LABIS na ikinatuwa ng kaniyang katawan ang lamig ng aircon nang makapasok sila sa opisina ng warden. Nakahinga siya nang maluwag sa pag-upo niya sa sofa nang pasalampak, ipinikit pa niya ang kaniyang mga mata nang manamnam ang lamig, inaalis niyon ang init na kanina niya pa tinitiis. Hindi rin nawawala ang naiwang amoy ng tinimplang instant coffee na sumusuksok sa kaniyang ilong. Sa pagkakulob ng opisina walang maririnig na ano mang ingay sa loob na nagmumula sa labas. Hindi lang naman siya ang nagpasalamat sa mga sofa sapagkat naupo rin naman ang ibang kasama niyang pumasok doon. Sa kabilang sofa naupo si Aristhon paharap sa kaniya katabi ang magandang babae. Pumuwesto naman sa kaniyang kaliwa si Ismael na kitang-kita sa mukha ang natatamong kasiyahan. Samantalang ang warden naman ay luma

