"Wahhhh! Stefen!"
"Pakasalan mo 'ko!"
"Ahhhhhhhhh!"
"We love you Stefen!"
Nasa backstage ako ngayon habang pinapanood si Stefen na kumanta sa stage. Kahit anong ganda nitong nakikita ko wala akong gana, kasi baka ma-kidnapped ako ulit saka hindi rin maganda ang atmosphere dito dahil halos kalahati ng fans ay tumitingin sa akin! Kulang na lang lagyan din ako ng liwanag! Alam kong bida ako pero sobra naman ang gano'n!
"Wala bang kahinahinala sa event?"
"Wala naman..." Tamad kong sagot gamit ang earpiece na connected sa headquarters. "Sige standby lang, 'di rin naman kita marinig ng maayos, maingay dito."
Nakapasok lang ako sa mundo ni Stefen dahil pinagpanggap nila akong assistant. Kinausap namin ang tunay na trabahador ng singer at gumawa ng plano para palabasin na pamangkin ako no'n. Napakadaling kontrolin ng lahat dito sa libro, mahirap lang dahil kailangan kong tanggapin ang consequences.
"Roger, roger."
"May kausap ka ba?" Biglang singit ng Manager sa likod ko, hindi naman ako nagulat kasi lagi naman may pa suspense ang novel! "Bakit parang may narinig akong kinakausap mo?"
"H-Hindi po, sumasabay lang sa kanta."
Kapag ako nainis, pupunta talaga ako sa Disney! Sa fairytale na lang ako maninirahan at pupunta agad ako sa may ending, babaliktarin lang naman ang kwento eh! Pero hirap na hirap ako!
"Ah okay, well after this, guide mo na lang si Stefen sa dressing room niya. Then for awhile maghintay for the mid of this event. May photoshoot siya with the cast of the movie. Babalikan ko kayo, mauna muna ako."
"Sige po."
Mabilis natapos ang mga pangyayari at nagpunta na kami sa corridor ng event, ang daming posters sa gilid ng iba't-ibang movie pero 'yong pinaka malaki sa lahat na larawan is 'yong "Ivory Blood" puro zombie 'yong nasa picture ng background habang ang mga bida naman ay nasa front. Ito 'yong movie na isasagawa at ang singer ng theme song ay si Stefen.
"Maganda ang movie na 'yan!" Biglang sabi ng make-up artist, tumango naman ang ilan at nagpatuloy sa daldalan.
"Hehe m-mukha nga pong maganda..."
Medyo weird, porque ba huminto ako, hihinto rin sila?
"Maganda ang plot ng story... Nabasa ko na 'yan." Pagsingit ng singer, dahilan para mas lalo akong makaramdam ng hiya.
"N-Novel?"
"Yup, actually kuha ang story sa pocketbook then ayon... Ginawang movie dahil sumikat." Paliwanag niya habang nakangiti, sabay kaming lumingon sa poster. "Gusto mong mabasa it-"
"No! Hahahaha... A-Ayoko basahin, panoorin ko na lang iyan."
Nagulat ang ilan sa reaksyon ko maging ang singer! Kahit anong gawin ko, nagiging Jollibee ako ng 'di ko sadya! Pero kasi hindi rin naman ako masisi, ayoko talagang basahin 'yong istoryang iyon! Mamaya mapunta pa ako doon! Duh, I love horror stories pero kung maranasan ko 'yon ay salamat na lang sa lahat!
"Uhm, okay... I thought you were interested kasi."
"O-Opo sir... Interesado naman ako medyo hindi lang ako fan ng zombie-zombie..."
"Excuse me po, ready na po para sa photoshoot. Stefen, hinihintay ka na doon." Biglang singit ng extra at binuksan ang pintuan.
"Yeah, give us a minute."
Tumayo na kaming lahat at dinala ko na 'yong bag ni Stefen. Hindi pa ako nakakalakad ng ikalawang hakbang ng tinawag ako nito.
"Catch!"
"Ay putangina!" Gulat kong salo sa binato ng singer na libro, nanlalaki naman ang mata nila sa mura ko! Pero wala akong paki! Gagi, muntik ng dumikit sa kwintas ko 'yong novel! Gago, horror pa man din! Saka may sugat pa kamay ko mula sa pagkakapaso ng yosi! "Ah-eh, s-sorry po... Nagulat lang ako."
"Hmm, ako rin nagulat." Sagot niya, natawa naman ang nag-aayos sa kaniya. "T-Try mo lang basahin, uhm haha. I know you're not into zombie or apocalypse vibes but maganda naman..."
Bakit ba pilit siya nang pilit?! Like what the heck? Kanina ko lang siya nakilala. Mabait siya at nakakatuwa iyon pero alam kong may lason na ang utak niya since nakadipende sa author kung ano ang ugali niya.
"Gano'n po ba, sige salamat."
Matapos ang ilang oras ay natunghayan ko na lang ang sarili na nakatingin sa paligid habang tulala. Nakakaiyak eh, nakakaligaw. Hindi ko kaya i-handle 'yong ganitong role.
"Hello?" Sagot ko sa biglang tumawag.
"Pards! Tanggalin mo muna ang contact sa earpiece mo. Putulin mo na, may scale si Nico, puwedeng nakakonekta ang mga pinag-uusapan niyo sa iba't-ibang organization!"
"A-Ano? Uhm, okay!" Mabilis kong ini-stop ang earpiece na nasa tainga ko. Bahala na kung magalit ang department sa kabilang linya, bida naman ako eh. "How did he know?"
"Hindi ito ang oras para i-english mo ako Yushia! s**t, seryoso ako ah! Explain ko mamaya. Sa ngayon gumawa ka ng paraan para makaalis kayo ni Stefen diyan sa place!"
"O-Okay-okay."
Medyo kabado ako sa mga magaganap, nakakatuwa na naiba ko ang pangyayari pero hindi ko sure kung maganda pa rin ba ang pagtatapos. Tangina kasi eh, una pa lang bakit ba ako napunta sa ganitong sitwasyon! Hindi naman ako sobrang adik magbasa! Mild lang!
"Are you out of your mind?"
May idea naman ako na mabait ang mga Costa kung para sa Genovese, ngunit 'di ko sure kung gano'n pa rin ang ganap.
"Uhm Sir Stefen, sumama na lang kayo sa akin. Iuuwi ko na po kayo."
"Huh?! Hindi puwede. Saka bakit ba biglaan?"
"H-Hindi nga kasi... Hayst bahala na," sabi ko at ako ang humila sa kaniya palabas!
Hindi naman siya bumitaw since gano'n ang mga nasa libro, kapag once na nahawakan na! Hindi na sila makawala. Iniwasan na lang namin ang mga guards at ngumiti ako ng plastic, sakto pagbukas ng glassdoor, bumungad naman si Liam sa amin!
"Sakay na!"
Nalilitong sumama si Stefen pero agad ding pumunta sa back seat habang nasa passenger ako. Hindi ko maiwasang matawa dahil napaka daling dalhin sa sasakyan ang isang sikat na singer as long as nasa libro! Biro mo, nagawa ko 'yon ng ganoon lang!
"Hey, saan niyo ba ako dadalhin at sino ka naman?" Sabi ng singer sa likod habang mabilis na nagmameho agad si Liam.
"Pulis kami."
"Huh?!" Gulat niyang bulalas sa sagot ni Liam, tumango naman ako.
"P-Paano niyo nalaman ang transaction na may mangyayari mamaya?"
Kahit naman ganito, interesado pa rin ako sa takbo ng kwento. Fan ako ng novel na 'to kaya medyo ma-he-hurt ako kapag naiba ang takbo ng istorya.
"Mamaya na lang."
"S-Sige... Sandali, may tumatawag."
"Sino?" Agad niyang lingon sa akin.
"S-Si Nico, w-wait sagutin ko lan-"
"Huwag! Akin na phone mo."
"B-Bakit?" Sagot ko sa kaniya kasabay ng pag-swipe para ma-answer ang call.
"Sinagot mo?!"
Nagulat ako sa pagsigaw niya pero wala me pakialam, si Liam lang naman 'yan. Kaya nag-sign hand na lang ako na tumahimik siya.
"Yushia!" Maingay na tawag ni Nico sa akin kaya na highblood na naman ako. "Hoy! Yushia!"
"Oh?!"
"Kasama mo ba si Liam ngayon?"
"Opo, bakit?" Sagot ko sabay sa paglingon kay Liam. Hindi naman na niya ako pinigilan ngunit binilisan niya ang pag-andar ng sasakyan!
Tangina medyo may hindi maganda ako pakiramdam ah.
"Si Liam, delikado siya! Isa siya sa Pinuno ng Gang!"
"Ano?!"
"Gumawa ka ng paraan para matigil ang sasakyan! Nasa likod niyo lang ako kanina pa! Bilisan mo!"
Tangina! Sobrang nag-iba ang pangyayari! Ang alam ko mabait 'to si Liam ah! As in! Siya pa nga ang best man ni Nico eh kapag kinasal kami sa ending!
"S-Sige," kabado kong sabi at tumingin kay Liam. Hindi ko siya ginalaw kahit na alam kong may something sa kaniya, siyempre kabado! Ang singer naman sa likod ay lito lang na tumingin sa akin!
"Ngayon alam mo na?" Bigkas ni Liam, kaya medyo namutla ako.
Tangina, hindi ko alam kung ano mararamdaman ko. Takot ba o taka o panghihina? Nakakahilo putangina!
"Oo..." Mahina kong sagot, natawa naman siya ng kaunti. "Bakit iba?"
"Anong bakit iba? Iba ang pakikitungo ko sa 'yo? Alangan para gumaan ang loob niyo sa akin. Madali ka pa lang mauto."
Hindi na ako nagsalita at napalunok na lang. Inis siyang lumingon sa akin. Alam kong 'di niya inaasahan tugon ko pero tangina kasi para akong binuhusan ng malamig na tubig!
"Hey, ano bang nangyayari dito?"
"Tumigil ka!" Sagot nito kay Stefen.
Tumingin ako sa rear mirror pansin kong sumusunod na ang mga itim na sasakyan, palagay ko mga kapulisan na 'yon! At dahil bobo nga rin ako katulad ni Yushia, nalaman ni Liam kung ano ang tinitignan ko!
"f**k!" Agad niyang binilisan ang pagtakbo at niligaw ang pulis.
Hanggang ngayon lutang pa rin ako kahit mabilis ang sasakyan ay wala na akong maramdaman. Sa iba ako naka-focus habang nakahawak sa seatbelt ko.
"s**t!"
Mabilis na umabante ang nasa likod na sasakyan, nagkaroon naman ng trap... Si Nico na ang nauna at malakas na drip ang ginawa niya sa harap namin! Huminto naman si Liam sa pagmamaneho upang hindi kami mabungho ng gilid ng sasakyan ni Nico!
"Langya..." Bulong ni Liam, nagkatinginan naman kami, mabilis niyang kinuha ang baril niya kaya kinabahan ako ng malala!
Hindi niya pa nahahawakan ang pistol ng maayos ay agad na akong bumaba, iniwan ko na ang singer sa sasakyan since hindi naman siya totoong tao!
"Yushia!" Sigaw ni Nico pero wala akong pakialam!
Mabilis akong tumakbo palapit sa pulis kaya lang! Nakarinig ako ng kasa ni Liam at dahil tungaw ako ay lumingon pa ako sa kaniya! Tinutukan niya ako ng baril, pakiramdam ko na-stun ako sa kinatatayuan ko, 'di ako makakilos! Nakakaiyak!
"Huwag kang gagalaw!"
"Liam! Ibaba mo ang baril mo." Sabi ng leading man pero ngumisi lang si Liam at tumingin dito, 'yon na 'yong chance ko para makatakbo!
"Yushia!"
Kaya lang putangina, nakarinig ako ng putok ng baril! Sakto namang nakatakbo si Nico papunta sa akin! Gagi, muntik na ako! Bumagsak kami ng sabay sa sahig! Ang sakit gagi! 'Yong ulo ko nag-bounce sa braso niya! Akala ko dati nakakakilig 'to, hindi pala!
"Putangina..."
Binaril naman ng pulis ang kamay ni Liam at dinakip ito! Tumingin ako sa kaniya at nakakatakot siyang ngumisi kaya nanginig kalamnan ko! Putakte, bakit naging gano'n 'yon? Sobrang naiba gago!
Gagi, muntik pala akong mamatay buti na lang bida ako!
"Aray, 'yong paa ko nadaganan." Nagulat ako, kaya tumayo agad ako sa pagkakayakap sa akin! Hindi ako naaawa na nabaril siya, hindi naman siya tao eh. "Ang sakit."
"A-Ayos ka lang?" Pag-aalala niya sa akin kahit siya 'yong may tama sa bandang likuran.
"O-Oo, ikaw?"
Nanghina na si Nico bago ang insidente. At dahil nga strong ang role niya, hindi siya nagpa-confined sa hospita! Nasa condo lang niya kami! Kasama ko ang ilan sa inspector habang pinapanood si Nico na namamahinga.
"Mauna na kayong umalis... Alamin ang bawat pangyayari sa headquarters. Mag-order na rin kayo ng warrant para sa mga Genovese. Hindi muna 'to dapat malaman ng media." Utos ng Deputy, kaya lahat kami ay tumango at paalis na. "Officer Cristobal, maiwan ka."
Nagkatinginan kami ng ibang pulis, tumango sila at umalis na ng kwarto. Nakakainis porque... Ugh!
"Bakit po?"
"Ikaw na ang maiwan dito para kay Lieutenant Valeria. Hindi rin siya ligtas ng mag-isa dito."
Eh bakit babaeng pagbabantayin mo? Gago ka!
"Baka mas lalo lang sumakit ang ulo ko kapag kasama ko 'yan..." Wika ni Nico, kahit konting kembot na lang mamatay na siya.
"Uhm, agree po ako kay Lieutenant. Hindi naman ako makakatulon-"
"Magkasama kayo sa team. You should help each other as the sign of camaraderie."
Wala na kaming nagawa ni Nico sa utos ng buang na Deputy kaya naman nag-agree na rin ako since super putla na no'ng leading man. Kahit naman kasi isipin ko na peke siya ay naaawa pa rin ako. Kaya naman ito ako ngayon, naghanda ng pamunas at maligamgam na tubig sa planggana. Pupunasan ko lang sugat niya para kunwari may kwenta ako.
Pagbukas ko ng doorknob 'di na ako nagulat na naka-upo na siya sa kama at ang paa niya ay nasa sahig. Uminom siya ng gamot tapos tinaasan ako ng kilay.
"Okay ka na?" Marahan kong tanong nang makatayo sa harap niya. Medyo kabado bente ako, gagi baka magka-moment kami nito! "P-Pwede na ba akong umali-"
"Para saan 'yan?"
"Ito? S-Sa sugat mo."
"Okay..." Aniya kaya umupo na ako ng tahimik at huhu nakakailang... Kinuha ko 'yong towel tapos nilublob ko, then piniga.
Paulit-ulit lang.
"Hanggang kailan ka matatapos sa ganiyan?"
"Ito na..."
Nanginginig na ang kamay ko 'di pa nakakadikit sa balat niya...
"Ako na nga lang!" Aniya at nakahinga ako ng maluwag ng siya na ang kumuha ng towel! "Para ito lang 'di pa magawa ng maayos."
"S-Sorry naman... Uhm paano niyo pala nalaman na si Liam 'yong suspect?" Tanong ko kunwari. Nangunot noo niya pero sumagot din naman.
"Lahat ng details sa kaso niyo noon. Hindi 'yon aksidente na na-solve. Gumawa siya ng pekeng files, para ang sisihin ay ang mga Costa. May pictures rin na ang ilan sa leader ng M.O.B. ay kasamahan niya noong kolehiyo siya."
Ahh, eh paano nasingit sa kwento 'yon gayo'ng bata pa si Liam at Lolo na ang ibang leader?! Tangina ang gulo! Si Nico pa rin kaya leading man ko? Siguro. Kailangan ko mag-search, hindi puwedeng tanga lang ako lagi. Magulat na lang ako si Deputy na pala kapartner ko.
"Uhm, uuwi na ako."
"Sandali," aniya at hindi sinasadyang mahigpit ang hawak sa akin. Kaya medyo nawindang ako.
"B-Bakit?"
"Samahan mo m-muna ako."
What the f**k?! Landian na ba 'to?!
Hindi ko maitatangging gwapo talaga siya pero 'di rin maitatanggi na matanda na siya for me! Magkasing-age man kami dito but the real me isn't!
"S-Sige... Anyway paano ka nagkasugat sa mukha eh binaril ka sa likod ah." Sabi ko habang nakatingin sa hitsura niya, fresh pa 'yong mga pasa sa pingi niya.
"Dahil sa 'yo."
"Ano?! Dahil sa akin? Ba't ako?!"
"Baka nakakalimutan mong niligtas kita, ginawa mong tungkod ang mukha ko para makatayo!" Aniya kaya medyo naalala ko. Takot lang naman kasi akong magka-sweet scene kami. May chukchak ang novel na 'to mga chapter 21 pa pero baka mapabilis kasi iniiba ko. "This is all your fault."
"S-Sorry..."
"Everyday pa weird ka nang pa weird. We silently see the way you act. Nag-iba na rin style mo sa damit and believe it or not akala ko dahil lang 'yon sa report mo. Everything about you changed. May pinopormahan ka ba?" Parang walang sakit niyang sabi.
"G-Ganito na ako eh."
"And? May pinopormahan ka?"
Ano ba sasabihin ko? Mairoon o wala? Kapag wala magmumukha pa rin akong Yushia. Dapat...
"Mairoon." Nanlaki ang mata niya at tumingin sa akin.
"Then, who?"
Putangina, 'yong second lead 'di pa pinapakilala. Alangan namang sabihin ko pangalan no'n? Ano 'yon radar sense?!
"S-Si... Si..."
"Akala ko ba ayaw mo ng boyfriend?"
"Sinabi ko bang boyfriend?"
Oh boom panis!
Gagi, gawin ko na lang kayang babae trip ko?! Para literal na baliktad?! Gagi! 'Yong may gusto kay Nico, si Angelina! Siya na lang kaya jowain ko?!
"W-What?!"
"Y-Yes, iba trip ko." Ngiti kong saad, tinitigan niya ako ng mariin at matapos ang ilang segundo ay bahagya siyang natawa! "B-Bakit?"
"You look nervous... You're just saying that to avoid awkwardness between us."
Gagi bakit ang galing niya eh peke lang naman 'to! Kung baga sa Mobile Legends A.I. lang siya, tangina.
"Speechless? Don't tell me tama ako?"
Tumayo na ako dahil I can't na! Hinawakan niya uli ang kamay ko pero imbis na pinaupo ako, tumayo siya kaya napatingala ako ng malala. f**k you three times a day! 17 pa lang ako!
"U-Uwi na me..." Kabado kong sabi, tinitigan lang niya ako. Gagi, ang sakit baga ko kapag ganito!
Chapter 5 pa lang ata ito bakit ganiyan siya umasta?! Ang bilis!
"Uhm..." Hindi pa rin siya nagsasalita kaya 'di na rin ako nagsalita...
Ano na next gagawin?! Hirap, s**t!
"Ali-"
Hindi na natapos ang sasabihin ko kasing putangina!
Hinalikan niya ako!
Mama ko! Huhuhuhuhu first kiss ko peke! s**t, tangina ang bobo ko! Una pa lang bakit ko 'to gagamutin eh bida 'yan sure 'yan hanggang dulo buhay! Bobo ko, tangina! Gagi! May kama pa man din sa gilid! No, no, no! Huhuhuhu! Putanginaaaaa!
Dilat na dilat ang mata ko! Nang biglang may tumawag sa phone niya kaya naramdam ako ng ginahawa!
What the heck talaga ako!
Nagkatinginan muna kami at ako ay simpleng gaga lang tumingin sa kisame dahil sa kahihiyan.
"Hello?!" Sagot niya habang nakatingin sa akin kaya kinuha ko na agad ang bag ko at umalis!
Dahil nga bobo ako katulad ni Yushia! Sa banyo ako napunta!
Huhuhu!
"Putakte!" Sabi ko at hinawakan ang aking heart! Ang bilis ng t***k! Hindi 'yon dahil in-love kung 'di kabado! "Ang aga naman ng halik no'n?! Tangina, baka next no'n bold!"
Huhuhuhuhu buti nakatakas! Pero paano na ako makaakalis?
Nagpunta muna ako sa cubicle at nagmuni-muni.
"s**t naman, ayoko na!"
Nakakaiyak, I need my Mom. Bahala na nga!
Kinuha ko 'yong novel na binigay sa akin ni Stefen, alam kong horror 'to pero wala na akong pakialam since kailangan ko ng makaalis!
"Tangina, okay nang mamatay kaisa naman makipaglandian sa 'di kilala!"
Ivory Blood
The government greatly influenced public hospitals to perform well. The area and nature of Enchanted Village became known because of the good management and wealth of the people who live there. But in an unexpected event, the village had a problem that even their own platform could not solve it. Jericho Martial Alite will lead as doctor and detective in his own town.
Huhu, hindi ko alam 'to!
Balak ko sana pumunta sa may huli na part para mabaliktad ko kaso baka patay na ako no'n! Ayoko rin naman sa gitna kasi sure may zombie na kaya balak ko sa may chapter 1 at didiretso na lang ako sa may National Bookstore para makaalis agad!
"Yushia!"
"Ay tangina!" Gulat kong saad sa kumatok kaya hindi ko na sure kung saan ko na tapat basta alam ko na lang...
Inantok ako.