Episode 11

2105 Words
Sienna's POV Bakit ba ang hirap magcut ng styrofoam? Nakakaloka buti nalang nasa archi. ako at maparaan ako sa pagcut ng mga pesteng letters na to para sa stage! Hindi na kami nagpagawa dahil marami ring nagpapagawa eh marunong naman ako kaya ako nalang. And yeah nakabili na nga kami ng mga gamit namin and 1day nalang natitira before the campus fest. Wala naman na ring klase dahil nagreaready ang lahat. Naayos na rin namin yung schedule at sa mga gagawa ng booths nasabi na namin sa kanila kung paano yung set up sa field. Uminom muna ako ng tubig, nandito kami ngayon sa gymnasium para asikasuhin yung stage, buti pa yung stage inaasikaso. Kinuha ko na ulit yung cutter at bumalik na ulit sa pagcucut ng letters sa styro. Sila mav, tumutulong sa pagkabit ng mga kurtina sa paligid dahil lalaki lang ang pwedeng umakyat akyat diyan. Ang rami na ring kalat rito kaya si colleen na yung nagwalis sa kalat na nanggagaling sa styro. 15 kami dito ngayon, actually lahat kami archi. ang course. "Focus, you might cut yourself." nagulat ako at napatingala sa nagsalita. Ah si mav. Binigyan ko lang siya ng ok sign at nginitian. Napakahard working rin pala ng lalaking to akala ko hindi na niya ako tutulungan dito. Tinignan ko na ulit yung ginagawa ko, konti nalang talaga pasensya ko dito sa ginagawa ko. Last 2 letters nalang naman. Last week ko pa to inumpisahan potek! Di na ko matapos tapos! Nasisinghot ko na yung mga lumilipad na styro dito, jusme! "Put this on." sabi ni colleen sakin saka inabot sakin yung mask na black. Uhm ang bango kanino kaya ito? "Nakita ka kasi ni stephen kaya pinapabigay niya yan. Sabagay hindi rin magandang makasinghot ng styro" sabi ni colleen saka bumalik na sa ginagawa niya. Ako naman tong kinilig sa sinabi niya. Sheyt! Lagi niya ba kong tinitignan? Char! Asa naman teh! "Ako na jan. Kailangan ka nila dun." napatingala ulit ako sa harapan ko. Sumasakit na rin naman yung kamay ko eh. Napatingin ako dun sa mga nagkakabit ng lights sa paligid. Bakit ang gulo nilang maglagay? Binigay ko yung cutter kay mav saka tumayo na sa kinuupuan ko at tumulong dun sa mga kaklase kong nakaassign sa lightings. Napahiga nalang ako sa sahig dahil sa sobrang pagod ko. Yung iba nag dinner na pero kaming tatlo nila colleen nandito parin, gusto ko ng matulog. Masyado kasing pinaghandaan yung stage eh, stage lang yan ah. Isang araw nalang kasi kaya magoovernight kami ngayon, parang project narin namin 'to tapos irarate ni prof. kaya ginagalingan. 7:30pm naaaaa. Ipinikit ko muna yung mata ko saglit kasi sobrang pagod na ako. Hala! Napabangon ako ng wala sa oras dahil may kumalabog rin sa gilid, hindi ko alam kung ano ba yun. Bakit ang dilim?? Iniwan ba nila ako? Hala anong oras na? Kinuha ko yung phone ko sa bulsa ko. WHAT THE! 10pm naaaaa! Seriously? Iniwan nila akong magisa dito? Sa paghawak ko sa sahig may parang may something akong nahawakan. Ah kamay! Lumaki yung mata ko ng marealize ko yung nahawakan ko. Kamay! Mas nagulantang pa ako ng hawakan pa niya ng mahigpit yung kamay ko. OH MY GOSH! Lumiwanag ang buong paligid at nakita ko sila tyrone at colleen sa may gate. Nakahinga ako ng maayos ng makita ko sila, akala ko iniwan na nila ako. Nakita ko rin yung mga kasama namin na nasa gilid lang nagpapahinga rin. Napatingin naman ako sa katabi ko.Bumangon siya and guess who! Si Xzander Maverick. Pagod na pagod rin yung itsura niya at mukhang may sakit na siya, ilang araw na rin kaming walang tulog dahil kahit walang klase may mga plates parin kaming dapat tapusin at isa pa itong stage. "Ok ka lang?" tanong ko sa kaniya, nakapikit parin siya habang nakaupo. Hindi ko malaman kung anong nararamdaman niya. "Yes! May kuryente na." sabi ni colleen habang papalapit dito samin. Nandito kasi kami ni mav sa gitna ng stage at kitang kita namin yung dalawang rumarampa sa gitna ng gym. "Binilhan namin kayo ng kape." sabi ni tyrone saka inabot na sakin yung isang bottle ng kape. Oh my gosh, i don't drink coffee but i need this. "Uminom ka ng tubig after." sabi colleen saka binigyan din ako ng bottled water. Binigyan niya rin ako ng makakain. Bigla nalang rin siyang napatingin sa sahig at napatulala dun saka unti unti siyang ngumiti. "HHSGS ha" Kinikilig na sabi niya. Potek ano nanamang word yan? "Ha?" tanong ko. "Holding Hands Sa Gitna ng Stage yieeeee" napatingin ako sa sahig... Ah! Yung kamay namin. Napatanggal ako ng kamay dahilan para mapadilat ng mata si maverick hala sobrang pula ng mga mata niya. "What happen to your eyes?" I asked pero bigla nalang siyang tumayo at napahawak sa balikat ni colleen, nilapag ko muna yung mga hawak ko sa sahig saka tumayo na rin at inalalayan siya. "Bukas na natin tapusin to." napalingon ako sa likod. Nandito pa rin pala yung mga kasama namin at yung nagsalita is si Shine. At alam kong may gusto siya kay maverick, pero tama naman siya eh kailangan na rin naming magpahinga. "You're right. Matatapos na rin to bukas, as for now kailangan na nating magpahinga. Good job guys!" sabi ko saka pumalakpak and ganun din sila, kinuha ko yung tubig sa lapag at uminom ng konti dahil nanuyot yung lalamunan ko. Nagayos na kami dito, hindi namin pinatulong si mav kasi hindi talaga maganda yung pakiramdam niya. Nandun sila ni shine sa gilid at hinihintay nalang kami, si shine na kasi yung umalalay sa kaniya kaya hinayaan nalang namin. "Balak mo rin bang ibasura yung kamay ko?" napatingin ako kay colleen at sa kamay niya na hawak ko na pala at inilagay sa garbage bag. Napabitaw naman ako agad kasi nakatingin ako kanila mav, kawawa naman kasi siya oh sobrang pagod na pagod. "Sorry" sabi ko nalang saka nagpulot na ulit ng mga kalat sa sahig. Hay inaantok na rin ako. "Sienna, favor naman." sabi ni colleen habang malungkot na nakatingin kay mav. Napatingin na rin ako sa tinitignan niya kasi sobrang tamlay na talaga ni mav. "Mauna na kaya kayo ni Xzander, feeling ko kasi magcocollapse na yan. Kami na bahala dito, please sienna. Magaalala si mommy kapag lumala pa yung sakit niyan." sabi sakin ni colleen. Wala naman akong nagawa dahil tinulak niya ako papalapit kanila mav. Napatingin naman sakin si mav, ang putla na talaga ng mukha niya. "Xzander papahatid na kita kay Sienna ah." sabi ni colleen saka inalalayan na si Mav. Hindi naman ako makatulog dahil nasa kabila si Shine. "Dito ka na sienna, tutulungan ko na sila. Ingat kayo ah." sabi ni Shine sakin saka nginitian niya ako. Nagpunta naman ako sa tabi ni Maverick, ops he's so hot. Literal! Literal na mainit, hinawakan ko yung noo niya. Sobrang init talaga niya, he really need to rest. Kotse ni Mav ang gamit namin ngayon at hindi ko alam kung paano ko pa maiuuwi yung sasakyan ko sa bahay. Baka magalit na sakin si kuya kasi sobrang gabi na at baka madaling araw na rin ako makauwi sa bahay. Habang nagddrive ako, nasa tabi ko lang si mav na natutulog. There is one thing that I realize after niyang magkwento sakin... I want him to be happy, at bilang kaibigan niya gusto ko ring maging makulay ulit yung buhay niya. Hinding hindi ko sisirain yung tiwalang binigay niya sakin kasi ayaw ko na ulit siyang masaktan. Pagkarating namin dito sa bahay nila colleen parang ayaw ko na siyang gisingin kasi sobrang himbing na ng tulog niya eh. Bumaba na ako at pinuntahan na siya sa kabila para gisingin at alalayan. "Mav." gising ko sa kaniya. Sobrang init ng katawan niya. Hinawakan ko ulit yung noo niya, mas lalo siyang uminit. Kailangan niya ng magpahinga ng maayos, hindi pa niya iniinom yung gamot niya eh. "Mav, we're here." sabi ko. Nagulat ako ng bigla niyang hawakan yung wrist ko habang nakapikit parin and i guess he's still sleeping. "Don't leave me." malungkot na sabi niya sakin. Parents niya nga talaga ang dahilan kung bakit siya nagkaganto, gusto niyang magisa lang siya kasi ayaw niyang ibigay yung tiwala niya sa iba. Parang si kim minkyu ng I'm not a robot pero ang pagkakaiba lang walang malalang sakit si mav. "I won't. Halika na." sabi ko sa kaniya. Napadilat naman siya ng mata so i just smile at him. Inalalayan ko na siyang bumaba kasi sobrang hinang hina na yung katawan niya. Pagkarating namin sa kwarto niya humiga na agad siya sa kama. Bumaba muna ako saglit para kumuha ng maligamgam na tubig at towel. Wala si tita ngayon dito sa bahay kasi may trabaho siya at kawawa naman si mav kung iiwan ko siya ng ganito. Bumalik na ako sa kwarto niya para alagaan siya kahit na pagod na rin ako, mas kailangan niya kasi 'to baka mas lalong lumala yung pakiramdam niya. Pinunasan ko yung mukha niya gamit yung basang bimpo, maging yung mga braso at kamay niya. Napahinto ako at tumingin sa mukha niya, ayoko na ulit makita yung cold face niya. Mas maaliwalas kasi yung mukha niya kung nakangiti nalang siya lagi. Chineck ko muna yung temperature niya... 38'C. "Mav, uminom ka muna ng gamot mo." sabi ko sa kaniya pero hindi parin siya nagigising. Kahit may sakit ka kaya kitang kurutin, ayaw mo kasing makinig sakin. Alam ko namang nagtutulog tulugan ka lang jan. "Matutulog nalang ako. Umuwi ka na." sabi niya habang nakapikit. Huh! Hinawakan ko yung pisngi niya saka yun kinurot, hindi ko naman masyadong diniin kasi baka sumakit lalo ulo niya. "Ouch." sabi niya saka napadilat nalang. Sinalubong ko naman sa kaniya yung gamot niya at kinuha yung water sa side table saka binigay na rin sa kaniya. "Hindi ako uuwi hanggat hindi mo iniinom to." sabi ko saka tinaasan siya ng kilay. Kinuha niya sakin yung gamot at tubig kaya ngumiti nalang ako sa kaniya. Pinikit niya na ulit yung mga mata niya, nilagay ko naman yung bimpo sa noo niya saka siya kinumutan. "Get well Mav." sabi ko saka kinuha na yung bowl na may maligamgam na tubig saka lumabas na. Natatakot ako magcommute ng ganitong oras, kinuha ko yung phone ko saka tinext si kuya. Tulog na siguro yun, dito na muna ako tutal paminsan din naman ako natutulog dito eh kaya ok lang kay kuya yun. Bumalik na ulit ako sa kwarto ni mav dahil baka may kailanganin siya. Ang plain lang ng kwarto niya. Nilibot ko yung tingin ko sa buong kwarto hanggang sa mahagip ng mata ko yung picture frame na nasa study table niya. Ang ganda ng mommy niya kamukhang kamukha ni tito gil kung baga girl version ng daddy ni colleen. Gwapo rin yung daddy niya kaya siguro gwapo rin yung naging kalabasan kasi dalawa silang good looking. "Mav." banggit ko sa pangalan ni mav nung makita ko siya sa picture frame, ang cute niya dito at super saya niyang tignan, ang rami rin niyang medal dito. Sana ganiyan nalang siya lagi. Ilalapag ko na sana yung picture frame kaso may nakapa ako sa likod kaya tinignan ko... A letter... May nakasulat rin sa likod ng picture frame na to. "We Love You Mav. - Mommy Xyla" "We are so proud of you - Daddy Peter" Ang bigat sa pakiramdam na hanggang sa sulat at sa picture frame nalang niya naaalala yung mommy at daddy niya. Nilapag ko na yung picture frame at nanatili naman sa kamay ko yung sulat and I think this is from her mother. Napatingin ako kay Mav na mahimbing na natutulog, hininaan ko yung aircon dito dahil nilalamig siya and chineck ko ulit yung temperature niya. 37'C hay kala ko tumataas lalo yung lagnat niya. Pumunta ako sa sofa bed para dun na matulog and ok lang naman sakin na hindi magkumot kasi sakto lang naman yung lamig dito sa kwarto tyaka wala ring lamok. Tinitigan ko muna si mav and after that kusa ng pumikit yung mata ko dahil sa pagod. 'I'm sorry baby mav. I'm sorry that i have to leave you now. I know this will be painful, mommy will always be on your side. Always be happy, don't ever trust people easily, they will take advantage of you and I don't want that to happen. Your Tito Gil is there when you need him. Mav, hindi ko gustong umalis sa ganitong sitwasyon. I really don't want to leave you but i have to. Please be happy for me. Please... I Love You Mav. I will miss you. ...'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD