Jassie POV
Nagulat ako nang bigla akong hinalikan ni Keano, madiin, mapusok. Ramdam ko pa ang init ng labi niya, ang higpit ng hawak niya sa akin. Napapabulong ako ng pangalan niya.
“Keano…”
Ang lapit niya, ang paghaplos niya, ang init na gumagapang sa katawan ko.
“Keano… Keano…Ohhhh."
Bigla akong nagising dahil sa malakas na tawa.
“HAHAHAHA!”
Dumilat ako nang mariin.
Putcha. Panaginip lang pala.
Nakatayo si Keano sa gilid ng kama, nakangisi.
“Hey, Jassie,” panunukso niya, “ano ’yang panaginip mo at inuungol mo pangalan ko?”
Nanlaki ang mga mata ko. Ramdam kong namula ako mula ulo hanggang leeg.
Kaya hindi ko siya sinagot. Mabilis akong nagtakip ng kumot.
“Wala! Binabangungot lang ako!” pagsisinungaling ko. Hindi ko alam kung naniniwala siya.
Tumaas ang kilay niya. “Talaga? Akala ko we made love in your dreams eh.”
Lumapit siya nang kaunti, may mapang-asar na ngiti. “Kasi puwede naman nating ituloy ngayon.”
Hindi pa rin ako umiimik. Hindi ko alam kung saan ako titingin.
Buwisit na panaginip ’to!
Sa dami pa ng puwedeng mapanaginipan, bakit siya pa? At bakit gano’n ka-realistic?
“Jassie…” mahina pero may halong biro pa rin ang boses niya, “kung gusto mo lang naman ako, sabihin mo na.”
Mula sa ilalim ng kumot, siniko ko siya.
“Manahimik ka nga!”
Mas lalo siyang natawa.
At ako? Gusto ko na lang lamunin ng kama sa sobrang hiya.
Hindi ko siya pinansin kahit naririnig ko pa rin ang mahina niyang pagtawa.
“Bangungot daw,” bulong niya na parang hindi kumbinsido.
Mas lalo kong hinila ang kumot sa mukha ko. “Manahimik ka nga, Keano.”
“Sure ka bang bangungot?” dagdag pa niya. “Mukhang masarap yata base sa tunog mo.”
“Keano!” inis kong sigaw mula sa ilalim ng kumot.
Narinig ko ang mahinang paggalaw ng kama. Bigla niyang hinila pababa ang kumot na tinatakip ko sa mukha ko.
Nagkatinginan kami.
Ang lapit niya.
“Kung may gusto ka, puwede mo namang sabihin,” seryoso pero may bahid pa rin ng biro ang tono niya.
“Wala!” mabilis kong sagot. “At huwag mong ulitin ’yang mga sinasabi mo. Ang kapal mo!”
Ngumisi siya. “Pero hindi mo naman itinanggi na ako ’yung napanaginipan mo.”
Napangiwi ako. Hindi ko alam kung saan ako titingin.
“Buwisit ka talaga,” bulong ko.
Tahimik siya sandali. Tapos bigla siyang humiga ulit, nakatalikod sa akin.
“Relax ka lang,” sabi niya, mas kalmado na ang boses. “Hindi kita gagalawin.”
Parang may kung anong gumaan sa dibdib ko.
“Hindi ko kailangan ng permiso mo,” sagot ko kahit mahina.
“Talaga?” sagot niya, pero hindi na siya lumingon.
Tahimik na ulit ang kwarto.
Ilang minuto ang lumipas.
“Jassie,” tawag niya nang mahina.
“Ano na naman?”
“Hindi ako galit sa’yo dahil nagtatrabaho ka.”
Natigilan ako.
“Galit ako kasi hindi mo sinabi.”
Napakurap ako. Hindi ko inasahan ’yon.
“Pero… asawa kita. Gusto ko alam ko kung nasaan ka.”
Hindi ako agad nakasagot.
Ang gulo niya.
Minsan parang wala siyang pakialam.
Minsan naman parang sobra.
“Matulog ka na,” sabi niya sa huli.
At sa unang pagkakataon ngayong gabi, hindi na ako gano’n ka-tense.
Hindi dahil sa panaginip.
Kundi dahil sa sinabi niya.
Jassie POV
“Bakit ganyan ang mukha mo, Jassie?” sita ni Ate Mila habang nag-aayos ng mga plato sa dining area.
Kinurot pa ako ni Ate Lilia sa braso. “Naku, siguro may nangyari sa inyo ni Keano kagabi, ano?”
“Ate!” napasigaw ako, sabay hawak sa braso ko.
Napatingin tuloy ako sa salamin na malapit sa hagdan.
Bakit ganito ang itsura ko?
Mukha akong stressed. Medyo namumugto ang mata ko, halatang kulang sa tulog. Magulo pa ang buhok ko kahit nagsuklay naman ako.
“Wala pong nangyari!” depensa ko agad. “Grabe kayo.”
“Talaga lang ha?” singit ni Solenn na may nakakalokong ngiti. “Eh bakit parang lutang ka? Kanina ka pa mali-mali ng hawak sa tray.”
Napayuko ako.
Hindi ko naman puwedeng sabihin na nanaginip ako ng nakakahiya. Lalo na’t siya pa ang narinig kong tumatawa kaninang umaga.
“Stress lang ako,” palusot ko. “Ang dami kasing iniisip.”
“Hmm,” sabay-sabay silang nagkatinginan.
“Hindi kami pinanganak kahapon, hija,” sabi ni Ate Mila na may mahinang tawa. “Mag-asawa na kayo. Natural lang ’yan.”
Lalo akong namula.
“Wala nga pong nangyari,” giit ko, pero mahina na ang boses ko.
At parang lalo lang silang naniwala na may “nangyari.”
Bigla kong naalala ang sinabi ni Keano kagabi.
‘Asawa kita. Gusto ko alam ko kung nasaan ka.’
Bakit ba paulit-ulit ’yon sa isip ko?
“Hoy, Jassie.” Napapitlag ako nang marinig ang boses niya mula sa hagdan.
Nakatayo siya roon, naka-office attire na, seryoso ang mukha.
“Late ka na sa almusal. Sabay na tayo.”
Natigilan ang tatlong marites sa likod ko.
“Wow,” bulong ni Solenn.
Tiningnan ko si Keano.
Normal lang ang ekspresyon niya. Parang walang nangyaring asaran kaninang umaga. Parang hindi niya ako tinukso.
“Ha?” tanga kong sagot.
“Come here,” ulit niya, mas mababa ang boses.
Hindi ko alam kung bakit, pero kusa akong naglakad papunta sa kanya.
At habang pababa kami ng hagdan nang magkatabi…
Pakiramdam ko, mas lalong magiging komplikado ang lahat.
Napatingin ako kina Rita, kay Solenn, lalo na kay Ate Mila.
Grabe ang mga mata nila, punong-puno ng panunukso. Halatang may iniisip.
Paano ba naman kasi… si Keano, panay ang asikaso sa akin.
“Tikman mo ’to,” sabi niya habang nilalagyan ng pagkain ang plato ko. “Hindi ka naman kumain nang maayos kanina.”
“Ako na—” mahina kong tanggi.
Pero hindi niya ako pinansin. Siya pa mismo ang naghiwa ng psgkain at inayos ang side dish ko.
Parang gusto ko na lang lumubog sa upuan.
Mas lalo akong na-conscious nang mapatingin ako kay Mrs. Hazel Ishikawa. Ang ganda ng ngiti niya, halatang tuwang-tuwa sa ginagawa ng anak niya.
Ganun din si Mr. Ishikawa. Tahimik pero obserbanteng nakatingin sa amin.
Parang proud.
Parang satisfied.
Parang… ito ang gusto nilang makita simula pa lang.
Lalo akong na-stress.
Ano ba ’to? Kagabi halos kaladkarin niya ako. Kaninang umaga tinukso niya ako tungkol sa panaginip ko. Ngayon naman… sweet husband mode?
“Keano, tama na,” pabulong kong sabi. “Kaya ko na.”
“Anong tama na?” inosente niyang tanong pero may bahid ng ngiti sa labi. “Natural na asikasuhin ko ang asawa ko’di ba?”
Muntik na akong mabulunan.
Narinig ko ang mahinang “ayiee” ni Solenn sa likod ko.
Gusto ko sumigaw.
Hindi ko maintindihan kung ano ba talaga ang gusto niyang patunayan. Sa harap ng parents niya, sweet siya. Sa loob ng kwarto, dominante at mapang-asar. Kapag seryosong usapan, biglang nagiging malabo.
“Keano…” mariin kong bulong. “Ano ba talagang plano mo?”
Saglit niya akong tinignan.
Yung tingin na hindi ko mabasa.
“Ginagawa ko lang ang dapat,” sagot niya, kalmado.
Pero para kanino?
Para sa parents niya?
Para sa pangalan niya?
O para sa amin?
At mas lalo akong na-stress dahil sa isang bagay,
Sa kabila ng lahat… may parte sa akin na kinikilig.