Jassie POV Tahimik ang paligid matapos sabihin ni Keano na sasama ako sa kanya sa dinner. Ramdam ko ang tensyon sa pagitan nila ni Alvin. Pagkatapos ay nagsalita si Alvin, kalmado pero matatag ang boses. “Sir,” sabi niya, “ako ang nauna kay Jassie.” Bahagya siyang tumingin sa akin bago muling humarap kay Keano. “Let her decide.” Biglang parang humigpit ang hangin sa paligid namin. Sa likod ko, napansin kong nagkatinginan sina Sharon at Abby. Halatang naalarma sila sa nangyayari. “Girl…” pabulong na sabi ni Abby kay Sharon. “Parang magkakaaway na sila,” sagot naman nito. Hindi ko alam kung saan ako titingin. Kay Alvin. O kay Keano. Si Keano naman ay nakatingin lang kay Alvin—diretso, walang emosyon sa mukha pero halatang may tinatagong inis. “Mr. Ramos,” malamig niyang sabi.

