Jassie POV Kinabukasan. Maaga akong nagising sa quarters. Hindi ko halos maalala kung paano ako nakatulog kagabi. Paulit-ulit lang sa isip ko ang nangyari—ang away namin ni Keano, ang halik, at ang tensyon sa pagitan nila ni Alvin. Huminga ako nang malalim habang nag-aayos ng buhok sa salamin. Kailangan kong mag-focus sa trabaho. May meeting kami kay Mr. Perez ngayong umaga. At mahalaga iyon. Paglabas ko ng quarters, nadatnan ko sina Sharon at Abby na nagkakape. “Good morning, Jas,” bati ni Sharon. “Morning,” sagot ko. “Ready na ba sa meeting?” tanong ni Abby. “Oo—” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang may biglang tumawag. “Jassie.” Napalingon kaming tatlo. Si Alvin. Nakatayo siya sa may gate ng site, naka polo at hawak ang susi ng sasakyan. “Ready ka na?” tanong niy

