Sienna's POV
Tumalon ako agad dito sa kama ko dahil sa nangyari kanina, hindi na nga rin ako nakapagsalita sa kotse dahil sobrang awkward ng nangyari! Nakakapang mura! Tang*na! Ano bang naisip niya at tumabi siya sakin ng ganun kalapit? Tinakpan ko yung bibig ko gamit yung unan ko and...
"AAAAAAAHHHHHH!!" potek! Bakit ko hinawakan yung lips niyaaaaa? Huh? Bakit? Bakit kasi mapang akit yang itsura ni Mav? Nakakaloka?
BAKIT NIYA KO TINABIHAN SA PAGTULOG KO? AT NAKAAKBAY PA SIYA SAKIN! I thought it was just a dream but nah. Nakakalokaaaa.
"Potakteng MAVERICK!" sigaw ko nanaman habang nakatakip parin yung unan sa buong mukha ko, tulog ba siya non? O gising na gising? Dahil sa sobrang lapit pa ng mukha naming dalawa at masigurado kong hindi panaginip yun. Nasapak ko pa siya sa mukhaaaa. Nakakahiya talagaaaa! Another kahihiyan sa harapan niya.
Hindi ko namalayang nakaidlip ako. 2am na ng umaga at ngayon hindi na ako makabalik sa tulog ko. Napatulala ako sa ceiling at inisip yung mukha ni maverick na sobrang lapit sakin. Napakakinis ng mukha niya, he's like an angel when sleeping. Parang walang pinoproblema sa buhay. Pero nafeefeel kong may pinagdadaanan siya kaya cold siya, and ang alam ko lang is yung tungkol sa first love chuchu niya but i feel na meroon pa, meroon pang pinaka reason why that guy is lonely and cold all the time.
Teka! Bakit ba siya yung iniisip ko? He is just a friend naman to me pero hindi ko alam sa kaniya kung tinuturing niya akong kaibigan. Psh. Anak ng tokwa! Hindi talaga ako makatulog! Kinuha ko yung sketch pad ko at binuklat yun sa huling page.
"Kaibigan nga lang talaga kita." I said while looking at my sketch. Why can't he notice me as a girl? Matagal na kaming friends pero iba na kasi yung nararamdaman ko for stephen, hindi ko alam kung magiging ok ako kung magconfess ako sa kanya. Natatakot ako kaya nga tinatago ko nalang para hindi na ako mas lalong masaktan kasi maliit lang yung chance na gusto rin niya ako. I sketch him nung naglalaro siya sa basketball court last year.
Itong sketch pad lang ang may alam ng lahat. Marami na siyang sketch dito kaya pinakatatago ko ito. But i'm not sure if maverick didn't see these sketches. Hindi ko naman mabasa yung mukha niya dahil iisa lang naman expression niya all the time kaya mahirap mawari kung may alam siya or wala.
Napakamapangasar talaga ng Maverick na yan! Hindi niya na ako tinigilan sa kakatawag niya sakin ng PATATAS! Magaling na rin tong braso ko kaya ok na sa kanya na asar asarin ako. Simula nung nagtulog tulugan siya sa harapan ko, hindi ko alam pero gusto ko talagang malaman kung bakit niya ginawa yun.
Kasama ko ngayon sila colleen at maverick dito sa park ng village namin kasi gusto rin ni colleen tumulong samin sa stage design. We only have 2 weeks left to decide and plan for campus fest. Parang saamin inassign lahat ng gagawin. Yung schedule ng mga indoor activities like dance competition, singing competition, pageant, and chuchubanana saamin na rin pala. Kami na rin nagorganize sa mga booths na gagawin per department. Napagusapan naman na namin and binigyan na kami ng budget ni dean para dun.
"Wag mo ngang istress sarili mo!" sabi ni colleen sakin kasi kanina pa ako nagbubunot ng d**o dito sa inuupuan namin habang nakabusangot. Nakakastress naman kasi talaga ang usapan stage design lang tapos sumunod yung booths tapos dinagdag pa yung schedules baka sa susunod kami na rin magassist sa mga contestant, sinong hindi maloloka!
"Sandali bibili ako ng ice cream." hindi na hinintay ni colleen yung sasabihin ko sa kanya dahil alam niyang tatalakan ko nanaman siya. Nakaalis na siya at kami nalang naiwan ni maverick dito. Sa pagod kong pagsabayin yung pagoorganize ko sa campus fest at sa acad ko nastress talaga ako!
Ginusto ko naman to eh tyaka mas better pa to sa kakanood ko ng kdrama, so keri lang yan sienna!
"Haaaaayyyy buhaaaayyy parang life" sabi ko saka humiga sa damuhan at pumikit. Hindi naman mainit dito sa pwesto namin, naka silong ilalim kasi kami ng puno kaya ok lang. Ang presko nga eh.
"Buhay na yung life diba?" napadilat ako ng mga mata ko dahil sa tinig na narinig ko. Hindi ba talaga niya ako pagpapahingahin man lang? Wala kaming klase ngayon pero wala akong time matulog, sanay naman na ako pero minsan kasi sumasakit yung ulo ko kaya kailangan ko talagang itulog. Hindi ko na siya pinansin at pumikit nalang ulit. Kaysa mainis ako itutulog ko nalang to.
"ICE CREAM ICE CREAM!"
"AY PUTAKTE!" napabangon ako ng wala sa oras dahil sa sigaw ni colleen! Malapit lang kasi yung convenient store dito kaya ang bilis lang niya. Haaaaay! Bwiset!
"Chill! Matcha for you, And Matsa for you, And Rocky Road for me." sabi niya saka binigay sakin yung matcha flavored na ice cream. Favorite ko kasi ang green tea, since kilala na niya ko di ko na kailangan sabihin sa kanya.
"Yieee Matcha match (match na match) silaaaaa *laughed*" sabi ni colleen saka tinignan kaming dalawa ni maverick na may hawak na matsa ice cream. Tinignan ko naman siya. Favorite niya rin ang matsa? Really?
"Matunaw ang ice cream mga teh!" basag ni colleen sa pagtitigan namin ni maverick. Oh i didn't know about that besh! Umiwas ako agad ng tingin at kumain nalang ng ice cream.
"waaaaah!" banggit ko ng matikman ko yung ice cream ko. Kumikinang talaga yung mga mata ko. This is my comfort food besh! Ok. Ok na ako.
"Alam kong stress ka kaya..." lumaki yung mga mata ko ng ikalat niya sa harapan ko yung lima pang ice cream! wahahahahaha buti nalang at alam niya.
"kaya mo yan?" tanong ni maverick sakin. Kinuha ko yung dalawang ice cream sa harapan ko at nilagay sa tapat niya yun.
"Hindi, kaya tutulungan mo ko." sabi ko saka ngumiti sa kanya. Bumalik na ulit ako sa pagkain ng ice cream ko. Kaya kong ubusin yun kaso kasi baka tumaba ako noh. Hahaha
"You have no choice couz!" sabi ni colleen saka kinuha rin sakin yung isang ice cream na nasa harap ko dahil ubos na niya yung sa kaniya. Hahahaha ayaw niya rin talaga akong tumaba.
"Guys wait may dadaanan lang ako sa Bahay Ampunan." napatingin ako kay colleen dahil sa sinabi niya at dahan dahang napangiti dahil matagal ko ng sinasabi nsa kanya na pumunta ulit kami dun kaso ayaw niya kasi busy daw siya kaya minsan ako nalang magisa ang nagpupunta dun. Yung parents kasi niya tinutulungan yung mga batang naulila na sa ampunan kaya minsan pag may feeding program or kung tutulong man sila sinasama ako ng mommy ni colleen.
"Yes namaaaaan!" naeexcite na sabi ko kay colleen, konti nalang talaga mapapatalon na ako dito sa kinauupuan ko. Nandito kasi kami sa kotse ni Maverick and balak namin pumunta ng Book store para bumili ng mga gamit. Nasa harapan si colleen at ang driver namin ay si mav at ako itong nagiisa sa likod.
"Pwede bang bukas nalang tayo bumili ng materials?" tanong ko sa kanilang dalawa. Nagulat naman ako ng bigla akong nilingon ni colleen kaya napaupo nalang ako sa upuan ko.
"Dadaan lang tayo sa ampunan bes! Aalis rin tayo!" sabi niya, ayaw niya lang niyang matabunan ng mga bata kaya siya umiiwas. Sa tuwing pumupunta kasi kami dun eh sinasalubong siya ng mga bata dun hahaha napapahiga pa nga siya sa damuhan. Gustong gusto lang talaga ng mga bata si colleen kaya ganun.
"Sige na! Ang tagal na nga kitang kinukulit na pumunta tayo dun eh! Sige na!" parang batang nagwawalang sabi ko sa kanya. Napapoker face naman siya.
"Ayoko." sabi ni colleen. Nagbeautiful eyes pa ako para lang pumayag siya.
"Eeeeeeeh sige naaaaa!" pagpapacute na sabi ko pero umiling iling na siya. Sige naman na ah! Para mawala na pagod ko! Miss ko na talaga yung mga bata.
"Magdecide na kayo dahil pagod na rin ako." cold na sabi ni maverick. Sabay naman kaming napatingin kay maverick, oo nga halata nga. Nagtinginan kami ni colleen. Nagmamakaawa na talaga yung mukha ko. 4:30pm na rin kasi kaya medyo palubog na rin yung araw at hindi na mainit, perfect time para makipaglaro sa mga bata.
"Sige na sige na! Sa ampunan na tayo!" sabi sakin ni colleen
"YES! I LOVE YOU BESH!" Sigaw ko saka sumandal na ulit sa upuan ko, oh my gosh! I'm so excited! Last last month ko pa sila huling nabisita. Yung iba siguro sa kanila naampon na hmmm sana naman nandun pa si Hazel.
"Mga bata nandito ang ate colleen at ate sienna!" sabi ni sister fe oh my gosh! Nandito na kamiiii! Pagkababa ng kotse ni colleen tumakbo takbo siya dahilan para habulin siya ng mga bata.
"SISTEEEEEEER!" Sigaw pa niya ng mahabol siya ng isang batang sobrang ganda ng ngiti. Lahat sila nakatawa habang tinatabunan si colleen. Napatawa nalang ako dahil kinikiliti nila si colleen.
"SIEEENNNAAAA!!" sigaw ulit ni colleen. Hahaha balakajan. May mga bata na pinapanood lang si colleen at kita sa mga mukha nilang sobrang saya nila.
"Ate sienna." sweet na tawag sakin ng isang batang babae. Yiieee ang baby girl ko malaki na. Siya si Jennie ang little bunso ng ampunan, 5 years old na siya. Although may sanggol pa na iniwan dito siya parin ang baby girl ko. Niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi.
"How are you baby girl?" tanong ko sa kaniya pero lumungkot lang yung mukha niya. Lumapit rin sakin yung mga batang nilalaro ko dati.
"She's not fine ate." sagot ni Jaime. Nasad din ako.
"Bakit naman?" tanong ko sa kaniya. Umupo muna ako sa bench saka ko siya kinalong. Yung iba umupo na rin sa tabi ko at yung iba nakatayo lang sa harapan ko.
"Naampon na po kasi si ate hazel." oh? Nasad ako lalo dahil hindi ko na makikita dito si hazel. 9 years old si hazel, hindi kasi siya mahirap mahalin kaya siguro nagustuhan siya ng mga umampon sa kaniya.
"Oh it's ok baby." sabi ko saka niyakap ko nalang si jennie. Haaayyy hindi ko man lang nayakap si hazel. Sino kayang umampon sa kaniya?
"Pero dumadalaw parin naman po siya." sabi ni Kyle sakin. Ngumiti nalang ako para hindi nila mafeel na malungkot rin ako. Kasi pag malungkot ako paniguradong magiging malungkot rin sila.
"Eh yun naman pala eh. Ano? Laro tayo??" sabi ko para naman makalimutan na nila yang topic na yan. Hooo naiiyak tuloy ako kasi wala ng sasalubong sakin at hahalik sa pisngi ko pag pupunta ako rito. Si hazel kasi yung batang unang naging close ko dahil sa napaka jolly niya, wala na rin kasi yung mga magulang niya pero kahit ganun nakakapagpasaya parin siya ng ibang tao at bilib ako sa kaniya kasi napaka strong niya, hindi katulad ko. Super weak.
Hooo nakakapagod makipaglaro sa mga bata pero nageenjoy naman ako. Napatingin ako sa may swing dahil nandun si jennie at...
Maverick. Napangiti ako dahil ang cute nilang tignan na dalawa. Si maverick na cold at walang emosyon ang mukha ay dahan dahang sinusway yung swing kung saan nakaupo si jennie. Ang cute cute talaga ni jennie oh. Ang saya saya niyang tignan.
"Kuya! Bakit ganyan itsura mo?" tanong ni jennie na nakatingala na kay mav. Hindi naman sumagot si mav at tuloy tuloy lang siya sa pagduyan niya kay jennie.
"Malungkot ka ba?" tanong ulit ni jennie. Hindi parin sumasagot si mav. Ano bang problema ng lalaking to?
"Kuya! Uy, Kuya Pogi!" napatawa ako ng hininto ni maverick yung duyan at tumingin kay jennie. Humawak naman si jennie sa tapat ng puso niya.
"Ah!" sabi niya saka umarteng natamaan sa puso hahaha anong ginagawa niya?
"Ang pogi!" sabi ni jennie saka tumawa nalang. Napatulala naman ako kay maverick ng bigyan niya ng ngiti si jennie.
"Kapogi nang kuya na yan!" sabi pa ni jennie saka parang nagfafan girl ng tili. Yung ipit ba hahaha ang cute nilang pagmasdan.
"What's your name?" tanong ni maverick saka umupo para mapantayan si jennie pero kumunot lang ang noo nito saka tumingin sakin.
"Ingles nenemen, ganyan din tinanong sakin ni ate sienna eh." sabi ni jennie. Lumingon naman sakin si maverick kaya napaatras ako ng kaunti. Bakit ba ako nasali jan?
"Jennie po ang pangalan ko kuya." haaayy salamat naman at nagsalita ka na jennie. Bumalik ang tingin ni mav kay jennie. Haaaayyy akala ko tititigan nalang niya ako dito.
"Hija. Pakitawag na ang mga bata para magmerienda." halos mapatalon ako sa gulat ng may nagsalita sa likod ko. Napahawak naman ako sa tapat ng puso ko para pakalmahin yun.
"Nagulat ba kita?" tanong ni sister sakin pero ngumiti lang ako sa kanya.
"Ay hindi naman po. Sige po, tawagin ko na sila." sabi ko lang. Ngumiti nalang naman siya sakin saka bumalik na sa loob ng bahay.
"Mga baby girls and boys! Magmerienda na kayo and after that story telling na with ate colleen!" sigaw ko sa kanila. Yun yung favorite part nila. Ang magkwento si colleen sa harapan nila. Hahahah mala lola basyang kaya ang ate niyo, with matching acting pa yun ah hahaha. Nilapitan ko na si jennie dahil gumaganda ata ang usapan nila ni maverick.
"Kuya Mav! Dumalaw ka lagi dito ah." sabi pa ni jennie. Oh nagkacrush na ata itong batang ito kay mav. MAV? nanlaki ang mata ko ng marealize ko yung tinawag ni jennie kay maverick. m-mav?
"J-jennie. Magmerienda ka na sa loob." sabi ko. Bumaba naman na siya sa swing sabay ngumiti sakin at kay mav saka tumakbo na papasok sa loob ng bahay. Hindi ba't ayaw niyang natatawag ng maverick? Bakit yun yung sinabi niya kay jennie?
"Ah Mav, Can i ask?" tanong ko. Nacucurious lang talaga ako dahil sa nangyari last week. Halos hindi ako makatulog dahil sa kakaisip sa mukha niya nung araw na yun.
"What?" tanong niya sakin. Ano ba? Tatanungin ko ba? Oh sige sige!
"L-last week, bakit mo ko tinabihan?" napakagaling mo talaga sienna! Umiwas ako agad ng tingin sa kaniya dahil nahihiya ako. Bakit ba kasi nagtanong pa ako?
Napatulala nalang ako bigla ng mahagip ng mata ko yung batang lalaking nakaupo sa isang bench. Wait, hindi ko siya kilala ah. Bago kaya siya rito?
Mas lalo pa akong napahinto ng makita ko yung gitarang hawak hawak niya. Nakayuko lang siya at halata sa kanyang ayaw niyang galawin or tugtugin yung gitarang yun. Sino kaya siya? Bakit ayaw niyang tugtugin?
Habang papalapit ako sa kanya, unti unting huminto ang mundo ko ng magsimula ang tunog na nagmumula sa gitarang hawak niya. He's playing it.
"Wise men say only fools rush in
But I can't help falling in love with you
Shall I stay?
Would it be a sin
If I can't help falling in love with you?"