Episode 6

2694 Words
Sienna's POV Maaga nanaman akong pumasok ngayon dahil may ipaguutos raw si prof. G sakin kaya kailangan kong maging maaga, nakakahiya naman kung siya pa ang maghihintay sakin dito sa room. "Good Morning Sienna." medyo nagulat ako dahil bigla nalang siyang pumasok dito sa room. Mag isa pa naman ako dito tyaka halos white tong room na to, nakakatakot rin. "Good Morning Prof." sabi ko saka tumayo na sa kinauupuan ko at lumapit na sa kanya. "I'll assign you to design the stage for the campus fest." Nagulat ako sa sinabi ni prof. Seryoso ba siya? Napangiti ako ng wala sa oras dahil sobrang gusto ko talagang mag ayos ng stage, yung mga nakikita ko kasi dati ang gaganda ng mga designs nila sa stage and sobrang pangarap kong ma assign dun.. Hindi naman siguro ako nananaginip diba? "I know you want it! Matagal mo na kasi akong kinukulit tungkol diyan. Later you'll find out who will be your partner. And one more thing, magplano na rin kayo together about sa mga booths, kung saan ipwepwesto." hindi parin nawala yung ngiti ko sa kanya. Oh my gosh i'm so excited. Next month pa naman yung campus fest pero may naisip na akong idea about diyan. Ang tagal ko na kasing pinapangarap mag organize nang ganito. "Prof! Thank You." sabi ko sa kanya habang nakangiti parin hanggang tenga. Hindi ko talaga maexplain yung nararamdaman ko ngayon. Oh my gosh. "Impress me Sienna. Show me what you've got." sabi niya sakin habang nakangiti. Close na talaga kami ni prof. Favorite professor ko si prof. G eh. Parang lolo ko na kasi siya tyaka 3 years ko na siyang nakakasama. Tumayo ako ng maayos at confident na sumagot sa kanya. "Definitely yes prof. You'll not regret na pinili niyo ko." sabi ko saka ngumiti ulit ng malapad sa kanya saka kinuha na yung mga gamit ko sa desk kung saan ako umupo saka lumingon ulit kay sir at nagpaalam na. May mga estudyante na kasi siya, eh yung klase ko mamayang 9 pa. 7:30 palang naman. Ahy kukunin ko nga pala yung laptop ko sa kotse nakalimutan ko kasi. Nagiba ako ng way dahil papunta dapat ako sa library kaso naalala ko nga yung laptop dahil itutuloy ko yung autocad ko. Napahinto ako malapit sa parking lot dahil nakita ko yung kotse ni Xzander. Tinted yung bintana niya kaya hindi ko siya makita, may mga tao rin sa may parking lot. Naglakad na ulit ako papunta sa parking lot pero bigla akong napahinto ng may lumabas na babae sa kotse ni Xzander. Halaka. Pagkalabas ni Colleen sumunod naman si Xzander. Walang hiya tong mga 'to? Mamaya kung anong isipin nila jan. Oh diba? At dahil sikat nga si Xzander dito, yung mga babae diyan nagbubulungan na dahil sa nakita nila at halos lahat ng nandito nakatingin na sa kanila. Hay ano bang nakain nila at nagsabay sila? Nilagay ko yun left hand ko sa beywang ko saka tumingin sa kanilang dalawa. "Thank You sa pagsabay kuya." sabi ni colleen saka sumaludo pa kay Xzander pero tumango lang ito kay colleen. Nakapameywang parin ako habang nakatingin kay colleen na naglalakad na. Kumaway naman siya nung nakita niya ako. Binuksan ko lang yung kotse ko saka kinuha yung laptop ko. "Nakakainis." sabi niya ng makarating siya dito sa kotse ko. Napakunot naman ako ng noo saka sinara na yung kotse ko at tumingin sa kanya. "Bakit?" tanong ko agad saka nagsimula ng maglakad. Itong way na to ay papunta sa library, katabi lang naman ng architecture building ang library kaya hindi ako malalate. "Kinuha ni Mommy yung kotse ko at pinasabay ako ni dad kay Xzander." sabi niya. Ay nainis pa siya eh gusto niya rin naman kasi crush nga niya kaso nakakailang ring isipin na may gusto siya sa pinsan niya ano. "Kaya pala magkasama kayo." sabi ko saka nagpatuloy sa paglalakad. Matangkad rin tong si colleen eh, nasa lahi na ata nila ang pagiging matangkad. Matangkad naman si kuya ah. Nagkulang lang siguro ako sa pagtalon pag bagong taon, kasi naman lagi akong nakatulog kaya si kuya lang nabiyayaan. "Saan ang punta?" luh. May umakbay sakin. Napahinto ako sa paglalakad at napatingin sa katabi ko. Gosh matutunaw na ata ako!!! Si stephen kasi nasa tabi ko and nakaakbay pa siya sakin! Bakit ang ganda ng araw ko ngayooooon? "S-sa library. Sama ka?" sabi ko sa kanya saka ngumiti na at nag act ng normal. Wag mo namang ipahalatang kinikilig ka Sienna. "Tara" sabi niya saka napatingin sa laptop na dala ko at ngumiti. "Gagawa kayo nang autocad?" tanong niya saka napatingin sakin. Oh my gosh yung tingin niya. Inalis niya yung pagkakaakbay niya sakin saka kinuha yung laptop ko. "Hindi ka na nga tumatangkad ang bibigat pa ng dainadala mo." mapangasar talaga tong taong 'to. Hinayaan ko na siya magbuhat ng laptop ko saka sumabay na ulit maglakad sa kanila. "Panay ang practice niyo ah." sabi ni colleen kay stephen "Malapit na kasi yung campus fest, kailangan manalo ng department natin." sabi ni stephen habang nakangiti. Napakacompetitive talaga niya. Bakit ba napaka gwapo niya? Nakatingin lang ako sa kanya habang naglalakad. "Ah! Tangina mo." napamura ako at napapalo sa poste na nasa harapan ko. Ano ba 'tong poste na 'to oh panira sa buhay ko! Napahawak nalang ako sa noo kong nauntog dahil hindi ko napansin na tatama na pala ako sa posteng ito. "*chuckled* anong ginagawa mo?" tumatawang sabi ni colleen saka hinila ako papunta sa tabi niya. Aaminin ko, medyo nahihilo ako ng kaunti. Sino ba naman kasing tangang hindi tumitingin sa dinadaanan. "Ok ka lang?" tanong naman sakin ni Stephen saka pinat yung ulo ko. Hala. Hindi na masakit, nahawakan mo na kasi niya. Ay ang landi Sienna ah. "Tumingin ka nga sa dinadaanan mo, Ano bang tinitignan mo?" tanong ni stephen sakin, paano pag sinabi kong ikaw? Ang sakit talaga natamaan pa yung ilong ko, feeling ko magnonose bleed na ako nito. "Hindi ko napansin." sabi ko saka sinamaan ng tingin yung poste. Nakakainis ah tong poste na to pa ang sisira sa araw ko. Pagkarating namin dito sa library, binuksan ko na agad yung lappy ko para ituloy yung autocad ko. Hindi ko rin kasi natapos kagabi dahil nakatulog na ako. "Paano na ulit to?" tanong ni stephen sakin saka pinakita yung isang part sa autocad na hindi niya magawa. Syempre kailangan nating magpaempress diba? Hinawakan ko yung mouse ng laptop niya saka tinuruan siya. "Ayan ganyan." sabi ko saka bumalik na rin sa ginagawa ko. Si colleen naman nagbabasa lang ng novela jan sa gilid dahil tapos na raw niya yung autocad niya. "Thanks. Ayoko talaga mag autocad. *laughed*" sabi niya saka napakamot sa ulo niya. Eh tamad ka lang gumawa eh kasi puro basketball inaatupag. "Colleen, boyfriend mo yung kasabay mo kanina?" napatingin ako kay stephen dahil sa tanong niya. Ayan. Iyan na ang sinasabi ko, iba talaga iisipin ng ibang tao eh. "Hell no! He's my cousin." sabi ni colleen saka nagpatuloy sa binabasa niya. Ito hindi na nagsawa sa love story. May pakdrama na nga siya, adik na nga rin sa w*****d, pati ba naman sa mga librong patungkol sa romance? Nakakaloka! Malala na nga talaga siya. "Pinsan mo pala yung mayabang na 'yon?" napatingin muli ako kay stephen. Iritang irita yung mukha niya habang pinaguusapan si Xzander. Bakit kaya? "Hoy. FYI hindi mayabang ang pinsan ko. Mukha lang pero hindi talaga." sabi ni colleen saka ibinaling na ang tingin kay Stephen. Mahigit one week na rin si Xzander sa bahay nila, kaya malamang nakikilala na niya si Xzander. "Sobrang cold kasi, ang hirap pakisamahan sa basketball court." nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig ko. So that means... Sumali sa varsity si Xzander? Gosh. Ano kayang itsura nun pag naglalaro? "Ganun lang talaga yun." sabi naman ni colleen. Oo nga naman hindi naman yun palasalita eh tyaka mahirap talaga siya pakisamahan, yun ang sabi ni kuya sakin. "Napasalampak ako sa sahig dahil sa kaniya, hindi ko talaga inexpect yun." Ano? Nakakalokang Xzander yun ah. Hindi naman siguro na injured si stephen ano? Oo, minsan may tulakan sa laro pero hindi naman niya kailangan manakit. Naku manonood talaga ako sa next practice nila. Naku naku mahahampas ko si Xzander ng wala sa oras. "Laro lang naman yun ano ka ba." sabi ni colleen saka nagbasa nalang ulit. Uminit rin tuloy yung dugo ko kay Xzander eh. He can't do that to my crush, charot to my bestfriend pala. Nasan na ba si colleen? Kanina ko pa siya hinihintay dito sa parking lot, idaan ko nalang daw siya sa bahay nila dahil may pupuntahan pa si Xzander mamaya. Hindi na yun sanay mag commute, wala namang problema sakin kung makisabay siya eh. Naglakad na muna ako palabas ng parking lot dahil ang init rin hindi ko makeri, 3pm na at sobrang tirik ng araw. Wala na rin kaming klase. Ah nakalimutan ko nga palang itanong si prof. G kung sino yung makakasama ko. Tumakbo ako papunta sa office niya. Napahinto ako ng makita ko si prof. dun and he's with Xzander. Ano ba yan. "Prof." tawag ko kay prof. G saka tumakbo papalapit sa kanila. Inirapan ko naman si Xzander saka ngumiti kay prof. G "Akala ko nakalimutan mo ng itanong sakin kung sino ang makakasama mo." ngumiti ako ng malapad habang nakatingin parin sa kaniya. "Never kong makakalimutan yan prof." sabi ko nalang kahit na nakalimutan ko talaga hahaha buti nga naalala ko pa. Excited na rin naman ako malaman kung sino eh. "Mauna na ako prof." hindi ko nalang pinansin si Xzander. Tumango naman si prof. sa kaniya at ayun tuluyan na siyang umalis. Kung enemy ni stephen, enemy ko na rin! "So now you know who will be your partner." sabi ni prof. Hindi ko naman nagets agad dahil wala pa naman siyang sinasabi kung sino. "Sino nga prof.? Haha" tanong ko saka tumawa ng kaunti at tumingin ulit sa kaniya. "It's Mr. Alcaraza." Mr. Alcaraza Mr. Alcaraza Mr. Alcaraza WHAT? Napatingin ako sa direksyon kung saan dumaan si Xzander saka binalik ulit ang tingin kay Prof. Napatakip ako ng bibig ko dahil baka mamura ko rin si prof. at mapurnada yung pagkakaassign ko sa stage. "Seryoso ka ba prof.?" sabi ko saka tinanggal na yung kamay ko sa bibig ko. Sa dinami rami ba namang makakapartner ko siya pa? "Why? Do you have a problem with that?" nakangiti pang tanong niya. Mukha talagang nangaasar ang lolo niyo ah. Ngumiti nalang ako sa kanya at nagpaalam na. Tumakbo naman ako sa dinaanan ni Xzander na pabalik na rin sa parking lot. Pagkaliko ko... Naitama nanaman yung noo ko sa kung anong posteng lumitaw nalang bigla sa daan. "Stop messing up with my cousin." rinig kong sabi nitong higanteng ito. Ah ito na pala yung sinusundan ko. Si Xzander. Kahit nadumbo ko na siya, hindi man lang siya napagalaw or what. Human pader ata ito ah. Teka ano bang sinasabi ko? Sumilip ako sa kausap niya. Nakahawak yung babaeng yun sa wrist ni Colleen. Ay jusko, hindi ba niya alam na sensitive yung skin niya? Tinignan kong maigi yung babae. Napahinto nalang ako ng maalala ko yung babaeng kasing edad ko na kasama nila dad last time. Ito siya. Tama ako, siya nga. Bakit niya sinasaktan yung bestfriend ko? "Ano ba yan colleen! Ang dirty mo na." sabi ko saka hinawakan yung braso niya at hinila yun dahilan para mapabitaw tong babaeng ito sa wrist ni colleen. "What do you mean by dirty?" tanong ng isa sa alepores ng babaeng ito. Nakakaloka talaga ang mga tao ngayon eh. Kay tanda tanda na parang bata parin magisip. "Tara na, pinalilibutan tayo ng germs dito." sabi ko kanila colleen at xzander. "Oh sorry Xzander. She just stepped on my shoe kaya nagalit ako" maarteng sabi ng babaeng germs na ito. Maganda naman siya eh kaso napaka papansin. Tinignan ko naman yung sapatos niyang madumi nga, kasing dumi na niya. "C'mon" sabi ni Xzander saka hinila na si Colleen. Napataas naman ako ng kilay ko sa tatlong babaeng nasa harapan ko. Umirap ako sa kanila saka naglakad na. Hindi ko talaga mawari kung bakit kumukulo ang dugo ko sa babaeng yan. Hindi pa ako nakakalayo sa kanila, samantalang yung dalawa eh nakarating na ng parking lot. Isa lang naman akong dwende na sobrang liit ng biyas kaya hindi makahabol sa mga higanteng katulad nila. Nagulat nalang ako ng may humawak sa braso ko at hinila ako paharap sa kung sinong taong ito. Ah yung babaeng sobrang ganda kaso kindergarten magisip. "You look familiar." she said and slightly smiled at me. Tignan mo tong taong to, hindi kasi maganda yung ngiting binigay niya sakin. Maaasar ka nalang bigla eh. Bwisit na to! "And so?" sabi ko saka binawi yung braso ko sa kanya dahilan para mapagalaw siya ng sobra. Huh! Buti nga saiyo. "Colleen is your bestfriend right? So... What is your relationship with Xzander?" WOW! relationship? Siguro may gusto tong taong to kay Mr. Alcaraza kaya siya ganyan magisip, wala namang 'sila', ni hindi rin siya kilala ni Xzander, pero bakit kung makapagselos siya, sobrang OA niya? "He's my friend. Is there a problem with that?" tanong ko saka tinalikuran na sila at naglakad. Wala akong time makipagusap sa mga taong katulad niya. "My step dad told me that she has a daughter same age as me." sabi niya kaya napahinto ako sa paglalakad ko dahil alam kong yung step dad na sinasabi niya... Eh ang daddy ko. Hindi ko nalang siya pinansin at naglakad nalang ulit. "You know what? He's sweet, specially to our princess." eh ano ngayon? Bakit ba niya sinasabi sakin lahat yan? Para inisin lang ako? Wala akong time para makinig pa sa kanya at nag lakad nalang. "Well, I guess. He didn't like to see his own child anymore. He told me that he doesn't care about them. Giving them money is enough than giving them love." napalingon ako dahil sa sinabi niya. Ang sarap talaga niyang murahin. Sobrang naiinis na talaga ako sa babaeng to, konti nalang ready ko na talaga siyang sabunutan. "Ano bang problema mo?" galit na tanong ko sa kaniya. Kasi halata sa mukha niyang nageenjoy sa pakikipagusap sakin tungkol sa tatay ko. "Sienna Elise Gonzales." banggit niya sa pangalan ko saka naglakad palapit sakin. Paano niya ako nakilala? Wala namang akong recent picture kay dad pero bakit kilala ako ng babaeng ito? "I just want to know you...." sabi niya saka lumapit pa lalo sakin. Hinayaan ko nalang siya dahil baka kung anong masabi ko sa kanya. Naiirita na ako. Huminto siya sa may bandang tenga ko. "My step sister." napatingin ako sa kanya na nakangisi na at sobrang nangaasar talaga yung mukha niya. Ngayong nakilala na niya rin ako, siguradong hindi na ako titigilan nito. "Sienna." tawag sakin ni Colleen na katabi ko na dito sa kotse ko. Kararating ko lang rin tyaka nauna na rin si Xzander na umalis kaya dito nalang sa kotse ko sumakay si colleen. "Konting konti nalang talaga kakalbuhin ko yang babaeng yan." sabi niya saka inis na nilagyan ng ointment yung pasa niya sa wrist niya. Madali lang talaga magkapasa si colleen. Nakatulala lang naman ako sa wrist niya at iniisip parin yung nangyari. "Ok lang ako." sabi naman ni colleen saka nagstop na sa panggagamot ng wrist niya. "Sino ba yun?" nacurious lang ako sa pangalan niya dahil nanay niya ang umakit sa daddy ko. First family niya kami pero biglang may nabuntis nalang siya. Kung hindi ba naman malandi yang nanay ng babaeng yan edi sana buo pa ang pamilya ko. "Jazzmyn Valenzuela, she's a mean girl. Nasa ABM department siya" sabi ni colleen. Inistart ko naman na yung engine ng kotse ko at nagsimula ng magdrive. A mean girl? Kulang nga talaga sa pansin yung babaeng yun, at t tama ako 'yang Mrs. Valenzuela na yan dati is secretary ng daddy ko, so hindi na rin ako magtataka kung bakit nahulog sila sa isa't isa. Wag silang magpapakita sakin at baka mapatay ko sila. Wala talaga akong ganang magdrive. "I just want to know you..."  "My Step Sister."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD