Episode 5

2469 Words
Sean's POV Walang ganang naglakad palapit sakin si elise at nilapag ang isang paper bag sa may lababo. Nagulat nalang ako ng bigla niya akong yakapin. What happened? I hugged her back at hinagod yung buhok niya. Who make my sister cry like this? "Why are you crying?" tanong ko saka tinap ko yung shoulder niya. Hindi naman umiiyak si elise ng ganito pwera nalang kung may nakita siya. Or nakita niya ulit si Dad. "S-si Dad" she said and began to cry again. Ano nanaman bang ginawa ng matandang baluga na yun sa kapatid ko? Hindi na ba siya naawa kay elise? How dare him make my sister cry. Kung pwede ko lang siya sugurin ngayon ginawa ko na. Ihiniwalay ko si elise sakin saka hinawakan ko yung magkabiglang balikat niya. Napatingin naman ako sa may sala dahil nakatingin na samin sila Bailey at Xzander. Nung nakaalis si Elise, mga 30 mins. siguro after non dumating naman si Xzander dito. Buti nga gusto niya ng pumunta dito kasi ayaw niya talagang pumupunta dito, si bailey lang ang lagi dito sa bahay. As usual cold parin ang mukha ni Xzander. "Napano si Elise?" tanong ni Bailey. Napatingin naman si Xzander kay Bailey saka tumingin muli dito sa direksyon namin. "Ihahatid ko lang siya sa kwarto niya. sabi ko saka tinignan ulit si Elise. Namumugto na mga mata niya sa kakaiyak. "Pumunta ka na sa kwarto mo, halika na." sabi ko saka inalalayan ko siya. Matamlay siyang naglakad kasama ko. Napabaling tuloy yung tingin niya sa sofa. Napahinto siya saglit ng makita kung sino ang tao doon. "Baby girl ok ka lang?" tanong ni bailey pero nakatingin lang si Elise kay Xzander at napapunas bigla ng luha niya saka naglakad ulit kasama ko. Hinatid ko lang siya dito sa kwarto niya. Sobrang lungkot ng mukha niya, I don't want to see her like this, ayokong nasasaktan siya. Ok lang na ako nalang ang makakita sa mga pinaggagagawa ni dad, ako nalang ang masaktan wag lang sila mom at Elise. "He... He again offered me money." May problema ba sa utak yang matandang baluga na yun? Bakit kailangan niyang magbigay ng pera? Sa tingin niya ba wala kaming kaya? Ang sarap sugurin ng matandang yun! "Then... I confronted him." napatingin ako sa kanya ng diretso. Nakaya niya? Dad is her weakness, daddy's girl kasi siya since she was born kaya ganyan siya. Sobrang affected siya sa nangyari kahit na matagal na panahon na ang lumipas. "Gusto ko na magpahinga." sabi niya kaya tumayo na ako sa pagkakaupo ko sa kama niya. Tumagilid naman siya ng higa at niyakap yung bear na regalo ko sa kanya. "*deep sigh* Sige, diyan lang ako sa baba." sabi ko sa kanya saka tinap na yung ulo niya at naglakad na palabas. Pagkababa ko ang tahimik na dito sa baba at busy na rin silang dalawa sa pagkakalikot sa mga laptop nila. Hindi kami pare parehas ng course at year. Si Xzander, Architecture ang course niya at parehas sila ni elise na nasa 3rd year. Si Bailey, Nursing naman siya at parehas kami na nasa last year na namin. Si Bailey kasi since highschool kaibigan ko na yan kaya sa parehas na school rin kami pumasok. Lagi lang namin nakikita tong si Xzander sa school, ang cold kasi ng mukha niya at walang kausap. Ang hirap pa nga namin siyang lapitan eh pero kalaunan hindi na niya kami napigilan at nakipagkaibigan na lang rin samin. Mabait naman si Xzander eh kaya nung nalaman namin yung dahilan niya kung bakit siya ganyan, naiintindihan na namin. Tyaka nasa 3rd year palang siya kasi 2 years siyang hindi pumasok at nakakulong lang sa bahay nila. "Kamusta si Elise?" tanong ni bailey habang nakatingin sakin. Umupo naman ako sa tabi nila at kinuha yung laptop ko. Naglalaro kasi kami eh. Ito ang natatawag na bonding naming tatlo. "May boyfriend ba siya?" tanong ni Xzander sakin pero umiling lang ako bilang sagot. "Wala sa isip nun ang magkaroon ng boyfriend" sabi ko saka kumuha ng lychee at nagsimulang buksan yun "Eh ano? May umaway ba? Tara resbakan natin." sabi naman ni bailey, kahit kailan talaga napaka oa ng lalaking to eh. Konti nalang talaga iisipin kong may gusto yan sa kapatid ko. Sinusuway ko rin siya sa kakatawag niya ng baby girl sa kapatid ko. Kinain ko muna yung lychee saka umiling. "Nakita niya yung lokong tatay namin." sabi ko at inis na binuksan yung naka sleep kong laptop. Nakatingin lang si Xzander at Bailey sakin, naghihintay ng susunod ko pang sasabihin. "Nagbibigay na naman ng pera, eh sa galit siguro ni elise nasagot niya kaya ayan umiiyak." panimulang kwento ko sa kanila. Alam nila yung tungkol sa daddy namin ni elise. "Daddy's Girl nga naman." sabi ni Bailey saka tinuloy na yung paglalaro niya. Napatingin naman ako kay Xzander na nakatingin parin sakin. "Bakit?" tanong ko sa kanya pero umiling lang siya at tinuloy na rin yung paglalaro niya. Ah meroon akong nakakagulat na nalaman tungkol kay Xzander. Nakita ko kasi yung laptop niya kanina may isang folder dun na nakaagaw ng atensyon ko. LOVE kasi yung pangalan nung folder kaya clinick ko yun. Akala ko nga may girlfriend siya eh. KDRAMA lang pala. Ang dami niyang copy ng drama dito. Nasa 45 ata yung drama na nandun tyaka ang iba dun tungkol sa family. "Siya pala si Elise." napatingin ulit ako kay Xzander na nakatingin parin sa laptop niya. "Bakit?" tanong ko nanaman. Hindi pa nga pala niya nakikita si Elise kaya ganyan yung reaksyon niya. Eh kasi naman hanggang kwento nalang ako sa kanya paminsan dahil hindi naman siya nagpupunta dito. "Classmate ko siya." huh? Bakit hindi ko alam yun? Tumingin siya sakin. *chuckle* Halaaaaa gulat ring napatingin si bailey kay Xzander dahil palihim siyang tumawa. Xzander? This is the first time we heard him laugh. "Xz-Xzander?" banggit ni bailey dahil hindi rin siya makapaniwala sa nakita niya. Tama nga ako, mas maganda kung nakatawa at nakangiti lang siya. Mas bagay niya kasing maging masiyahin kesa sa itsura niyang walang buhay. "Bakit?" lalo akong napalaki ng mata ko ng binaggit niya yun habang nakangiti. Nakita ko naman si bailey na napanganga at napatakip rin agad ng bunganga. "N-nakangiti ka." sabi ko sabay turo sa labi niya. Unti unti namang nawala yun at tumingin sa ibang direksyon. "May naalala lang ako." sabi niya saka tumingin na ulit sa laptop niya. Kung ano man yun at kung sino man yun, sana mapadalas na rin dahil matagal rin namin siyang hindi nakitang ngumiti. "AH MAY GIRLFRIEND KA NA?" Napatingin ako kay bailey na pinapalakpakan ngayon si Xzander. Baliw ba siya?? Cold na tumingin si Xzander kay Bailey. "Kailan pa ko lumapit sa babae?" tanong ni Xzander saka tinuloy yung nilalaro niya. Oo nga naman, ni wala nga akong nakikitang may kausap na babae yan eh. Girlfriend pa kaya? "Eh ano? Nababaliw ka na ba?" tanong nanaman ni bailey. Bakit ba gustong gusto niya malaman? Magkwekwento rin yan pag gusto naman niya eh. Sienna's POV Nagising nalang ako bigla dahil nagrereklamo na yung tiyan ko. Hindi ko namalayang gabi na pala kaya napatingin nalang ako sa wall clock. 7:15pm na hindi parin ako kumakain, hinawakan ko yung ulo ko dahil sumakit nanaman, kulang parin yung tulog ko buti na nga lang tinapos ko na yung activity ko sa bahay nila colleen kaya ok lang na matulog ako ng maaga ngayon. Napatingin ako sa study table ko, nahagip kasi ng mga mata ko yung picture frame. Family picture namin yun. 5 years old pa ko jan at hindi na ako aasa na magkakaroon pa ulit ako ng family picture katulad niyan. Tumayo ako at kinuha ko yung picture frame na yun saka tinago sa drawer ko. Ayoko ng makita yung pagmumukha nung taong yun. Naglakad ako palabas ng kwarto ko. "Gising ka na pala." Nanlaki yung mga mata ko dahil siya yung bumungad sakin. So hindi pala talaga nanlalabo yung mata ko kanina? "Bakit ka nandito?" sabi ko saka tinakpan yung under eyes ko dahil namumugto talaga yung mata ko at nakakahiyang makita niya akong ganito. "Pinapatawag ka nang kuya mo." sabi niya lang saka tumalikod na sakin at nagsimula ng maglakad. He didn't even answer my question. Dali dali akong tumakbo papalapit sa kanya. "Bakit ka nga nandito?" tanong ko ulit habang naglalakad ng mabilis. Nakakainis talaga bakit ba kasi ang tangkad niya? Hawak ko parin yung under eyes ko, ayoko kasi talagang makita niya 'to. Huminto naman siya agad, sa bilis ko ba namang maglakad nahuli na ko sa pagpreno ko sa sarili ko at tumama yung mukha ko sa likod niya. Napatanggal naman ako ng kamay ko sa mukha ko at inis na tumingin sa kanya. "Yah!" sigaw ko sa kanya. Napatakip muli ako sa under eyes ko dahil lumingon siya sakin. Nandito na pala kami sa harapan ng hagdanan. "I'm having fun playing with my friends." sagot niya, napakunot naman ako ng noo dahil sa sinabi niya. "Masaya ka ba? Tignan mo nga yan." sabi ko saka tinusok yung pisngi niya. Cold kasi yung mukha niya, mukha bang nageenjoy yan sa paglalaro? "Ni hindi nga kita naririnig sumigaw sigaw diyan. Yang sila kuya bailey at kuya sean lang ang naririnig ko na halos pababa na ako para suntukin sila dahil nakakadistorbo sila sa tulog ko." sabi ko, eh kasi kanina naalimpungatan ako ng sumigaw si kuya bailey dahil sa natalo nanaman siya sa laro niya, pero bumalik rin ako agad sa tulog ko. "*sigh* I can't express my emotion through shouting like them. Hindi ako ganun." he said. Psh ano ba? Close ba kami? nagulat lang kasi ako eh hindi naman siya pumupunta dito sa bahay. "Subukan mo kayang tumawa nang madala---" *Ggrrruuuuu* Lumaki yung mga mata ko at napatingin bigla sa tiyan ko saka bumalik ulit ang tingin ko kay Xzander. Nakatingin na rin siya sa tiyan ko saka tinignan ulit ako. "Subukan mo rin kayang kumain, nagrereklamo na yang alaga mo sa tiyan." sabi niya saka ngumiti ng bahagya at bumaba na ng hagdan. Napahinto naman ako sa ginawa niya, nakita niyo ba?? Ang cute niya kapag nakangiti. NO! Natauhan ako at iniling iling yung ulo ko saka bumaba na rin ng hagdan. Nasa kusina na sila Kuya Sean, Bailey at Xzander. What? Kakain ako? Kasama nilang tatlo? "Dalian mo na jan." sabi ni kuya habang nakatingala sakin dito sa may hagdanan *gruuu* oh! OO NA! Dinalian ko ng bumaba dito sa hagdan. STRAWBERRY KO! BAKIT KA NANDIYAN SA HAPAG? Kumuha si Xzander dun ng isa. "Nooooo!" sabi ko saka hinawakan yung kamay niya na may hawak na strawberry. Napalunok ako habang tinititigan yung strawberry na yun na nasa kamay niya. "Elise. Anong ginagawa mo?" tanong sakin ni kuya, pero nakatingin lang ako kay Xzander. Sa ngayon nagtataka siya kung bakit ko hinawakan yung kamay niya. "Straberry ko 'to!" sabi ko saka akmang kakainin na pero mas malakas siya sakin kaya naunahan niya ako. Ako lang dapat kakain lahat ng yan. "EH! Sino may sabing kainin mo?" medyo inis na sabi ko saka tinignan siya ng masama. "Oy ang rami pa diyan oh." sabi naman ni kuya bailey sakin pero hindi ko siya pinansin. "Wag ka ng madamot jan papalitan ko nalang. Umupo ka na dito." sabi ni kuya sakin, napapout nalang ako at umupo na sa tabi niya. Kaharap ko si Xzander, nasa right ko naman si kuya. Nasa left naman ni Xzander si kuya bailey. Hinayaan ko nalang siya saka tumingin sa lamesa. Ang sherep nemen! Meroon ditong lobster, tempura and beef broccoli. My favorite! Sus! Nagpaorder pa si kuya para sakin. *BUUURRRRPPP* Napatakip ako ng bibig ko dahil sa sobrang lakas ng burp ko, tumawa naman ako after nun dahil lahat sila naka tingin na sakin. Tumingin ako kay Xzander na nagpipigil nanaman sa tawa niya dahil naluluha na siya oh. "Baka ka ba?" napatingin ako kay kuya bailey.. Huh? Pick up line ba yun? "Bakit?" tanong ko naman sa kanya pero napaface palm lang siya. Ano? Paano? "BUANG ka talaga." sabi ni kuya sakin. Bisaya kasi si nanay diding kaya paminsan napapabisaya na rin kami. Nararamdaman kong meroon nanamang palabas na hangin pero pinipigilan ko na kasi nakakahiya naman. *BBUUURRRRPPPP* "Feeling ko talaga may alaga tayong baka dito eh." napatawa naman si kuya sa sinabi ni kuya bailey. Teka nga ano namang kinalaman ng baka dito? *Burp* Na naman. eh nabusog talaga ako, ganyan talaga ako pag nabubusog. Ano bang tunog ng baka?? Baaaaaa. Aaaahhhh sounds like a burp! "*burp* Aaaahhhh Gets ko naaaa!" sabi ko saka tumawa, napasama rin sila kuya bailey at kuya sean sakin. Napatingin naman ako kay Xzander na tumatawa na rin. Napahinto ako at napatitig sa kanya. My gosh he looks like an angel. A brand new Xzander. Ang cute niya tumawa, tunog kambing yung tawa niya kaya napatawa ulit ako. Mihihi yung tawa niya hindi na tuloy ako matigil sa kakatawa ko. Unti unting nawala yung tawa ko dahil napansin kong huminto sila kuya bailey at kuya sean sa kakatawa at gulat na nakatingin sa tumatawang si Xzander. "That's funny." napangiti naman ako ng tumigil na sa kakatawa si Xzander pero nakangiti parin siya. Sabi sa inyo eh mas gwapo talaga siya pag nakatawa. "Unbelievable!" sabi ni kuya bailey "What the... XZANDER!" Napatalon ako sa gulat ko ng sumigaw si kuya sean na nasa tabi ko lang. aray ko po naitama ko yung tuhod ko sa ilalim ng mesa dahilan para umalog ng konti yun. "Ay Patatas!" inis na sabi ko saka pinalo siya sa braso niya saka yumuko kaso... "Ah!" natama yung ulo ko sa mesa, hahawakan ko kasi sana yung tuhod ko kasi ang sakit talaga sa taranta ko nauntog pa tuloy ako. "Bakit ka ba kasi nanggugulat?" inis na sabi ko saka hinawakan yung noo ko at hinimas yun para mawala yung sakit. "1st time niya tumawa" halata kay kuya sean na hindi talaga siya makapaniwala sa nakita at narinig niya. Ang oa ah! 1st time??? 2nd time ko na siyang nakitang tumawa. My gosh! "Ayusin mo rin kasi yang sarili mo. Kababae mong tao!" baling sakin ni kuya sean. Ay wow ah busog lang naman kasi ako. "Ok lang yan friends naman tayo dito." sabi ko saka ngumiti nalang sa kanila. Tumingin ulit sila kay Xzander dahil nagring yung phone niya. *Ring* Tumingin si Xzander sa phone niya, nawala na rin yung nga ngiti sa labi niya dahil sa pinansin nila kuya yung tawa niya kaya hindi na niya na nagawa pa ulit na tumawa at ngumiti. "I have to take this call. Excuse me." he said saka tumayo na at naglakad palayo dito sa dining table. Nagkatinginan naman kaming tatlo nila kuya sean at kuya bailey. Kumain nalang ako ng strawberry dahil gulat na gulat parin silang dalawa sa nakita nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD