Chapter 27

1206 Words
Jassie POV Hindi ko alam kung bakit ganun ang tingin sa akin ni Keano kanina pa. Ilang beses ko na siyang nahuhuling nakatitig. Hindi naman masama ang tingin, pero hindi rin yung usual na asaran mode niya. Parang… nag-oobserve. Tuloy ako ang naiilang. Ano ba ’yon? Nagagandahan ba siya sa akin? Charot. Huwag assumera, Jassie. O nagseselos? Imposible. Busy siya sa pag-ikot-ikot, pakikipagkamay sa guests, pakikipag-usap sa kung sinu-sinong executive. Pero kahit ganun, ramdam kong aware siya kung nasaan ako. May lumapit na isa sa mga batang executive ng Seven Pillars para bumati. “Congratulations, Ms. Ishikawa—este, Mrs. Ishikawa,” biro nito. Si Troy. “Jassie na lang,” sagot ko. Habang nakikipag-usap ako, biglang naramdaman ko ang presensya ni Keano sa likod ko. Hindi naman siya sumingit. Hindi siya nagsalita. Pero nandun lang siya. Tahimik. Pag-alis nung kausap ko, humarap ako sa kanya. “Ano?” tanong ko. “Ano?” sagot niya rin. “Bakit ka nakatingin?” “Bawal ba?” “Hindi. Weird lang.” Napataas ang kilay niya. “Weird agad?” “Oo. Parang may iniisip ka.” Sandaling tumahimik siya. Tapos ngumiti ng konti. “Iniisip ko lang kung paano ka naging ganito.” “Ganito paano?” “Hindi kinakabahan sanay na humarap sa malalaking tao.” “Graduation ko ’to,” sagot ko. “Syempre prepared ako.” Sayo lang naman ako kinakabahan minsan, buking ko sa sarili. “Hindi lang sa presentation,” dagdag niya. “Sa lahat.” Natigilan ako saglit. “Observation lang,” casual niyang sabi, pero hindi niya inaalis ang tingin niya sa akin. Bigla akong natawa. “Huwag mo nga akong titigan nang ganyan.” “Ganyan paano?” “Parang may iniimbestigahan ka.” “Baka naman,” biro niya. Inirapan ko siya. “Detective ka na pala.” “Part-time,” sagot niya. Napailing na lang ako. Ewan ko ba sa kanya. Pero isang bagay ang napansin ko— Kung dati ako ang laging umiwas sa tingin niya, ngayon siya ang parang hindi marunong umiwas. At hindi ko alam kung matatawa ba ako… O mas lalo akong maiilang. Jassie POV Masaya ang party. Kung kanina ay naiilang ako sa mga titig ni Keano, ngayon wala na. Bumalik na siya sa dati—mapang-asar, medyo may suplado look pa rin, pero at least normal na ulit. Mas kaya ko ’yon kaysa sa tahimik siyang nakatitig na parang may iniimbestigahan. Mas lalo akong napangiti nang makita ko sina Ate Amara at Ate Talia. Mahigpit nila akong niyakap. “Summa c*m Laude ka na talaga!” sabi ni Ate Amara na halos maiyak pa. “Naku, dati hindi mo nga mahanap ballpen mo,” dagdag ni Ate Talia sabay tawa. Kasama rin sina Ate Mila, Solenn, at Rita. Mga kasama ko sa bahay, hindi bilang katulong, Ngayon, hindi sila staff. Mga bisita ko sila. At proud ako doon. Nandito rin ang pamilya ko. Si Mama halos hindi mapawi ang ngiti. Si bunso busy kakakuha ng pictures. Masaya. Kumpleto. Halos kumpleto. Pero may kulang. Habang nakangiti ako sa harap ng mga tao, may maliit na lungkot sa dibdib ko. Wala si Ate Helena. Hindi ko alam kung nasaan na siya ngayon. Ilang taon na rin kaming walang balita. Siya ang pinakamalapit sa puso ko noon—siya ang laging nagsasabi sa akin na kaya ko ang lahat basta magtiwala lang ako sa sarili ko. At si Shean… Matagal na siyang tumiwalag sa Seven Pillars. Maraming isyu. Maraming bulong-bulungan. Pero kahit ganun, bumati siya sa akin kanina sa pamamagitan ng message. Shean: Proud of you. Stay sharp. Maikli. Pero alam kong galing iyon sa puso. Mahal ko ang dalawang iyon. Tahimik akong tumayo saglit sa gilid ng ballroom, pinagmamasdan ang mga taong masaya para sa akin. “Uy,” boses ni Keano sa tabi ko. “Biglang seryoso.” “Wala,” sagot ko agad. “Graduation blues?” “Hindi ah.” Tiningnan niya ako sandali, parang binabasa ang mukha ko. “May kulang?” tanong niya. Hindi ko alam kung paano niya nahulaan. “Kaunti,” mahina kong sagot. Hindi na siya nangulit. Hindi rin siya nang-asar. Tumayo lang siya sa tabi ko. Tahimik. At sa gitna ng ingay ng party, ng tawanan at clinking ng baso, may sandaling tahimik lang kami. Masaya ako. Pero dala ko pa rin ang mga taong wala rito. At kahit nasaan man sila ngayon, Sana proud din sila sa akin. Jassie POV Lumipas ang ilang oras, mas lalong naging lively ang party. May music, may champagne toast, at halos lahat gustong makipag-picture sa akin. “Speech! Speech!” sigaw ng isa sa mga batang Pillars. Napailing ako. “Naku, hindi na ako prepared.” “Summa ka pero hindi prepared?” biro ni Keano sa tabi ko. Inirapan ko siya pero ngumiti rin. Umakyat ako sa maliit na stage. Hawak ang mic, medyo nanginginig pa rin ang kamay ko kahit sanay na ako sa presentation. “Good evening po sa lahat,” panimula ko. “Thank you for celebrating this milestone with me.” Tahimik ang ballroom. “Hindi ko po ito mararating kung wala ang pamilya ko…” napatingin ako kay Mama, “ Si Ma'am Hazel Ishikawa at Sir Jopet Ishikawa, ang mga ate ko na nandito ngayon… at ang mga taong naniwala sa akin kahit minsan ako mismo hindi naniniwala sa sarili ko.” May kumurot sa dibdib ko habang iniisip sina Ate Helena at Shean. “May mga taong wala rito tonight,” dagdag ko, “pero malaking parte sila kung bakit ako nandito ngayon.” Saglit akong tumigil para pigilan ang emosyon. “Sa mga mentors, sa Seven Pillars family, thank you po sa support. At syempre…” napatingin ako kay Keano na nakatayo lang, nakapamulsa. “Sa asawa ko—salamat sa libre, at pagiging driver ko" dagdag ko sabay tawa. Nag-echo ang tawanan sa buong ballroom. Umiling lang si Keano pero may maliit na ngiti. “Thank you everyone. This achievement is not just mine. Para ito sa lahat ng naniwala sa akin.” Palakpakan. Pagbaba ko ng stage, sinalubong ako ni Mama at ni Papa ni Keano. Pati si El Viejo nakipagkamay muli, may mahabang tingin pero wala akong masyadong inintindi. Pagbalik ko sa tabi ni Keano, “Libre lang talaga? At driver mo. " tanong niya. “Oo. Budgeted,” sagot ko. “Akala ko may heartfelt appreciation,” biro niya. “Meron naman,” sagot ko. “Pero limited edition.” Tumawa siya nang mahina. Habang nagpapatuloy ang party, mas naging magaan ang pakiramdam ko. Hindi na mabigat ang lungkot kanina. Parang kahit wala sina Ate Helena at Shean, may closure akong naramdaman sa speech ko. Lumapit si Keano at bahagyang yumuko para marinig ko siya sa gitna ng music. “Proud ako sa’yo,” sabi niya, simple lang. Hindi biro. Hindi asar. “Salamat,” sagot ko. Sandaling nagtagpo ang tingin namin, pero hindi awkward. Hindi rin mabigat. Parang… partnership. At habang pinagmamasdan ko ang mga taong nagce-celebrate para sa akin, napaisip ako, Siguro ito ang simula ng bagong chapter. Hindi lang bilang graduate. Kundi bilang Jassie na mas sigurado na sa sarili niya… at sa mga taong pinipili niyang manatili sa buhay niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD