Episode 2

1877 Words
Sienna's POV "Sienna! Huy! Sorry na!" Maaga akong pumasok ngayong umaga dahil ayokong makita sa crowd yung lalaking yun at baka makasabay ko nanaman siya sa parking lot pero naisip ko rin namang magkikita kami sa iisang room dahil magkaklase kami. Nakakalokaaaaa hindi talaga maalis sa isip ko yung nangyari! Kagabi ko pa iniisip yun. Buti nga at hindi ko siya kaklase sa last subject ko kahapon kasi nakuha niya na daw yung subject na yun, ayoko talaga siyang makita! Tinataguan ko na nga! Hinintay ko pang umalis siya kahapon dahil magkatabi lang yung kotse namin. Ginulo ko yung buhok ko dahil naiirita na ako! Hindi pa naman nakisama yung pwet ko kahapon! Paalis na nga saka pa napautot! Ano nalang mukhang maipapakita ko sa lalaking yun! Nakakahiya! "Sienna!" Hindi ko talaga kayang makita yun ngayon! Baka mamental block pa ako mamayang quiz! Kawawa naman akoooo! Tumakbo nalang sana ako bago pa ako makautot! Bwisit talaga! Hindi ko na talaga matanggal sa isip ko yung sinabi niya! Hindi na rin ako makaconcentrate sa binabasa ko, basta lipat nalang ako ng lipat ng pages. "Sienna ang bilis mo namang magbasa?" Paano kung ipagkalat niya yun? Ganun na ba kapatatas yung amoy ng utot ko? Waaaaaaaaah! "Huy sienna!" Natetense na talaga ako! Paano kung nandiyan na siya? Nakakaloka ka talaga sienna! Pagkatingin ko sa pintuan. Speaking of the... Ang pogi. Ayy nabaliw na! Ano ba! Dali dali akong yumuko at gumalaw galaw, ano ng gagawin ko dito? Sinubsob ko nalang yung mukha sa libro kong nasa lapag ng desk ko at nagtulog tulugan! Ayoko talagang ipakita tong mukha ko. "Sienna!" *Flashback* *poooooooot (fart sound)* Naistatwa ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko yun. Napahinto rin tong lalaking to sa paglalakad ng marinig niya yun. Walang kwentang pwet to! Napaatras ako ng konti at ready na sanang tumakbo kaso bigla siyang lumingon sakin. Putspaaa kaming dalawa lang ang tao dito sa field. "Ikaw ba yun?" biglang uminit ang mukha ko ng magsalita siya, hindi na ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa hiya. "*exhale* amoy patatas ah." sabi niya saka napahawak sa ilong niya. Napapikit naman ako sa hiya ko saka tumingin sa kanya. Act normal sienna! "Hindi ako yun. Baka ikaw." sabi ko sa kanya pero tuluyan lang siyang humarap sakin. Wag kang lalapit! Gosh! Nauutot nanaman akoooo! "Sigurado akong hindi ako yon." sabi niya saka pinantayan ako para magpantay yung mukha naming dalawa. Matangkad kasi siya, hanggang leeg niya lang ako. 6 footer ang kuya niyo noh! "Eh sino?? Ako?" painosente ko pang sabi pero hindi talaga nakikisama tong pwet ko! *fart* Nagulat siya ng konti kaya medyo lumaki yung mga mata niya saka umayos na ng tayo at napahawak muli sa ilong niya! Tsss nakikiamoy ka lang! Umalis ka kung hindi mo matiis. "You can use the comfort room" sabi niya saka turo sa c.r na malapit lang rin dito. Hindi ako tumatae dito sa school! Hindi ako tumatae sa public places! Kaya ko pang tiisin! Halata sa kanyang pinipigilan niya yung tawa niya. "Let it out." tuloy niya pa habang pinipigilan parin yung tawa niya. Halos mangiyak na nga siya sa pagpipigil niya. "Mangangamoy patatas ka niyan." Hindi ba niya ako titigilan? Nagulat nalang ako ng tumawa na siya. Hindi ko alam pero ang gwapo niya pag tumatawa, mas gwapo siya kapag nakangiti. "Tumatawa ka pala? Well, burst it out. I think it's your first time." sabi ko sa kanya saka nilagpasan na siya. Hindi ko makeri yung tawa niya baka mahulog ako ng wala sa oras. Kita rin kasi sa itsura niya na hindi siya pala ngiti, ang sama ko naman kung pagkakaitan ko pa siyang tumawa diba? "Patatas." napahinto ako sa tawag niya sakin! Patatas? Bwisit na patatas kasi yan! Kakakain ko lang kagabi ng fries tapos nag fries ulit ako ngayong break. Fries is my favorite. "Hindi ka magccr? Hahahahaha" *end of flashback* "Sienna!" Nakadukmo parin ako sa libro ko dahil alam kong nandito lang siya sa paligid. Bwisit talaga! "SIENNA!" napaangat ako ng ulo dahil sa sigaw ni colleen. "AY PATATAS!" napasigaw ako ng makita ko si... Si... Anong pangalan niya? Yung lalaking nakaamoy ng utot ko! The H nakakahiya talaga! Napatakip ako ng bibig ko dahil sa nasigaw ko. Hayan siya nakatayo sa harap ng inuupuan ko. Palihim siyang tumawa at nilapag yung bag niya sa... NANGAASAR BA SIYA? SA HARAP KO PA TALAGA SIYA UUPO? "D-Diyan ka uupo?" utal ko pang tanong sa kanya. High ka ba sienna? Hindi ba halata? Tinignan niya ako ng seryoso, hayan nanaman yung mukha niya! "Bawal?" cold na tanong niya. Ipupush niya talaga yang ganyang aura niya noh? Nakakalokaaaaa siya. Umiling nalang ako kaya naman umupo na siya dun. "Bakit patatas?" Napatingin ako sa katabi kong si colleen. Nagtataka siya kung bakit patatas? Eh kaya hindi ko na talaga kinuwento sa kanya. Hello! Ikwekwento kong napautot ako sa harapan ng crush niya? The fudge edi inasar ako ng inasar niyan pag nagkataon! No way! Hinding hindi ko talaga ikwekwento sa kanya yung nangyari! "Nananaginip ka nanaman siguro ng fries." Please kung wala kang magandang sasabihin manahimik ka nalang dahil nanjan lang siya nasa harapan natin! "Kakakain mo lang ng fries nung isang araw, tapos fries kahapon! Tapos fries nanaman ngayon! Paanong hindi mangangamoy patatas yang utot mo." COLLEEN! Lumaki yung mga mata ko saka tumingin sa kanya. Hayan siya nagbubuklat ng libro. *Pft* Tumingin si colleen sa lalaking to dahil narinig niyang napatawa siya, napapikit nalang ako habang nakaharap kay colleen. Iminulat ko rin agad yung mga mata ko. Nakatingin na sakin si colleen, ok lang sana na kaming dalawa lang diba? Pero kasi nandito itong lalaking 'to! "Ay sorry." sabi sakin ni colleen saka nag peace sign. Pati ba naman ngayon! Tatlo palang kaming nandito sa room dahil 7 am palang, 8 am yung klase namin kay Prof. G "*deep sigh* tumahimik ka nalang" sabi ko habang nakadikit yung upper at lower teeth ko saka tumingin sa harapan ko. Bwisit! "Sienna!" Bulong sakin ni colleen kaya napabaling na yung tingin ko sa kanya. WALA TALAGA AKONG MAKUKUHA NGAYON! Nakakadistract! "Oh" sabi ko sa kanya habang iritang irita ako dito. "Narinig mo yun??" bulong niya ulit sakin. "Ang alin?" walang ganang sagot ko sa kanya saka tinignan yung libro kong sobrang layo na sa nirereview ko. Bakit umabot na hanggang dulo?? "T-Tumawa siya" halos hindi na siya makagalaw sa kilig niya. Haaayyy ano bang gagawin ko sayo? "Eh ano ngayon?" tanong ko sa kanya saka nagabasa ulit ng libro. Kanina pa ko sa page na to, hindi ako maka alis. "Mamaya ikwekwento ko." sabi niya sakin saka nagoatuloy na rin sa pagbabasa niya. Minsan napapatingin pa yan sa crush niya, super inspired ba? Buti siya may inspiration. Hindi namin kasama si stephen ngayon kasi nakuha niya na tong subject na 'to last sem. Isinabay niya yung dalawang subjects namin ngayong 2nd sem. sa 1st sem. buti nga at nakaya niya eh, kaya nga naging crush ko siya kasi super duper maaral niya kahit kasali siya sa varsity nakakacatch up parin siya sa studies niya. Ako kasi hindi ko kaya yun kaya hinay hinay lang, makakarating rin ako sa pangarap ko. *Cafeteria* Muntik na ko mabokya sa quiz! Nakakalokaaaaaaaaaaa talaga, hindi ko nabasa yung instructions kanina sa quiz! Buti nalang at hindi ako nagiisa! Hindi kami na bokya dahil kinonsider na ni prof. yun. Tama ko pa man din lahat ng sagot ko, thank you Lord. "Grabe rinig na rinig ko yung tawa niya!" napakunot ako ng noo at tumingin kay colleen na narito sa harapan ko. Nakatingin siya sa kawalan habang nakangiti, haaaayyy. "Ano kayang itsura niya kapag nakangiti?" inayos ko yunh sarili ko dahil naalala ko nung tawang tawa yung lalaking yun nung umutot ako. Nakikita ko pa tong fries na inorder sakin ni colleen dahil alam niyang favorite ko yan. Hindi ko na alam kung favorite ko parin! "Syempre mas gwapo sa inaakala mong cold na mukhang yun." sabi ko sa kanya saka tumingin sa labas ng cafeteria, now I get it kung bakit natutulala nalang siya bigla. Kasi kapag tinitigan mo ng mas matagal yung lalaking yun, lalo kang nahyhypnotise! "Hindi daw kasi talaga ngumingiti yang si Xzander" napatingin ako sa kanya bigla ng marinig ko yung pangalang binaggit niya. Xzander? So yun yung pangalan niya? Shet! Bagay sa kanya. "Bakit?" tanong ko naman. Nacucurious lang ako kasi, kahapon? Halos cold face ang suot niya pero kasi nakita ko yung ngiting labas ang ngipin niya. Abnormal ba sila? Baka hindi lang talaga siya natatawa sa mga jokes ng kaibigan niya kaya ganon. "Nagtanong ako kay Kyline, kasi sa school niya nanggaling 'yang si Xzander. Ang sabi niya, sa tuwing nakikita niya si Xzander lagi niyang kasama yung dalawang friend niya pero sa kanilang tatlo siya yung hindi ngumingiti kasi daw hindi siya nasanay makipagsocialize sa iba tyaka yung dalawang friend niya? Ang dami raw nilang pinagdaanan para maging close lang kay Xzander, kawawa rin kasi siya." Hindi ko alam pero bakit parang interesado rin ako sa kwento niya? I'm just curious about him, katulad rin kaya niya ako? Na iniwan ng dad or mom? Psh.. Pero masaya naman ako kahit wala si dad at busy si mom. Bakit siya? "What do you mean about 'kawawa siya'?" inemphasize ko talaga yung 'kawawa siya' kasi paano siya naging kawawa? Mukhang rich kid naman siya at naalagaan ng maayos. "Sabi ni kyline. Iniwan raw siya ng first love niya kaya naging cold na." Akala ko naman kung ano! Yun lang? Bakit kasi nainlove inlove tapos magbabago rin kayo? Nakakaloka talaga yan oh! Kaya ayaw ko yan eh baka mabaliw pa ako pag nasaktan ng todo. "Haaayyy ang lakas talaga ng impact ng love sa isang tao." I said and take a sip on my drink. Tumingin ulit ako sa labas ng cafeteria. Hindi ko naalis yung tingin ko sa lalaking nasa labas na nakaupo sa may bench. I don't know but I had a feeling that there is something about him that i want to know. 'Ano bang meroon sayo Xzander?' Pagkauwi ko ng bahay, sinalubong ako agad ni manang diding at kinuha yung bag ko sakin saka siya na ang naglagay sa kwarto ko. Napangiti nalang ako dahil araw araw niyang ginagawa sakin yan. Kahit wala si mommy feeling ko may nanay parin ako dito na nagaalaga sakin. Pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig. "Nakauwi ka na pala" "AY PATATAS!" what did I just say? "K-KUYA! You scared me!" dali daling sabi ko sa kanya saka humawak sa dibdib ko. Grabe ang bilis ng t***k ng puso ko! Papatayin niya ata ako sa nerbyos ah! "Sorry. Do you have class tomorrow?" tanong niya sakin saka kumuha ng tubig. "Umaga lang." sagot ko naman at nilapag yung baso ko sa lababo. Nilagpasan ko na siya dahil pagod na rin ako, maghapon ang klase ko ngayong araw kaya hindi muna ako manunuod ng drama at magpapahinga nalang. "I'll take you out" anong sabi niya? Napalingon ako sa kaniya, nakita ko siya nakangiti habang nakatingin sakin. "B-bakit?" tanong ko. Tatanggi pa ba ako jan? Once in a blue moon lang yan mag aya kaya gora ako kahit hanggang gabi pa yan! "Matagal na kasi tayong hindi lumalabas. I just want to treat you, sis."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD