Episode 1
Sienna's POV
I was in the dark room and I don't know how to get out of here! I'm so scared! Paano ba ako napunta ditoooo?
"Tao! May Tao ba jan??" sigaw ko sabay katok sa may pintong nakalock. I don't even know how to open it, wala rin kasi yung doorknob! Napaka malas ko naman oh!
"SIENNA!" oh may sumigaw sa labas ng kwartong to. I guess this is a house, a haunted house!
"STEPHEN!!" sigaw ko pabalik. Ilang saglit pa at biglang kumalabog yung pinto dahilan para mapaatras ako sa takot ko. Teka anong nangyayari?
Biglang lumiwanag ang lahat at nakita ko sa harapan ko ang isang lalaking hindi ko masyadong maaninag dahil sa ilaw na nasa likuran niya.
"Sienna are you ok?" bigla siyang lumapit sakin saka niyakap ako ng mahigpit. I can't even speak anymore, yakapin ka ba naman ng crush mo! Humiwalay na ulit siya sakin. He's my bestfriend, Stephen.
"O-ok lang." utal kong sabi. Hinawakan niya yung beywang ko para makatayo ako ng maayos.
"Pinag alala mo ko." he said. Shet paano ba kasi ako napunta sa madilim na lugar na to?
"Get me out of here." medyo takot kong sabi sa kanya. Muli niya akong niyakap at hinagod yung buhok ko.
"Don't worry, i'm here. Hindi ko hahayaang may mangyari sayo." sabi niya saka humiwalay ulit at hinawakan yung dalawang pisngi ko. He's getting closer...
Closer...
Gosh hahalikan niya ba ako? Ipinikit ko ang mga mata ko at ngumuso...
"HOY KWAGO!" Napabangon ako ng wala sa oras dahil sa sigaw na yun! Putcha! Anong ganap? Hinawakan ko yung ulo ko dahil sumakit rin yun, kulang pa kasi yung tulog ko! Bigla akong tumingin sa gilid at sinamaan ng tingin si kuya pero nakatakip parin yung buhok ko sa mukha ko kaya hindi niya nakita.
"Nandun na eh! Ang lapit naaaa!" galit kong sabi sa kanya dahil moment ko na yun eh! Napaka wrong timing talaga ng lalaking to kahit kailan.
"Oo malapit na talaga! Malapit ka nang malate! Anong oras na? Pumasok ka na!" Tinignan ko yung alarm clock sa side table ko. Hay nako ang aga! 10am palang, nag set ako ng 11 ah! Panirang nilalang to oh! Humilata ulit ako sa kama at hindi siya pinansin. May isang oras pa ako para ituloy yung panaginip ko! Konting konti nalang eh, ang lapit na nun!
"Elise ano ba!" galit na sabi ni kuya saka hinila yung paa ko. Teka ano bang problema niya??
"1pm pa pasok ko!" reklamo ko saka gumapang ulit sa kama para makahiga ng maayos. Ang aga aga pa eh! Anong oras ako natulog oh! Kakatulog ko lang actually!
"Oh eh ano ngayon? Ang tagal mo pa maligo! Bumangon ka na jan!" sabi niya sakin, nakakaloka! Ang aga pa nga eh! Hahalikan na ako eh! Panira naman oh! Itutuloy ko pa to!
"Hindi kita bibigyan ng allowance!" napabangon ulit ako dahil sa sinabi niya. Nagpadala na pala si mommy? waaaaahh! Inayos ko yung buhok kong magulo at tumingin sa kanya.
"Jusko po Sienna Elise! Anong oras ka na naman ba natulog?" tanong niya saka lumapit sakin at hinawakan yung under eyes ko. Ah yung eye bags ko ba? Parang di na nasanay oh!
"Payb ey em. (5am)" Walang gana kong sabi saka tinapik na yung kamay niya na nakahawak sa mukha ko. Tinignan ko ulit siya mula ulo hanggang paa saka ngumiti ng nakakaloko.
"Wow nagmukha kang tao kuya." sabi ko saka bumaba na sa kama ko at tumayo. Sinamaan naman niya ako ng tingin. Ang cute ng kuya ko.
"Itong kwagong to! Maligo ka na nga! Amoy panis na laway ka!" sabi niya saka nagtakip ng ilong at tumalikod na. Hmp inamoy ko yung sarili ko. Medyo may amoy na nga pero maganda parin ako. Ah wait!
"Kuya gusto ko ng Pancake, magpaluto ka kay nanay diding." sabi ko sa kanya habang nakangiti. Lumingon naman siya sakin.
"Gusto ka ba?" Anak ng tipaklong! lumaki yung mga mata ko. Kinuha ko yung unan ko at akmang babatuhin siya, tumawa lang naman siya saka tumakbo na palabas.
"ARGH" nanggigigil talaga ako ah! Nakakabwisit talaga tong kuya kong to Alam niya kasing may gusto ako sa bestfriend ko kaya minsan inaasar talaga ako niyan.
Tapos na akong maligo at magayos, 12nn na rin tyaka nakaalis na rin si kuya. Last year na ni kuya sa college, buti pa siya konting kembot nalang gragraduate na samantalang ako 2 years pa pero ok lang rin naman kasi kasama ko naman sila colleen at stephen.
Busy pa ko sa pagkain ko ng pancake dito sa hapag ayoko na rin namang kumain ng kanin, tataba lang ako. Nakakalungkot rin wala akong kasabay sa hapagkainan.
Nagbabasa nalang ulit ako for quiz later tyaka chinicheck ko yung activity na pinapagawa ni Prof. G, bago ako manuod ng kdrama kagabi nag review muna ako at ginawa yung activity ko sa school.
"Nanay alis na po ako." sabi ko saka pumunta sa kusina at nagmano na sa kanya. She is the only one we have, matagal na siyang nagtratrabaho kaya parang family na rin turing namin sa kanya.
Pagkarating ko ng parking lot dito sa school, nagstay muna ako saglit dito sa loob dahil kailangan kong magayos ng konti. Mamaya litaw na pala yung eye bags kong napakalaki diyan.
"You know! MakeUp is life!" sabi ko sa sarili ko habang naglalagay ng foundation sa mukha. Napalingon ako sa may bintana after ko maglagay ng foundation ahil may nagpark sa tabi ng kotse ko. Hindi naman ako makikita dito kasi tinted yung bintana ko.
"Makalabas na nga." sabi ko saka kinuha na yung gamit sa tabi ko at tuluyan na ngang lumabas. I guess late na naman ako? Tinignan ko yung wrist watch ko. Oh 12:45 palang. Medyo may kalayuan rin naman yung department ko dito sa parking lot kaya kailangan ko nang simulan maglakad.
"Can you just wait? I just got here." napalingon ako sa likod ng kotse na nasa tabi ko dahil biglang may nagsalita. Hindi ko pa siya nakikita dahil natatakpan siya ng kotse niya.
Dahan dahan akong naglakad para makita yung lalaking yun. In fairness gwapo siya , matangkad, kalevel na niya ang mga korean babes ko.
"Miss?" naistatwa ako ng bigla niya akong tinignan. Tumayo ako ng maayos at umalis sa tinataguan ko. Dali dali akong naglakad papalayo sa kanya pero may kotseng biglang sasalubong sakin. May humawak naman sa braso ko at hinila ako para hindi ako mahagip ng kotseng yun.
"Are you ok?" napatulala ako sa mukha niya dahil sobrang lapit ko sa kanya. Tumango nalang ako bilang sagot at nanatili sa pwesto ko, nakahawak kasi siya sa dalawang braso ko, medyo pinantayan rin ako, ang tangkad kasi niya at yung mukha niyang worried habang nakatingin siya sakin
"Hey miss."
"Miss are you ok?"
"Miss?" O.O napatingin ako ng tuluyan sa lalaking yun. Hindi ko napansin na nakatulala na pala ako sa kawalan habang yakap yung libro ko.
"Y-Yes?" utal kong sabi, hala nakakahiya! Ano nalang kaya ang naging itsura ko! Bakit ang gwapo niya?
"*sigh* I'm asking you, where is the Engineering and Architecture Building?" medyo may pagkainis na niyang tanong sakin. Ay attitude ang kuya niyo. Napakunot ako ng noo, nag iimagine ako dito at hindi kita napansin! Sorry hindi kita narinig ah! Siya pa galit ha?
"Nakikita mo ba yung sumisilip na building doon?" sabi ko saka lumingon sa likod at tinuro yung building na natatakpan ng ABM at Med. Building.
"Dun ang Engineering and Archi. Building." sabi ko saka nauna na. Wala naman akong mapapala kung hihintayin ko pa siyang umalis. Nakakaloka!
Ay oh! Abay thank you ha! Nauna na siyang maglakad kesa sakin. Sa haba ba naman ng biyas niyan syempre mauunahan niya ako. Isang hakbang niya nga tatlong steps ko na. Pero joke lang 'yon, grabe namang tatlong hakbang Sienna. hmp
12:59 na, 1 minute nalang late na ako. Malapit naman na ako sa room kaya ok lang, ano bang bago?
Sumilip ako sa room, nakita ko na nakapwesto sa gitna si colleen. Nakakaloka alam na nga niyang late ako lagi, jan pa siya pumwesto! Naglakad ako papunta sa back door. Dahan dahan akong pumasok sa loob, ano ba kasing pumasok sa kokote ko at inimagine ko pang ganun kami magkakakilala ng ugok na lalaking yun!
"Usog." Sabi ko kay colleen, pero nakapangalumbaba lang siya habang tulala sa isang banda. Tinignan ko lang siya at pinapausog, mamaya makita na ako ni prof dito!
"Hoy ano ba?" reklamo ko na dahil hindi siya nagsasalita at tulala parin. Nakakaloka anong ginagawa niya? Tinulak ko siya ng kaunti pero wala parin.
"Hoy colleen ano ba?" sabi ko habang nagtatago dito sa may mga upuan. Naku pag ako talaga nainis sinasabi ko na!
"Colleen!" inis na na sabi ko pero namula lang siya bigla. Napatingin naman ako sa direksyon kung saan siya nakatitig, putspa! Napapoker face ako saka tumingin kay colleen.
"tititigan mo ba yan o papaupuin mo ako?" naniningkit na talaga tong mga mata ko sa inis. Nakita niya kasi yung lalaking nagtanong sakin kanina at nauna pa talaga siya sakin makarating dito sa engineering and architecture building! Kaklase ko pala siya? Ngayon ko lang siya nakita ah.
"Colleen!" napalakas yung pagkasabi ko nun kaya dali dali akong nagtago dito sa desk ni colleen.
"Quiet!" sabi ni Professor Cynthia saka tinuloy na yung pagdidiscuss niya. Natauhan naman na si colleen at ito nakatingin na siya sa akin.
"Oh nanjan ka na pala! Bakit late ka nanaman?" duh! Kung hindi lang kita kaibigan kanina pa kita sinampal! Bwisit na ako dito ah ni hindi man lang ako napansin agad dahil lang sa lalaking yan?
"Ah!" mahinang banggit ko ng mauntog ako sa mesa. Hayst! Napahawak nalang ako sa ulo ko, nagulat ako ng mapalingon yung lalaking yun dito pero di ko nalang pinansin.
"Kanina pa ako dito!" nanggigigil kong bulong sa kanya halos magdikit na nga yung upper at lower teeth ko dahil sa inis saka ako tumingin ng masama sa kanya, nagulat naman siya saka umusog na ng upuan para makaupo na rin ako.
"Humanda ka talaga sakin mamaya." bulong ko sa kanya saka nilabas na yung notebook ko at nakinig sa lecture ni prof.
*Cafeteria*
Wala na akong ibang narinig sa bunganga nito kaninang paglabas namin ng classroom hanggang sa pagdating namin dito sa cafeteria kung hindi yung lalaking pogi lang! Halos sumabog na yan sa kilig eh!
"Ipapahamak mo pa ko sa kakatitig mo diyan sa lalaki mo!" galit na sabi ko sa kanya sabay kumain ng fries at nilipat yung page ng librong binabasa ko. Napahawak rin ako sa tiyan ko dahil hindi ko maipaliwanag yung feels ko, nagugutom ako pero parang sasakit yung tiyan ko. Hay nako bahala na nga.
"Sorry na nga! May naimagine lang ako! Grabe talaga yung titig niya sakin!" napangiwi ako sa sinabi niya. Titig? Nung lalaki? Sa kanya? Jusko day hindi ka niya tinignan!
"Baliw." sabi ko nalang sa kanya saka inirapan siya at tinuloy na yung binabasa ko.
"Bago lang ba yun?" tanong ko sa kanya. Ngayon ko lang talaga yun nakita dito eh. Tinigil ko muna yung pagbabasa ko at tumingin sa kaniya.
"Well siya yung sinasabi nilang poging transferee, crush ko na siyaaa!" tumingin ako sa kanya. Kita niyo to kumikinang na yung mga mata habang nakatitig nanaman sa kawalan, sarap magmura oh!
"Nakadagdag pa sa kapogian niya yung pagiging cold at yung jaw line niyaaaa! Kyaaaaaahh" napangiwi nanaman ako sa kalandian niya. Nakakaloka! Hindi ko na talaga siya mapipigilan!
"Anong nangyari jan?" napatigil ako ng may umakbay sakin. Dahan dahan akong napatingala sa tabi ko. Sheyt Stephen is here!! Ngumiti siya sakin so i smiled back.
"Hindi ko rin alam" sabi ko sabay umiling habang nakatingin parin sa kanya. Sheyt may naiimagine nanaman ako! Yung hindi natuloy na kiss namin kanina! Namula bigla yung pisngi ko kaya umiwas na ako ng tingin sa kanya. Tumabi siya sakin saka tinignan si colleen na kinikilig at parang kiti kiting ayiee ng ayiee sa sarili niya.
"Nabarang na ata." sabi ko pa, nabulunan naman tong katabi ko dahil hindi niya napigilan yung tawa niya. Yiee napatawa na rin ako dahil kinikilig ako.
"Hoy itigil mo na nga yan! Mukha kang tanga." sabi ni stephen saka uminom na ulit. Nagulat naman ako ng bigla niyang binalin sakin yung tingin niya tapos bumalik ulit kay colleen.
"Bawas bawasan niyo nga yang panonood ninyo ng kdrama! Nagmumukha na kayong panda!" tumingin ulit siya sakin. shems! Tinakpan ko yung under eyes ko, halata na ulit yung eyebags ko! Aaaaaahhh nakakahiyaaaaa.
"Dati na tong sakin! Tanong mo naman si sienna! Five natulog yan noh! Tinapos niya yung i'm not a robot! Kakaumpisa niya lang nun kahapon!" wow! Nagsumbong!! Tinignan ko si stephen na nakatingin sakin at nakakunot ang noo.
"Nagreview ka naman ba?" tanong ni stephen. Kumuha lang ako ng fries saka tumango sa kanya.
"Yung activity? Nagawa mo?" tumango ulit ako saka tumingin na sa kanya. Ayaw niya kasi na napapabayaan namin yung studies namin. Tinap niya lang yung ulo ko.
"Ok lang na manuod basta wag pabayaan yung studies. Sienna! Agahan mo matulog. Ang payat payat mo na nga." pangaral niya sakin. Parehas sila ni kuya, hindi ba nila ako titigilan? Kahit crush kita naiinis rin ako sayo eh.
"Oo na." sabi ko lang saka nagbasa na ulit ng libro. Wala pa siyang sampung minuto dito aalis na naman siya, tumayo na kasi siya eh kaya malamang aalis na yan.
"May practice pa ako" sabi niya saka nag bye na sa amin. Hmmm nakakainis ah! Hindi man lang niya tinagalan dito! Madalas na rin siyang hindi nakikisabay samin dahil sa basketball niya, wala nga siyang girlfriend pero may basketball naman siya. Nakakaloka!
"Aaaayyy malungkot siya." napabaling ang tingin ko kay colleen dahil sa sinabi niya, psh sinamaan ko siya ng tingin.
"Tigilan mo ko, hindi pa tayo ok!" masungit na sabi ko sa kanya. Eh kasi naman pag nakakakita talaga ng gwapo yan mala korean novela na ang naiimagine niyan gaya kanina!
"Eeeeehhh sorry naaaa!" malambing niyang sabi sakin saka nahihiya ng tumingin sakin. Tumingin siya sa may gilid, ako hindi ko nalang siya pinansin at nagbasa nalang. Napansin ko namang naistatwa siya kaya napatingin ako sa kanya. Putcha nakatulala nanaman siya habang nakatingin sa gilid.
"Hoy!" sabi ko saka niyugyog yung braso niya kaso hindi niya ako pinansin. Ay wow! Tumingin ako sa tinitignan niya, bumalik lang ang tingin ko sa kanya at agad siyang sinamaan ng tingin. Hindi ba talaga siya titigil? Kinuha ko yung libro at bag ko.
"Sige, ipatulo mo lang yang laway mo hanggang sa bumaha dito!" inis na sabi ko saka tumayo na at naglakad paalis. Psh tinitignan nanaman niya yung lalaking nagtanong sakin kanina! Napahinto nalang ako dahil halos lahat ng babae dito nakatingin sa direksyon ng lalaking yun. Haaaaayy! Lumingon naman ako kay colleen. Wala talaga siyang balak na sundan ako.
"COLLEEN!" galit na sigaw ko kaya napatingin lahat ng tao sakin maging si colleen.
"Oh! Bakit nanjan ka na?" rinig ko na sabi niya sakin. Napapoker face ako bigla at napatingin sa lalaking nasa gilid, nakatingin rin siya sakin. Inirapan ko lang siya saka lumabas na ng cafeteria.
"Hoy wait!" sigaw ni colleen sa likod ko pero hindi ko siya pinansin at nagtuloy tuloy nalang. Nakakatampo yang ginagawa niya eh. Kahit pa magpacute yan wala akong pakialam!
"Sienna!!!" sigaw niya ulit, haaaaaayy nakakaloka ka colleen! Lumingon ako sa kanya saka tinignan siya ng seryoso.
"Sorry na! Ang gwapo kasi." sabi niya, hmp wow. Yung mga bida kasi sa kdrama eh ang popogi kaya ganun din yung mga nagiging type niya. Actually mas malala sakin yang babaeng yan! Ni hindi nga ako naghahanap ng lalaking katulad nun!
"tumulo na nga yang laway mo eh! Ikaw pag hindi ka pa tumigil magagalit na talaga ako sayo!" sabi ko sa kanya saka tumalikod na ulit.
"Wait wait wait." sabi niya saka hinila yung braso ko. Lumingon ulit ako sa kanya.
"Promise! Hindi na talaga!" sabi niya sakin. Sige tignan natin!
"Hindi ba siya yun?" sabi ko saka turo sa likod niya. Lumingon naman siya kaya tumalikod na ako at naglakad papalayo sa kanya.
"Nasaan?" rinig ko pang sabi niya pero malayo layo na rin ako.
"SIENNAAAAA!!" sigaw niya sakin. Psh bahala ka na nga jan! Magsama kayo ng lalaking hindi marunong magthank you!
Sa bilis ko maglakad hindi ko na napansin yung batong natisod ko dahilan para lumagapak ako sa field. Anak ng tipaklong naman oh! Nabitawan ko pa yung libro ko. Nabigla ako ng may sapatos akong nakita sa harapan ko. Napatingala naman ako dun pero hindi ko siya makita dahil sa sinag ng araw.
Nang matakpan ng ulo niya yung araw, nakita ko na kung sino siya... Yung lalaking nagtanong sakin kanina. Bakit ba ang gwapo niya sa malapitan?
"Here's your book" sabi niya saka nilahad sakin yung librong nahulog ko. Natulala lang ako sa kanya dahil sobrang gwapo niya. Nilahad niya ulit yung kamay niya sakin, tinignan ko naman yun at hinawakan na. Tinulungan niya akong tumayo! Nakakaloka! Ang lambot ng kamay niyaaaaa!
"Maniac!" natauhan ako ng binato niya sa ulo ko yung librong nahulog ko at tinakpan yung junior niya, hindi ko napansing nakatitig na ako sa may private part niya dahil sa kakaimagine ko! The H akala ko totoo na! Dali dali akong tumayo sa kinauupuan ko at pinagpagan ang sarili ko.
"Ang creepy ng ngiti mo." Sabi niya habang tinatakpan parin yung gitna niya! Luh anong kasalanan ko? Eh sa katapat ko lang! Bwisit!
"Nakahithit ka ba? Aanhin ko naman yan?" inis na sabi ko saka tinuro saglit yung ano niya saka tumingin sa malayo. Kung ano anong iniisip niya eh! Ang awkward tuloy!
"Teka nga bakit nandito ka na?" tanong ko sa kanya saka tinignan na siya ng diretso. Ang cold talaga ng mukha niya, tama nga si colleen ikinagwapo niya nga.
"Sadyang maikli lang biyas mo kaya naabutan kita." sabi niya. So ibig sabihin? Sinundan niya ako? At bakit naman niya ako susundan?
"Hindi kasi ako nakapag thank you sa'yo." sabi niya sakin saka ngumiti ng bahagya at binawi rin yun agad.
"Thank you." cold niyang sabi saka tumalikod na pero sa hindi ko inaasahang mangyayari sakin... Shocks sakit nga pala ng tiyan ko!
*pooooooooot (fart sound)*