Jassie POV
Okay na ang pakiramdam ko.
Medyo mabigat pa ang ulo ko pero wala na ‘yung sobrang init ng katawan ko kagabi. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko.
At doon ako natigilan.
Nanlaki ang mga mata ko.
Magkayakap kami ni Keano.
Nakasiksik ako sa dibdib niya, ang braso niya ay nakapalibot sa bewang ko. Ramdam ko ang init ng katawan niya, ang steady na t***k ng puso niya sa tenga ko.
Saglit akong napapikit ulit.
Ang sarap pala matulog sa bisig niya.
Tahimik. Ligtas. Parang walang problema.
Sandali lang iyon.
Biglang bumukas ang pinto.
Napalingon ako at halos tumigil ang mundo ko.
Si Mrs. Hazel Ishikawa.
Ang ganda ng ngiti niya, yung tipong alam mong tuwang-tuwa siya sa nakikita.
“Good morning,” masayang bati niya.
Parang binuhusan ako ng malamig na tubig.
Automatic kong itinulak si Keano palayo sa akin. Napaupo ako sa kama, sabay hawi ng buhok ko, halatang nagulat at nahihiya.
Dahil sa bigla kong pagtulak, nagising si Keano.
Napakunot ang noo niya habang inaabot ang unan. “What—”
Napatingin siya sa akin, saka sa pinto.
At nakita niya ang mama niya na nakangiting akala mo’y may nanalong jackpot.
“Ah… I see,” sabi ni Mrs. Ishikawa na may halong kilig ang boses. “Mukhang okay na si Jassie.”
“Mom…” babala ni Keano, bakas ang inis sa tono pero hindi naman seryoso.
Hindi ko alam kung saan ako titingin. Sa sahig? Sa kumot? Sa kisame?
“Sorry po, Ma'am… may lagnat lang po ako kagabi,” mabilis kong paliwanag, ramdam ang pamumula ng pisngi ko.
Lumapit siya sa akin at hinaplos ang buhok ko. “Alam ko. Sabi ni Keano hindi ka raw okay. But I’m glad he took care of you.”
Napatingin ako kay Keano.
Tahimik lang siya. Pero may kakaiba sa titig niya, hindi malamig. Hindi rin mailap.
Parang… may iniisip.
“Magpahinga ka muna today,” dagdag ni Mrs. Ishikawa. “Keano, ikaw bahala sa wife mo.”
Wife.
Parang may kung anong kumurot sa dibdib ko.
Pagkaalis niya, naiwan kaming dalawa sa kuwarto.
Tahimik.
Ramdam ko pa rin ang init ng yakap niya sa katawan ko.
“Sorry,” sabay naming sabi.
Napatingin kami sa isa’t isa.
At sa ilang segundong iyon… hindi ko alam kung mas malakas ang t***k ng puso ko dahil sa kahihiyan,
o dahil sa katotohanang ayokong bumitaw sa pakiramdam na iyon.
“Keano… sorry talaga. Hindi ko sinasadya na maabala ka.”
Mahina kong sabi nang makaalis na ang mommy niya. Mabilis akong bumangon sa kama niya, halos matapilok pa sa pagmamadali.
“Aayusin ko na ‘to. Maglilinis na rin ako,” natataranta kong dagdag habang inaabot ang kumot.
“Huwag mong ligpitin ‘yan.”
Napahinto ako.
“Humiga ka diyan. Huwag kang gumalaw,” galit niyang sabi.
Bigla akong natigilan. Nakatingin lang ako sa kanya.
“I said lay down in bed.” Mas matigas ang tono niya ngayon.
Parang may kung anong bumigat sa dibdib ko.
“Bukas na bukas din, magre-resign ka na sa café.”
“Ano?” halos pabulong kong sagot. “Pero—”
“Bakit?” putol niya. “Huwag kang matigas ang ulo. May pera diyan. Marami.” May diin ang salitang marami. “In case na gusto mong sustentuhan ang sarili mo at pamilya mo, sa ATM ka kumuha.”
Ayoko.
“Ayoko,” matigas kong tanggi, kahit nanginginig ang boses ko.
Tumaas ang kilay niya. “Asawa kita. Kaya sinasabi ko to sayo. "
Tahimik akong napayuko.
Alam kong kaya niya akong sustentuhan. Isang swipe lang sa card niya, tapos na ang problema ko. Pero hindi ko kaya.
Hindi ako pwedeng maging palamunin.
“Hindi dahil may pera ka, ibig sabihin wala na akong karapatang magdesisyon,” mahina pero malinaw kong sabi.
Sandali siyang natahimik.
Ramdam ko ang tensyon sa pagitan namin.
Hindi ito tungkol sa café.
Hindi ito tungkol sa pera.
Ito ay tungkol sa pride ko.
At sa paraan niya ng pag-aalaga—na parang utos.
Dahan-dahan akong humiga ulit sa kama, pero hindi dahil sinabi niya.
Kundi dahil nahihilo pa rin ako.
Tumingin ako sa kanya.
“Hindi mo ako pag-aari, Keano,” mahinahon kong sabi. “Asawa mo ako sa papel. Pero hindi ibig sabihin kontrolado mo ang buhay ko.”
Saglit siyang natigilan.
At sa unang pagkakataon, ako naman ang hindi umiwas sa titig niya.
“Kung hindi ka nakakaabala sa akin, sige, tumuloy ka,” galit pa rin ang tono niya. “Pero dahil nagkakasakit ka na sa pinaggagawa mo, ako na ang mangingialam.”
Nanatili akong tahimik.
“Hinayaan kita sa gusto mo noong una,” dagdag niya, mas lalong tumitigas ang boses. “Pero ayan ang napala mo. Buti nga ganyan lang. Paano kung mas worst pa? Paano kung may mangyari sa’yo? Hindi ako makapagtrabaho nang maayos dahil sa kakaisip.”
Doon ako napatingin sa kanya.
Hindi ako umimik.
Pero sa loob ko, may kung anong gumalaw.
Hindi dahil sa galit siya.
Kundi dahil sa sinabi niya.
Hindi ako makapagtrabaho nang maayos dahil sa kakaisip.
Ibig sabihin… iniisip niya ako?
Ibinalik ko ang tingin ko sa kumot. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Ayokong lumaki ang usapan. Ayokong mag-away kami.
Pero ayoko ring mawalan ng boses.
“Hindi ko ginusto magkasakit,” mahina kong sabi. “Hindi ko rin ginusto na maging pabigat sa’yo.”
“Hindi ka pabigat,” mabilis niyang sagot, halos hindi nag-isip.
Napatingala ako.
Saglit kaming nagkatitigan.
Mas mabagal na ang paghinga niya ngayon. Hindi na ganoon katindi ang galit sa mga mata niya—mas nangingibabaw ang frustration.
“At huwag mong sabihin na wala akong karapatang mangialam,” mas mababa na ang boses niya. “Asawa kita.”
“Asawa sa papel,” paalala ko.
“At kahit sa papel lang ‘yan,” sagot niya agad, “responsibilidad pa rin kita.”
Napakurap ako.
Responsibilidad.
Hindi ko alam kung matutuwa ako o masasaktan.
“Hindi ko kailangan ng pera mo,” sabi ko. “Ang kailangan ko… respeto sa mga desisyon ko.”
Sandaling katahimikan.
Lumapit siya sa kama at umupo sa gilid, hindi na galit, pero seryoso.
“Fine,” sabi niya sa wakas. “Magtrabaho ka. Pero hindi sa café. Sa akin.”
“Ano bang trabaho?” naguguluhan kong tanong.
“Sa office. Under me. Kung gusto mong pagtrabahuhan ang bawat gastos mo, gawin mo. Pero sa lugar na alam kong ligtas ka. Sa lugar na nakikita kita.”
Napahinto ako.
Sa lugar na nakikita kita.
Hindi ko alam kung bakit mas mabilis na naman ang t***k ng puso ko.
Galit ba talaga siya?
O nag-aalala lang?