Jassie POV Masama ang tingin ni Keano sa akin. Halos parang matutunaw ako sa talim ng titig niya. Pagkatapos ay tumingin siya kay Alvin. “Mr. Ramos,” matigas na sabi niya. “I want to talk to my wife privately.” Tahimik ang paligid. Nagkibit-balikat lang si Alvin, parang walang pakialam sa tensyon. “Sige,” sabi niya habang tumingin sa akin. “Jas, mauna na ako.” Pagkatapos ay lumabas siya ng conference room. Pagkasara ng pinto, agad akong hinarap ni Keano. “So sinabi mo pa talaga sa kanya ang kasunduan natin, ha Jassie?” Nanlilisik ang mga mata niya. Nanlaki ang mata ko. “Hindi ko alam ang sinasabi mo!” sagot ko agad. “Nandito ako para magtrabaho.” Lalo siyang nainis. “Talaga?” Isang hakbang siyang lumapit sa akin. “Then bakit alam niya na kasunduan lang ang kasal natin?

