HINDI umatras ang lalaking mahaba ang buhok sa pagharap dito ni Aristhon. Nakaguhit pa rin sa mukha nito ang matalim na ngisi nanpara bang nagsasabi sa kanila na kahit anong gawin nila ay hindi sila mananalo rito. Sa pagtagpo ng dalawa malakas na tinulak ng lalaki si Aristhon kaya napaatras ito nang dalawang beses nang hindi mawala sa balanse. Hindi roon natapos ang lahat sapagkat humabol kaagad si Aristhon kasabay ng pagsipa nito sa paa ng lalaki mula sa likod. Sa ginawa nito napatid ang lalaki kaya bumagsak ito sa lupa nang padapa na ikinasigaw ng mga presong nanonood. Gumulong palayo rito ang bola. Hindi na hinintay ni Aristhon na makabangon ang lalaki sa pagsunod nito sa bola. Nakuha pa nitong tapakan sa likod ang lalaki nang pababangon ito kaya muli lamang ito nadapa. Nagawa namang ma

