Chapter 29

1345 Words
Jassie POV Hindi ko napansin na gumalaw ang mga daliri niya. Akala ko tulog na tulog talaga. Paglingon ko para tuluyang lumabas ng kuwarto— “Jass…” Napahinto ako. Mababa. Paos. Pero malinaw. Dahan-dahan akong lumingon pabalik sa kama. Gising ba siya? Bahagya siyang gumalaw. Hindi pa rin niya idinilat ang mga mata niya, pero hindi na siya mukhang wala sa wisyo. “Anong… oras na?” bulong niya. Napalunok ako. “Tulog ka na. Lasing ka.” Mahina siyang natawa. “Hindi ako lasing.” “Sure?” taas kilay kong sagot. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mata. Medyo mabigat pa ang tingin niya, pero may awareness na. “Tinatakasan mo ba ’ko?” tanong niya. “Ha? Hindi ah,” mabilis kong sagot. “Babalik lang ako sa baba.” “Bakit?” “Eh… party pa.” Tahimik siya sandali, tapos tiningnan ako diretso. “Stay.” Isang salita lang. Hindi utos. Hindi pakiusap. "Just… stay. Please?" Napatigil ako sa kinatatayuan ko. “Keano, matulog ka na,” sagot ko para takasan ang kakaibang kaba sa dibdib ko. Inangat niya nang bahagya ang kamay niya, parang may gustong abutin pero hindi kayang buuin ang galaw. “Thank you,” bigla niyang sabi. Natigilan ako. “Para saan?” “Sa pag-aalaga.” Hindi ko alam kung gaano karami ang naalala niya. Hindi ko alam kung narinig ba niya ang mga sinabi ko kanina. “Wala ’yon,” sagot ko, pilit casual. Tahimik ulit. Pero hindi awkward. Lumapit ako ng kaunti. “Uminom ka kasi nang uminom.” “Sinabayan mo naman,” mahina niyang sagot. “Hindi ako bagsak.” “Hindi pa.” Napairap ako. Pero bago pa ako makalayo ulit, bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Hindi mahigpit. Hindi rin malakas. Pero sapat para mapahinto ako. “Jassie,” mas malinaw na ang boses niya ngayon. “O?” mahina kong sagot. Saglit siyang tumingin sa akin, parang may gustong sabihin. Pero sa huli, pumikit lang siya ulit. “Goodnight.” Parang ako ang nabitin. Dahan-dahan kong binawi ang kamay ko. At habang lumalabas ako ng kuwarto, hindi ko alam kung mas nakakalasing ba ang alak, O ang isang salitang stay na hanggang ngayon umaalingawngaw pa rin sa isip ko. Jassie POV Nagising ako sa mahinang katok sa pinto. Saglit akong napakunot-noo, nasa sofa pala ako natulog. Hindi na ako bumaba ulit sa ballroom kagabi. Hindi ko rin alam kung anong oras ako nakatulog. Muling kumatok. “Ma’am, breakfast po.” Room service. “Sandali lang,” sagot ko habang inaayos ang buhok ko. Pagbukas ko ng pinto, may cart ng pagkain. Mukhang may nag-order na. Pagpasok ko ulit sa loob, naamoy ko ang kape. At doon ko siya nakita. Gising na si Keano. Nakaupo sa kama, medyo magulo pa rin ang buhok pero mukhang sober na. “Good morning,” sabi niya, parang walang nangyari kagabi. “Good morning,” sagot ko, sinusubukang basahin ang mukha niya. Naalala niya kaya? May narinig kaya siya? “Tubig,” sabi niya sabay abot ng kamay. Inabot ko ang baso. “Sabi ko kasi, huwag ka magpaka-hero sa tagayan.” “Ako pa?” sagot niya. “Ikaw kaya. Ang tapang mo kagabi.” “Hindi ako lasing.” “Sure?” “Sure.” Tahimik sandali. “Salamat pala,” bigla niyang sabi habang umiinom ng tubig. “Sa?” “Sa pag-akyat sa’kin. At sa… pag-aayos.” Napatingin ako sa kanya. So naalala niya. Narinig niya kaya ang sinabi ko? “Basic human decency ’yon,” sagot ko, pilit chill. Tinitigan niya ako sandali. Hindi yung investigative look. Hindi rin asaran. Normal lang. “Hindi ka bumaba ulit,” sabi niya. “Hindi na. Nakakatamad.” “Or ayaw mo na akong iwan?” “Assumero,” sagot ko agad. Ngumiti siya ng konti. “May sinabi ba ako kagabi?” tanong niya bigla. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. “Marami,” sagot ko agad para depensahan ang sarili ko. “Like?” “Na hindi ka lasing.” Napahawak siya sa noo. “Hindi ’yon.” “May sinabi ka ring ‘stay.’” Hindi ko alam kung bakit ko sinabi. Natigil siya. “Totoo?” “Totoo.” Tahimik siya sandali. Tapos bahagyang ngumiti. “Good call,” sabi niya. “Mas safe ka dito.” “Safe?” “Hotel ’to. Maraming tao.” Inirapan ko siya. “Drama mo.” Tumayo siya at dumiretso sa bintana, hinawi ang kurtina. Pumasok ang liwanag ng umaga. “Ready ka na ba bumaba?” tanong niya. “Oo. Bakit?” “Madaming maghihintay sa’yo. Ms. Summa c*m Laude.” “Hindi pa tapos ’yang title na ’yan?” “Hindi pa,” sagot niya. Habang inaayos ko ang sarili ko, hindi ko maiwasang mag-isip, Naalala kaya niya lahat? O pinili lang niyang huwag pag-usapan? At bakit parang mas kalmado ang lahat ngayon? Parang may nagbago kagabi, Pero pareho kaming hindi handang pangalanan kung ano iyon. Pagkababa namin sa lobby, bumungad agad ang ilang faculty at kaklase ko. “Congrats ulit!” “Grabe ka, Jassie!” “Libre ka naman!” Ngumiti ako, nakikipagkamay, nagpapasalamat. Ramdam ko ang gaan sa dibdib ko—ilang taon ko rin itong pinaghirapan. Sa gilid ng mata ko, nakita ko si Keano. Nakatayo lang sa may gilid, tahimik, hands in pockets. Hindi siya sumasapaw. Hindi rin siya umaalis. Parang… steady lang. “Uy, si hubby!” biro ng isa kong kaklase. Napalingon ako agad. “Hoy, tumigil ka.” Ngumiti lang si Keano. “Relax. Ako na bahala sa libre.” “Talaga?” sabay-sabay nilang sabi. “Coffee lang. Huwag abusado,” sagot niya. Nagkatawanan sila. Habang nag-uusap ang grupo, bahagya akong lumapit sa kanya. “Hindi mo kailangan manlibre,” bulong ko. “Alam ko.” “Pero ginawa mo pa rin.” “Reward ko ’yon sa’yo.” Napatingin ako sa kanya. “Reward?” “Hindi lahat nakakagawa ng ginawa mo. Kaya… good job.” Simple lang ang tono niya. Walang halong biro. Walang asar. Napakurap ako. “Salamat,” sagot ko, mas mahina. “Don’t get used to it,” dagdag niya agad. “Ayan na naman.” Ngumiti siya. Maya-maya, may lumapit na isang professor. “Mr. Keano, you must be proud.” “Very,” sagot niya agad, hindi man lang nag-isip. Napatingin ako sa kanya ulit. Very. Pag-alis ng professor, tinapik ko siya sa braso. “Grabe ka makasagot.” “Anong grabe?” “Parang… seryoso.” “Seryoso naman.” “Akala ko ba cool ka lang?” “Pwede bang minsan hindi?” Hindi ako agad nakasagot. Biglang may tumawag sa kanya mula sa entrance—may kausap siyang business partner yata. “I’ll be back,” sabi niya. Tumango ako. “Go.” Habang pinapanood ko siyang lumalakad palayo, may kakaibang pakiramdam sa dibdib ko. Hindi naman dramatic. Hindi rin romantic. Pero may shift. Parang… mas magaan. Mas natural. Maya-maya, bumalik siya. “Uwi na tayo?” tanong niya. “Pagod ka na?” “Hindi. Ikaw.” “Medyo.” “Then let’s go.” Habang papunta kami sa parking, magkatabi lang kami. Walang hawakan. Walang malalim na usapan. “Anong plano mo after this?” tanong niya. “Magpapahinga. Ikaw?” “Work ulit bukas.” “Busy ka na naman.” “Ganun talaga.” Tahimik sandali. “Jassie,” tawag niya. “Hmm?” “Kung may kailangan ka sa next step mo… sabihin mo lang.” Napatingin ako sa kanya. “Next step?” “Career. Review. Whatever.” “Tulungan mo ’ko?” “Hindi ka naman helpless. Pero pwede naman.” Ngumiti ako. “Okay.” Pagpasok namin sa kotse, napansin ko, Hindi na awkward. Hindi na pilit. Parang unti-unti kaming natututong maging… comfortable. Hindi dahil may obligasyon. Hindi dahil may papel na nagsasabing mag asawa kami. Kundi dahil, Siguro, pinipili na naming maging maayos. Saka na lang ako magbabangit ule sa kanya ng divorce. Hayan ko na muna ang ganitong moment."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD