Jassie POV Pagkatapos ng nangyari sa site, dumiretso kami sa conference room ng temporary office para sa meeting kay Mr. Perez. Tahimik ang buong team habang inaayos namin ang laptop, projector, at mga documents. Ako ang magpe-present ng proposal. Huminga ako nang malalim habang inaayos ang slides. “Relax,” mahina na sabi ni Alvin sa tabi ko. “Kaya mo ’to.” Ngumiti ako ng kaunti. “Salamat.” Sa kabilang side ng room, nandoon si Keano kasama sina Sir Jason at Ma’am Ruth. Tahimik lang siya, nakaupo sa dulo ng mesa habang nakatingin sa tablet niya. Pero paminsan-minsan… napapatingin siya sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero lalo akong kinakabahan kapag ginagawa niya iyon. Maya-maya ay dumating na si Mr. Perez. Matandang lalaki siya, seryoso ang mukha at mukhang hindi madaling map

