Jassie POV
Kinabukasan, maaga akong nagising.
Hindi ko alam kung dahil ba kinakabahan ako o nasanay lang ang katawan ko sa maagang pasok. Paulit-ulit kong chine-check ang phone ko kung may email o tawag mula sa HR.
Wala.
Bandang alas-diyes ng umaga, habang nag-aayos ako ng reviewers ko, tumunog ang phone ko.
Unknown number.
“Hello?”
“Good morning, Ms. Suarez. This is from HR of Ishikawa Group. We’re pleased to inform you that you passed the initial screening and final interview.”
Parang tumigil ang mundo ko sandali.
“You are hired as Junior Office Staff under the Marketing Department. Please report tomorrow at 8 AM for orientation.”
“Thank you po,” maayos kong sagot kahit gusto ko nang mapatalon sa tuwa.
Pagkababa ko ng tawag, napaupo ako sa kama.
Suarez.
Tinanggap bilang Suarez.
Hindi dahil asawa ako ng may-ari.
Hindi dahil may koneksyon.
Kundi dahil pumasa ako.
Pagdating ng hapon, nakasalubong ko si Keano sa bahay. Kakauwi lang niya galing office.
“Tumawag na?” tanong niya habang tinatanggal ang relo niya.
“Oo,” casual kong sagot. “Hired.”
Sandali siyang natigil, tapos tumango. “Good.”
Yun lang.
Walang pagbati. Walang papuri.
Pero nakita ko ang bahagyang pag-relax ng balikat niya.
“Marketing Department ka. Third floor. Be there before 8,” dagdag niya.
“Alam ko. Sinabi ng HR.”
Tumango ulit siya.
Tahimik na naman ang paligid.
Bukas, magsisimula ako sa office niya.
Hindi bilang asawa.
Hindi bilang café girl.
Kundi bilang empleyado.
At sisiguraduhin kong wala akong magiging pagkukulang.
Jassie POV
Ganito pala ang pakiramdam kapag natanggap ka dahil sa sarili mong pinaghirapan.
Hindi dahil may koneksyon.
Hindi dahil may apelyido kang kilala.
Kundi dahil pumasa ka.
Magaan sa dibdib. Nakakaproud. Kahit ako mismo sa sarili ko.
Pagdating ng hapunan, kumpleto ang pamilya sa mesa. Tahimik akong kumakain nang magsalita si Keano.
“Dad, Mom. Natanggap si Jassie sa Marketing Department. Junior Office Staff.”
Napatingin agad sa akin si Mr. Ishikawa. “Oh? That’s good.”
“At hindi bilang asawa,” dagdag ni Keano, seryoso ang tono. “She went through the full process.”
Sandaling natahimik ang mesa.
Hindi ko alam kung bakit parang may kakaibang diin ang paraan ng pagkakasabi niya.
Parang gusto niyang linawin.
Parang gusto niyang iparinig.
“Talaga?” masayang sabi ni Mrs. Ishikawa. “I’m so proud of you, Jassie!”
Ngumiti siya nang malaki, halos kumikinang ang mga mata niya. “Alam ko naman kaya mo. Hindi ka basta-basta.”
“Thank you po,” mahina kong sagot.
Napatingin ako kay Keano.
Tahimik lang siya, pero may bahagyang angat sa gilid ng labi niya. Hindi halatang ngiti—pero hindi rin malamig.
Parang… proud.
Hindi niya sinabi.
Hindi niya kailangan sabihin.
Pero sa paraan ng pagkakaupo niya, sa tono ng boses niya kanina, ramdam ko.
“Marketing pa talaga,” dagdag ni Mrs. Ishikawa. “Magiging busy kayo lagi magkasama niyan.”
“Professional setting, Mom,” sagot agad ni Keano.
Napayuko ako para itago ang munting ngiti ko.
Oo.
Professional setting.
Pero ngayong pareho na kaming nasa iisang mundo tuwing araw,
Mas magiging mahirap sigurong umiwas.
Jassie POV
Pagsapit ng gabi, pumasok na ako sa kuwarto namin ni Keano. Kakagaling ko lang maligo, presko ang pakiramdam ko at handa na sana akong matulog nang maaga. First day ko bukas sa office.
Pagpasok ko, nakahiga siya sa kama, nanonood.
“Ang bango naman ng Mrs ko,” nakangising sabi niya sabay pause ng pinapanood.
“Duh,” nakasimangot kong sagot.
“Dito ka muna,” pangungulit pa niya habang tinatapik ang espasyo sa tabi niya.
“May gagawin pa ako,” inis kong sabi. “Aayusin ko pa mga gamit ko.”
Sa totoo lang, ayoko lang maabala. Sigurado aasarin na naman niya ako.
Maya-maya, tumayo siya at may inilabas na ilang paper bag mula sa cabinet.
“Ano ’to?” tanong ko, nakakunot ang noo.
“Mga damit mo pagpasok sa office. Para hindi ka naman mukhang kawawa sa office ko.”
Inirapan ko siya pero tinanggap ko pa rin.
Pumasok ako sa walk-in closet at isa-isang binuksan ang mga paper bag. Blazer. Slacks. Blouse. Simple pero elegante.
Ang gaganda.
Bagay na bagay sa corporate setting.
Tahimik akong nagsukat ng isa. Pagharap ko sa salamin, napaangat ang kilay ko.
Bagay sa akin.
“Hmm,” bulong ko sa sarili. “Hindi masama. Mukha na akong matured."
Biglang may kumatok.
“Patingin nga kung bagay sa’yo,” ani Keano mula sa labas.
Napabuntong-hininga ako pero lumabas din.
Paglabas ko, nakatayo siya sa gitna ng kuwarto. Sinuklay ko pa ang buhok ko bago tuluyang humarap sa kanya.
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.
“Wow,” sabi niya.
Saglit akong na-conscious.
“Tama ba ang size?” tanong ko.
“Hindi,” sagot niya agad.
Nakunot noo ko.
“Mas maganda pala kaysa sa ini-imagine ko.”
Sandali akong natigilan.
Tapos ngumisi siya. “Nagmukha ka nang tao.”
“Ano?!” sabay hampas ko sa braso niya.
Tumawa siya.
“At least ngayon, hindi ka na mukhang working student na puyat palagi, at Nene." dagdag pa niya.
Inirapan ko ulit siya pero hindi ko napigilang mapangiti.
“Thank you,” mahina kong sabi.
“Huwag kang masanay,” sagot niya agad. “Ibabawas ko ’yan sa sweldo mo.”
“Grabe ka!” reklamo ko.
Tumawa lang siya at bumalik sa kama.
Habang inaayos ko ang mga bagong damit ko, hindi ko maiwasang silipin siya.
Unang araw ko bukas sa office niya.
At mukhang hindi lang trabaho ang magiging challenge ko.