Jassie POV
Pag-uwi ko sa bahay, dumiretso muna ako sa maids’ quarter. Doon ako komportable. Doon ako puwedeng huminga nang maluwag.
Umupo ako sa maliit na sofa at hinubad ang heels ko.
“Musta ang office, girl?” tanong ni Solenn habang nagbabalat ng prutas.
“Okay lang,” sagot ko sabay ngiti. “Maganda pa rin.” Biro ko.
“‘Tignan niyo si Jassie, nagwo-work na sa office,’” ani Ate Mila na may halong tuwa. “Mag-aral kasi kayo.”
“Eh bagay lang naman sa kanya,” sabat ni Rita. “Sobra talino kaya ni Jassie. To the highest level ang IQ niyan. Lalo na pagdating sa computer, walang tatalo sa kanya.”
Mabilis kong tinakpan ang bibig ni Rita.
“Hoy! Huwag kang maingay,” bulong ko. “Baka may makarinig.”
Nagtawanan sila.
“Ano ba? Totoo naman,” sabi ni Rita habang inaalis ang kamay ko.
Napailing ako.
Hindi alam ni Keano ang skills ko.
Hindi niya alam na noong high school pa lang ako, ako na ang gumagawa ng system ng school namin para sa inventory. Hindi niya alam na ako ang nagse-set up ng online shop ng kapitbahay namin noong pandemic. Hindi niya alam na kaya kong mag-code, mag-design, at mag-analyze ng data nang sabay.
Sa café, hindi ko kailangan ipakita iyon.
Sa bahay na ito, lalo na.
Pinili kong maging simple.
Pero ngayon nasa office na ako,
Baka dumating ang araw na kailangan ko nang ilabas ang mga kaya kong gawin.
At hindi ko alam kung handa ba siyang malaman na hindi lang ako “working student”,
Kundi may sarili akong mundo na hindi niya pa nakikita.
Habang nagkukuwentuhan kami sa maids’ quarter, may narinig kaming pagbukas ng main door.
“Naku, dumating na,” bulong ni Solenn.
Bigla akong tumahimik.
Maya-maya, narinig ko ang boses ni Keano sa sala. Hindi ko marinig kung may kasama siya o wala. Ayoko namang sumilip.
“Akyat ka na, baka hanapin ka,” sabi ni Ate Mila.
Tumango ako at tumayo.
Pagpasok ko sa kuwarto, wala pa siya roon. Inalis ko ang blazer ko at maingat na isinabit. Tinitigan ko sandali ang sarili ko sa salamin.
Office girl na nga.
Ilang minuto pa, bumukas ang pinto.
Pumasok si Keano, tinatanggal ang coat niya.
“Maaga ka,” sabi niya.
“Sinabi mo naman mauna na ako,” sagot ko nang hindi siya tinitingnan.
Tumango lang siya. “May meeting lang.”
Hindi ko na tinanong kung sino kasama niya.
Tahimik akong nagbukas ng laptop ko at nag-review ng notes ko sa orientation. Maya-maya, napansin kong nakatingin siya sa screen ko.
“Ano ‘yan?” tanong niya.
“Wala. Inaayos ko lang ‘yung template ng report na pinagawa kanina.”
Lumapit siya nang kaunti. “Hindi ba format na ‘yun?”
“Pwede pa i-optimize,” sagot ko nang hindi iniintindi ang tono niya. “Mas mabilis i-generate ‘pag may macro.”
“Macro?” bahagya siyang napakunot-noo.
Napahinto ako.
Oops.
“Shortcut lang,” mabilis kong sabi. “Para mas madali.”
Tinitigan niya ako sandali. Parang may gustong itanong.
Pero hindi na siya nagsalita.
“Don’t overwork,” sabi na lang niya bago pumasok sa banyo.
Naiwan akong nakatitig sa laptop screen ko.
Kailangan kong mag-ingat.
Isang maling galaw lang, baka mahalata niyang mas marami akong kayang gawin kaysa sa ipinapakita ko.
At hindi ko pa alam kung handa na ba akong ilabas lahat ng alas ko,
Sa opisina niya.
Pero ang talent ko… dapat sekreto lang.
Walang dapat makaalam.
Mas mabuti nang maging simple ako sa office niya. Tahimik. Masipag. Sakto lang. Ayokong mapansin nang sobra.Ayoko na bumalik sa dati kong ginagawa dahil sa talento kong ito.
Habang nagre-review ako ng notes ko sa kama, biglang bumukas ang pinto ng banyo.
Lumabas si Keano na nakatapis lang ng towel.
Here we go again.
Parang wala talaga siyang pakialam kung may kasama siya sa kuwarto. Dire-diretso siyang naglakad papunta sa closet.
Iniwas ko agad ang tingin ko sa laptop screen kahit wala naman akong binabasa.
“Puwede ka na po tumingin, nakabihis na ako,” natatawa niyang sabi matapos ang ilang segundo.
Dahan-dahan akong lumingon.
Naka-shirt at joggers na siya, may ngiti pa sa labi.
“Hindi naman ako tumitingin,” depensa ko.
“Sure,” sagot niya, halatang nang-aasar.
Inirapan ko siya at ibinalik ang atensyon ko sa laptop.
“Bakit parang takot ka lagi?” bigla niyang tanong habang nagpapatuyo ng buhok.
“Hindi ako takot,” sagot ko agad.
“Kanina pa iwas ang tingin mo.”
“Respect lang,” mataray kong sagot.
Tumawa siya nang mahina.
Lumapit siya sa gilid ng kama at sinilip ang screen ko.
“Review ka pa rin?”
“First week ko pa lang. Ayoko magkamali.”
“Good,” sabi niya. “Keep it that way.”
Tahimik ulit ang kuwarto.
Ramdam ko ang presensya niya pero hindi ko siya tiningnan.
Kailangan kong masanay.
Office sa umaga.
Iisang kuwarto sa gabi.
At sa gitna ng lahat ng iyon,
Sekreto ang tunay kong kakayahan.
Alternative ang pasok ko sa office ni Keano—MWF.
Sa school naman ako ng TTHS.
Mas magaan ang schedule ko ngayon. Kahit papaano, nababalanse ko.
Nasa canteen ako noon, tahimik na kumakain nang biglang may tumabi sa akin.
“Hello,” bati niya.
Paglingon ko, isang girl na halos kasing edad ko lang. Maayos manamit, mukhang friendly.
“Hi,” sagot ko.
“Working student ka?” tanong niya.
“Oo.”
“Ka-ano ano mo si Sir? Bakit ang lakas mo sa office?”
Napahinto ako.
“Ha?” gulat kong sagot.
Pantay lang naman ang treatment sa akin. Bakit niya natanong ‘yun?
“Sorry, mali ang term ko,” agad niyang bawi. “I mean, ngayon lang kasi sila nag-hire ng working student. Lalo na malaki company ito.”
Nakahinga ako nang maluwag.
Buti na lang at hindi iyon ang iniisip ko.
“Kasambahay ako nila Sir Keano,” sagot ko nang maayos. “Mama ko naman personal assistant ni Mrs. Ishikawa.”
“Wow. Ang bait pala nila, ano?”
“Oo,” sagot ko. “Mabait sila.”
“By the way, I’m Erica. Accounting department ako. Ikaw?”
“Marketing department,” sagot ko. “Assistant lang.”
“Ahh kaya pala. Ikaw ‘yung tumulong sa presentation layout kahapon, ‘di ba? Ang linis ng execution.”
Bahagya akong natigilan.
Layout lang naman ‘yun.
Simple edits.
“Tinuruan lang ako,” sabi ko agad.
Ngumiti si Erica. “Well, ang galing mo.”
Ngumiti lang ako pabalik.
Kailangan ko talagang maghinay-hinay.
Marketing man o hindi,
Simple lang dapat ako.
Tahimik.
Walang dapat maghinala sa tunay kong kakayahan.