Chapter 26

1191 Words
Keano POV Graduation ngayon ni Jassie. At hindi lang basta graduation. Summa c*m Laude. Pinakamataas na karangalan sa kolehiyo, Bachelor of Science Major in Marketing. Tahimik akong napangiti habang iniisip ’yon. Hindi biro ang achievement niya. Hindi ko na inagawan ang papel ng ina at kapatid niya. Sila ang um-attend ng ceremony. Ayokong agawan sila ng moment na iyon. Deserve nilang makita si Jassie na umaakyat sa entablado. Naghihintay na lang kami ngayon sa isang high-end hotel para sa celebration. Ang parents ko ang nag-organize, hindi ako. At iyon ang mas nakakapagtaka. Bakit ganun na lang ang pagkagiliw nila kay Jassie? Given naman siguro—anak siya ng assistant ni Mama na si Tita Cita. Pero hindi lang simpleng paborito ang trato nila. Parang… espesyal. At hindi lang sila. Naroon din si Rafael El Viejo Marcellus, Chairman at Founder ng Seven Pillars. Hindi basta-bastang tao. Kilalang strategist. Kilalang mapanuri. At kilalang hindi basta ngumingiti nang walang dahilan. Pero kanina, nakita ko siyang personal na bumati kay Jassie. May dalang bouquet. May kasamang ilan sa mga “young pillars” at pati mga senior executives na halos hindi mo mahagilap sa ganitong events. At ang mas nakakainis? Halatang interesado sila sa kanya. May kung anong mali. Kilalang-kilala ko si El Viejo. Kapag special ka sa kanya, may dahilan. At kadalasan… may pakinabang. Napatingin ako sa entrance ng hotel. Doon ko siya nakita. Si Jassie. Naka-graduation dress pa rin, may sash ng Summa c*m Laude, hawak ang bouquet mula sa pamilya niya. Simpleng ayos, pero may kakaibang presence. Signal pa lang ng pagpasok niya, sinalubong agad siya ng parents ko. Mama hugged her. Papa shook her hand like she just closed a corporate deal. At pagkatapos— Lumapit si El Viejo. Nakipagkamay. May bulong. May ngiti. Nanikip ang panga ko. “Anong meron ka, Jassie…” bulong ko sa sarili ko. Hindi lang ito simpleng paghanga sa isang matalinong graduate. Parang may mas malalim. Biglang pumasok sa isip ko ang isang bagay na matagal ko nang tinataboy, Kaya ba sa sobrang giliw ng parents ko sa kanya… pinakasal pa nila kami? Hindi naman sila basta magpapasya ng ganun kung walang strategic reason. At kung konektado ito sa Seven Pillars, Napatingin ulit ako kay Jassie. Ngumingiti siya. Masaya. Walang idea sa iniisip ko. O baka meron? I need to find out. At kung may laro mang nangyayari sa likod nito, Hindi ako papayag na si Jassie ang maging pawn. Keano POV “Anak, Jassie here na, come here.” Nakangiting tawag ng Mama ko habang hawak-hawak pa ang kamay ni Jassie na parang siya ang tunay na anak. Huminga ako nang malalim bago lumapit. Parang wala akong iniisip kanina. Parang hindi ko pinagdugtong-dugtong ang mga eksena sa isip ko. Kunwari wala akong napapansin sa mga kilos ng mga taong nandito. Lumapit ako sa kanila. Jassie was glowing. Hindi lang dahil sa medalya o sash niya. Iba talaga ang tindig niya ngayon ko lang napansin—confident, composed, at halatang proud sa sarili. “Congratulations,” sabi ko sabay abot ng bouquet na ako mismo ang pumili. Ngumiti siya. “Thank you.” Lumapit ako nang bahagya at bumulong, “Pwede na tayo magpakasal sa simbahan. Ginalingan mo masyado.” Umirap siya agad. “Eyy,” sagot niya, sabay pigil ng ngiti. Bago pa ako makadagdag ng pang-aasar, may panibagong grupo na namang lumapit para bumati sa kanya. “Miss Jassie, impressive achievement.” “We’re proud of you.” “Future asset of the company.” Narinig ko ang ilan sa mga batang Pillar na nag-uusap tungkol sa kanya. May isa pang nagsabi na bagay daw siya sa corporate strategy team. Corporate strategy? Fresh graduate pa lang ’yan. At mas lalong hindi nakatulong ang presensya ni Rafael El Viejo Marcellus. Nakatingin siya kay Jassie na parang may sinusukat. Lumapit siya at tinapik ang balikat ko. “You chose well,” sabi niya sa akin, may makahulugang ngiti. Napatingin ako sa kanya. “Excuse me?” “Your wife,” dagdag niya. “Rare potential.” Hindi ko alam kung compliment ba iyon o warning. Paglingon ko ulit, si Jassie abala na sa pakikipag-usap. Tawang-tawa siya sa isang kuwento ng kapatid niya. Simple lang. Walang bahid ng politika o agenda. O baka magaling lang siyang magtago. Hindi ko alam. Pero isang bagay ang malinaw— Hindi na lang ito simpleng graduation celebration. At habang nakatingin ako sa kanya na napapaligiran ng mga taong may kapangyarihan, mas lalo akong naging determinado. Kung may laro mang nangyayari sa paligid niya, Ako ang unang makakaalam. At kung kailangan kong harangin ang kahit sino para protektahan siya— Gagawin ko. Keano POV Kailangan kong mapalapit lalo kay Jassie. Hindi ako papayag na mauwi kami sa divorce. Hindi ngayon. Hindi habang hindi ko pa alam ang buong totoo. Kanina pa ako tahimik sa gilid ng ballroom, pero ang mata ko nakatutok lang sa kanya. Nakikipag-usap siya sa kung sinu-sino—executives, family friends, pati ilang board members ng Seven Pillars. Jassie… anong meron ka? Kung dati, hindi ko naman napapansin na espesyal ka kay El Viejo. Oo, magalang siya. Pero ngayon? Iba ang tingin niya. Iba ang interes. At mas nakakagulo sa isip ko— Simula nang pilit tayong pinakasal… Simula nang maging mas malapit tayo sa isa’t isa… Doon ko lang napansin ang mga bagay na matagal ko nang hindi tinitingnan. Hindi lang siya matalino. Hindi lang siya masipag. May presence siya. Natural na leader. Hindi nagpapapansin pero napapansin. At habang iniisip ko lahat ng ’to, may isa pang bagay na mas mahirap aminin, There’s a strange feeling inside. Hindi ito selos lang. Hindi lang proteksiyon bilang asawa. Parang ayokong may ibang taong mas makaalam tungkol sa kanya kaysa sa akin. Parang ayokong may ibang mas mauna sa mga plano tungkol sa kanya. Lumapit ako sa kanya habang kausap niya ang isang senior executive. Pagkakita niya sa akin, bahagya siyang ngumiti. “Keano,” sabi niya, natural lang ang tono. Simple lang. Pero iba ang tama. Inilagay ko ang kamay ko sa likod niya—hindi possessive, hindi rin showy. Just enough para malinaw kung nasaan ako nakatayo. “Asawa ko,” casual kong sabi sa kausap niya. Ngumiti ang executive at nagpaalam. Pagkaalis nito, napatingin si Jassie sa akin. “Anong meron?” “Wala,” sagot ko. “Checking lang.” “Checking?” taas kilay niya. “Kung okay ka.” Napailing siya. “Okay ako. Bakit?” Hindi ko agad nasagot. Kasi hindi ko rin alam kung bakit ako ganito. Kung dati, wala lang sa akin ang ideya na maghiwalay kami kapag natapos na ang kasunduang kasal na ’to. Pero ngayon? Hindi na option sa akin iyon. “Jassie,” mahina kong sabi. “O?” “Kailangan nating mag-usap. Hindi ngayon. Pero soon.” Nakatitig siya sa akin, parang nagtataka. At sa unang pagkakataon, sigurado ako sa isang bagay, Kung may sikreto man ang mga magulang ko… Kung may plano man si El Viejo… Hindi ako papayag na mauna sila sa sarili kong asawa. At kung may strange feeling man sa dibdib ko, Kailangan kong maintindihan kung ano ’yon… bago pa mahuli ang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD