Episode 8

2295 Words
Sienna's POV Nakahiga na ako ngayon dito sa kama ko dahil may nakakabwisit na nangyari kanina. Kung badtrip siya hindi naman niya kailangang mandamay eh!.Napahawak ako sa left arm ko dahil nasagi yun ng side mirror ng kotse niya. Hindi niya muna ako pinapasok man lang sa kotse ko bago siya umandar. The heck! Nakakapang mura talaga. Alam kong hindi rin naman niya sinadya yung nangyari kasi dali dali siyang bumaba sa kotse niya para tulungan ako. Pero kasi nakakabwisit lang. Alam niyo yun. Yung tipong parang tumigil yung mundo ko ng hawakan niya yung magkabilang braso ko? bwiset. Hindi na rin ako nakapagmaneho dahil nga masakit yung kamay ko. Si Maverick nga mismo ang tumawag kay kuya para ipagdrive nalang ako, si kuya bailey na rin ang nagmaneho sa kotse ni kuya dahil hindi niya dala yung kanya. "Palagyan mo na ng benda yan." sabi sakin ni kuya na nakatambay dito sa kwarto ko. Sinabi ko nang ok lang ako eh, ayaw niya paring lumabas dito sa kwarto ko. "Eh ayaw ko nga." sabi ko saka bumangon sa pagkakahiga ko at tumingin sa may study table ko kasi nandun siya nakasandal habang tinitignan ako. "Bahala kang mabinat yan." sabi niya saka tumayo na ng maayos habang nakatingin parin sakin. Hmmm bahala na, ayoko maging center of attraction. Hello! Kung tignan nga nila si stephen kanina parang wala ng bukas eh. Ang nakakainis pa, ang dami daming babaeng umaaligid sa kaniya at nagtatanong kung ok ba siya. PAG SINABING OK. OK! Hindi na kailangan magbigay ng kung ano anong paek ek na gamot or pagkain. "Magpahinga ka na. Good Night" sabi ni kuya saka tinap yung ulo ko at tuluyan ng lumabas. Sinundan ko lang naman siya ng tingin hanggang sa makalabas siya. How can I live without you kuya? Sana lagi ka nalang nandito sa tabi ko, kasi ikaw nalang ang natitira sakin. "Anong nangyari sayo?" tanong ni colleen ng makita yung nakabenda kong braso. Medyo malakas kasi yung pagkakaatras ng kotse kaya nabigla rin yung braso ko, hindi naman nabali or what basta pagpahingahin ko lang. Dumating yung doctor ng pamilya namin kaninang 7, so pinalagyan ko nalang para hindi na magalala sakin si kuya. "Wala, naitama ko lang" hindi ko na naituloy yung sasabihin ko dahil may lalaking pumunta dito sa harapan ng desk ko. "I'm sorry for what happened yesterday." napaangat ako ng ulo ko sa gulat ng marinig ko yung boses ni maverick. Gosh bakit ang pogi niya talaga, paano pa kaya pag tumagal. "Ok lang talaga." sabi ko saka umiwas na ng tingin at nagbasa na ng libro ko. Hindi ko na siya ulit pinansin dahil nagpakabusy na ako. "Ano bang nangyari?" tanong ni colleen na nasa tabi ko. Napatingin naman ako sa kanya at napansin ko sa peripheral view ko yung lalaking nasa harapan ng desk ko kaya napatingin ako dun. "Waaah!" gulat na sabi ko ng bigla rin siyang napatingin sakin. Konti nalang talaga hahambalusin ko na siya libro. Bakit nanaman siya nandito? "I accidently hit her." sagot ni Maverick sa tanong ni colleen. Heh. Magtigil ka nga. Nagulat ulit ako ng ipaharap ako ni colleen sa kaniya at pinakiramdaman yung noo, leeg at kinapa kapa pa yung katawan ko dahilan para mapatapik ako sa mga kamay niya. "Ano bang ginagawa mo?" nagtatakang tanong ko. "Ok ka lang talaga? Wala ng masakit sayo?? Nako jusko! MAGINGAT KA KASI!" Hala OA na naman siya. Sinigawan pa talaga niya yung pinsan niya with matching tuktok sa ulo nito. "Aray!" banggit ni Maverick. Wow close na sila ah. Ang cute nilang magpinsan, i guess nakamove on na tong babaeng to sa feelings niya para sa cousin niya. Haha ew "Bumawi ka dito ah sinasabi ko na sayo!" sabi ni colleen kay Maverick. Tumingin naman ako kay colleen, paano naman yan babawi sakin? "Utusan mo lang siya kung may kailangan ka." sabi ni colleen saka ngumiti na sakin, tapos ibinaling ulit niya yung tingin niya kay Maverick saka sinamaan naman yun ng tingin. Hayst. Sa bagay ang hirap ring gumalaw, kailangan ko ng tagahawak ng mga gamit ko, susundo sakin, maghahatid, magdadala ng pagkain. Ngumiti ako ng nakakaloko saka tumingin kay Maverick. "Mav, About sa stage design... Tutulungan mo ko diba?" tanong ko sa kaniya. Walang reaksyon siyang tumingin sakin habang ako ay parang lokolokong nakangiti sa kanya. Seconds passed bigla nalang siyang tumango kaya ako itong napakatingkad ang ngiti. Aye! May susunod na sakin. Magkasama kami ngayon ni maverick dito sa cafeteria dahil balak ko ng ibahin yung plan ko kasi naman hindi ko talaga mahanap yung sketch pad ko. "Maverick" tawag ko sa kanya pero sinamaan niya lang ako ng tingin. Hmp mas ok na inisin kita noh. Patatas nga tawag mo sakin. Hindi ko pa naririnig yung pangalan ko jan sa bibig mo. "Will you please stop?" may pagkainis na sabi niya. Umiling lang ako saka ngumiti sa kaniya. "Mav, Ok lang yan! Pangalan mo naman." sabi ko saka tinuloy na yung inisketch ko. Uhm feeling ko mas maganda parin yung design ko nung una. Pinunit ko ulit yung papel saka gumawa ulit ng bago. "Kanina ka pa punit ng punit jan, sayang yung papel! You don't know how many trees are cut down just to make paper!" galit na sabi niya saka kinuha sakin yung pad niya. Wow nature lover kaya si mav? Tama naman siya eh. Pero nagulat lang ako sa bilis niya magsalita. "Oh! Sorry sorry!" sabi ko saka tinignan nalang siya na ngayong sinisimulan ng magsketch. Tinignan ko lang naman siya dahil ang galing rin niya sa free hand at lalo niyang kinapogi yun. Napansin ko yung lips niya, ang kapal ng lower lip niya. Kissable. WHAT? What am i thinking? umiwas ako ng tingin sa kaniya saka ininom yung bottled water ko. Oh my gosh ano ba to. Nang matapos niya yun pinakita niya sakin agad. Oh Wow, Simple but elegant. May mga nakabitin pa sa ceiling which I think... It's a christmas lights. How cute, napipicture ko na yung gusto niyang mangyari sa stage, more on pang pageant kasi. "But this one is better." Sabi niya saka may nilabas sa bag niya, hinablot ko agad yun sa kaniya. Bakit nasa kaniya tong sketch pad ko? "You're in a hurry yesterday kaya hindi ko naibigay sayo agad." sabi niya saka uminom ng tubig at tumingin ulit sa sketch niya. Nakita niya kaya yung sketch ko sa likod ng pad ko? Oh my gosh. "Don't worry, yung design mo lang yung nakita ko jan." sabi niya saka tumingin sakin. Nakahinga naman ako ng maluwag. May sketch kasi ako dito na pinakatatago ko kaya hindi ko masyadong nilalabas, buti si mav ang nakakita. "Hindi ba't may pageant night before the campus fest ends? Why don't we use your design for program and other activities while yung design ko is for the pageant night." oh napaka productive naman pala ng lalaking ito, mali ako ng inakala. Tamad lang siguro siya. "That's a good idea. Isang high five naman jan." sabi ko saka itinaas yung right hand ko. Ganun din naman siya kaso hindi pa niya inapir. Lang yang lalaking to. "High Five!" i said saka nakipag apir na sa kaniya. Hindi parin siya ngumingiti at nakacold face lang ulit siya. Ok na kami sa stage at sa booths so ang kailangan nalang namin gawin is magpahinga at siguraduhing magagawa namin yung plan. "Ako na magbubuhat ng bag mo. Sabay na rin tayong umuwi mamaya." hoho bumabawi bumabawi. Sige b.! Hindi ko naman dala yung car ko kasi nakisabay lang ako kay kuya, para hindi na rin ako maghintay sa kanya dahil 6 pa uwian nun. Habang naglalakad kami dito sa corridor. Panay naman yung mga tingin ng mga babaeng nagkakagusto sa kaniya. Haaaayyyy huminto ako saka humarap kay Mav. "Akin na yan." sabi ko saka tingin sa bag ko pero hindi niya ako pinansin, nilagpasan niya pa ako. Potek. "I don't want you to hurt yourself. Ako may gawa niyan. Tyaka ang bigat ng bag mo, kaya ako na." sabi niya saka nauna na. Napahinto naman ako saglit dahil sa sinabi niya. 'I don't want you to hurt yourself' POTEK. ANONG SINASABI MONG HIGANTE KA? Sinundan ko nalang siya. Nakakahiya ring maglakad sa likod niya dahil nakatingin yung mga babaeng nakakasalubong niya tyaka yung mga nanjan lang sa gilid. Peymus kasi ang kuya eh. "Sienna, napano yan?" napahinto ako dahil may lalaking nagtanong sakin. Ah he's my classmate last year tyaka kasama niya yung mga kaibigan niya. "Naitama ko lang besh!" sabi ko saka naglakad na ulit. Ang awkward talaga maglakad dito eh. Pwe! Hindi ko nanaman napansin na huminto yung taong pader sa harapan ko kaya nauntog nanaman ako sa likod ni maverick. "Mav ano ba!" inis na sabi ko saka pinalo yung likod niya pero hindi niya ako nilingon kaya napatingin nalang ako sa harap niya. Napatingala ako kay maverick na walang reaksyon saka napabalik ulit ang tingin ko sa babaeng kaharap niya na nakayuko at binibigyan siya ng white rose. Nilagpasan lang ni mav yung babae, hindi naman ako sumunod sa kanya agad dahil kawawa naman yung babae. Kukunin ko na sana dapat yung rose pero bigla niyang binitawan kaya napasunod nalang yung mata ko sa pagbagsak ng rose sa sahig. *sob* EH BAKIT KA UMIIYAK? POTAKTENG MAVERICK NA TO OH. Hindi man lang niya kinausap ng maayos. "Beh ok ka lang?" tanong ko sa kanya. Pagkaangat niya ng ulo niya. Wah ang gandang nilalang naman niya. Napakakinis ng mukha tyaka medyo mas matangkad siya sakin, ang puti rin kasi niya kung kaya't nabighani ako sa ganda niya. Ang choosy naman ng lalaking yun. Teka! Hindi ba ito yung nakabanggaan ko rin kahapon? Oo! Siya nga, at umiiyak na naman siya. Hinayupak na mav. Pupulutin ko pa sana yung rose kaso biglang hinila ni Maverick yung right hand ko. Akala ko dumiretso na siya, binalikan pa pala ako. Napakasama ng ugali nitong lalaking to. Hindi ko alam kung bakit tumahimik nalang si mav buong hapon. 3pm na rin at uwian na namin pero wala parin akong naririnig kahit na isang tinig sa kaniya. Kanina pa nga dumadakdak si colleen dito pero hindi niya pinapansin. Bakit kaya? "Sienna, alis na ko. Hintayin mo nalang yan." sabi niya saka tinuro si Maverick na nakatulala lang sa white board. Sabagay lagi naman siyang ganyan eh. Bahala na nga hihintayin ko nalang siya. 10 mins. na ang nakalipas nang makaalis si colleen pero nandito parin siya nakatunganga lang. Ang lalim naman ng iniisip niya. Kami na lang dalawa ang nandito sa room dahil nagsiuwian na yung iba. "Hindi pa ba tayo uuwi?" tanong ko sa kanya dahil antok na antok na talaga ako. Hindi niya ako pinansin. Psh lumipat ako sa tabi ng upuan ni colleen para makita ko yung mukha ni mav. Mukhang problemado ang kuya niyo, may nangyari kaya? Psh. Inunanan ko muna yung right arm ko dahil sobrang inaantok na ako. *Yawn* Gustong gusto ko ng mahiga sa kama ko. Tumingin ako sa labas at nahagip ko yung isang lalaking may dalang gitara. Natulala na rin ako sa isang tabi dahil may naalala ako. Dad taught me how to play guitar. I know how to play it until now pero tinapon na kasi ni kuya yung gitara kaya hindi na ko ulit nakatugtog pati si kuya hindi na rin tumugtog kahit kailan kaya nga kapag nanjan si kuya bailey dedma nalang siya, hindi nga niya magawang hawakan eh. *sigh* Matutulog nga muna ako. Ayoko namang mabadtrip yang si mav pag pinilit ko siyang umuwi kaya mag titiis na muna ako dito. I was sitting under the tree while holding a guitar. Gusto ko sanang tumugtog kaso ayaw gumalaw ng mga kamay ko. Hanggang titig nalang ba ako dito? I really want to play it pero pag naririnig ko kasi yung tugtog ng gitara feeling ko mawawasak na yung puso ko dahil sa pagkamiss ko sa dad ko. I really miss him. I started to hold the strings and make a chord. "Why don't you try?" napatingala ako sa lalaking nakatayo ngayon sa harapan ko. Hindi ko siya makita dahil sa liwanag na nasa likuran niya. Tumingin akong muli sa gitara and start playing it. Yung lalaking nasa harapan ko ay ngayong nasa tabi ko na. "You're really good at playing it, anak" napahinto ako sa pagtugtog ko dahil sa pag pat niya sa ulo ko. Dahan dahan akong napatingin sa kanya and Dad. "Dad." i said while my tears fell down. I miss him very much, i can't even get mad at him. Binitawan ko yung gitara and i hugged him. Tuloy tuloy parin ang pagagos ng luha sa mga mata ko. "Dad!" a little girl came. Napatingin sakin si dad and he look so sorry. I don't know what will going to happen next. Lumapit samin yung batang babae at hinila niya si dad papalayo sakin. "Dad, don't leave me." sabi ko habang umiiyak, why can't he just take me? Or even a simple sorry for leaving me like this??? Unti unti silang naglaho and even my guitar disappeared. And seconds passed, all went black. "I really miss you...... Dad" Nakaramdam ako ng init sa tapat ko na ikinagising ng diwa ko. Hindi ko alam kung bakit ang bigat ng balikat ko but it comforts me. Why am i dreaming like that? I know i can't hug him anymore, he doesn't care what we feel. Unti unti kong iminulat ang mga mata ko. Nananaginip parin ba ako? He look like an angel. Ang payapa niyang tignan na para bang wala siyang problema sa buhay. If i was dreaming then i can touch him whenever i want. I touched his nose. Down to his thick lower lip. But... He suddenly opened his eyes. "WWWAAAAAAAAHHHHH!!!!!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD