Jassie POV Huminga ako nang malalim bago pumasok sa malaking building ng Ishikawa Corporation. Sa kanto lang ako binaba ni Keano. Mutual decision namin na walang dapat makaalam na mag-asawa kami. Mas tahimik. Mas ligtas. Mas… komplikado kung hindi. Ngayong graduate na ako, magpapasa na ako ng credentials ko para maging ganap na empleyado. Ms. Suarez. Iyon ang pangalan na gagamitin ko. Originally Ishikawa na sana, pero pinabago ni Keano. Practical daw. Siya ang boss—alam niya ang galawan sa loob. “Ms. Suarez, please wait here for a while,” sabi ng HR. “Okay, Ma’am,” maayos kong sagot. Umupo ako sa lobby. Malamig ang aircon. Tahimik pero ramdam ang pressure ng lugar, lahat mukhang busy, lahat may direksyon. Ilang minuto pa lang, bumukas ang elevator. At lumabas sila. Keano. At si

