Sienna's POV
Nandito ako ngayon sa kwarto ko habang nakahilata dahil tinatamad talaga ako magbuklat ng libro at mga notes ko. Wala rin akong ganang manood ng kdrama dahil tinamaan talaga ako ng katamaran ngayon.
Binuksan ko yung lamp shade ko dahil gabi na rin. Kanina pa ako nakakulong dito sa kwarto ko. Bakit ba kasi kailangan niya pang iparinig sakin lahat ng yun! Hindi ko alam pero nagseselos talaga ako sa bunsong kaoatid nila.
'You know what? He's sweet, specially to our princess.'
Edi wow. Sampalin pa kita eh. Hindi ko kailangan yang tatay niyo. Sainyo na yan! Anong gagawin ko jan? Kung ayaw niya kami, mas ayaw namin sa kanya. magpakasaya lang kayo hangga't gusto ninyo. Masaya naman ako sa buhay ko kasama si kuya.
"FUDGE!" nabanggit ko ng may biglang tumulong luha sa mata ko. Kingina namang mata ito oh. Kinuha ko yung tissue sa side table ko at pinunasan yung mata ko.
Magaaral na nga lang ako, wala naman akong mapapala sa kakaisip ko ng mga happy moments nilang magkakasama. Wala na rin naman akong magagawa para ibalik yung family namin kaya magaaral nalang ako at may stage pa akong kailangan idesign.
Speaking of stage. Si Xzander, hindi ko pa nga pala siya nakakausap tungkol dito. Lumabas ako ng kwarto ako kumatok sa kwarto ni kuya sean.
"Yes?" rinig kong sabi niya sa loob kaya binuksan ko na yung pintuan. Nakita ko siyang nakaupo sa may sofa niya kaya pumasok nalang ako at isinara yung pinto.
"Oh Elise, bakit?" tanong niya sakin. Nahihiya kasi akong hingiin yung number ni Xzander kaya tahimik lang ako at humahanap ng tiyempo.
"Ahhh." sabi ko saka may ilang na ngumiti at napakamot sa ulo ko dahil nahihiya talaga ako.
"Ahh Kuya kasi..." sabi ko, hindi ko talaga matuloy tuloy eh. Ok lang naman siguro diba? Kasi friends naman na kami... Or ako lang may alam na friends kami? nakakaloka ka talaga sienna.
"Kasi?" WAIT NGA LANG KUYA! ano ba yan eh, wait lang. Hihinga lang ako.
"kasi... Nakaassign ako sa pagdedesign ng stage para sa campus fest. Eh pwede ko bang makuha yung..." hindi ko na naituloy yung sasabihin ko dahil inunahan niya na ako.
"Yung? Number ni Xzander?" halaka how does he know na hihingiin ko yung number niya? Buset.
"O-oo... T-teka paanong-" sabi ko pero biglang tumunog yung cellphone ko. Tinignan ko naman yun, finorward na niya agad yung number ni Xzander sakin.
"Partner mo siya diba? Nasabi niya kasi sakin. I know it little sister, advance ako mag isip" then he winked at me. Ngumiti ako sa kanya awkwardly saka tumalikod na.
"Thanks!" Sabi ko lang saka dali dali ng lumabas at tumakbo papunta sa kwarto ko. Pumasok ako sa dressing room ko para huminga kasi maririnig ako ng kuya ko jan sa kwarto.
Umupo ako sa upuan saka tinignan yung number ni Xzander. Ano bang gagawin ko dito? Sinave ko muna yung number niya saka tinitigan ulit. Ano ba? Itetext ko ba o tatawagan ko na? Tsk! Pwede namang bukas nalang, next month pa naman kasi. Pero mas maganda kasing maaga. Binaba ko yung clphone ko sa upuan saka tumayo at tumalon talon dahil nahihiya akong makipagusap sa kanya
*Ringing*
Hala ka. Napatingin ako sa phone ko ng marinig kong nagriring yun. What the? napindot ko ba? Bakit? Kukunin ko na sana yun kaso.
"Hello?" what is this? Anong gagawin ko dito? Nakakalurkey! Napatalon pa ako ng lalo dahil dun.
"Hello?" kinuha ko na agad yung phone ko saka pinatayan siya. Wait di pa ako ready.
*Kring*
Muntik ko ng mabato yung cellphone ko dahil bigla nalang tumunog at eto pa. Tumatawag si Mr. Alcaraza.
"Hello?" sabi pa nya, wait nga. Huminga ako ng malalim.
"Patatas?" nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko yung tinawag niya sakin. Halakaaaaa. Paano niya nalamang ako ito? Tyaka hindi ba niya ako titigilan sa kakapatatas niya sakin?
"Patatas mo mukha mo" bulong ko sa telepono dahil nainis ako ng konti.
"May sinasabi ka?" tanong niya. Hoooosshh wala! Wala siyang narinig!
"H-Hello?" utal na lang na sabi ko habang nakaharap na ngayon sa salamin.
"Yes, Hello." sabi niya. Tang*na bakit ang ganda ng boses niya kahit dito lang sa phone.
"A-ah! Itatanong ko lang kung anong balak mo?" tanong ko sa kanya saka tinalikuran yung salamin kasi parang kaharap ko yung kausap ko eh.
"Balak saan?" wow. Nakalimutan niyang magpartner kami? Seryoso ba siya? Hahayaan niya lang ako mag isa sa stage design? At kung saan ipwepwesto yung mga booths para sa campus fest? Is he serious?
"Ah sa plano ba? Bahala ka na. Magpapahinga na ako." sabi niya. Ay putspa. This is not what I expect. I thought he is responsible, pero akala ko lang pala.
"Ikaw na magplano update mo nalang ako." sabi niya. Ay aba. Syempre sasang ayon lang naman siya dun. Nakakaloka! Magsasalita palang sana ako pero binaba niya na agad. Naku kumukulo na dugo ko jan. Binato ko yung phone ko sa may upuan, buti hindi nagslide. Hay na ko wala nga talaga siyang balak tulungan ako.
Binalak kong hindi manuod ng kdrama kagabi dahil balak kong pumasok ng maaga ngayon. Actually nandito na ako ngayon sa school at papunta na ako ngayon sa gymnasium para tignan yung stage.
"Hay" napabuntong hininga nalang ako ng makita ko kung gaano kalawak ang dedesignan namin. May inassign rin naman si prof. G para tulungan kami mag ayos dito pero ang design nasa akin lang. Hmm tumingin ako sa labas. Syempre hindi naman pwedeng ipwesto yung mga booths dito sa loob ng gym. Napangiti nalang ako dahil sa field na nakikita ko sa labas. Naglakad ako papalapit dun saka tinignan yung kalawakan ng field na to. Buti nalang talaga malawak ang school na to.
Naiimagine ko na. May mga carnival booths, photo booths, at kahit ano pang chuchubanana booths ang nandito. This will be fun! Napalingon ulit ako sa loob ng gym at tumakbo sa harapan ng stage.
"Wow!" banggit ko ng makita ko sa imagination ko yung design ng stage.
Patakbo na ako ngayon pabalik sa Engineering and Architecture Building dahil medyo natagalan ako sa pagplaplano ng gagawin ko sa stage. Nilalagay ko yung lapis at sketchpad ko sa bag ko habang tumatakbo, kasi nga anong oras na malalate nanaman ako.
*boogsh*
Sa lakas ng impact ng pagkakabangga ko sa kung sino man yan, nagkalat sa sahig lahat ng gamit sa bag ko.
"Sorry, sorry!" sabi ko saka walang tingin tingin na nilagay lahat ng gamit sa bag ko kahit pa magulo na yan ok lang wag lang ako malate. Medyo malapit naman na ako sa building ko at 10 mins. left nalang time na. Nasa 4th floor pa yung room ko. After kong mailagay lahat ng gamit ko, iniwan ko na siya dun dahil wala na talaga akong time.
Walang kwentang elevator naman to oh! Pumunta na ako sa gilid para gumamit ng hagdanan. Hoo! Nakakapagod!
Pagkarating ko dito sobrang hingal na hingal at pawis na pawis na ako. Si Prof G kasi yung instructor namin ngayon, kilala niya na kasi ako eh syempre malalaman na niya agad na late ako. Kung makikita niya na irresponsible ako sa pagpasok ko baka isip niya maging irresponsible rin ako sa pagoorganize sa campus fest. No no no! That would not happen.
"Anong nangyari sayo?" tanong sakin ni colleen pero hingal lang ang isinagot ko sa kanya, wala na rin namang boses ang lalabas sa bibig ko dahil sobrang napagod ako sa pagakyat ko dito. Hindi ko na siya sinagit dahil sobrang hingal na hingal nga ako.
"Good Morning!" Biglang pasok ni prof. G dito sa room. Hoooo thank you Lord nakaabot ako. Haaayy nakahinga na ako ng mabuti. Inilibot ko ang tingin ko dahil wala pa dito si Stephen. Hmmm napagod siguro yun sa practice nila kahapon kaya ganun.
"Nasa parking lot na kaya si Stephen?" bulong ko kay colleen habang nakatingin kay prof G na magchecheck ng attendance.
"Mr. Xzander?" napatulala ako kay prof. ng tawagin niya si Xzander. Oo nga pala wala pa rin siya dito sa room. Inilibot ko pa yung tingin ko pero wala talaga siya.
"Mr. Xzander?" Hmp! Late nga prof. pwede bang palitan niyo nalang yung partner ko sa pagoorganize??
"Mr. Alcaraza? Absent?" tanong ni prof. Ang kulit lang prof.? Wala ka ngang nakikitang Xzander dito! Magsasalita na dapat ako ng 'Prof. Absent' pero
"Present Prof." napatingin ako sa may pintuan dahil nakatayo na dun si Xzander na pachillchill lang. Ay wow umabot siya, dapat diyan minamark as late. Kumukulo na talaga dugo ko sa kanya. Tumango lang si prof. saka itinuloy na yung pagchecheck niya ng attendance. Madaya, samantalang ako pagod na pagod makarating lang dito on time. Masyado kasing mabait si prof. nakakaloka.
*Library*
"Ibang iba talaga yung dinidiscuss ni prof. sa pinapaquiz niya!" reklamo nanaman ni colleen dahil sa may biglaan kaming quiz kay prof. G, buti nga at nagreview ako ng kahit na konti kanina bago ako magpunta sa gym.
"Di ka na nasanay." sabi ko saka ibinaling ang tingin ko sa libro ko. Hmm gusto ko sanang intindihin tong binabasa ko eh kaso ginugulo ako ng stage design.
Nagdecide ko na kunin yung bag ko para kunin yung lapis at sketch pad ko. Hindi naman kasi kalakihan yun eh kaya hindi ko makapa sa bag ko.
Nasan na ba? Kapa parin ako ng kapa sa loob ng bag ko. Hindi ko na kasi tinitignan eh alam kong nandyan lang yun. Sa inis ko binuhat ko na yung bag ko at nilapag na yun sa mesa at tinignan na habang kinakalkal yun.
Putcha halos ipasok ko na yung ulo ko sa bag ko dahil wala talaga dito sa bag ko. Saan ko ba nailagay yun? Hindi ko naman nilapas yun kanina sa room ah.
"Ano bang kinakalikot mo jan?" rinig kong tanong ni colleen sakin sabay tinuktukan yung ulo ko na nasa loob na nga ng bag ko. Halos hindi na ako makahinga. Kinuha ko yung lapis ko.
"Nandito yung lapis ko, pero wala yung sketch pad ko." the heck! Nandun pa naman yung pinakaiingat ingatan kong sketch at design. Tangshoot naman oh.
"Saan mo ba nilagay?" tanong niya saka tinignan na rin niya sa bag ko pero wala talagaaaaaa!
Ah naalala ko, may nakabungguan nga pala ako kanina sa field. Tumayo na ako sa kinauupuan ko at ibinag na lahat ng mga gamit ko saka nagpaalam kay colleen.
Habang naglalakad ako dito sa corridor iniisip ko na kung sino ba yung nakabungguan ko dahil hindi ko talaga siya nakita kanina. Ang tanging nakita ko lang is yung black shoes niya nung pinupulot ko yung mga gamit ko. Pero hindi ko talaga nakita kung sino eh.
"Patatas." konting konti nalang talaga mababangga nanaman ako sa taong pader na to. Bigla akong napaatras dahil humarang siya sa dinaraanan ko.
"Anong kailangan mo?" tanong ko sa kaniya. Haharang nalang siya bigla eh! Pilit kong iniiwas yung tingin ko sa kaniya hanggang sa mahagip ng mata ko si Stephen. Oh anong nangyari sa paa niya? Tumingin ako kay Xzander na magsasalita na dapat kaso pinigilan ko na muna, baka tungkol lang yan sa stage.
"Mamaya ka na." sabi ko saka tumakbo na kay stephen, hindi naman siya malayo samin kaya nakarating ako agad sa kaniya. Paika ika rin siya. Napatingin tuloy ako sa paa niya, mukhang nasprain na naman 'to. Malapit na yung game nila ah badtrip na naman to kapag hindi nakakapagpractice. Hay
"Anong na namang nangyari sayo? Bakit wala kang saklay?" tanong ko sa kaniya dahil hirap na hirap siya maglakad oh. Nagtanong pa ako diba? Kung alam ko namang ibabato niya lang yun pag nagkataon, tamad 'to eh.
"Nagkamali sa pagbagsak bestfriend." AW. Sakit ah, bestfriend jusko na bestfriend na naman ako. Inalalayan ko na siya at sinabayan ko na rin maglakad kasi parehas naman kami ng room na pupuntahan. Nakita ko naman si Xzander pero yung direksyon niya ay papuntang rooftop, hmm ano namang gagawin niya dun? Sa bagay maaga pa naman bago magstart yung klase namin.
"Hindi ka kasi nagiingat." sabi ko sa kaniya habang naglalakad kami. Nagaalala rin naman ako sa kaniya kasi ang competitive nito baka mamaya makita ko nalang siya na naglalaro nanaman kahit di pa magaling yung paa niya.
"Ok lang ako." sabi niya saka nilagay sa ulo ko yung kamay niya. Medyo namula ako kasi kinikilig ako, mabait naman 'to eh kaso natatakot talaga akong mareject tyaka maging awkward kapag nagtapat ako, ayoko naman ng ganun.
Hoo tapos na klase namin. Si colleen may pupuntahan daw siya kaya nauna na, pati si Xzander siya nga ata unang lumabas kanina sa room eh. Si Stephen naman hinatid ko dito sa library kasi hirap na hirap siyang maglakad, gusto ko na rin umuwi kasi 4:30 na ng hapon baka pag hindi ako umuwi agad magalit sakin si kuya, dadaan nalang ako sa mall para bumili ng makakain para naman di ako maboring.
"Alis na ko ah, ingat ka." sabi ko kay stephen saka pinat yung balikat niya.
"Ikaw rin, 'wag kaskasera sa daan." sabi niya sakin habang nakangiti. Yieeey naman nginitian ko nalang rin siya saka tumango at tuluyan ko na nga siyang iniwan dun, pero ok rin sakin na nasprain siya. Ang sama ba? Hindi, kasi naman hindi ko na siya nakikita madalas sa library para magbasa basa pero ngayong may 1week siyang may pahinga ok na rin kahit paano makakapagconcentrate na ulit siya sa studies niya kahit pa matalino na yan, puro kasi basketball.
Malapit na ako sa parking lot ngayon at sobrang pagod na rin ako kakalakad, bakit ba kasi sobrang laki ng school na to? Napahinto ako agad ng marinig ko sa likod ko na may patakbong kung sino kaya napalingon ako agad at pagkalingon ko nabangga niya ako. Ngayon ko lang siya nakita. Umiiyak rin siya tyaka diko masyado makita yung mukha niya.
"Sorry, Sorry." sabi niya saka tumakbo na ulit, sinundan ko naman siya ng tingin bakit kaya siya umiiyak? At bakit ba napakachismosa ko?
Pagkarating ko ng parking lot, napansin kong magkatabi na naman yung kotse namin ni Xzander. Hindi muna ako pumasok sa kotse ko at nagsalamin nalang muna since tinted naman ito at kitang kita ko talaga yung ganda ng mukha ko. Nagbuhat ng sariling bangko. Tsk tsk ganyan talaga. Nagfafade na rin yung light makeup ko kailangan ko na magretouch. Napatingin ako sa entrance ng parking lot dahil nakita ko dun si Xzander. Hmm iniisip ko nga bakit walang nagtatawag sa kaniya ng maverick? Sila kuya, pati mga kaklase namin, Xzander ang tawag sa kaniya. Kung patatas tawag niya sakin siguro tawagin ko nalang rin siya sa ibang pangalan. Hello di pa niya ako tinatawag sa pangalan ko.
"Maverick!" tawag ko sa kaniya nung malapit na siya sakin pero hindi niya ako pinansin tyaka yung mukha niya sobrang badtrip oh.
"Uy Maverick!" tawag ko ulit sa kaniya and this time tumingin siya sakin pero ang sama sama ng tingin niya sakin.
"I'm not in the mood." he said saka inirapan ako. Abay suplado ha. Badtrip na badtrip si kuya ah.
"Sunget!" sabi ko nalang saka lumapit ng kaunti sa kotse ni Maverick para buksan sana yung kotse ko kaso nagulat ako nung bigla niyang iniatras yung kotse niya dahilan para mapasalampak ako sa sahig. Shocks.
"Aaaaahh!"