Chapter 5

2780 Words
"What the..." Gulat na gulat si Liam nang makita ako! Hindi ko pinansin ang reaksyon niya at sumakay na sa passenger. Kahit nanginginig ako at nanlalambot mula sa sitwasyon ay pinilit ko maging kalmado. "Pards, ikaw ba 'yan?!" "Uhm, w-what do you m-mean?" "Aba! Hahahaha naks, spokening dollars! A-Anong droga ang nahithit mo at nag-ayos ka bigla? Wala tayong raid ngayon! Amoy na amoy ko pa shampoo mo! Naligo ka pa ah! Hahaha!" Pang-aasar niya habang sinisimulan ang makinarya. Hindi pa rin nawawala ang malalakas niyang tawa! Tss, tanggal angas nito kapag sinabi ko kaniya na 'yong tunay niyang Tatay ay kabilang sa kriminal na huhulihin namin sa Chapter 17! "O-Oh common Liam, b-bawal ba akong mag-ayos?" Maarte kong tanong na dumagdag lang sa tawa niya! Kailangan kong baguhin mindset niya patungkol sa akin! "Gago, huwag ako hahahahaha! Ang sakit mo pa sa ilong! Nahiya si Britney Spear sa pabango mo!" Ngunit kahit papaano medyo gumaan ang loob ko dahil napansin niya ang pagbabago ko! Mula sa buhok, make-up, kuko, aura, maging sa kilos lahat iniba ko! Hinihiling ko lang na sana mapansin ng mga pulis sa department ang mga pagbabago ko! Tingin ko kapag nag-iba ang turin nila sa akin sa trabaho at lahat ng kabaliktaran ay magawa ko, makababalik na ako bilang si Charlotte! Putek talaga, kapag mali ang Nanay ni John sa ganitong set-up, magdudusa ako ng malala! Kailangan kong bilisan, action ang novel na 'to! Maraming beses mababaril si Yushia at ayokong maranasan 'yon! "You know what, y-you should drive na... Where getting late na kasi eh." "Hahaha, Yushia huwag mo akong simulan ng ganiyan kung ayaw mong mabangga tayo! Hahahaha, tangina, naging conyo ka bigla?! Hahahahaha!" Wala pa rin siyang pakialam! Akala niya nagbibiro ako! Totoong ganito na ako, bahala siya! Kaibigan lang naman siya ng bida, hindi siya importante sa casting! "There are only two M-Mafia Gang that we need to find. They are Familia Infinito and Ventuno Capo. Additionally they are not jumping to b-bloody war just for money. They did that because they both have personal argument. They're just going to the Philippines because..." Napalunok ako... I mean kinakabahan ako habang nakatingin sila sa aking lahat. Nakatayo ako sa tapat ng projector habang sila ay nasa tapat ng mahabang lamesa! Nakakakaba! Sa presentation nga sa school magkanda-utal-utal ako, ito pa kayang mga professional na ang nasa harap ko! Kaya nga kinabisado ko as in lahat ng script! "Because... uhm..." "Pards, nosebleed ang abot mo sa ganiyan, ano ba kasing nakain mo kaninang umaga?" Mahinang bulong niya, alam kong biro lang pero dama ko rin ang kaba niya kasi partner kami! "Uhm, anyway... They are just going to the uhm... Philippines because..." "What?!" Inis na pagsingit ni Nico sa akin kaya parang gusto kong umiyak! Hirap pala maging strong. Tamad silang tumingin sa akin at ang iba ay napapairap pa. Kasi naman si Liam, sinabi ko na sa kaniya ang nalalaman ko pero wala raw akong proof! Kaya ko naman akuin ang responsibilidad, dahil alam kong hindi ako nagkamali! Nabasa ko na 'to eh! "You know what haha, stop pretending that you have knowledge about those things you've acknowledge. Hindi puwede ang opinyon sa kaso. We need credible sources and facts! You are perfectly wasting our time. Nag-ayos ka pa talaga for your nonsense conclusion." "W-Wait, Lieutenant... Let me expand my turn to speak. Hayaan niyo muna ako. Kapag hindi kayo sang-ayon edi h'wag... I mean, hear me first before judging me. And I'll make sure, na kapag mali ako, I'll resign." Mahina kong sabi, kung ano ang hitsura ko para lang naman akong si Jollibee na maputla! Sana naman makinig sila, alam kong iba ang tingin nila kay Yushia pagdating sa resign kaya halos lahat sila nanlaki ang mata, si Nico naman napangisi lang pero halatang galit! "Uhm so..." "Huwag mo na ituloy Pards, kahit slow ka... Ayaw kitang mag-resign." Kabadong bulong uli ni Liam pero 'di ko siya pinansin! Ramdam ko naman na nanonood ang Deputy sa gilid, wala siyang reaksyon at kasing weird niya rin tumingin si Justin doon sa Undying Love! "Pards, stop na..." "So... For me kaya magpupunta ang two Mafia Gang in our country kasi..." Hindi ko masabi! Medyo magulo ang kasong ito! Kaya naman talaga nag-aaway 'yon sa Pilipinas kasi 'yong anak ng Pinuno mula sa Ventuno Capo ay nasa kamay no'ng Pinuno doon sa Familia Infinito! Si Stefan Genovese 'yong tinutukoy ko! Isa siyang singer dito sa Pilipinas at ang kinikilala niyang ama ay ang Pinuno sa Familia Infinito! Gusto naman bawiin noong tunay na ama ang anak niya! Siyempre anak niya 'yon eh, saka ang reason din talaga diyan is 'yong Nanay! 'Yon talaga pinag-aagawan ng dalawang Pinuno! 'Yong nakaraan na Bianchi Group at Genovese Corporation sila lang din 'yon! Kasi ang dalawang Pinuno mula sa magkaibang Mafia Gang ay magkapatid! Oh 'di ba ang hirap ipaliwanag! Alangan sabihin ko sa kanila na nabasa ko kaya alam ko! Edi nagmukha akong eng-eng! "Uhm..." Napalunok ako habang nakatingin sila sa akin! "L-Let me explain something m-muna before I c-continue..." Parang tanga kasi 'yong dalawang 'yon! Magkaaway sila sa lahat! Lovelife, pamilya, pera, kapangyarihan, maging sa dami ng tauhan! Ang Familia Infinto, ay nagsasabi na Infinite Family, meaning marami sila na para bang wala ng katapusan ang bilang nila! Kaya hindi nagpatalo ang Ventuno Capo! Nagsagawa siya ng lima pa na Mafia Gang! So bali anim na silang sindikato! Kaya 'yong sinasabi ng Director kahapon na pito ang hinahanap! Dalawa lang talaga iyon! Ugh ang gulo! "Uhm... I want to make it clear. 'Yong Sandatahang Himagsikan na sinasabi niyo na doon muna magsisimula ay hindi ako sang-ayon. Because mas matatagalan ang kilos natin kung sa galamay lang tayo magsesentro. Kasi... Kasi 'yong Sandatahang Himagsikan ay kabilang sa Ventuno Capo." "What the f**k?" Singit uli ni Nico, konting-konti na lang sasapakin ko na 'to eh! Child abuse, lagi niya ako inaaway... Hindi ko mapigilan, naluluha ako sa mga tingin nila. "Are you claiming that those other Gangs came with camaraderie? You think they build that kind of stuff? Nag-iisip ka ba talaga?" "L-Lieutenant hayaan niyo muna si Pards... Kapag napahayag na niya lahat... Saka na tayo magtanong hehe..." Buti pa 'to. Teka nga, jowain ko kaya ito para literal na iba na kwento? Hayst ewan putangina! "Uhm, thanks Liam, anyway... 'Yong meaning mo Lieutenant Valeria sa sinasabi ko ay tama. Ang Sandatahang Himagsikan ay naka-place sa Pilipinas, Opasnyye Bogi naman sa Russia. Tapos 'yong Seitōna Heishi ay sa Japan, actually they are known as yakuza family. While Zhànshì Shû in China and lastly Almuharibin Alshayatin in Saudi Arabia. Lahat ng Gang na iyon ay may connection, each gang has four leaders. Lima iyon kaya naging twenty. Kaya kung mapapansin niyo sa Ventuno Capo na Italian word meaning twenty one bosses ay sila 'yon. 'Yong benteng leader ng mga nasabing Gang ay ang pinaka Pinuno nila ay isa lang. Pero dahil lahat sila ay leader, tinawag silang Ventuno Capo... Meaning 'yong twenty one na iyon lang ang dapat nating bantayan." Hindi ako makahinga, lahat sila nakatingin sa akin at nanlalaki ang mata! Inaasahan ko na iyan, gusto ko lang talaga mag-spoil! Para alam nilang tama ako kapag dating ng panahon! Daig ko pa si Nostradamus sa dami ko alam sa future ng mga kaso na 'to ano! "Excuse me, saan mo naman napulot ang ganiyang istorya? Provide some evidence from your imagination. Officer Cristobal, are you out of your mind?" Sabi ng babaeng kontra bida! Oo siya talaga kontra bida dito sa novel, aagawin niya si Nico sa akin kapag naging magjowa na kami sa malayong chapter! Pero 'di naman siya nagtagumpay siyempre bida kalaban niya! "Give some official claim." Napalunok ako, anong alam ko doon! Huhuhuhuhu, high school lang naman kasi ako, ni-thesis nga 'di ko pa nararanasan! "Where the hell those things came from? Alam mo ba kung gaano kabigat ang kasong 'to? Isang maling kilos lang marami na ang buhay na nakasalalay. Siguro naman Officer, nababalitaan mong may nga namatay na inosente! If Familia Infinito and Ventuno Capo have only personal argument, why the hell politician, policemen, business men, and other government officials need to be m******e by only one suspect?!" "Yes I agree, I have no idea Officer Cristobal that you are now explaining in front of us. This is the first time that you want to share your information, so I actually active here but those things you claim are unacceptable. Para ka lang nanaginip tapos sinunod mo iyon... Very unprofessional." Napalunok ako sa sinabi ng mga extra! Tss, lahat ata sila dito gano'n ang utak! Kailangan kong galingan ang acting skills ko pero hindi ko mapigilang maging maputla! Nanunuyo na 'yong lipstick ko sa labi eh! "Hehehe, sandali lang po. Pards saan mo naman nakuha ang mga 'yon? You mean ang Costa na hinahanap natin sa Sandatahang Himagsikan ay Costa rin ang apelido ng Ventuno Capo, Opasnyye Bogi, Seitōna Heish, Zhànshì Shû, at Almuharibin Alshayatin? Hindi ba parang imposible naman 'yon?" Marahang pagsasalita ni Liam pero nakatingin pa rin sa akin ang ibang agents. "Hindi 'yon imposible. Magkakampi sila while they are fighting against Familia Infinito. Believe it or not 'yon ang paniniwala ko. Bianchi and Costa ay iisa lang. Familia Infinito and Genovese ay iisa lang din. And let me answer each question in your mind. As in lahat pero isa-isa lang... Kaya ko pong panindigan ang mga sinasabi ko. Kaya lang naman namatay ang ilan sa mga kilalang tao kasi they are also belong in those gang it could be Ventuno or Infinito. Nagpapatayan lang ho sila ng mga members dahil ang mga troops po ng bawat gang ay may kinalaman sa politika. Ang ilan pa nga sa mga tauhan ng mga iyon senador, abogado, professor, mayor, agent... They have power and brain kaya nga mahirap sila hulihin." "W-What the f**k? You know what, a group of brainy people with high I.Q. have less mentality if they are together? That's completely a collective stupidity." Natatawang tutol ni Nico, nakakainis siya! Yabang-yabang lagi, may maisingit lang, masaya na! "May kaniya-kaniya naman silang trabaho. Isa para sa information, isa naman bilang assassin at ang iba taga manage ng negosyo. They are not focusing in one subject, I believe they choose to do what things that they are actually talented." Ewan ko kung mukha na akong isip bata pero 'yan na lang ang sinabi ko! Hirap maging matured kapag bully sila! Buti umabot si Yushia hanggang chapter 50! Tangina, chapter 3 pa lang ako mamatay na ako sa nerbiyos, stress, at kaso! Isa-isa sila nagsibatuhan ng mga katanungan, ako naman medyo natuwa kasi alam na alam ko ang isasagot ko! Duh, ilang beses ko na 'to binasa 'no! Sa sobrang dami kong alam nakwento ko na rin sa kanila ang mga personal na buhay ng mga kriminal na 'yon, pati si Stefen Genovese ay na singit ko rin sa usapan hanggang sa lumipas ang oras at lahat ng mga spoil ay nasabi ko na! Nakanganga lang sila sa akin at kapag tinatanong ako kung saan galing ang sagot ko lang... "Theory, hehe?" "Alam mo Pards na hihiwagahan na talaga ako sa 'yo? Bakit bigla ka naman naging ganiyan?" Kunot noong tanong niya. "Napapansin kita ah, ikaw ba ay nagpapabibo roon kina Nico? Kahit magsuot ka pa ng salamin at sabihin sa kanila na barkada mo si Einstein, bano pa rin tingin nila sa 'yo! May pa-conyo ka pang nalalman, ang sabihin mo 'di mo lang kaya ang straight english hahaha!" Abnormal talaga ugali nito. "I d-don't care as long as I did my part as an officer. Hindi na ako maghahabol para lang mapasama sa team niya, we can actually beat them ng tayo lang." Ipapakita ko talaga dito sa istorya kung sino ang pinaka matalino! Wala pang krimen na nagaganap, alam ko na agad kung sino ang kriminal! Nakakaiyak man ang ganitong pangyayari ay handa naman akong harapin dahil na mi-miss ko na si Mommy! The Noob Agent, tss... Gagawin nating The Expert Agent 'yan! Tangina niyo! "Hahaha! Alam mo kidding aside nakakatakot ka na! Alam mo bang pinag-usapan ka kanina ng mga agent, 'yang ayos mo kasi ngayon lakas makahatak ng audience eh! Hindi ka na tumatawa, tapos lagi ka pang malungkot. 'Di ka na rin nampapahid ng basa mong kamay after magbanyo. Depressed ka ba?" "Hindi ah, ayaw mo ba no'n. I am clean na." "Gago! Hahaha pero honestly, weird mo na talaga... Ewan, by the way, simulan na natin ang plano mo. Mag-spy tayo doon sa Genovese Corporation at Bianchi Group isama na rin natin si Stefen Genovese since siya talaga ang pinaka main topic sa theory mo hahaha. Siguraduhin mo lang na may laman 'tong credentials mo kung 'di bye bye na sa serbisyo..." "Oo alam ko naman 'yon." Bulong kong sabi habang inaayos na ang papeles, si Liam naman 'yong nag-co-computer sa tabi ko. Actually props ko lang itong nga papel ko kasi hindi ko kaya basahin 'yong mga details about case nahihilo ako at wala akong gana. "Kain muna tayo." "Sige-sige, una ka na bumaba. Sunod ako, ayusin ko lan-" "Excuse me, Officer Cristobal. Pinatatawag po kayo ni Lieutenant Valeria, sa office daw niya po." Biglang singit ng babaeng extra, nagkatinginan naman kami ni Liam. Papansin lang naman kasi ang lalaking 'yon, bata pa ata si Yushia crush niya na 'yon 'di lang niya matanggap kasi bobo saka walang interest sa kaniya! Siyempre kung 'di ba naman inutil rin ang lalaking 'yon, lagi na lang nanglalait! Asa naman magustuhan talaga siya! Kaya noong mga panahong nanligaw siya, naging manhid tuloy si Yushia! Butinga! Sobrang redflag niya tangina! Pogi kasi siya eh kaya inaabuso niya mukha niya! "Pakisabi, susunod na lang ako." "Saan mo nakuha lahat ng source mo? How the hell you know those personal information? Maging ang F.B.I. have no source to them. Theory mo lang ba iyon or you join something illegal stuff? It is very uneasy that you have those sensitive concrete." "Hindi ah, sa akin lang talaga galing 'yon. Kilala mo naman ako, mahal ko trabaho ko kaya 'di po ako gumawa ng mga gano'n." Pakikipag-usap ko na walang halong tawa, nagsalubong naman ang kilay niya. Tinatamad akong makitungo sa kaniya, mas okay sa akin 'yong Hades kaisa sa dito. Utak nito may ubo. "What's with the po? You know what, in just one snap, you change a lot. Ano 'yon, new beginning? Porque ba nagkaroon ka ng sentiment kanina, you think your a great agent huh? Justify your information so that we can support your claim and reasons." "Anong pinag-usapan niyo? Hahaha binuyo ka na naman no'n panigurado!" Nasa daan lang kami, tapat ng street foods. Kumakain ng kung ano-ano, napakagaling nga eh dahil lasang-lasa ko ang pagkain dito sa fiction world! "He's nonsense, umabot ng 30 minutes 'yon. Tapos ni-interview niya ako about doon sa mga s-sinabi ko." "Naks, interesante siya?!" "Oo nama-" "Magnanakaw!" Sigaw ng babae sa 'di kalayuan kaya nahulog ang stick ni Liam sa gulat, nagkatinginan kami at imbis na sumabay sa pagtakbo kasama niya ay naiwan akong tulala. Si Yushia mabilis 'yon tumakbo, kaya nag-half run na lang ako tutal wala namang kwenta kahit manakawan ang babaeng 'yon o hindi dahil imagination lang siya ni author. Hawak-hawak ko pa rin ang pagkain ko, kung i-de-describe ko ang paligid, medyo kulay blue ito hindi gaya ng pagka-orange sa romance. "Yushia! Hambulin mo na!" Mariin nitong utos sa akin dahil mas malapit na sa akin ang magnanakaw, si Liam naman ay pinuntahan ang biktima dahil nagkaroon ito ng sugat sa braso. "Pards! Kumilos ka naman!" Napalunok ako habang sinasalubong ang kriminal! Wala naman kasing ganitong ganap sa novel eh! Kaya kinabahan ako ng matindi! Sinubukan ko naman habulin ang lalaki kahit na kinakabahan ako, naiiyak ako kasi peligro 'to eh! Pumasok 'yon sa iskinita, nakita kong nakasilip si Liam mula sa kalayuan kaya wala akong nagawa kundi sundan ang magnanakaw kahit pa taranta ako! Bahala na putakte, sure naman buhay ako dito eh, ako ang bida! "Hasyt, p-putek..." Hingal na hingal ako pagpasok sa loob ng iskinita, napahawak ako sa magkabilaang tuhod at tangina s**t! Naramdaman kong pinaliligiran na ako ng mga lalaking nakaitim! Hindi pa ako nakakapagreak ng maayos ng biglang umabante ang lalaki sa akin saka ko na naramdmaan ang biglang paghampas ng mabigat na bagay sa likuran ko! "Ah!" Hindi ko na kinaya, umiyak na ako na parang bata! Biglaan ito, hindi ko gets! Ang sarap nilang isumbong kay Mama! Habang naramdaman ko ng malakas na hampas ay napaupo ako... Tangina, kasalanan 'to lahat ng Nanay ni Rafael! Bakit nangyayari sa akin 'to! Hindi naman ako sobrang dimonyo! Hanggang sa nawalan na ako ng malay...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD