Jassie POV
Walang tigil ang bigay ni Keano sa akin ng alak.
“Isa pa,” sabi niya sabay abot ng wine glass.
Natawa ako. “Grabe ka ha.”
Wala na ang mga matatanda. Ang parents ni Keano umakyat na sa hotel room nila para magpahinga. Si Mama at kapatid ko ganoon din. Si Rafael El Viejo Marcellus umuwi na. Yung iba namang executives, nag-check in na sa kani-kanilang suite.
Kami na lang, mga “bata”, ang natira sa ballroom.
Mas maingay na. Mas relaxed. May music na medyo mas malakas. May tawanan sa isang sulok. May nagse-selfie sa kabila.
Tinignan ko si Keano.
May kung anong kakaiba sa ngiti niya habang nagsasalin ulit ng wine sa glass ko.
Nilalasing niya ako.
Hmp. Akala mo malalasing mo ako sa panay tagay mo.
Anong balak mo, Keano? bulong ko sa sarili.
Ngumiti ako sa kanya, kunwari walang hinala. “Ikaw rin. Inom ka.”
“Ako driver,” sagot niya.
“Nasa hotel tayo,” sagot ko agad. “Excuse invalid.”
Napatawa ang mga kasama namin sa table.
“Game ka ba?” hamon ko, tinaas ang baso ko.
“Tinatanggap ko ang hamon,” sagot niya sabay kuha ng sariling glass.
Nagtagay kami.
“Para saan ’to?” tanong niya.
“Para sa Summa,” sagot ko.
“Para sa simbahan,” dagdag niya.
Inirapan ko siya pero nakangiti pa rin.
Lumipas ang ilang minuto. Ramdam ko na ang init sa pisngi ko. Hindi pa ako lasing, pero medyo magaan na ang pakiramdam ko.
“Hoy,” sabi ko habang nakatingin sa kanya, “aminin mo nga. Nilalasing mo ako.”
“Bakit ko naman gagawin ’yon?” inosente ang mukha niya.
“Ewan ko. Baka may balak ka.”
Napangiti siya, medyo mabagal ang reaksyon niya ngayon. Mukhang tinamaan na rin.
“Anong balak?” tanong niya, nakasandal na sa upuan.
“Ewan. Ikaw ang suspicious tonight.”
“Suspicious?” ulit niya sabay tawa. “Ikaw ang suspicious. Biglang sikat ka dito. Lahat gusto ka kausapin.”
“Ay wow. Nagseselos?” biro ko.
Tahimik siya saglit, tapos uminom ulit.
“Hindi,” sagot niya. “Observing lang.”
Napatawa ako. “Detective mode ka na naman.”
Mas lumapit siya nang kaunti para marinig ko sa gitna ng music.
“Relax ka lang,” sabi niya. “Wala akong balak.”
“Sigurado ka?”
“Tiwala ka ba sa’kin?” balik tanong niya.
Natigilan ako sandali.
Hindi ko alam kung dahil sa alak o dahil sa paraan ng pagkakasabi niya.
Tiningnan ko siya diretso. “Depende.”
“Sa?”
“Sa next na tagay mo,” sagot ko sabay taas ng baso.
Tumawa siya.
At habang nagtatama ang mga baso namin ulit, hindi ko alam kung sino ba talaga ang nauuna malasing,
Ako ba…
O siya?
Jassie POV
Maya-maya, si Keano ang tuluyang bumagsak dahil sa kalasingan.
“Loko ka ha,” nakangisi kong sabi habang tinitingnan siya na halos hindi na maimulat ang mga mata.
“Jassie, bagsak!” natatawang sigaw ni Troy mula sa kabilang table.
“ Troy, Kuya Damon, akyat niyo na ’to,” sabi ko habang tinutulungan silang buhatin siya.
“Jassie… baka gapangin mo si Keano, ha!” biro ni Ate Amara.
“Paano ko gagapangin ’to, bagsak na nga, Ate,” sagot ko sabay tawa. “Baka bosohan ko na lang.”
Mas lalo silang natawa.
Nasa kuwarto na kami ni Keano, yung naka-allocate sa amin sa hotel. Maingat naming inihiga siya sa kama. Halos wala na siyang kamalay-malay.
“Good luck, Jass,” biro pa ni Troy bago tuluyang umalis.
Naiwan kaming dalawa sa kuwarto.
Tahimik.
Lumapit ako sa kama. Nakahiga si Keano, nakapikit, medyo magulo ang buhok. Tinanggal ko ang sapatos niya at inayos ang pagkakahiga.
“Ano ba ’yan,” mahina kong sabi. “Akala mo kung sino uminom.”
Aalis na sana ako para bumalik sa ballroom, pero napahinto ako sa may pinto.
Hindi ko kayang iwan siya na ganito.
Bumalik ako sa tabi ng kama. Kumuha ng basang bimpo at dahan-dahang pinunasan ang mukha niya.
Habang pinupunasan ko siya, napatitig ako.
“Keano…” mahina kong tawag.
Hindi siya gumalaw.
"Alam mo ba, crush na crush kita simula pa ata nagkaisip ako."
Napangiti ako habang sinasabi ko ito sa kanya.
"Pero alam mo, Sa Pangarap na lang Kita Mamahalin. Kasi alam ko, hindi mo magugustuhan ang tulad ko. Kaya ako nagsumikap. Kaya ako nag-aral nang mabuti. Kaya ko pinilit patunayan ang sarili ko.
Para mapansin mo."
Napababa ang tingin ko habang inaayos ko ang collar ng polo niya. Napalunok ako nang mapansin kong bahagyang bukas ang mga butones sa itaas.
“Hoy, Jassie,” bulong ko sa sarili. “Kalma ka lang."
Bigla kong naisip, paano kaya kung yakapin niya ako ngayon? Yung kusa, hindi dahil lasing. Yung gising siya. Yung alam niya.
Napailing ako.
“Ang halay mo, Jassie,” mahinang sermon ko sa sarili ko.
Umupo ako sa gilid ng kama, pinagmamasdan siya sandali.
Sa wakas, tahimik siya. Walang asar. Walang suplado look. Simple lang.
Huminga ako nang malalim.
“Hindi mo naman malalaman,” bulong ko. Sabay haplos sa pisngi niya.
Tumayo na ako para umalis, pero bago tuluyang lumayo, inayos ko ulit ang kumot sa kanya.
“Goodnight, Keano,” mahina kong sabi.
Hindi ko alam na habang nakatalikod ako,
Bahagyang gumalaw ang mga daliri niya.