Episode 10

2382 Words
Sienna's POV Hawak hawak ko ang gitara na ipinasa sakin ni dad. Tuturuan niya raw kasi akong mag gitara, since gusto ko ring matuto pumayag ako na turuan niya ako. Pinapaliwanag pa niya sakin yung mga chords tyaka kung paano tugtugin tong gitara. Nakatingin lang ako kay dad habang nagsasalita siya. Ooohhh bihasang bihasa ang tatay ko sa paggigitara ah. Lagi siguro niyang hinaharana si mommy dati. "Just feel the rythm." sabi ni dad sakin saka kinuha yung gitara sakin. Tinugtog niya sa gitara yung kantang harana. Ngumiti ako kay dad dahil ang galing niyang tumugtog ng gitara tyaka ang ganda rin ng boses niya. "Dad, lagi mo bang hinaharana si mommy?" tanong ko sa kaniya kaya napahinto siya sa pagstrum niya sa gitara. "Of course baby, sa boses ko nafall ang mommy mo hahahhaa." napatawa narin ako kasi natatawa lang ako pag tumatawa siya. Mas close kasi ako kay daddy kaysa kay mommy, mas enjoy kasi kasama si daddy eh. "Do you want to try?" tanong niya sakin. Tumango ako saka kinuha ko na sa kaniya yung gitara. Hinawakan naman niya yung kamay ko at tinuruan ako ng chord. Masakit sa kamay yung string lalo na kailangan mo talagang idiin para maganda yung tunog. Ilang days rin akong tinuruan ni daddy sa mga chords and si kuya napaka mapangasar kasi binilihan siya ng gitara ni dad eh ako hindi pa naman ako marunong so yung kay dad muna ang gamit ko. Halos magkakalyo na nga yung daliri ko sa kakadiin sa strings. "Ano? Kaya pa?" pagmamayabang ni kuya habang tinutugtog yung bago niyang gitara. Inirapan ko lang siya kasi kanina niya pa ako inaasar. "Sean stop teasing your sister." napangiti ako at napalingon sa may pinto dahil dumating na si daddy! Lumapit ako sa kaniya habang hawak yung gitara niya kasi kanina ko pa siya hinihintay. Natuto na ko sa mga chords, gusto ko namang matutong tugtugin yung isang buong song. "Ok baby i'll teach you." sabi ni dad saka tinap yung ulo ko at umupo na sa sofa kaya sumunod na rin ako sa kaniya. Hindi na muna siya nagbihis kasi family time na eh. "There you go. Ang galing ah." sabi ni dad ng maturo niya sakin yung intro at verse1 ng kantang hindi ko alam. "Strum." sabi ni dad. So I strum the guitar. ""Wise men say only fools rush in But I can't help falling in love with you Shall I stay? Would it be a sin If I can't help falling in love with you?" Nakapikit na pala ako habang inaalala yung time na tinuturuan ako ni dad mag gitara. Yun yung kantang una kong natutunan tugtugin sa gitara. Tumulo yung luha ko habang nakapikit parin dahil sobrang sakit parin hanggang ngayon, miss na miss ko na si dad and everytime na may makikita akong bagay na makakapagpaalala sa kaniya naiiiyak nalang ako bigla. Namimiss ko lang siguro kung paano kami mag bonding at magkulitan. "*sob* I miss my parents" Natauhan ako ng marinig ko yung bata na magsalita. Pagdilat ko ng mga mata ko, nakaakbay na si mav sa bata. Pinunasan ko naman yung luha ko. "Where are they?" tanong ni Mav sa kanya habang pinapat yung shoulder nung bata. Nasan kaya yung parents niya? Paano siya napunta dito? "They're gone." naglakad ako papalapit sa kanila saka umupo na rin sa tabi nung bata. Tinignan ko lang yung mukha niya habang umiiyak. "They're gone?" tanong ko. "They died in a car accident." Muling huminto ang mundo ko ng marinig ko yung sinabi niya. P-paanong... Akala ko masakit na yung pinagdadaanan ko pero may mas masaklap pa pala yung pinagdadaanan niya. Iniwan lang ako and meroon pa yung mommy ko, feeling ko sobrang babaw ko tuloy. How could he handle this kind of situation? Napatingin ako kay mav na nagpunas ng mata. Why? "I'm sorry to hear that." sabi ni Maverick. Naaawa tuloy ako sa batang ito. Wala na siyang magulang. Ang swerte ko pa pala kasi nakikita ko pa sila pero itong batang to kailan man hindi na niya maibabalik yung parents niya. "Wala na ang parents ko and now yung nagiisang friend ko dito." sabi niya. Sobrang lungkot ng mukha niya. Hindi ko tuloy mapigilang malungkot dahil sa pinagdadaanan niya. "Nasan na siya?" tanong ko sa kaniya. Nilabas ko yung panyo ko at inilahad sa kaniya. Basang basa na kasi yung mukha niya. Ka age niya lang si hazel. "Na adopt na. *sob*" sabi niya. Oh... Hindi kaya si hazel yun? Napakafriendly kasi ng batang yun kaya halos lahat dito kaibigan niya. "Si Hazel?" pagkatanong ko nun napatingin siya agad sakin. Bakit ba napapalibutan ako ng mga poging nilalang dito sa mundo??? "Kilala mo siya?" tanong niya sakin. Ngumiti lang ako at ako na rin mismo ang nagpunas sa mga pisngi niya. "Siya yung pinakagusto ko dito kasi napaka friendly niya. Your parents don't want you to be sad. I know na nandiyan lang sila sa tabi mo para gabayan ka. Isipin mo sila yung guardian angel mo na laging nakabantay sayo. And sigurado akong hindi magugustuhan ni hazel na makita kang umiiyak. And God will always at your side." sabi ko sa kaniya saka hinagod yung buhok niya. Ngumiti pa ako lalo sa kaniya kasi gusto kong mafeel niya na hindi dun matatapos yung happiness niya. "I know it's hard for you, but there are many reasons to be happy. Live your life, marami ka pang makikilala na magiging dahilan ng ngiti mo. At yung mga taong yun ay siguradong pinadala sayo ng parents mo or ni God para maging masaya ka. :)" sabi ko sa kaniya. Nilapag niya yung gitara niya and hug me tight. Niyakap ko naman siya pabalik dahil umiiyak nanaman siya, kung pwede ko lang kayong ampunin lahat eh ginawa ko na. "Stop crying na. Why don't you join them on the story telling? Ate colleen is a great story teller." sabi ko saka pinunasan na ulit yung luha niya. Ngumiti nalang siya sakin at tumakbo papunta sa loob ng bahay. Nahagip nanaman ng mata ko yung gitara na nasa tabi ko lang. "Why?" napatingin ako kay Mav na nagsalita. Umiling lang ako saka tumingin sa kalangitan. Hindi ko lang talaga makalimutan si dad. Bakit ba kasi napaka daddy's girl ko? Hindi ko tuloy siya maiwasan! "Why don't you try again?" napatingin nanaman ako kay maverick kasi binibigay na niya sakin yung gitara niya. "Sabi ng kuya mo... You don't want to play guitar again because of your dad at ganun rin siya." sabi niya sakin. Sa kakakwento ni kuya sa buhay niya pati ako nadadamay na rin. "Ayoko lang na... Maalala ulit siya." sabi ko saka yumuko ng kaunti. Mamaya kasi baka tumulo nanaman yung luha ko, another kahihiyan nanaman ba sa harapan niya? "I guess you really miss your dad." he said kaya napatingin nanaman ako sa kaniya. Nilagay niya sa lap niya yung gitara saka tumingin sakin. "Gusto mo bang magkwento?" tanong niya sakin. Huminga ako ng malalim. Siguro naman yung iba alam na niya dahil kay kuya. Lagi ata silang nagkwekwentuhan tungkol sa buhay buhay pero si kuya hindi siya nagkwekwento tungkol sa buhay ni mav. "Daddy's Girl ako kaya... Hindi ko matiis yung dad ko. Araw araw namimiss ko siya. Namimiss ko yung pagbobonding namin, yung kulitan, yung sabay sabay kaming kakain, yung buong family namin. Lahat namimiss ko pero kasi alam kong hindi na ulit mangyayari yun kasi he has a new family at masaya na siya kaya kailangan maging masaya na rin ako." hindi ako nakatingin sa kaniya dahil baka mautal lang ako at maluha nanaman. Ayoko na rin namang sayangin yung luha ko dahil lang sa daddy ko. Ano namang magagawa ng luha ko? Hindi naman niya maibabalik yung dady ko. "Yung kantang kinanta nung batang yun... Yun rin yung kantang unang natutunan ko sa gitara. And dad taught me how. Natuto lang ako sa kanyang maggitara. Nung umalis siya araw araw ko siyang hinihintay sa sofa habang yakap yung gitara niya pero... Hindi na ulit siya bumalik. Kaya ayoko na ring mag gitara dahil galit ako sa kaniya pero kahit galit ako hindi ko parin siya matiis." sabi ko nanaman habang nakatingin na sa may bahay para makaiwas ng tingin kay mav. Ayokong makita siyang sinasabayan ako sa emosyon ko, mukha naman akong kawawa. Unti unti akong napatingin sa tabi ko dahil sa narinig kong pagistrum ng gitara. Napatingin ako sa kamay ni mav na dumadampi sa strings, i want to plat it also. Napatingin pa ako sa mukha niya habang nakatingin siya sa gitara at ibinaling sakin ang tingin. "Hey Beautiful, beautiful, beautiful, beautiful angel Love your imperfections every angle Tomorrow comes and goes before you know So I just had to let you know" Napatulala ako lalo sa kaniya dahil sa boses niya. Hindi ko na maalis yung tingin ko sa kaniya. Bakit ganto yung nararamdaman ko? Gumagaan lalo yung pakiramdam ko. Yung tipong gusto ko na rin hawakan yung gitara, nawala bigla yung sakit na nararamdaman ko dahil sa boses niya. Nakatingin lang ako sa kaniya habang kumakanta siya, bakit ganto yung epekto mo sakin mav? The more na malapit ka sakin feeling ko nawawala lahat ng sakit sa puso ko. "The way that Gucci look on you, amazing" He stop singing and turned his gaze to me. "I saw you crying and telling that you miss your dad." sabi niya sakin. What? Kailan? Huh? "Tumabi ako sayo to comfort you. Umiiyak ka kasi habang nakatulog and suddenly bigla nalang may lamagapak sa pisngi ko." sabi niya habang natatawa saka ibinaling ang tingin sakin. Napatakip naman ako ng bibig ko sa gulat, yun pala yung sagot sa tanong ko kanina. Shocks! Bakit di ko naisip yung sapak ko sa kaniya? "Oh my gosh!" banggit ko habang nakatakip parin sa bibig ko. Dahan dahan kong inalis yung kamay sa bibig ko at tinitigan siya. He chuckled. "I'm sorry." sabi ko saka tinuktukan yung sarili ko, ano ba kasing naisip ko that time at nasapak ko siya? Ang lapit niya kasi masyado kaya siguro hindi ko napigilan yung kamay ko. "No, it's ok. Nagising nga ako eh." what? Nagising? Nagising saan? "Bakit sobrang antok ka ba nun?" tanong ko sa kaniya, luh naistorbo ko ata yung tulog niya nun! Aish! "No, nevermind." sabi niya saka tumingala sa langit kaya napatingin na rin ako dun. Uhm siya kaya? Nasan kaya yung parents niya? Bakit sobrang cold niya? Gusto ko talagang magtanong sa kaniya. "You're right, There are many reasons to be happy." he said while looking at the orange sky, nagsisimula na rin kasing lumubog yung araw. Napatingin ako sa kaniya and halata sa mga mata niyang malungkot siya. "Why are you sad?" tanong ko sa kanya. I want to know kung bakit ganun nalang siya ka cold and bakit hindi niya magawang ngumiti sa iba? Hindi niya ako sinagot dahil nakatingin lang siya sa langit. "Dahil ba iniwan ka ng first love mo?" napatakip ako sa bibig ko ng maitanong ko yun sa kaniya. Natatawa siyang tumingin sakin. Inalis ko naman agad yung kamay ko sa bibig ko, anong nakakatawa sa sinabi ko? "Saan mo nalaman yan? Seriously, I don't know why people keep on telling me that it's ok to fall in love, kasi love yan eh masasaktan at masasaktan ka. But that's not the real reason why I'm sad, cold or what." sabi niya habang pangiti ngiti pa. Oh dapat ganyan nalang siya lagi kasi sobrang iba sa cold face niya, buhay na buhay yung mukha niya kapag nakangiti. "Mas pogi ka kapag nakangiti." sabi ko sa kaniya habang nakangiti rin kasi minsan ko lang siya makita ngumiti at tumawa, i feel honored when i make him smile or laugh kasi nga hindi nagagawa yun ng iba. "I choose to be sad." bakit ba sobrang lungkot ng buhay niya? "Totoo bang magisa ka lang?" tanong ko na naman kasi yun yung nakwento sakin ni colleen, magisa lang siya sa bahay nila. Hobby ba niyang magkulong sa bahay nila? "Wala bang time sayo yung parents mo? Busy? Or what? Parang mommy ko? Workaholic?" sabi ko pero wala ata siyang balak sabihin sakin. Ok lang naman eh hindi ko naman siya pinipilit na magsalita or magkwento sakin kasi baka mababaw lang rin naman katulad ko. "Let's just say... I'm in the situation of sky" sabi niya saka napatingin sa may pinto ng bahay kaya napatingin rin ako dun. Sinong sky naman? Yung bata kanina? Napatingin ulit ako sa kaniya na nakatingin na ulit sa langit. Nakaramdam ako ng awa at sakit sa puso ko. Wala na rin yung parents niya? Hindi ko mapigilang mapaluha, yun pala yung ayaw ikwento sakin ni kuya kas. Napaka personal nga talaga at ayaw niyang malaman pa ng iba kasi siguro. Ayaw na niyang mapagkwentuhan siya or what. "Most of people know that a girl broke my heart and became cold but it's not." He said. Sobrang lungkot ng mata niya na may halong sakit, pinunasan ko yung luha ko at tumingin ng diretso sa kaniya. Paano niya nagagawang sarilihin lahat ng sakit na nararamdaman niya? "I don't trust people easily, since I was 5. Nakakulong lang ako sa bahay and tito gil was there to help me live." sabi niya. Oh my gosh! 5??? Five years old palang siya nung nawala yung parents niya??? What the... Seriously? Mas malala pa pala yung sitwasyon nila kasi ako my mom and dad is still alive at may chance pa na makabonding ko si mom at maging si dad kahit napakaliit lang possibility, pero sila... Hindi na nila maibabalik yung parents nila at yun ang pinakamasakit na nangyari sa buhay nila, yung mawalan ng magulang. Hindi na ulit nila mararanasan yung saya with there parents and hindi na nila mararamdaman yung alaga ng mga magulang. I can't help but cry kasi hindi ko maimagine yung buhay ko kung mawawala yung parents ko. What should I do to comfort him? "I miss them so much." he said and tears fell down on his eyes. Tuluyan na ngang dumilim ang paligid pero nakikita ko parin yung mukha niya. Hinawakan ko yung likod niya at hinagod yun. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kasi baka may masabi akong hindi niya magustuhan. But... Hug can be surely comforts him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD