Episode 4

2660 Words
Sienna's POV Nakailang baso na ako ng tubig dahil sa nakita ko. Bakit sila magkasama? Nakatayo ngayon si Xzander sa gilid at nakaupo naman kami ni colleen dito sa sofa. Alternately ko silang tinitignan, sana mali ang hinala ko. "Kanina ka pa! Tutusukin ko na yang mata mo." sabi ni colleen, tinignan ko naman siya saka binaba na yung basong pinaginuman ko. "Bakit kayo magkasama? Anong ginawa niyo?" OA na sabi ko saka nilakihan pa siya ng mata. Hangga't hindi nila pinapaliwanag to talagang hindi ako titigil sa kakaisip na may namamagitan sa kanilang dalawa! "Ang OA mo teh!" sabi ni colleen sakin saka tinuktukan yung ulo ko, napahawak naman ako sa ulo ko dahil ang sakit rin ng pagkakatuktok niya dun. "May kasama ka na, aalis na ako." cold na sabi ni Xzander kaya napabaling ang tingin ko sa kanya, sobrang cold ng mukha niya. Tyaka this past week hindi niya ko inasar, ang saya ko na rin kasi parang nakalimutan niya na yung utot thing ko. "Wait!" sabi ko pa pero nagtuloy tuloy lang siya sa paglalakad at tuluyan ng nakalabas ng bahay. Ganyang ganyan ang ginagawa niya sakin last week. Tyaka lumipat na rin siya nang upuan, hindi na siya sa harapan ko nakaupo. Nasa pinakaharap na siya. "Hoy! Boyfriend mo?" medyo nagulantang siya sa sinabi ko. Uminom muna siya ng tubig saka hinarap ako ng diretso. "Mandiri ka nga sa sina sabi mo! Boyfriend ko? Iyang pinsan ko? *laughed*" Pinsan Pinsan Pinsan "PINSAN?" Napasigaw ako ng wala sa oras dahil sa sinabi niya! How come na naging pinsan sila? Crush niya? Tapos pinsan niya? Pinaglololoko niya ba ako? "Huminahon ka nga!" sabi niya sakin, napainom muli ako ng tubig saka tumingin nanaman sa kanya. Hindi ko na alam iisipin ko talaga! "Huminahon? Paano ako hihinahon? Mababaliw ako sa kakaisip kung PAANO!" Medyo pasigaw ko ng sabi sa kanya. "Matagal na kasi akong walang balita tungkol sa kapatid ni dad at maging kay dad mismo. Umuwi si dad dito kagabi, nagulat gulat pa nga ako dahil once in a blue moon ko lang makita yun. Tanong pa ako ng tanong tungkol sa kapatid niya kaso wala siyang sinabi sakin. Ang sabi niya lang samin ni mommy titira daw dito yung PINSAN ko. Gusto rin kasi ni dad na may kasama yung PINSAN ko, eh buong buhay daw kasi nun mag isa lang siya kaya nagdecide si dad na dito na rin makitira yun. Hindi ko naman alam na si XZANDER yung tinutukoy niya kaya broken ako ngayon. Napaka malas ko talaga eh. Pero tignan mo ah, ang ganda ng lahi namin!" sabi niya sakin. Nalinawan naman ako sa sinabi niya. Baka busy person ang mga magulang nung taong yun kaya nagiisa lang siya sa bahay nila. "Dela Vega? Dela Vega rin siya?" tanong ko... Huh? Eh pero iba yung apelyidong binabanggit ng mga prof. namin. Ano na nga ulit yun? PROBLEMA KO PA BA YAN? "Aye! Xzander Maverick Dela Vega Alcaraza and he knows na pinsan niya ako." sabi niya. Jusko nakakasakit naman ng ulo! Mababasag na ata tong ulo ko sa kakaisip. "Pero bakit hindi ka niya pinapansin?" tanong ko pa. Hindi talaga ako titigil dito. "Eh kasi ayaw niya, hindi naman yan sanay makipagusap sa tao." sabi niya saka kinuha na yung gamit niya sa tabi niya at inilagay yun sa table na kaharap namin. So? Hindi tak yung mga kaibigan niya? Ang gulo ng buhay ng lalaking yun ah. Colleen's POV Tama nga ako. Hindi na niya ako titigilan sa mga tanong niya. Naintindihan ko naman yung activity kasi inexplain na ni sienna sakin kahapon pero kasi gusto kong ikwento sa kanya yung nangyari kagabi kaya pinapunta ko siya dito. *Flashback* My gosh lee jongsuk! Akin ka nalang! Huhuhu nakakaloka bakit ba ang sweet sweet nila ng kalove team niya! Nakaupo ako ngayon dito sa kama ko habang nanonood ng W-Two Worlds. Tumingin ako sa wall clock na kaharap lang rin ng kama ko. 11:43pm na. Isang episode pa ang papanoorin ko! Icliclick ko na sana yung ep. 14 kaso biglang tumunog yung door bell kaya napabaling yung tingin ko sa direksyon kung nasan yung gate. Napaisip naman ako kung sino yun. Gabi na kasi tapos may magdodoor bell pa? Nakakaloka ah. Bumaba ako dito sa kama ko para silipin kung sino bang tao sa labas. "Dad?" nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Jusme! Si dad! Nakauwi na siya galing Australia? Susmeya! Hindi ko alam. Minsan lang kasi kami makipagcommunicate ni mommy sa kanya tyaka wala na talaga akong balita tungkol sa kaniya. Dali dali akong lumabas ng kwarto ko at bumaba ng hagdan. Pababa palang ako pero naririnig ko nang naguusap sila ni mommy. "Colleen!" tawag sakin ni dad kaya naman tumakbo na ako papunta sa kanya at niyakap siya. Oh my gosh i really miss him! "Dad! Hindi ka naman nagsabi." sabi ko sa kanya saka humiwalay na sa pagkakayakap ko sa kanya. "I have something important to do here." sabi niya saka umupo sa may sofa kaya sumunod na rin kami sa kanya. Mukhang binaon niya yung pagkabusy niya dito ah! Workaholic kasi ang daddy ko kaya halos hindi na kami nakakapagcommunicate at minsan nalang siya umuwi dito sa bahay. "Yung anak kasi ni Xyla eh hindi pa pala pumupunta dito. I told him na pumunta rito para makituloy dahil ayokong magisa na naman siya." Panimula niya. Si tita xyla? Matagal na rin akong walang balita sa kanya. Parehas siguro sila ni dad na workaholic kaya hindi ko na siya nakikita at wala na ring kwento si mommy sakin tungkol sa kanya. "Nasan ba si tita?" tanong ko pero tinignan niya lang ako at sinenyasan na wag na magsalita kaya tumahimik nalang ako. "Gusto kong dito muna tumira yung pinsan mo." sabi niya habang nakatingin sakin. I know about them when we are young, pero matagal na rin kasi yun. Isa pa wala na akong balita tungkol sa kanila, naglaho nalang sila bigla bigla. "Pinsan?" patanong kong banggit, di ko na rin matandaan kung anong pangalan ng anak ni tita Xyla noh. Babies palang kami non ano tyaka wala kaming ka picture picture before o kung meroon man baka nasa baul nng nanay ko na. "Galing rin siya ng australia but he just moved here to study. Last year pa siya nakauwi and he stays in his condo pero ayoko namang magisa ulit siyang mamuhay, mas lalo lang siyang masasanay" hayst parang mas alaga niya pa yang pinsan kong yan ah? Sino kaya yun? Gwapo kaya? Maganda? Syempre oo! Ganda ng lahi namin noh! "His parents? Where are they? Tyaka si tita xyla? baby pa ata ako ng makita ko siya. Busy ba siya? Marami ba silang trabaho ng asawa niya? " tanong ko na naman pero hindi ako sinagot ni dad at kinunutan lang ako ng noo. Nakakatampo ah! Eh ano kung magtanong ako? Eh sa hindi ko na nga nakikita si tita. "Where is he? Is he here?" tanong ni mom. Tumango lang si dad, what? Nandito yung pinsan ko? Where? "Yes. Sinamahan ko siya, kapag hindi ko pa siya sinamahan hindi talaga kikilos yan para pumunta dito." sabi ni dad samin. Sino ba kasing maarteng lalaki yan at ayaw pang magpunta dito ng magisa? Parang hindi namin siya kadugo ah? Nandito lang pala siya sa pilipinas, kailangan pa palang umuwi ni dad para palipatin siya dito sa bahay. "Tita." napalingon ako sa may pintuan. Napanganga nalang ako sa nakita ko dahil hindi ko talaga ineexpect na makikita ko siya sa ganitong sitwasyon. Why is he here? BAKIT NANDITO SI XZANDER? "Ay kagwapong bata." sabi ni mom nung nagbless si Xzander sa kanya. "Xzander?" banggit ko naman habang gulat paring nakatingin sa kanya. Oh my gosh! I can't believe this is happening. Siguradong magugulat rin si sienna kapag ikinwento ko to sa kanya. "Magkakilala kayo?" tanong ni dad sakin. Napatingin naman ako sa kanya saka tumango. "He's My classmate." sabi ko. Nasa lahi na ba namin ang pagiging Architect? Parehas kasi kami ng course and si dad architect siya sa australia, last na naikwento ni dad sakin na kumuha rin ng architecture si tita xyla. "Kaklase mo pala 'tong pinsan mo bakit hindi ka pa nagpasama dito? Hindi mo ba alam na pinsan mo 'tong si colleen?" sabi ni dad kay Xzander, lumapit lang siya samin at umupo sa sofa. Bakit kailangan pa kitang maging pinsan? Ganun na ba ako kamalas? "I know that she's my cousin but I really don't want to live here with them. Nasanay na rin kasi akong mag isa." sabi niya. Alam mo na pinsan mo ako? Samantalang ako? Wala akong kaalam alam na magpinsan tayo. Ang boring siguro ng buhay nito paniguradong magagalit sayo si tita sa katigasan ng ulo mo. Mag isa lang siya sa bahay nila? Busy person rin pala ang mga magulang nito eh. "I don't want you to stay in your boring life. Look, your parents don't want you to be alone. At gusto kong dito ka nalang tumira for good, kasi pamilya ka na rin namin." sabi ni dad, pero nanatiling cold si Xzander. Ang awkward pero kung titira siya dito! Jusko di ko kayang makita yung crush ko dito sa bahay araw araw. Ay este PINSAN ko! Ang dami daming pwedeng maging pinsan jan. Bakit naman si Xzander pa? Tumayo si Xzander sa kinauupuan niya. Ayaw niya ba talagang tumira dito? Bahala siyang maboring buong buhay niya. Hindi naman ngumingiti yan eh malamang maboboring rin akong kasama siya dito sa bahay. "San ka pupunta?" tanong ko sa kanya. Hmp aasa pa ba akong sasagot siya? Nakakaloka. "Gonna get my baggage." nanlaki ang mga mata ko at napatingin sa kanya. Tumingin naman ako kanila dad at mom. Sumagot siya sakin. Oh my gosh! Paano na to? Halaka Colleen! Ngumiti sila dad sakin saka tumingin ulit kay Xzander na lumabas ng pinto. "Don't worry hon, we'll make sure that he's comfortable here. Aalagaan namin siya. Diba Colleen?" i awkwardly smile at mom because of what she said. Aalagaan namin? NAMIN talaga? Jusko bahala ka diyan mom. Sa sobrang cold ba naman niyan. Matitiis mong kausapin yan? Halos mapanis laway niyan sa school noh. Hindi ko na talaga maimagine kung anong mangyayari next day, next next day, next month, next year! Anong gagawin ko dito? Hindi na ako makakakanta dito sa bahay. Hindi na ako pwedeng magbaliw baliwan. Dahil nakakahiya naman sa kanya. *End of Flashback* "Makikiligo nga. Naistress ako sa kakaisip ko, wala pa rin akong ligo. Tara na!" sabi ni Sienna saka dumiretso na sa kwarto ko. Comfortable na kasi yan dito sa bahay since lagi naman siyang nagpupunta dito. Kilala rin nila dad at mom si sienna kaya parang anak na rin nila tong babaeng to. "Manghihiram ka nanaman ng panty at bra ko. Hindi ka naman nagbabalik. Nauubos underwear ko sayo eh." sabi ko sa kanya "That's what friends are for!" sabi naman niya. Pagkapasok namin sa kwarto ko dumiretso lang ako sa drawer kung nasan yung mga underwear ko. At binigyan siya ng bagong labas na underwear, bumili na ako ng mga bago dahil alam ko na ugali niyan! Makikiligo nalang bigla eh. Sienna's POV Hindi naman pala niya kailangang magpaturo. Tinawag tawag niya pa ako para lang dun. Jusko hindi rin talaga ako makapaniwalang magpinsan silang dalawa. Umalis na ako sa bahay nila after kong maligo dahil may bibilihin ako sa mall, nagcracrave kasi ako ng yogurt at strawberry kaya kailangan kong bumili na agad agad dahil hindi ako makakapagconcentrate ng maayos sa pagaaral kong hindi ko masasatisfy yung gusto ko! Yes! I have it na. Binuksan ko yung passengers seat para ilagay tong mga pinamili ko saka sinara din yun agad. Papasok na rin sana ako sa kotse kaso may bigla akong nakita kaya napahinto ako. Si Dad, he's with her daughter. I feel so jealous, dati ako lang yung binibaby niya pero ngayon hindi na. Dalawa lang sila ngayon and i think they're going to bond. Kararating rin kasi nila tyaka sobrang saya nung bata. Naaalala ko pa when i was in her age, ganyan rin ako magreact pag lalabas kami ni dad. Sinarado ko yung pinto ng kotse ko saka dahan dahang lumapit sa kanila. "Sa loob ka muna ng kotse. I promise i'll be right back." rinig kong sabi ni dad ng makita niya ako na papalapit sa kanya. After makasakay nung bata, siya na mismo ang lumapit sakin. "What are you doing?" biglang tanong niya sakin. I want to hug him, i really want to talk to him. Bakit ba ang kulit ko? Kinalimutan na nga niya kami pero bakit gustong gusto ko parin siyang lapitan kahit na iniwan na niya kami. "Hindi alam ng anak ko ang tungkol sa inyo. So please if kasama ko siya don't ever come near me." Bakit ba ang sama sama niyang tao? Pero kahit na gaano pa siya kasama hindi ko talaga kayang magalit sa kanya. "If you want money then i'll give it to you. Just leave me alone." Tinignan ko lang siya habang nilalabas niya yung wallet niya. Ganyan na ba siya kadesperado para palayuin lang kami? "I don't need your money. Hindi mo ba ako nakikita? Lumaki akong maayos, malinis, at may respeto. Kahit na ganyan kayo samin ni kuya sean, nirerespeto parin namin kayo kasi tatay ka namin. Pero sa pinapakita mo sakin ngayon, hindi ko alam kung paano pa kita rerespetuhin. Sa tingin mo ba kailangan namin yan? Look! I have a car, I can buy anything I want, Nagaaral rin ako sa private university. Hindi ko kailangan yan. Naibigay na samin ni mommy lahat ng gusto namin, at kaya namin na wala ka. Alam mo ba kung bakit ako lumalapit sayo? 'coz i want to hug you, pero naalala kong wala na pala akong karapatang tawagin kang dad kasi HINDI MO NA KAMI PAMILYA. *chuckles* I'm really proud of myself right now. Alam mo kung bakit? Kasi nasasabi ko lahat ng 'to sayo ng harap harapan. If you want na layuan ka namin? Ok. No Problem!" I said and raise both of my hands saka tumalikod na sa kanya. Hindi ko gustong sabihin sa kanya lahat ng yun pero nagalit lang ako ng pinakita nanaman niya yung pera niya. Anong pakialam ko sa pera niya? Hindi naman yun yung kailangan ko. SIYA, siya yung kailangan ko. Habang naglalakad ako pabalik sa kotse ko, tumulo na yung luhang kanina ko pa pinipigilan. Hindi siya yung daddy ko na nakilala ko dati. I wiped my tears at dali dali ng pumasok sa kotse ko at pinaharurot na yun. Nandun parin siya nakatulala na, if that's what he want, I'll give it to him! Hindi ko napansing tuloy tuloy na pala yung luhang bumabagsak sa mga mata ko. *BEEEEEEEEEEEEEEEEEP* Napapreno ako ng malakas, nakalimutan ko rin palang magseatbelt. Sa lakas ng preno ko tumama yung ulo ko sa manubela at napahawak sa busina. Konti nalang kasi mababangga ko na yung kotseng kasunod ko. Gumilid muna ako at pinunasan yung luha ko saka pilit na pinapatahan yung sarili ko. Pagkadating ko, walang gana kong binuksan yung pinto ng bahay at walang gana ring naglakad habang nakatingin lang sa may kusina dahil nakita ko din doon si kuya na umiinom ng tubig. Nakikita ko rin naman sa gilid ng mata ko na nasa sala parin si kuya Bailey. Dirediretso lang ako kay kuya. "Are you crying?" tanong niya sakin, pero hindi ako sumasagot sa kanya. Pagkarating ko sa harapan niya, isinubsob ko yung mukha ko sa dibdib niya saka niyakap ko siya. Minsan lang niya ako niyayakap dahil ang awkward para sa kanya kasi babae ako. Pero kailangan ko ng comfort ni kuya ngayon. "Why are you crying?" tanong niya pero patuloy parin ako sa pag iyak ko dahil hindi ko na mapigilan yung sarili ko na hindi maiyak sa mga nasabi ko kay dad kanina. Mahina akong tao at hindi ko talaga kayang iwasan si dad. "S-si Dad."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD