Chapter 21

910 Words
Jassie POV Kinabukasan, alas-sais pa lang gising na ako. Maaga pa pero kabado na ang dibdib ko. Inayos ko ang buhok ko, light make-up lang, at sinuot ang isa sa mga binili ni Keano na outfit para sa kanya, cream blouse at high-waisted slacks, may blazer na sakto ang fit. Huminga ako nang malalim habang nakatingin sa salamin. Kaya mo ’to, Jassie. Paglabas ko ng closet, naroon na si Keano, nakaayos na rin. Naka-suit, maayos ang buhok, seryoso ang aura. Tiningnan niya ako sandali. “On time,” sabi niya. “Mas maaga pa nga,” sagot ko. Lumapit siya at inayos nang bahagya ang collar ng blazer ko. “Straighten your shoulders,” sabi niya. “Marketing ka. Confidence.” “Alam ko,” sagot ko, pero inayos ko pa rin ang tindig ko. Pagdating namin sa office, sabay kaming pumasok pero may distansya. Ilang hakbang ang pagitan namin. Pagpasok sa lobby, “Good morning, Sir Keano.” Tumango lang siya. Professional. Walang bakas ng kagabi. Ako naman, diretso sa reception. “Good morning. Jassie Suarez po. For orientation.” Pinaupo ako saglit bago ako inihatid sa HR para sa orientation. May ilang bagong hires din. Iba-ibang department. Habang nakaupo ako roon, pumasok si Ashley sa conference room para magbigay ng briefing tungkol sa current marketing campaigns. Of course. Marketing Department. Confident siyang magsalita sa harap. Maayos ang presentation. Halatang sanay. Naramdaman ko ang bahagyang pag-igting ng panga ko. Professional, Jassie. Pagkatapos ng orientation, ipinakilala ako sa immediate supervisor ko. “Ms. Suarez, you’ll handle documentation and assist in campaign coordination. Expect tight deadlines.” “Yes, ma’am.” Bandang tanghali, dumaan si Keano sa department floor. Tumigil siya sa tabi ng supervisor ko. “How’s the new hire?” casual niyang tanong. “Seems capable,” sagot ng supervisor. Tumango siya. Saglit kaming nagkatinginan. Walang ngiti. Walang espesyal na tingin. “Good,” sabi niya, saka naglakad palayo. Pero habang bumabalik ako sa desk ko, may kakaibang pakiramdam. Hindi na ako café staff. Hindi na rin ako simpleng working student. Nasa mundo na ako ni Keano, At kailangan kong patunayan na kaya kong makipagsabayan. Unang araw pa lang, binagsakan na agad ako ng trabaho. “Ms. Suarez, pakigawa nitong summary ng last three campaigns. I need it before 4 PM,” sabi ng supervisor ko. Tiningnan ko ang oras—10:15 AM. Sige. Kaya ’to. Binuksan ko ang files. Ang daming data. Sales reports, engagement numbers, client feedback. Hindi ito tulad sa café na physical ang pagod. Dito, utak ang puhunan. Tahimik lang ako sa desk ko. Nakafocus. Bandang tanghali, dumaan si Ashley sa area namin. “New hire?” tanong niya sa supervisor ko. “Yes. Jassie Suarez.” “Ah,” saglit siyang napatingin sa akin. “Make sure you double-check your reports. Sir Keano doesn’t like mistakes.” Alam ko na ’yon. “Opo,” maikli kong sagot. Pagbalik ko sa ginagawa ko, mas lalo akong nag-concentrate. Hindi ako pwedeng magkamali. Ayokong isipin nilang napasok lang ako rito dahil may koneksyon ako. Alas-tres y medya, tapos na ang draft ko. Inayos ko pa ang format, chineck ang numbers, saka ko ipinasa. 4:20 PM, tinawag ako ng supervisor ko. “Sit.” Umupo ako. She scanned my report again. “Not bad,” sabi niya. “You caught the inconsistency in Campaign B.” Tumango ako. “May discrepancy po sa projected vs actual conversion rate.” She nodded. “Good eye. Fix the formatting on page 3 and resend.” “Yes, ma’am.” Paglabas ko ng office niya, napansin kong nakatayo sa dulo ng hallway si Keano. Parang may hinihintay. Naglakad ako papunta sa desk ko, kunwari hindi siya nakikita. “Suarez.” Huminto ako. “Yes, Sir?” formal kong sagot. “Orientation done?” “Yes, Sir.” “How’s the workload?” “Manageable.” Tinitigan niya ako sandali. “Don’t overdo it.” “I won’t.” Tumango siya at naglakad palayo. Simple lang ang usapan. Walang personal. Pero habang bumabalik ako sa upuan ko, hindi ko maiwasang mapansin, Hindi niya ako tinawag sa pangalan ko. Suarez. At ngayon, doon ako mas nasanay. Hindi bilang asawa. Kundi bilang empleyado na kailangang magpatunay araw-araw Pagsapit ng alas-singko, inayos ko na ang mga gamit ko. First day done. Gusto ko nang umuwi at magpahinga. Patayo na ako nang may huminto sa tabi ko. “Sabayan na kita umuwi,” mahina niyang bulong. Napalingon ako kay Keano. “Ayoko. Baka may makakita sa atin,” pabulong ko ring sagot. “So what?” biro niya. “Mag-asawa naman tayo.” “Eyy,” inis kong sagot, sabay irap. Alam kong nagbibiro lang siya dahil malinaw ang usapan—walang makakaalam. Maghihiwalay na sana kami ng direksyon papuntang elevator nang biglang lumapit si Ashley. “Keano, can we talk?” malambing ang tono niya. Saglit niya akong sinilip, parang sinusukat. “Sure,” sagot ni Keano. May ibinulong si Ashley sa kanya. Hindi ko narinig. Hindi ko na rin pinilit marinig. Tumalikod na ako at naglakad palayo. Maya-maya, nag-vibrate ang phone ko. From: Keano Mauna ka na umuwi. Sandali akong napatigil. Ah. Siguro may dinner sila. Or date. Normal lang naman. Wala namang malinaw sa amin. Nagkibit-balikat ako at nag-reply ng maikli. Okay. No hurt feelings. Ulit-ulit kong paalala sa sarili ko habang naglalakad palabas ng building. Professional. Temporary. Soon magdi-divorce rin naman kami. Hindi dapat masaktan ang isang taong hindi naman dapat umasa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD