Jassie POV Pagkatapos ng dinner, nagpasya ang team na bumalik na sa quarters. Pagod na rin ang lahat matapos ang mahabang araw. “Una na kami,” sabi ni Sharon habang nag-aayos ng bag. “Bukas pa ulit ang trabaho.” “Good night!” sabi ni Abby. Unti-unti nang umalis ang team. Ako naman ay lumabas muna ng restaurant para magpahangin. Ilang hakbang lang mula roon ay ang seaside. Tahimik ang dagat, at maririnig ang mahinang hampas ng alon sa dalampasigan. Huminga ako nang malalim. Ang daming nangyari sa isang araw. “Running away again?” Napalingon ako. Si Keano. Nakatayo siya sa likod ko, nakasuksok ang mga kamay sa bulsa ng pantalon. “Hindi ah,” sagot ko. “Nagpapahangin lang.” Lumapit siya at tumabi sa akin habang nakatingin sa dagat. Tahimik lang kami sandali. “Ang dami mong kinai

