Jassie POV
Hinatid ako ni Keano sa café na pinagtatrabahuhan ko.
Tahimik ang biyahe. Hindi tulad kagabi. Hindi tulad kaninang umaga.
Pagdating namin, tumingin siya sa paligid.
“Dito ka ba nagwo-work?” tanong niya habang sinusuri ang harap ng café. “Parang pumunta na kami ni Ashley dito two days ago. Diyan lang kasi ang condo niya.”
Diretso kong sinabi, “Oo. Nakita ko kayo. Kaya ako nagtago.”
Napatingin siya sa akin, tapos binatukan niya ako. Mahina lang, pero nakakagulat.
“Ikaw talaga, pasaway,” sabi niya. “Bakit hindi ka lumapit sa amin?”
“Aray! Masakit ha!” inis kong sagot sabay hawak sa ulo ko.
Bahagya siyang natawa, pero agad ding nagseryoso.
“Sorry, Jas, kung na-offend ka sa sinabi ko… o sa mga ginawa ko.” Bumuntong-hininga siya. “Gusto ko lang maging okay tayo. Magkasundo.”
Tahimik lang ako.
“Ang pangit naman na mag-asawa tayo na puro away at bangayan, ’di ba?” dagdag niya. “Just tell me, okay? Communication lang. ’Yun ang kailangan natin.”
Communication.
Ang dali niyang sabihin.
Pero paano kung ang dami kong gustong itanong? Tungkol sa girlfriend niya. Tungkol sa totoong nararamdaman niya. Tungkol sa kung bakit parang may switch siya, minsan malamig, minsan sobra ang pag-aalaga.
Hindi ako umimik.
Wala naman akong masabi na hindi magpapagulo lalo.
Bigla niyang inilabas ang wallet niya at inabot sa akin ang isang card.
“Here’s my card. Itago mo lang. Kahit hindi mo gamitin. For emergency lang.”
Tiningnan ko ang card. Pangalan niya. Corporate black. Mabigat sa kamay.
“Hindi ko kailangan—” sana sasabihin ko.
“Jassie,” mahinahon niyang putol. “Asawa kita. Responsibility kita.”
Hindi ko alam kung dapat ba akong mainis o matuwa.
Ngumiti siya—hindi yung mapang-asar. Hindi rin yung peke sa harap ng parents niya. Simpleng ngiti lang.
Tapos hinaplos niya ang buhok ko.
Saglit akong natigilan.
Tumango na lang ako. “Salamat.”
Bumaba ako ng sasakyan.
Habang papasok ako sa café, ramdam ko pa rin ang tingin niya sa likod ko.
At hindi ko alam kung alin ang mas delikado,
Ang patuloy na paglayo ko sa kanya…
O ang unti-unti kong paglapit.
Pagpasok ko sa café, agad akong sinalubong ni Rhoda.
“Hoy!” bulong niya pero halatang excited. “Hinahatid ka? Sino ’yun? Ang gwapo ha!”
“Wala ’yon,” mabilis kong sagot habang nagtatanggal ng bag.
“Wala? Eh naka-suit! At may sariling driver!” pang-aasar niya.
“Customer,” dagdag ko, sabay talikod para hindi niya makita ang pamumula ko.
Pero bago pa ako tuluyang makapasok sa staff area, sumilip ako sa labas ng salamin.
Nandoon pa rin ang sasakyan ni Keano.
Parang may hinihintay.
Pagkalipas ng ilang segundo, bumaba siya.
“Ano ba ‘to…” bulong ko.
Pumasok siya sa café.
Tahimik ang paligid. Lahat napatingin.
“Good afternoon,” bati niya sa counter, professional ang boses.
Lumapit siya sa akin na parang normal lang.
“May nakalimutan ka,” sabi niya.
“Ha?”
Bigla niyang inayos ang ID lace ko na bahagyang nakatagilid.
Napasinghap ako sa lapit niya.
“’Yan,” mahina niyang sabi. “Ayokong may tumitingin sa’yo na parang available ka.”
Nanlaki ang mata ko. “Keano!”
Narinig ko ang mahinang kilig ni Rhoda sa likod.
“Sir, o-order po ba kayo?” tanong nito na halatang kinikilig din.
“Black coffee,” sagot niya nang hindi inaalis ang tingin sa akin.
Habang ginagawa ko ang order niya, ramdam ko ang titig niya.
“Jassie,” mahina niyang tawag.
“Ano?”
“Uuwi ka mamaya. Sabay tayo.”
Hindi tanong.
Parang utos, pero hindi rin.
“May shift pa ako,” sagot ko.
“I’ll wait.”
Natigilan ako.
“Keano, hindi mo kailangan—”
“Gusto ko.”
Tahimik akong napayuko.
Ang gulo niya.
Minsan parang wala siyang pakialam.
Minsan naman parang sobra.
At habang inaabot ko sa kanya ang kape niya, hindi ko maiwasang magtanong sa sarili ko,
Kung responsibility lang ba talaga ako sa kanya…
Bakit parang masyado siyang invested?
“Uy… may something kayo ng ultimate crush mo ha,” bulong ni Sharon habang nakasandal sa counter. “Kita ko sa tingin niya sa’yo.”
“Walang something sa amin, okay?” sagot ko habang busy sa paggawa ng kape ng isang customer. Pinipilit kong maging steady ang kamay ko kahit medyo lutang pa ako.
“Sure ka?” singit niya. “Base sa kilos niya kanina? Girl, hindi ’yon normal. Hindi ’yon ‘customer service concern.’ May gusto ’yon sa’yo.”
“Hay naku,” inirapan ko siya. “Magtrabaho ka na lang diyan.”
Pero kahit anong deny ko… may maliit na parte sa utak ko na inuulit ang mga sinabi niya.
Kita ko sa tingin niya sa’yo.
Ano ba talagang tingin niya sa akin?
Responsibility?
Asawa sa papel?
O… higit pa doon?
Bigla kong naalala kung paano niya inayos ang ID lace ko. Kung paano niya sinabing ayaw niyang may tumitingin sa akin na parang available ako.
Napailing ako.
“Focus, Jassie,” bulong ko sa sarili ko habang inaabot ang resibo sa customer.
Hindi puwedeng umasa.
Hindi puwedeng mag-assume.
Alam ko ang sitwasyon namin. May girlfriend siya. May mundo siyang hiwalay sa akin.
Pero habang sumisilip ako sa glass wall ng café at nakikita siyang nakaupo sa sulok, tahimik na umiinom ng kape habang paminsan-minsang napapatingin sa akin…
Hindi ko maiwasang kabahan.
At mas lalong hindi ko maiwasang kiligin.
“Hoy,” bulong ulit ni Sharon. “Tumingin na naman siya.”
“Tumahimik ka nga!” sagot ko, pero hindi ko na napigilang mapangiti nang kaunti.
Jassie POV
Makalipas ang ilang minuto, tumayo na rin si Keano.
Hindi siya nagpaalam nang malakas. Hindi rin siya gumawa ng eksena.
Bago siya tuluyang lumabas ng café, sandali siyang tumingin sa akin.
Isang tingin lang.
Pero parang may gustong sabihin.
Pagkatapos, umalis na siya.
At doon lang ako nakahinga nang maayos.
“Umalis na ultimate crush mo,” bulong ni Sharon.
“Good,” sagot ko agad, kahit may kaunting kurot sa dibdib ko.
Umiling ako. Tama na ’to.
Focus na ako sa trabaho.
Sunod-sunod ang orders. Iced latte. Cappuccino. Caramel macchiato. Inayos ko ang apron ko at tinodo ang pagiging professional.
Mas okay na ’to.
Mas simple.
Walang komplikasyon. Walang mixed signals. Walang asawang biglang sweet tapos biglang dominante.
Habang inaabot ko ang sukli ng customer, napaisip ako.
Siguro mas mabuti nga na ganito.
May sarili akong mundo dito sa café. May sarili akong sweldo. May sariling identity na hindi lang “Mrs. Ishikawa.”
At kahit ano pa ang pinapakita ni Keano ngayon,
Kailangan kong tandaan kung saan ako nakatayo.
Asawa niya ako.
Pero hindi ibig sabihin no’n, ibibigay ko agad ang puso ko.
Hindi na ako ‘yung babaeng umiiyak dahil inagawan niya ng bananaque noon.
Mas matapang na ako ngayon.
At kung gusto niya talagang maging maayos kami kahit magkaibigan lang,
Kailangan niyang patunayan.
Hindi lang sa harap ng iba.
Kundi sa akin.