"Tumigil ka sa kakaiyak mo, hindi mo kami madadaan sa ganiyan. Paano mo nalaman ang lahat ng detalye ng grupo namin?"
Huhuhuhu, kung sabihin ko bang nabasa ko, maniniwala sila? Siyempre hindi! Kasi sa mundo nila talagang may buhay sila!
"N-Nasusuka po a-ako..."
Kanina lang ako nagkaroon ng malay, kung 'di lang sila nagpaputok ng baril malapit sa kinauupuan ko! Magulo na ang buhok ko, puno na rin ang pasa ang katawan ko habang ang mga kamay ko sa likod ay nakatali ng mahigpit! Nawiwindang pa rin ako kung sino ang nag-kidnapped sa akin eh! Ang hirap pala kapag binago ang istorya ng kwento! Maraming maiiba at kapag nagkataon! Hindi ko alam kung ano ang ending nito! Mamaya mamatay pa ako eh!
"Masuka ka man o hindi, wala kaming pakialam. Sabihin mo sa amin saan mo napulot ang lahat ng impormasyon mo?"
Natatae rin ako sa nerbiyos, pakiramdam ko magkakasakit ako!
"S-Sir..." Humagulgol na ako nang walang tigil, napasipol naman ang isang lalaki at nagkasa ng baril! Alam kong bida ako pero takot pa rin ako ano! Kasi para talagang real na real! Daig pa nesfruta! Buwakang Ina! "Eh kasi, si Agent Ignacio... Oo, si Agent Ignacio ang nagsabi sa akin!"
Lahat sila ay napatigil ng iilang segundo bago sabay-sabay natawa ng sarkastiko! Alam ko namang iba ang tiwala nila sa lalaking iyon kaya ganiyan na lamang ang reaksyon nila! Sobrang nakakatakot sila, nginig pati bagang! Kumakapit na lang talaga ako sa salitang bida ako eh pero habang nakikita ko sila nalilimutan ko! Nang tumayo ang lalaki mula sa pagkakaupo, ay tinanggal niya ang sumbrero niya at yumuko upang maging pantay ang tingin namin at marahas na pinatong ang dalawang kamay sa mesa na nasa harapan ko, napapikit naman ako! Mas lalo akong natakot kasi pula eyes niya! Daig niya pa 'yong kaklase kong adik sa Mobile Legends!
"Ginagago mo ba kami? Balita ko ikaw daw ang pinaka matapang pero pinaka inutil na officer. Mukhang pinapatunayan mo talaga sa amin kung hanggang saan ang mentalidad mo." Galit niyang bigkas ngunit banayad at kinuha ang yosi niya! Tapos putangina 'yong dulo no'n na may ash! Dinikit niya sa daliri ko!!! "Ganiyan ang pakiramdam ng ginagago... You're f*****g useless."
"Aray!!! Mommy!!!"
Hindi ko na kontrol ang sigaw ko ang sakit ng ginawa niya! Nakita ko 'yong bahagyang gulat nila sa reaksyon ko pero agad din nilang binawi.
"Tama na 'yan Roi... Tanungin mo ulit baka magbago ang bokubolaryo ng pipitsuging pulis na 'yan."
"Putanginang bunganga 'yan, 'yan na ba ang pinaka matapang na pulis? Wala pa nga tayo sa gitna, daig pa ang kinder na iniwan sa first day of school." Seryoso nitong sabi, narinig ko naman ang iilan sa halakhak, halakhak na walang tunog kung 'di purong kayabangan!
"Sa lakas ng record ng babaeng 'yan. Gawa-gawa lang niya ang atungal niya. Hayaan mo mapapagod din 'yan." Sabi ng diyablo at inalis na ang paso sa daliri ko! Pero hindi pa rin ako tumigil sa kakaiyak! Ang sama ng ugali nila literal! "Bitbitin ang bihag na 'yan, pahirapan ng lubusan nang sa gano'n ay magsabi ng totoo."
"W-Wait, huwag!" May halong hagulgol kong pigil. Nag,-stop naman ang tauhan, sinenyasan siya ng lalaking pula ang mata gamit ang tango at tumingin ito ng malalim sa akin! "H-Hindi po ako nagsisinungaling... T-Talagang sinabi po sa akin ni Agent Ignacio! A-Alam kong isa siya sa Boss ng Ventuno C-Capo... T-Tanungin niyo a-ako sa personal na b-buhay niyo! Lahat 'yon alam ko!"
Spoiling time! Bahala na si Batman! Basta, ang importante lang nito ay hindi nila ako saktan ulit! Kahit pekeng mundo ito! Masakit pa rin! Bahala ka na Agent Ignacio! Alam kong lalabas ka pa sa malayo-layong chapter pero wala na akong pakialam, kahit tingin nila sa 'yo loyal, sisiraan kita! Sorry ah, fictional ka lang naman eh! Siya 'yong nabanggit kong taga N.B.I. na kasabwat! Aakalain mong matino at seryoso pero siraulo!
"Ayoko nang ginagago ako. Huwag mong susubuking sayangin ang oras namin, baka hindi pa dumadating si Boss, patay ka na."
"Uhm, t-totoo Sir, promise. Maniwala kayo! K-Kapag nagkamali ako, e-edi..."
"Papaslangin ka."
"No! I mean, kapag nagkamali ako edi mali! Huwag niyo naman akong p-patayin! Uhm, subukan niyo lang namang m-makinig sa akin eh, malalaman niyo 'yon kung nagsisinungaling ako o hindi, tutal e-expert naman ho kayong l-lahat dito! P-Please po..."
Matagal siyang tumingin sa akin bago nagsindi ng yosi. Hindi siya tumango pero umupo siya sa harapan ko. Ang pwesto namin ay nakaupo ako sa tapat ng mahabang mesa habang napapaligiran ng tatlong armadong lalaki, ang dalawang kanang kamay naman ay nasa harapan ko lang, kung kanina nakakaloko ang hitsura nila ngayon naman wala ka ng mababasa, sadyang madiin sila kung tumingin!
"Sino ang asawa ko? Paano ako napunta sa organisasyon? Ano ang layunin namin maliban sa patayin ang taong katulad mo?"
Napalunok ako sa tanong niya, huhuhu at least ako tao! Ikaw nga gawa-gawa lang! Huhuhuhuhu! I-kiss ko talaga si author kapag pinatay ka!
"Josephine Hermosa, m-may apat kayong anak... Uhm, naghihiganti ka sa pagkamatay ng iyong pamilya... Tapos, naging kanang kamay ka ng isa sa B-Boss ng Sandatahang Himagsikan para patayin ang lahat ng nakaharang s-sa 'yo sa serbisyo... K-Kahit ang mga t-tao akala isa kang mabuting governor..." Umiiyak ako habang nagpapaliwanag, hindi naman nababakas ang gulat sa kaniyang mata pero bahagyang gumalaw ang kaniyang labi. "Tapos matagal-tagal na r-rin kayo sa Mafia Gang... Nagkaroon lang ng a-alyansa pati d-dito sa Pilipinas kasi narito si Stefen Genovese. L-Lahat kayo, iniingatan n-niyo siya k-kasi a-alam niyong n-nasa peligro siya habang kasama ang pekeng a-ama..."
Natahimik silang lahat at bahagyang napangiti ang lalaking pula ang mata! Nakangiti siya pero halatang inis! Huhuhu, sabi mo sabihin ko ang totoo, no'ng nagkwento, nagalit ka naman! Huhuhu! Patagal nang patagal, iyak ko na lang ang naririnig, naging tahimik sila at ang sumunod naman na magtanong ang isa pang kanang kamay, buti at hindi nagtanong ang mga extra dahil 'di naman nabanggit sa novel ang ganap nila. Lahat ng istorya nitong dalawa alam na alam ko! Para lang akong nagkwe-kwento sa kaklase ko in taranta way! Gano'n!
"Paano mo nalaman 'yan?" Kalmadong tanong sa akin nang masabi ko ang lahat ng nasa utak ko, namutla naman ako at tumulo ang sipon ko!
"S-Sinabi po ni Agent Ignacio..."
"Sinungaling. Kahit si Boss hindi alam 'yon, imposible rin na siya ang naging kasabwat mo, dahil siya mismo ang nagsabing dakipin ka. Isa pa walang sinuman sa organisasyon, ang nakakaalam ng nakaraan ko maging ang nakaraan niya. Ngayon ko lang nga nalaman na si Erwin pala ay may pastor na ama, at galing 'yon sa bibig mo. Tangina, sino ka ba talaga?"
Okay, lagot nalimutan ko!
Seryoso silang tumingin sa akin habang naniningkit ang mata, aakalin mo talagang papatayin ako ng malala! Naiinis ako, iba impact nila kahit kalmado sila magsalita 'yong words na lumalabas sa bibig nila ay napakasama! Tumayo ang isa at nagkasa ng baril!
"Masyado kang maraming nalalaman, dapat ka ng-"
"Ibaba ang armas at itaas ang kamay!"
Nagulat kami sa sumigaw at lahat kami ay napatingin sa pintuang binuksan ng pwersahan! Tanginang 'yan! Paano sila nakapasok dito ng walang ingay?!
"Tsk," Singhal ng isa at walang ganang tinaas ang kamay, pinikit ng ilan ang mga mata at bumuntong hininga bago ngumisi. Halos lahat sila ay naningas sa kinatatayuan pero hindi kakikitaan ng kaba tapos nakatingin sila sa akin! Siyempre bida ako pero iba pa rin! "Hindi ko alam na ganito pala ang takot niyo sa amin."
Nang masira ang pintuan ay niluwa si Nico pati na rin ang iba sa taga N.B.I. kung 'di ako nagkakamali mga trenta ang dami nila! Nakahinga naman ako ng maluwag, biruin mo papaputukan na ako tapos biglang may pa gano'n! Ang sarap maging bida! Pero medyo masakit din! Kahit alam kong swerte, naiiyak pa rin ako!
"Subukan niyo lang kumilos, pati bungo niyo pasasabugin ko."
Tumigil naman sa paglingon ang mga kriminal at natatawa ng sarkastiko dahil pinapakita nilang wala silang pakialam, kinakabahan na talaga ako. Kasi wala ito doon sa istorya. Nakakatakot, baka mamatay ako.
Nagkatinginan naman kami ni Nico at bakas sa mukha niya ang pag-aalala, iniwas ko ang mata sa kaniya kasi alangan namang makipag landiian pa ako eh pagod na pagod na ako! Mabilis akong tinulungan ng mga pulis at inalalayan, lima na kriminal ang nahuli at kasama doon ang dalawang kanang kamay ng Boss sa Sandatahang Himagsikan. Saka ko lang narinig ang sirena ng pulis ng makitang nakaposas na ang lahat.
"Arestado ka sa salang Kidnapping at Attempted Murder May karapatan kang manahimik, ano mang sasabihin mo ay maaaring gamitin laban sa 'yo sa loob ng hukuman. May karapatan kang kumuha at pumili ng sarili mong abogado. Kung hindi mo kayang kumuha ng abogado, ang korte ang kukuha ng abogado para sa 'yo."
Sabi ng Tito kong pulis kapag wala naman daw nakatingin 'di raw sinasabi ang gano'n, formality lang daw 'yon lalo na kapag may media!
"Hindi inaasahan na ang ilan sa mga nahuling suspect mula sa pagdukot kay Inspector Yushia Cristobal ay mga kilala at respetadong tao sa ating bansa. Ang ilan sa stockholders ng Bianchi Group na sina Karl Chua, Sean Tyler, at Christopher Walken ay nahuli kabilang din sina Attorney Erwin Vega at Governor Hanz Roi Mendez. Hindi pa man nagbibigay ng panayam ang pulisya ay nagakroon na ng patunay na mas dididiin ang kaso ng mga nasabing suspect mula sa kanilang lihim na grupo, muli ako si Thomas Arcana, nag-uulat."
"Kumusta ka na? Ano nangyari sa 'yo Pards? Mahina na nga kukote mo pati ba naman katawan mo? Sabi ko naman sa 'yo, isa-isa lang eh! Hehe joke lang, galing mo nga eh!" Bawi niya pero wala akong pakialam. "Bwiset, sana pala hindi ko na lang pinahabol sa 'yo 'yong magnanakaw! Saka alam mo ba kinulong na rin namin 'yong babaeng sumigaw na na-holdap daw siya... Kasabwat pala!"
Hayst, hindi ko siya gets. Inaantok ako. Dami kong ginawa ngayon. Kaya lahat ng pumapasok sa bunganga niya 'di ko maunawaan! Dagdag pa na naiiyak ako, siyempre I need my Mom! Miss na miss ko na siya tapos kung ano-ano nangyari sa akin. Lagot talaga 'yong mga kriminal na 'yon! Kaya sa sobrang gigil ko sinumbong ko na si Agent Ignacio sa mga pulis!
"Wait, huwag mo muna ako kausapin." Nanlalambot kong sabi habang nakahiga sa hospital bed. Nahimatay daw ako sa kalagitnaan ng biyahe, sino ba naman kasing siraulo ang 'di hihimatayin?! Kahit ako si Jollibee, hindi pa rin 'yon sapat na dahilan. "A-Alis ka muna, sakit ulo ko..."
"Uhm, galit ka ba Pards?"
Galit? Mas mukha akong bangkay kaysa galit. Hindi ba niya nakikita ang dami kong pasa? Kung sa bagay marami sa chapter na may tampuhan itong si Yushia at Liam pero wala akong pakialam!
"Nope, sige na... Alis ka muna."
"Sus, hindi raw galit." Rinig kong bulong niya. "Galit ka! Porque ba na hindi ako sumama sa raid kanina? Eh kasi naman, alam mo na... N-Nakakatakot kaya, mamaya mabaril ako doon! Eh halimbawa nabaril ka, tapos nabaril din ako? Oh edi walang pupunta sa lamay nating dalawa kasi parehas tayong patay! Kaya mas... Ano Pards, mas okay sa akin na isa-isa lang para 'yong isa naman ang aasikaso sa libing..."
Grabe, anong palisot 'yan?! Sa novel bawat dahilan ni Liam palaging naniniwala si Yushia, kasi nga tatanga-tanga!
"Sige na lang." Tinatamad akong kausapin siya, sakit ulo ko eh. Malala ang damage ko pero sabi no'ng doctor minor lang naman daw. Mabilis ang healing sa libro pero pakiramdam ko fifty-fifty na lang talaga ako eh. "Bye-bye muna."
"Oh edi sige, pahinga ka muna. Nga pala nandito si Lieutenant, papasukin ko ba?"
"Huwag! Please, huwag... Sakit ulo ko, ayoko ng bisita... Pakisabi, tulog na ah."
Ayokong makita ang Nico na 'yon, kasi isa lang sa dalawa ang gagawin niya, una lalaitin o 'di kaya lalandiin ako! Bawal 'yon, hindi siya ang gagawin kong kapartner ko! Kailangan ko baliktarin ang lahat ng kilos ko dito sa novel para bumalik sa dati. Hinihintay ko lang talaga 'yong second lead... Matagal-tagal pa darating 'yon eh.
"Minsan talaga kung sino ang weird 'yon pa ang genius!"
"Simula no'ng naging hygienic si Yushia naging matino na ang pag-iisip niya sa kaso at kahit papaano ay may common sense."
"Hindi na rin siya wrong grammar."
Jollibee na Jollibee ang dating ko pagdating sa department! Pagpasok ko pa lang pinalakpakan na ako ng mga kapwa workers ko! Hindi ko mapigilang 'di ngumiti kasi never ito nangyari! I mean, wala sa novel na pinuri si Yushia! Kahit naman nahihiya ako at nangangatog ay ngumiti ako ng mahinhin!
Bigla namang may humakbay sa akin, kaya nawala ako sa poised!
"Naks Pards, mukhang pupurihin ka ng Head ah. Tama kasi ang theory mo na ang ilan sa mga kriminal ay may pangalan sa pulitika! Mamaya may meeting, tatanungin ka kung paano 'yon pumasok sa utak mo. Tapos sinabi na rin ng itaas na mapunta sa atin si Lieutenant! Para mas mapalawak ang kaso. Isa pa nga pala si Agent Ignacio papasok sa interrogation since naniniwala ang ilang official sa mga sinasabi mo."
"Yehey!" Parang bata kong sabi kaya nangunot ang noo niya. Actually, tuwang-tuwa ako sa mga sinasabi niya! Biruin mo 'yon nagawa ng isang 17 years old ang gano'ng uri ng kaso! Masaya ako pero ayokong sumabay sa ugali ni Yushia, kaya binawi ko ang reaksyon ko. "By the way, tara na... Masakit pa ang ulo ko..."
"Uhm, o-okay-okay!"
"Continue the investigation into Bianchi Group and Genovese Corporation silently. Because we cannot study their territory, having a search warrant is a skeptical and long process for people like them. It's difficult to apprehend, they are varied and scattered. Anyway, regarding what Officer Yushia said, the six organization are together in Ventuno Capo Mafia Gang. For now, we need to wait in our Commander if we will need the help of the international authority."
Mabuti na lang at hindi na ako pinilit na tanungin kung saan galing ang theory ko! Siyempre nabasa ko lang iyon, tinulungan ako ng Deputy na magpaliwanag! May mga cases daw talaga na hindi na kinakailangan ng critical thinking!
"We shouldn't let anyone know what our next move is. The fewer we are, the more definitely not publicized. Especially now, gangs are more secure themselves since five of the M.O.B. members are in
cross-questioning. When we ask for help from other professionals, we're not sure if we can trust all of them... We need to stick to Liam and Yushia's plan since they know the lawsuit, let them in the spotlight of this case." Mahabang paliwanag ni Nico, napatango naman ang ilan ako naman tulala lang sa isang tabi.
Hindi ko sila gets.
"Yup! Tama, habang nagsesentro tayo sa balak namin ni Yushia hayaan natin ang ibang officers sa plano nila. Uhm, so ang unang strategy ay mag-spy tayo sa Genovese at Bianchi... Which means sa Familia Infinito at Ventuno Capo at kailangan natin ng agent para kay Stefen Genovese." Dagdag ni Liam, tumango ulit sila.
Sana huwag nila ako pagtrabahuhin, pagod na pagod na ako.
"Since sanay ka na maging secret agent, Officer Yushia... Ikaw na ang bahala kay Stefen Genovese." Singit ng Head kaya nataranta ako at napatayo! Dami ko nang natulong nagtatrabaho pa rin ako?! Paano kung ma-kidnapped ako ulit?! "Alam namin na hindi ka sanay sa office lang so... You can-"
"Hindi po! I mean, okay lang po sa akin dito ako sa office, saya-saya kaya dito bonding-bonding hehehe... Tapos ang g-ganda ng paligid."
Huhuhuhhuhu, weird silang tumingin sa akin! Kahit si Liam eh! Damang-dama ko pagiging bida ko, sakit sa lungs. Kulang na lang lagyan ako ng tarpaulin sa dibdib na may nakatala na "center of attraction". Sobrang tangang-tanga ako sa kilos ni Yushia, pero gano'n din pala ako. Mas malala pa kasi, hindi naman ako kasing lakas niya!
"Kailangan ka sa case. Ikaw ang kinuhaan ng conclusion so technically ikaw ang may responsibilidad sa lahat. Kung ayaw mong matsagan si Stefen Genovese, sasama ka na lang sa akin para pumasok sa building ng mga Bianch-"
"No! Sa ano na lang ako, doon sa singer! Hehe sakto idol ko 'yon eh..." Kunwaring masayang sabi ko kahit 'di ko naman nakikita pa 'yon! Siyempre naman ang kilala kong singer ay sina Gary Valenciano! "Hehe, ano ba gagawin ko sa Genovese na singer? Babantayan lang?"
Kahit 'di ko sadya, mayroon pala kaming pagkakatulad ni Yushia... 'Yon ay ang pagiging taranta. Sobrang hirap magpanggap. Sa totoo niyan ayoko talaga kasama si Nico, kasi imposible na wala kaming moments niyan! Worst pa baka may halikan at 'yong ano, basta 'yong ano! Gano'n! Poging-pogi talaga siya pero I can't! My gosh, 17 years old lang ako at 25 na siya dito! 25 na rin naman ako dito sa book pero ayoko pa rin! Naiisip ko pa lang si Mama, nako!
"Uhm, okay. It is also the best for you. Bago lang ang insidente at tingin ko naman hindi ka malalagay sa peligro dahil mukhang iniingatan ang singer na 'yon ng mismong italian organization... So no worries, sasamahan ka naman ng ilan sa ibang department. Kami na ang mag-aasikaso kung paano ka makakapunta sa agency." Sabi ng Head, tumango naman ako, ramdam ko ang tingin ni Nico sa akin parang hinihimay ang ugali ko.
Tanginang 'yan. Huhuhuhu.
"Naks Pards, ngayon ka lang tumanggi na maging partner kayo ni Agent Nico ah, dati hapit na hapit ka sa kaniya eh." Bulong ni Liam.
"G-Gano'n talaga, I need to reverse everything..."