Episode 3

2418 Words
Sienna's POV Katatapos lang ng klase ko and papunta na ako ngayon sa parking lot para kitain si kuya dun, hindi na rin ako nagkotse kasi sabi niya sumabay nalang ako sa kanya tutal naman may pupuntahan kami after class. Pagkarating ko wala parin siya dito, pumunta naman ako sa kotse niya at sumandal dun. Hindi pa siguro tapos yung klase niya. Architecture ang kinuha kong course at siya naman ay Civil Engineering kasi may goal talaga kaming dalawa, gusto naming partner kami sa future. Habang naghihintay ako dito, napatingin ako sa isang banda dahil may nakita akong familiar na kotse dun. Ah yung kotse ni Xzander. May tao ba dun? Nagulat ako ng lumabas siya sa kotse niya, ah so kararating lang niya? Bakit hindi ko napansin? Nakita ko naman sa hindi kalayuan si kuya na papunta na dito sa parking lot. Hindi naman masyadong malayo sakin si Xzander. "Oh Xzander." rinig kong bati ni kuya ng makarating siya dito sa parking lot, pero mahina lang yun wala naman kasi akong kapangyarihan para marinig sila ng malakasan. Nagsalita si Xzander pero hindi ko na rin narinig dahil cold na naman siya, si kuya kasi ngumiti sa kanya kaso tumango lang si Xzander. Hindi ko na marinig yung pinaguusapan nila, narinig ko lang yung bati ni kuya kasi alam niyo naman yan pamisteryoso sa iba kunwari tahimik pero malaki talaga bunganga niyan! Napabaling naman yung tingin ni kuya sakin kaya ngumiti ako sa kanya, kanina pa ako nakapwesto dito sa may driver's seat ng kotse. Gusto ko sana ako ang magdrive kaso hindi rin yan papayag. Tinapik ni kuya yung balikat ni Xzander saka naglakad na papalapit sakin. "Kanina ka pa?" tanong niya saka nilapitan ako at hinalikan yung noo ko. Napakunot naman ako ng noo dahil ngayon nalang niya ginawa sakin yun. Masyado ba kaming close? Eh kasi ganun yung ginagawa sakin ni dad dati kaya nung umalis siya, si kuya nalang ang gumawa para sakin. Super Hero ko 'yang kuya ko eh. "Hindi naman kuya." sabi ko saka naglakad na sa passenger's seat. Nakita ko naman si Xzander na naglalakad na papuntang Architecture building. "Ah kuya, can I ask you something?" tanong ko kay kuya. On the way na kami ngayon papunta sa favorite resto namin. "Sure, what is it?" sabi naman niya. Diba kasi kanina nakita ko sila ni Xzander na naguusap, kilala niya pala yung mokong na yun? Bakit hindi ako magtanong diba? "Do you know Xzander?" tanong ko sa kanya. Last school year kasi sa ibang school nagaral si kuya pero kasi ayaw ko dun kaya nagdecide siya na sundan ako sa school ko. Actually 1st sem palang nandito na siya tapos sumunod naman yung Xzander nitong 2nd sem "Ah yeah he's my friend." sabi niya. What? Friend? No way! Hindi kaya si Xzander yung kinukwento niya sakin? "So... Galing rin siya sa University mo?" gulat na sabi ko. Madalas kasi magkwento yan sakin nung nasa ibang school pa siya. And that 'cold guy' na friend daw niya, hindi kaya si Xzander yun? "Oo, sumunod siya samin ni Bailey kasi ayaw niya na rin sa dating university namin, tyaka siya yung kinukwento ko sayo." sabi niya habang nakatingin parin sa daan. Siya nga! Sabi na eh! Tumahimik muna ako saglit at nagisip ng maitatanong. "Nakita mo na siyang ngumiti?" tanong ko bigla, napatingin siya sakin habang nakangiti saka balik ulit ng tingin sa daan. "Once." huh? "Once? Ilang taon mo nang kaibigan yun?" tanong ko. Grabe naman 'yang once. Isang beses lang? So hindi ko na ulit makikita yung maputing ngipin niya? "1 year and a half. Hindi niya lang talaga forte ang ngumiti at tumawa." sabi niya sakin. Dahil ba yun sa ex niya? Nakakaloka siya ah. Hindi na ako nagsalita pa at sumandal nalang sa upuan. *deep sigh* "What's with that sigh?" tanong niya habang nakangiti parin. I don't know but I want to know more about Xzander. "Do you like Xzander?" napatingin naman ako sa kanya saka kumunot yung noo ko. Bakit ko magugustuhan yun? Eh hiyang hiya na ako sa kanya! Tyaka ayoko talaga siya! "Hindi ah! Si colleen ang may gusto dun!" sabi ko kaya napatango nalang siya. Napatingin na ulit ako sa daan. "'Yang si Xzander hindi madaling patawanin yan." napabaling muli yung tingin ko kay kuya. Hayst. Yung totoo? May problema ba siya sa utak? Ang dali ko ngang napatawa eh! Dahil sa utot kong mala patatas! "Xzander Maverick is a lonely guy kaya naisipan namin ni Bailey na kaibiganin namin siya kasi hindi talaga siya nakikipagusap sa ibang tao." tumingin ako sa kanya nang seryoso, ano bang dahilan niya para maging ganung tao? Hindi ba siya naboboring sa sarili niya or what? "May sakit ba siya?" tanong ko. Baka meroon eh kaya lumalayo siya sa tao. Pero kinausap naman niya ako. Eh kasi nga umutot kang babae ka! Di ka na nahiya! "Wala. Personal kaya hindi mo pwedeng malaman. Dalawa lang kami ni Bailey ang nakakaalam dun dahil ayaw ni Xzander na malaman pa ng iba." sabi niya saka huminto na yung kotse. Nalaman na ng iba! Dahil sa babae kaya siya nagkaganyan! Nakakaloka siya talaga! Dadamay pa yung ibang tao dahil sa iniwan siya! "Kung gusto mo siyang makilala... Good Luck." sabi niya sakin saka lumabas na siya ng kotse. Napairap naman ako. Kinuha ko na rin yung bag ko at lumabas. Anong good luck? Hampasin ko pa siya ng heels ko eh baka asarin lang ako nun! Tyaka hindi naman siya mahirap kausapin! Nagreresponse naman siya sakin. Ang tagal kong hindi kumain dito ah. Namimiss ko na yung steak nila, nagugutom na talaga ako. Kumikinang na tong mga mata ko, isa pa yang fries na nakikita ko sa harapan ko! Ang sarap kainin! "Kumain ka na." sabi ni kuya sakin kaya naman kumuha na ako ng fries saka kinain yun. "Waaaahhh" sabi ko saka, ngumiti naman saakin si kuya. Tataba na ata ako nito ah! Kaya love na love ko si kuya kasi siya lang yung nagiisang magtreat sakin ng ganito tyaka ok na sakin ang walang boyfriend. Meroon naman akong kuya hohoho. "Pakabusog ka." sabi ni kuya. Nginitian ko lang siya saka sinimulang kumain ng steak. Pwede na akong kunin ni Lord, hindi ko talaga ipagpapalit 'tong restaurant na 'to! Dito rin kasi kami last na nagkasama as family, 9 years old pa ako nun medyo matagal tagal na rin. It's been 11 years since that day. Kahit na wala silang dalawa sa tabi namin nakakaya parin naming ngumiti. Hindi ko pa nauubos yung steak ko at napahinto nalang ako bigla ng makita ko si kuya na naging seryoso yung mukha niya habang nakatingin sa may pinto. Lumingon naman ako dun para tignan kung anong tinitignan niya. "Halika na." sabi ni kuya sakin saka tumayo na siya para kunin yung bill sa counter. Dahan dahan naman akong napatayo dahil sa nakita ko, hindi sila kalayuan sa table namin at pwede rin nila akong makita dito. "Dad thank you!" sabi nung batang babae na nasa 9 years old na siguro saka isang lalaking kasing edad ni kuya at isa pang babaeng kaedad ko lang. Then yung Babaeng ipinagpalit niya kay mommy. "You're welcome sweety." hindi ko napigilan yung sarili kong maluha ng marinig ko yung boses ni dad. Is he that happy? He's happy with HIS new family, while us? We can't do that kind of family bonding anymore! Ang sakit lang kasi makita na masaya siya kasama ng bago niyang pamilya. "Elise come on." sabi ni kuya saka hinawakan yung wrist ko pero hindi ako nagpahila sa kanya. Just give me a second kuya. Gusto kong makita si dad kahit sa malayuan lang. "Elise." tawag ulit sakin ni kuya pero tuloy tuloy parin yung luhang pumapatak sa mga mata ko habang nakatingin kay dad. Napatingin samin si Dad kaya nawala yung ngiti sa labi niya. Kilala pa kaya niya kaming dalawa? O kinalimutan na niya kami ng tuluyan? "Elise!" tawag ni kuya saka hinila na ako, nawala yung lakas ko ng umiwas na ng tingin si dad samin. Hindi na niya kami kilala and that hurts so much. I miss him so much. Pagkalabas namin ng restaurant, napahinto ako sa paglalakad at napatulala nalang dahil sa nakita ko. "Elise." banggit ni kuya sa pangalan ko kaya napatingin ako sa kanya habang umiiyak. "Sean? Elise?" napako ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko yung boses na matagal ko nang gustong marinig. Sabay kaming napalingon ni kuya sa may pinto ng restaurant. Lumapit siya samin ng kaunti, walang emosyon yung mukha niya. "D-dad" halos pabulong ko na sabi dahil hindi ko talaga mapigilang umiyak. Yayakapin ko na sana siya pero lumabas yung anak niya sa may pinto. Hinawakan rin ni kuya sean yung kamay ko para hindi palapitin sa kanya. "Umalis na tayo." sabi ni kuya saka tinalikuran na si dad pero hindi ako nagpahila kay kuya at nakaharap parin ako kay dad. "Dad." bulong ko habang umiiyak pero hinawakan ng batang babae yung kamay ni dad at hinila siya. "Dad kain na tayo." sabi niya kay dad habang hinihila niya ito pero hindi nagpahila si dad at tumingin lang sakin. "Sino ba sila?" tanong nanaman nung batang babae, hindi ko siya tinignan, nakatingin lang ako kay dad. "Ahhh" bakit kailangan mo pang magisip? Kung alam mo namang mga anak mo kami? Naglabas siya ng white envelope sa may coat niya. "Hindi ko sila kilala sweety, naiwan lang nila to." biglang gumuho ang mundo ko ng iabot niya yung envelope sakin. Sa tingin niya kailangan namin yan? Lumingon si kuya sa kanya. "Nagkakamali ka. Hindi samin yan. Tinatawag ka na ng ANAK mo, bigyan mo naman ng PANSIN tyaka naghihintay na rin sayo yung PAMILYA MO!" wala na akong nagawa kung hindi magpahila nalang kay kuya. Hindi na ako lumingon pa, tama nga si mommy. Kinalimutan na niya kami. Sa tingin niya ba tatanggapin namin yung perang binibigay niya? Hindi pera ang kailangan namin sa kanya at kahit kailan hinding hindi ako hihingi ng tulong sa kanya kahit anong mangyari. Week passed, nahihilo na ako dahil sa mga pinaggagagawa ko! Weekdays akong natutulog ng 4am at nagigising ng 7am, hindi ko naman magawang matulog ng hanggang gusto ko dahil may klase ako eh. Hindi ko ba alam nagpapakabayani ako sa pagsasabay ko ng lessons at kdrama, nakakaloka ang ganda kasing manuod tyaka ayokong binibitin ako kaya pag naumpisahan ko na tuloy tuloy na yan. Dumukmo ako sa study table ko at pumikit saglit. Gusto kong matapos tong activity ko bago ako tuluyang matulog ng mapayapa. *10mins. Passed* Naalimpungatan ako ng may marinig akong gitarang tumutugtog sa labas ng bahay. Nasa sinaunang panahon ba ako para haranahin? Tumayo ako sa kinauupuan ko at nag inat saka sumilip sa may bintana. "BAILEY IS HERE!" Ayst si kuya Bailey lang pala bumalik na ako sa kinauupuan ko at itinuloy yung activity ko. 8:30am na kailangan ko ng matapos to. *ring* Napatingin ako sa phone ko na nasa tabi lang ng study table ko. Oh Colleen is calling. Anong kailangan nito? "Hello!" "Sienna, hindi ko maintindihan yung activity." haaaaayy isa lang ibig sabihin niyan "Intindihin mo nalang, tinatamad ako lumabas ngayon." "Dali naaaaa! Turuan mo na ako!" bakit ba ang kulit niya? Inexplain ko sa kanya kahapon yan tapos nakalimutan nanaman niya? "Hihintayin kita dito sa bahay, love you bye bye!" And... She hung up. Wow ang galing talaga niya! Kinuha ko yung sweater ko sa likod ng pinto ko at sinuot 'yon. Tumitig ako sa salamin, hindi ko na inayos yung buhok kong naka messy bun tyaka hindi ko rin kailangan ng concealer para matakpan yung eyebags ko dahil maganda parin naman ako... Ganyan talaga kailangang magbuhat ng sariling bangko paminsan. Kahit make up is life sakin, kung tinatamad ako, wala talaga. Kinuha ko na yung gamit ko at yung car key ko saka lumabas ng kwarto. "Good Morning Ganda!" ngumiti ako kay kuya bailey habang pababa ng hagdan. Nasa sofa kasi siya nakaupo at nakaharap sa laptop niya. "Good Morning Kuya." bati ko rin sa kanya, mabait kasi siya kaya tropa tropa kami dito. Lagi siya dito sa bahay kaya naging close ko na rin siya. Tyaka naririnig ko sila paminsan na pinaguusapan nila si Xzander, hindi sila nagbabanggit ng pangalan pero alam kong si Xzander yun! kaya pala familiar yung kinikilos nung lalaking yun sakin kasi madalas akong makarinig ng kwento tungkol sa kanya. "Where are you going?" Kuya Sean asked and gave me a glass of milk. "Colleen needs my help, pupunta ako sa kanila kuya." sabi ko saka pinakita sa kanya yung gamit ko at kinuha na sa kanya yung gatas saka ininom yun. "Ingat ka." tamango nalang ako sa kanya saka nilapag yung baso sa lababo. "Nay alis na po ako." sabi ko kay manang diding na nagluluto lang sa tabi at nagbless na ako sa kanya. "Ingat baby girl!" napakunot naman ako ng noo kay kuya bailey pero ngumiti rin ako agad ng napadaan ako sa salas. "Yes kuys!" sabi ko nalang saka dumiretso na sa labas. Napahinto ako at napatingin sa kalangitan. It seems like it's going to rain today. *knock knock* Katok ko sa may pinto nila colleen at dahil nakabukas rin yung gate pumasok ako agad. Si colleen lang ata ang tao dito ah. *knock knock* "Colleen?" banggit ko sa pangalan niya habang kumakatok sa pintuan. Bakit ang tagal naman akong pagbuksan ng babaeng ito? Napatingala ako sa may bintana ng kwarto niya dahil may dumungaw roon "Oh wait lang." sabi ni colleen, bababa na siguro siya. Feeling ko may masamang espiritu dito sa bahay na to. Napatingin ako sa may carport dahil may dalawang kotse dito. Itong malinaw na nakikita ko is kotse ni Colleen pero yung isa hindi ko masyadong makita dahil natatakpan, sinilip ko yun pero di ko parin makita, alam kong hindi kay tita yan. Napaatras ako ng konti para silipin yun. Kakulay siya ng kotse ni... Napahinto ako ng bumukas yung pintuan, ang bilis naman atang bumaba ni colleen. Nagstep forward ulit ako... Napabitaw ako sa mga gamit ko at lumaki yung mga mata ko nang makita ko yung bumukas ng pinto. The H! anong... Napatingin naman ako sa likod niya at naroon si colleen na napahinto rin. Napatakip ako ng bibig ko habang nanlalaki parin yung mga mata ko. "A-anong..." hindi ko talaga maituloy yung sasabihin ko dahil sa gulat ko. Napabaling ang tingin ko sa nagbukas ng pintuan saka bumalik ulit yung tingin ko kay colleen. "ANONG GINAGAWA NI XZANDER DITO??"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD