Chapter 31

1472 Words
Jassie POV ( First Day as Employee) Tatlong araw matapos ang interview, may email akong natanggap. Subject: Job Offer – Marketing Associate Natanggap ako. Hindi dahil asawa ako ng CEO. Kundi dahil pumasa ako. Ms. Suarez. Officially hired. Unang araw ko sa Ishikawa Corporation, mas maaga pa ako kaysa sa oras ng pasok. Ayokong may masabi kahit sino. “Welcome, Ms. Suarez,” bati ng supervisor ko sa Marketing Department. “You’ll be under Team B.” Team B. Ibig sabihin—hindi direct sa office ni Keano. Mas okay. Mas tahimik. Mas ligtas. Habang inaayos ko ang workstation ko, naririnig ko ang usapan sa kabilang cubicle. “May meeting daw si Sir with Ashley later.” “Grabe no? Power duo talaga sila.” Ngumiti lang ako sa sarili ko. Focus, Jassie. Hindi ka nandito para makinig sa tsismis. Bandang hapon, may emergency presentation. “Ms. Suarez, ikaw na mag-present ng draft proposal,” sabi ng supervisor ko. “Me?” nagulat ako. “Yes. You prepared it.” Tumango ako. Kaya ko ’to. Pagpasok namin sa boardroom, naroon ang ilang department heads. At nandoon siya. Keano. Nakatayo sa dulo ng mesa. Tahimik. Observing. Hindi niya ako binigyan ng espesyal na tingin. Hindi niya rin ako iniiwasan. Neutral. Huminga ako nang malalim. “Good afternoon. I’ll be presenting the initial campaign strategy for the Q3 launch…” Habang nagsasalita ako, unti-unting nawala ang kaba. Lumabas ang training ko. Lumabas ang confidence ko. Nag-raise ng question ang isa sa managers. “What makes you confident this will attract our target market?” Ngumiti ako. “Because I studied the data trends from the last three launches. This approach fills the gap we previously missed—emotional engagement.” Tahimik. May nag-nod. Si Keano, nakatingin lang. After the presentation, nagsalita siya. “Concise. Data-backed. Straight to the point.” Saglit siyang tumigil. “Good job, Team B.” Team B. Hindi ako. Pero alam kong narinig ko ang meaning. Paglabas ng meeting room, nilapitan ako ng supervisor ko. “Impressive for a first week.” “Thank you po.” Habang naglalakad ako pabalik sa cubicle ko, may dumaan sa gilid ko. Si Keano. Hindi siya tumigil. Pero habang magkatabi kami sandali— Mahina niyang sabi, halos bulong lang. “I told you.” Napatingin ako sa kanya. Hindi siya lumingon. Diretso lang ang lakad. Pero may maliit na ngiti sa gilid ng labi niya. At sa unang pagkakataon, Hindi ako nasaktan sa mga bulong tungkol kay Ashley. Hindi ako nainsecure. Kasi alam ko, Sa opisina, Ms. Suarez ako. Pero sa likod ng lahat ng ito, Unti-unti, nagiging totoo ang respeto. At minsan, Mas mahalaga iyon kaysa sa kilig. Jassie POV Pagdating ko sa mansyon ng mga Ishikawa, iniwan ko muna sa gate ang pagiging Marketing Associate0. Dito, ako ulit si Jassie. Simpleng babae. Kaibigan ng mga kasambahay. Nakasuot ng luma at kupas na T-shirt at shorts. Mas komportable ako dito. “Uy Jassie, kami na diyan!” sabi ni Rita habang papunta ako sa kusina. “Sino ba kumain dito? Ako naman, ’di ba? So ako maghuhugas,” sagot ko sabay kuha ng mga plato. “Eh kasi…” nagkamot ng ulo si Rita. “Hoy, huwag ka ngang ganyan. Arte mo ah,” sabi ko sabay yakap sa kanya. “Naka-graduate lang ako at nagtrabaho, aasta na akong sosyal? No way.” “Nahihiya lang kami,” mahinang sabi ni Solenn. “Ang taas-taas mo na.” “Taas saan?” natatawa kong sagot. “Pareho pa rin naman tayong may dalawang kamay at paa.” Tahimik sila sandali. “Mag-aral kasi kayo,” sabi ni Ate Mila habang nagbabalat ng gulay. “May choice naman kayo. Mabait ang mga Ishikawa. Pinayagan si Jassie mag-working student noon. Samantalang kami dati, hirap talaga.” “Eh kasi naman hindi kami matalino tulad ni Jassie. Mga bobo kami,” nahihiyang sabi ni Rita. Napahinto ako sa paghuhugas. “Hoy,” seryoso kong sabi habang humaharap sa kanila. “Walang taong bobo.” Napatingin silang lahat sa akin. “May taong tinamad. May taong nawalan ng opportunity. May taong walang nagtulak. Pero walang taong bobo.” Tahimik ang kusina. “Hindi ako matalino dahil ipinanganak akong genius,” dagdag ko. “Nag-aral ako kasi wala kaming choice. Kailangan kong maka-graduate para makaahon.” “Pero honor ka…” bulong ni Solenn. “Dahil puyat ako lagi,” natatawa kong sagot. “At umiiyak minsan sa CR.” Natawa sila. Lumapit ako kay Rita at hinawakan ang balikat niya. “Kung gusto niyo, tutulungan ko kayo mag-enroll. Kahit paunti-unti. Kahit TESDA muna. Kahit online courses.” “Talaga?” kumislap ang mata niya. “Talaga. Basta huwag niyong tatawagin sarili niyong bobo. Nakakainis pakinggan.” Biglang may boses mula sa pintuan. “She’s right.” Lahat kami napalingon. Nakatayo doon si Keano. Tahimik. Nakatingin sa amin. “Education is an investment,” dagdag niya. “If any of you want to study, sabihin niyo lang kay Ate Mila. We’ll arrange it.” Nagkatinginan ang mga kasambahay. Halatang gulat. “Thank you po, Sir!” sabay-sabay nilang sabi. Tumango lang siya at umalis na rin agad. Tahimik ulit ang kusina. Lumapit si Rita sa akin at bumulong, “Buti ka pa, close kay Sir.” Napangiti ako nang pilit. Close? Kung alam lang nila. Bumalik ako sa paghuhugas ng plato. Pero sa dibdib ko, May kakaibang init. Hindi dahil asawa ko siya. Kundi dahil, Narinig niya ako. At sinuportahan niya ako. Tahimik man. Pero ramdam. Jassie POV Pagkatapos kong maglaba, umupo muna ako sa may laundry area. Amoy sabon ang paligid, may bahid pa ng init ang hangin. Pagod ang katawan ko. Pero ang gaan ng pakiramdam ko. Simple lang. Totoo. “Jassie!” tawag ni Rita mula sa may pintuan. “Kakain na raw si Sir!” Napakunot-noo ako. “Kailangan pa talaga ako maghain sa kanya? Nakakainis siya ha.” “Nakahain na. Kumain ka na raw doon. Sabay kayo,” dagdag niya. “Eh kakakain ko lang ah,” sagot ko. Nagkibit-balikat siya. “Puntahan mo na lang.” Napatingin ako sa sarili ko. Lagkit ko sa pawis. May konting sabon pa sa braso ko. Naka-lumang T-shirt. Buhok ko sabog. Perfect timing talaga. Wala akong choice. Nagpunas ako ng pawis, nag-ipit ng buhok pataas, at dumiretso sa dining area. Pagdating ko roon, nakita ko si Keano sa mahabang mesa. Naka-white polo, fresh, parang galing photoshoot. Tumingin siya sa’kin mula ulo hanggang paa. Tapos ngumisi. “Kain na tayo, batang pulubi.” Inirapan ko siya. “Tapos na ako kumain. Nagutom ako kanina.” “Okay. Tabihan mo na lang ako.” “Pero—” “Please.” Malambing ang tono niya. Napahinto ako. “Ang lagkit ko,” reklamo ko. “Alam ko.” “Keano.” “Jassie.” Saglit kaming nagtitigan. “Umupo ka lang,” sabi niya nang mas mahina. “Hindi kita kakainin. Sa kuwarto na." Napangisi ito. Inirapan ko siya. Alam ko may double meaning yun. Umupo ako sa tabi niya, medyo may distansya. Tahimik siyang nagsimulang kumain. “Ano?” tanong ko nang mapansin kong nakangiti siya. “Wala.” “Bakit ka nakangiti?” “Mas gusto kita ganyan.” “Ganyan paano?” “Normal. Hindi Ms. Suarez.” Napaiwas ako ng tingin. “Nakakapagod din maging CEO,” dagdag niya bigla. “Totoo?” biro ko. “Hindi mo alam.” “Hindi ko nga alam.” Tahimik sandali. Pagkatapos, inabot niya ang baso ng tubig at ini-slide palapit sa’kin. “Uminom ka. Mukha kang pagod.” Napatingin ako sa baso. Tapos sa kanya. “Hindi ka ba nahihiya?” tanong ko. “Sa?” “Na CEO ka tapos asawa mo… Ako.” Bahagya siyang natawa. “Mas nakakahiya kung CEO ako tapos hiwalay sa asawa.” Hindi ako agad nakasagot. “Kahit ano pa suot mo,” dagdag niya, mas seryoso na, “ikaw pa rin ’yan.” “Batang pulubi?” “’Yung babaeng hindi nahihiya maghugas ng plato kahit may degree na.” Biglang umiinit ang tenga ko. “Arte mo,” bulong ko. Bigla siyang tumigil sa pagkain at bahagyang yumuko palapit sa’kin. “Jassie.” “Hmm?” “Mas gusto kong katabi ka habang kumakain.” Simple lang. Walang drama. Walang malaking confession. Pero sa paraan ng pagkakasabi niya— Parang mas mabigat pa sa kahit anong I like you. Napatingin ako sa kanya. “Fine,” sabi ko kunwari irita. “Pero huwag mo akong tatawaging pulubi ulit.” Ngumisi siya. “No promises.” At habang magkatabi kaming kumakain, Hindi ko na iniisip kung bagay sila ni Ashley. Hindi ko na iniisip kung hanggang saan lang kami sa papel. Sa sandaling iyon, Mag-asawa man sa papel o hindi, Magkatabi kami. At tahimik ang mundo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD