya ang kakampi niya sa serbisyo ay nagagawa niya pa rin ang trabaho. Pero kahit na gano'n lutang pa rin ako. Putek, hindi ako makapaniwala napunta na naman ako sa ibang dimension!
"Shia, buti at nagising ka kaagad! Alam mo bang kinabahan ako. Kasi hindi ka naman nila gigisingin eh. Alam mo na, wala namang gusto magbigay sa atin ng mabigat na project..." Natatawang sabi ni Liam. Kilala ko siya at gamay ko na ang kwentong ito. Kaya alam na alam ko kung saan matatapos ito... Kaya lang hindi ko alam kung anong chapter ba 'to, malalaman ko pa lang dipende kung ano ang misyon namin ngayon.
Si Liam ay matalinong pulis kaya lang duwag, si Yushia naman tanga pero matapang. Sila ang palaging magkasama at nagiging sentro ng gulo... Sa sitwasyon naman nila halos lahat ng naisaradong case ay dahil sa kanila, kaya lang sa hindi magandang paraan. At least 'di ba may nagagawa sila.
"Uhm tara na..." Pagyaya ko na lang na may halong sibi medyo nagulat siya kasi hindi ako magaslaw. Sobrang kulit at malikot itong si Yushia kaisa kay Irish. Si Yushia para laging may kiti-kiti sa katawan, malakas din siyang tumawa at lumamon. Hindi rin siya nag-aayos at sobrang baboy sa katawan. Nangungulangot din kung saan-saan. Basta dugyot siya!
"May sakit ka ba? Tara na nga!"
Nagmamadali ang lahat ng pumasok sa loob ng meeting department. The two deputy directors of the Investigation Service, of which I belong, suddenly stand up. Pumunta ang isa sa may projector ang isa naman sa may board na pinagdudugtungan ng mga lubid. Mama ko...
"Mayroong pitong organisasyon. Ang Elite Gods, Opasnyye Bogi, Seitōna Heishi, Zhánshí Shû, Sandatahang Himagsikan, Familigia Infinito, and Ventuno Capo. There are many mafias in the world but let's focus in these main seven M.O.B. bosses." Introduction ng matanda, hindi ko alam kung sasaya ba ako o hindi.
Masaya ako kasi alam ko na agad, as in alam ko kung sino ang kriminal at sino ang dapat naming matsagan, kaya lang malungkot naman ako kasi nababaliw na ako. Kanina lang estudyante ako, ngayon pulis na agad! Tapos ang malupit pa! Ito ang ika-tatlong misyon! Alam niyo bang higit sa trenta ang tatapusing case! Tapos nasa pangatlo pa lang ako! Huhu!
"Obviously by their name it's easy to determine that they are from different countries. We will also study other groups especially those mafia gang is also tripping Philippines."
Lahat sila ay nakikinig at seryoso lamang ako naman ay namumutla na. May parte kasi dito na mababaril ako, sa tagiliran lang naman 'yon pero ayoko pa ring maranasan! Puwede ba akong mag-spoil? Tutal panaginip ko lang naman 'di ba... Kaso kasi... Aaminin ko sa sarili ko na... Hindi na ako naniniwalang panaginip lang ito. Pakiramdam ko, sinumpa ako...
"Sandali nga..." Bulong ko sa sarili ng may maalala... Pero mamaya na lang dahil alam kong mainit ang dugo ng mga tao dito. "Hayst..."
Kabisado ko na ito eh... Sasabihin niya... Let's start in Himagsikan dahil ito ay nasa Pilipinas, His name is not sure yet but his last name is Costa... Psh!
"Let's start with the leader of the Sandatahang Himagsikan because that's here in the Philippines. He's name is not sure yet but his last name is Costa."
Oh 'di ba tama ako! Favorite ko 'to eh!
"Costa is the surname of their boss, he killed the policemen last month alone. He drove a masscre at a bar. He also murdered politicians and business men. The longer we don't catch them the more they can kill innocent people. " Seryosong dagdag nito na nakatawag pansin sa akin. Alam ko isa ang kriminal na taga N.B.I. eh, oh ibang chapter 'yon? Basta alam ko meron!
"All we need to know is who will they target next. The Sandatahang Himagsikan are wealthy family and their mission is to be more rich." Sabi pa nito at pinatong ang dalawang kamay sa lamesa at humarap sa aming lahat. "We need to know immediately who they will target. It could be Genovese Corporation or Bianchi Group. Those are the two richest in Asia and Europe, we need to keep an eye on them."
Habang nagpapaliwanag ang matanda ay ang boring na. I hate criminology! Napansin ko naman si Nico na nakatingin sa akin kaya nilingon ko siya, tinaasan naman niya ako ng kilay at muling nakinig sa matandang nagsasalita. Si Liam naman focus sa sinusulat niya.
Bagong kalandian na naman ito. Pero okay lang, more on action naman ito eh!
"They have committed many crimes including ancient sharking, extortion, gambling, corruption, infiltration of legitimate businesses, labor racketeering, tax fraud schemes, and stock manipulation schemes. And the problem is we can't catch them. They are really smart and everything they do is planned." Pagpapaliwanag nito habang nililipat-lipat ang papel na hawak.
"Agent Valeria, mind telling us what's your thinking?" Biglang tanong ng Head kay Nico, umiling naman ito, siyempre ayaw niya sabihin thoughts niya. Ganiyan naman 'yan eh. Sasabihin na lang niya pagkumpleto na.
Unahan ko kaya ito? Spoil ko kaya sila? Sabihin kong dalawa lang talaga ang grupo ng Mafia ang hinahanap namin. Actually, ang Ventuno Capo ay Italian word na nagsasabi 21 leaders or bosses. Pito daw ang hinahanap namin, ang anim kasi doon magkakampi. So bali dalawa lang talaga.
"They are even more dangerous because we don’t have any idea how they look like. This mafia group are insane. As they make money including their addiction to murder. They don't just kill, they torture it before killing it brutally. These mafia is insanely weird. So we really have to work hard to catch them and make a move as soon as possible. A thousand innocent people died because of them. They are brutal when it comes to murder, and their rules are also strange."
Daming dada ugh! Mafia?! Kainis, walang ganiyan sa Pilipinas pero nagkaroon ng dahil sa kwentong ito! Sobrang cool nito basahin pero kapag nasa loob ka na nakakatakot!
"Lieutenant Valeria, you can lead to see their credentials if they are worthy to your team. Anyway, bilang mga bagong agent, Cristobal at Santos kayo ang magkasama. Lieutenant, sa office ko." May diing sabi nito, tumango naman agad ako. Alam ko namang si Liam talaga ang kapareha ko dito eh. Parehas idiot ang tingin sa amin kahit matalino siya. Kulang kasi ito sa diskarte eh.
"Anong tingin mo doon sa meeting kanina? Paano natin sisimulan? Ang salbahe naman kasi ni Nico, ayaw tayo tulungan!" Reklamo ni Liam habang kumakain ng burger, siya 'yong nagmamaneho ako naman 'yong nasa passenger. Ayokong mag-drive hindi naman ako marunong eh! "Paano kaya natin aalamin, eh ang daming binibigay na limit kapag tayo ang kumikilos!"
Naiiyak na ako sa sitwasyon ko. Wala akong pakialam sa sinasabi ni Liam dahil alam ko naman kung paano 'yon sagutin, pero itong problema ko. Hindi ko alam paano ako makakaalis sa ganito!
"Sandali lang ah... puwede bang hatid mo muna ako sa bahay ko. Tapos saka na natin pag-usapan iyan, may che-check lang ako! Buhahahahahahaha!" Ginagaya ko lang si Yushia, bawat salita no'n may malakas na tawa! Kinagatan ko ang burger ng sobrang laki kaya nangalahati agad! "Ang s-sarap talaga nito!"
"Sige-sige. Oo nga pala doon sa kaso noong nakaraan. Okay ka lang ba, hindi ba nabalian buto mo? Medyo bago-bago pa ang pangyayaring 'yon eh."
Alam ko 'yong tinutukoy niya, 'yan 'yong recent na natapos na kaso. Naresolba 'yon at nahuli ang kriminal nang dahil kay Yushia pero never siyang pinuri! Paano ba naman kasi! May tumakas na preso sa BJMP! Kaso ang gaga dahil tanga nga siya, imbis na habulin 'yong presong nakita niya sa kalsada with her car! Bumaba siya ng kotse at tumakbo siya ng paikot-ikot! Hanggang sa naligaw na siya at dahil bobo nga siya hindi niya napansin na may kotse sa likod niya, nasagasaan siya at swerte kasi nagkaroon ng interruption! 'Yong nakasagasa sa kaniya 'yon 'yong mastermind sa hinahanap na ng kapulisan or grupo niya! Oh 'di ba! At least kahit 'di niya nahuli 'yong tumakas na preso, na end naman ang kasong sinusubaybayan nila. Mahilig din siya mag-volunteer para mag-secret agent! Pinapayagan naman siya kasi wala talagang kriminal na nag-iisip na kabilang siya sa investigation, utak baboy kasi siya! Meron pa ako naalala sa nabasa ko, na kaya raw siya bumaba ng kotse para habulin 'yong presong tumakas, ay para raw patas ang laban. Oh 'di ba. Kulang-kulang!
"Hehehehe, k-kaya ko naman, gusto mo bugbugan pa tayo eh Buwahahahahaha..."
Nasa bahay na ako no'ng Yushia at sobrang huhuhuhu. Ang dumi! As in sobrang dumi! Panty, bra, shirt, pants, lahat nakakalat! Ako lang ang mag-isa dito pero hindi ako makapag-isip ng maayos! Sobrang dumi ng gamit niya!
"Sandali nga, bakit ba sa ibang kwento naman ako napunta?"
Maiintindihan ko pa sa Undying Love kasi, ang pagkakaalala ko 'yon ang huli kong binasa bago natulog! Pero bakit ngayon? Pati ito! Sa story na ito, naaalala kong ang huling setting ko sa Undying Love is 'yong sa library! At pumikit ako habang yakap ang libro dahil sa takot na mahuli ako ni Hades...
O my gosh!
Bigla akong nataranta at tumingin sa salamin! Oo nga pala suot ko 'yong binigay sa akin no'ng parent ni Rafael! Putangina don't tell me tama si John na kulto 'yon!
"No way!" Nanlalaking matang sambit ko at napaupo sa sahig, ginulo ko ang buhok ko at may isang luhang pumatak! "Imposible, mabait naman ako ah, n-never kong ininsulto 'yong anak niya!"
Bakit gano'n?! Kahit ayokong maniwala sa mga mahika! Bakit totoo! Ano ito?! Akala ko kwintas lang! Bakit may sumpa! Sana una pa lang nakinig na ako kay John! Sana una pa lang naniwala na akong weird ang pamilya ni Rafael! Kasalanan ko bang rational akong mag-isip?! I mean hindi ko sila ji-na-judge! Kasi wala akong pakialam sa kanila! Focus ako sa books! Ayoko na, putangina!
"Paano ako makakaalis sa sumpa at ano ang purpose nito?"
Teka nga! May sinabi sa akin noon si John... Sinabi daw 'yon ng Mama niya! Na lahat ng pangyayari ay babaliktarin! Kapag masarap ang pagkaing ibinigay, iisipin kong hindi 'yon masarap! Oo tama! So kapag ang ugali ng bida dito ay marumi?! Dapat maging malinis ako?!
"Gano'n ba 'yon?!" Kausap ko sarili ko. Tinignan ko ang kwintas ko at gano'n pa rin ang histura, maganda pa rin! Hindi ko napansin na sa paglalakbay ko sa loob ng libro, dala-dala ko pala ang bwiset na ito!
Dapat ko na ba itong tanggalin?! Gagi! Baka kapag tinanggal ko mas lalong lumala! Mali, mali 'tong nasa utak ko, bawal ako maging negative! May Diyos, kaya alam kong hindi ako naliligaw. Oo, tama kulang lang ako sa pananalig. Dadating ang araw na magigising din ako sa katotohanan, literal.
"Ibig bang sabihin... Kung anong libro ang mapadikit sa kwintas na ito ay may magic?! Mapupunta ako roon sa loob? Eh teka..."
Paano kung Bible ang mapuntahan ko?! Ibig bang sabihin no'n! Makukulong na ako doon kasi wala namang libro doon! Nakakaiyak naman! Buti na lang nalaman ko kaagad! Pakiramdam ko ngayon magkakasakit ako!
"Tanggalin ko kaya..." Marahang sabi ko, puno ng luha ang mukha ko at may sipon pa ang ilong ko! Magulo ang buhok ko at namamaga ang mata ko! "Baka bumalik sa dati."
Gagi! Nakakaiyak! Nakakapaso siya pagtinanggal! Sinumpa talaga ako! Hindi na ito Lucid Dream! Kung nakakapasok ako sa loob ng librong ito? May kakayahan ba akong baguhin ang istorya?! O my gosh!
Kaagad kong binuksan ang laptop ni Yushia at nagulat ako ng malala! 'Yong putangina, 'yong kwento ng Undying Love! Huhuhuhuhu, nag-iba! Malala!
"N-Nang isang araw na gumising si Irish ay sobra ang sigaw niya ng makita ang dalawang lalaking kapatid. Panay ang iyak at tili niya. Aakalain mong totoo ngunit siya ay nagpanggap lamang, umalis na siya kasama ang mga kaibigan at pinag-usapan ang pagliban ng klase pati na rin ang leader ng Spade na si Hades Grey..." No way... Tangina...
Hindi pa rin ako nakabalik sa pagiging Charlotte kahit binago ko ang ilan sa detalye ng kwento kasi! Nangpapanggap pa rin akong si Irish, dapat ba reverse?! Dapat pala naging maarte ako at nilandi ko ang anim na lalaking 'yon! Kung alam ko lang! Nababago ko nga ang pangyayari!
Paano kaya kung ang kwento ngayon gawin kong weird?! Sundin ko ang sinabi ng Nanay ni John?! Iibahin ko ang kwento ni Yushia?!
Putakteng The Noob Agent humanda ka!