Jessie POV
After ng accident, mas naging maayos naman kami ni Keano. May konting asaran pa rin pero nabawasan na, siguro dahil pareho kaming busy, siya sa trabaho, ako bilang isang working student.
“Class, choose your partner and interview a successful person. Explain why he became successful,” sabi ni Prof. Cruz.
Napatingin sa akin si Sharon.
“Jas, tayo na lang partner.”
Ngumiti ako. “Sige.”
“Si Keano na lang interview-hin natin!” Kinikilig niyang sabi.
“Ha? Pero…” alanganin ang sagot ko. Kilala ko si Keano minsan nasa mood, minsan hindi. Sala sa init, sala sa lamig.
“Bakit? Siya lang naman ang fit sa project natin,” giit ni Sharon.
Napabuntong-hininga ako. Kung nandito lang sana si Shean—best friend ni Keano, siya na lang sana ang i-interview namin.
“Bakit, mahirap ba kausapin si Kuya Keano mo?” tanong niya, may halong pang-aasar.
Tahimik akong napangiti. Ang alam lang ni Sharon, magkapareho kami ng apelyido ni Keano dahil inampon ako ng pamilya Ishikawa. Wala akong pinagsabihan na mag-asawa kami ni Keano.
Mas pinili kong itago iyon.
Ayokong malaman nila na technically… diborsyada ako.
Dahil alam ko naman, balang araw, maghihiwalay din kami ni Keano.
Pero habang iniisip ko iyon, may kung anong kumirot sa dibdib ko.
Kung sigurado ako sa hiwalayan, bakit parang nasasaktan na ako ngayon pa lang?
Nasa bahay na ako pero hanggang ngayon iniisip ko pa rin ang project. Paano ko sasabihin kay Keano? Alam kong qualified siya—successful, respected, at siguradong maraming matututunan ang class namin sa kanya. Pero iba kasi kapag personal mong kakilala… mas lalo na kung asawa mo.
Hanggang sa sumapit na lang ang gabi.
Nasa kuwarto na kami ni Keano. Bumalik kami sa dati naming puwesto, ako sa may malapit sa walking closet niya, may nakalatag na manipis na kutson sa sahig. Siya naman sa kama.
Mas komportable ako rito. Sa totoo lang, hindi ako makatulog kapag nasa kama… lalo na kung katabi ko siya.
Sinabi ko iyon kay Keano noon, at pumayag naman siya.
“Okay lang. Baka kasi katagalan, i-rape mo pa ako,” biro niya habang nakahiga, isang braso ang nakatakip sa noo.
Inirapan ko siya. “Feelingero.”
Mahina ang tawa niya. “Safety first.”
Tahimik kaming dalawa pagkatapos nun. Tanging ilaw mula sa lampshade ang nagbibigay ng mahinang liwanag sa kwarto.
Pero kahit nakapikit na ako, gising pa rin ang isip ko.
Dapat ko na ba talagang sabihin sa kanya ang tungkol sa interview?
O baka mas mabuti pang umiwas na lang ako?
“Jassie.”
Napadilat ako. “Ano?”
“Kanina ka pa balisa. May problema ba?”
Napahigpit ang hawak ko sa kumot.
Ito na ba ang tamang pagkakataon?
“Keano…” mahina kong tawag.
“Hmm?” sagot niya, nakapikit pa pero halatang gising.
“May project kasi kami. Kailangan naming mag-interview ng isang successful person… tungkol sa journey niya, kung bakit siya naging successful.”
Ilang segundo siyang natahimik. Akala ko maiinis siya o kaya’y magbibiro na naman.
“Okay,” sagot niya.
Napabangon ako nang bahagya. “Ha?”
“Schedule mo na lang. Sabihin mo sa secretary ko mag-set ng appointment.”
Napakurap ako. Ganun lang? Walang reklamo? Walang topak?
“Pumapayag ka?”
Bahagya siyang napangiti habang nakatingin sa kisame. “Project mo ‘yan. Bakit ako tatanggi?”
Hindi ko alam kung matutuwa ako o mas lalo akong kakabahan. Mas kinakabahan pa nga yata ako ngayon.
“Pero formal ha,” dagdag niya. “Office setting. Hindi puwedeng dito sa bahay. At kausapin mo muna secretary ko para maayos ang schedule.”
Tumango ako kahit hindi niya nakikita. “Sige.”
“Tsaka…” napalingon siya sa direksyon ko, may pilyong ngiti. “Sabihin mo sa partner mo huwag kayo masyadong kiligin.”
Namula ako. “Keano!”
Mahina siyang tumawa. “Relax. Binibiro lang kita”
Humiga ulit ako, pero ngayon iba na ang t***k ng dibdib ko.
Hindi dahil sa project.
kundi na makikita ko siya sa office niya.
Jassie POV
Kinabukasan, maaga akong nagising.
Habang nag-aayos si Keano para pumasok, tahimik lang akong nakamasid. Naka-plantsa ang suit niya, maayos ang buhok, at seryoso ang ekspresyon, ibang-iba sa lalaking nang-aasar sa akin gabi-gabi.
“Good luck sa pag-book ng appointment,” sabi niya habang inaayos ang relo.
Tumango ako. “Oo.”
Bago siya tuluyang lumabas ng kuwarto, sandali siyang huminto.
“Text mo na lang secretary ko. Sabihin mo ikaw si Jassie Ishikawa, project interview para ma-priority.”
“Bakit ma-priority?” tanong ko.
Tumingin siya sa akin, diretso sa mata.
“Because it’s you.”
Hindi na siya naghintay ng sagot. Lumabas na siya ng kwarto, pero naiwan akong tulala.
Pagdating ko sa school, agad akong nilapitan ni Sharon.
“Oy! Ano sabi ni Kuya Keano mo?”
“Pumayag,” sagot ko, pilit na kalmado.
“WHAT?!” halos mapasigaw siya. “Grabe, Jas! Ang swerte natin!”
“Appointment muna sa secretary niya,” dagdag ko.
Mas lalo siyang kinilig. “So pupunta tayo sa office niya? Makikita natin siya in suit?!”
Inirapan ko siya pero hindi ko maikakaila—kinakabahan din ako.
Tanghali nang maglakas-loob akong mag-text sa secretary niya.
Formal. Maayos. Professional.
After a few minutes, may reply agad.
Appointment confirmed. Friday, 3PM. Ishikawa Holdings.
Napatitig ako sa message.
Ishikawa Holdings.
Bigla kong naramdaman ang bigat ng apelyidong dala ko.
Sa school, isa lang akong working student.
Sa bahay, asawa niya.
Pero sa opisina niya…
Ano ako doon?
“Jas? Okay ka lang?” tanong ni Sharon.
Tumango ako. “Friday. 3PM.”
Napatalon siya sa tuwa.
Pero ako?
Mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko.
Dahil sa Friday, makikita ko si Keano… hindi bilang asawa ko.
Kundi bilang Mr. Ishikawa.
At hindi ko alam kung alin sa dalawa ang mas kinakatakutan ko.