Jassie POV
Busy ako sa laptop ko, inaayos ang campaign data, nang may aninong tumapat sa desk ko.
“Hello, Jassie. Congratulations on your graduation. Keano told me.”
Pag-angat ko ng tingin, si Ashley.
Maayos ang ayos. Soft ang ngiti. At may kamay pa sa braso ko, banayad, pero ramdam.
“Thank you, Ma’am,” sagot ko, magalang.
“Jas,” she continued, parang close kami, “I have a favor. I met a potential client. I want you to go there and propose our company profile. Prospect natin siya.”
Inabot niya ang isang folder.
Hindi ako agad nakaimik.
Wala akong natanggap na instruction mula sa Marketing Manager namin.
Parang nabasa niya ang hesitation ko.
“I already told Mr. Locsin,” dagdag niya, malambing pa rin ang tono.
Tumango na lang ako. “Okay po, sige.”
Pag-alis niya, tumingin ako sa folder.
Company profile. Proposal outline. Client background.
Alam ko, hindi ito sakop ng current role ko. Associate pa lang ako. May hierarchy. May proseso.
Pero ano ba ang magagawa ko?
If senior executive ang nag-assign, susunod ka.
Habang pinag-aaralan ko ang laman ng folder, hindi mawala sa isip ko ang kakaibang pakiramdam.
Masyadong mabait.
Masyadong malambing.
Hindi ko alam kung praning lang ako,
Pero may something off.
Hindi kaya alam niya?
Hindi kaya may kutob siya na may mas malalim sa amin ni Keano?
Bigla akong nanlumo.
Oo nga pala.
Kung ako ang nasa lugar niya, malamang maiinis din ako. Magtataka. Magseselos.
Kahit wala kaming relasyon ni Keano sa simula.
Kasal pa rin kami.
Sa papel.
At baka para sa iba, parang inagaw ko siya.
Napabuntong-hininga ako.
Minsan naiisip ko na makipag-divorce na lang. Mas simple siguro.
Walang itinatago. Walang tensyon.
Pero ayaw ng Hapon na ’yon.
Matigas.
Nagpaalam ako kay Mrs. Locsin tungkol sa client visit. Isasama ko si Princess para may support ako sa presentation.
“Coordinate ka na lang kay Ashley,” sabi niya.
“Okay po.”
Habang nasa elevator kami ni Princess, napatingin siya sa akin.
“Girl, bakit ikaw ang pinadala? Hindi ba dapat si Team Lead?”
“Special request,” maikli kong sagot.
“Special ka kasi,” biro niya.
Ngumiti ako nang pilit.
Special.
Kung alam lang nila kung gaano ka-komplikado ang salitang ’yan.
Paglabas namin ng building, napatingala ako saglit.
Hindi ko alam kung opportunity ba ’to,
O test.
Pero isang bagay ang sigurado.
Hindi ko hahayaang magmukha akong may kapit.
Kung ipapadala ako ni Ashley,
I’ll make sure na pagbalik ko, hindi ako magiging pawn sa laro ng kahit sino.
Hindi na ako nagpaalam kay Keano.
Busy siya—may meeting daw sa Seven Pillars. At saka, konting galaw ko na lang, parang kailangan ko pang i-report sa Hapon na ’yon. Nakakapagod din minsan.
Nasa office na kami ng prospect client ni Ashley—Solidum Corporation.
Maayos ang lobby. Tahimik. Corporate ang vibe.
“Please wait po, may meeting pa si Mr. Solidum,” sabi ng secretary.
“Okay po,” sagot ko.
Isang oras.
Dalawang oras.
Magtatlong oras na kaming nakaupo ni Princess.
Wala pa ring update.
Ramdam ko na ang inis pero pinipigilan ko.
Maya-maya, nag-vibrate ang phone ko.
Ashley:
Sorry, Jas. Hindi pa pala tapos ang meeting ni Mr. Solidum. Next time na lang.
Napapikit ako sandali.
Hindi niya man lang minake sure kung available ang client.
Para kaming tangang naghintay sa wala.
Pero siyempre,
Me:
Okay lang po, Ma’am.
After ilang minuto, may panibagong message.
Ashley:
Jas, favor naman. Buy me some fruits. Wala na kasi akong fruits sa bahay. You know naman, di ba, that Keano wants fruits. Ayaw niyang wala.
Napabuntong-hininga ako.
Fruits?
Personal errand na ’to.
Lumunok ako bago magsalita kay Princess.
“Mauna ka na sa office. May personal na utos si Ma’am Ashley.”
“What? Personal niya ’yon. Hindi ka dapat inuutusan ng ganyan,” gulat na sabi ni Princess.
“Hayaan mo na,” sagot ko. “Ayoko na palakihin. Ayoko ng issue.”
Hindi ko na gustong maging sentro ng tsismis.
Hindi ko gustong magmukhang umaangal ako.
At lalong ayoko ng confrontation.
Pagdating ko sa grocery, hindi lang pala fruits.
May listahan pa.
Imported apples. Korean pears. Greek yogurt. Almond milk. Specific brand ng granola.
Parang ako ang personal assistant.
Tahimik akong namili.
Habang tinutulak ko ang cart, may kurot sa dibdib ko.
“You know that Keano wants fruits.”
Alam ko rin naman.
Asawa niya ako.
Pero bakit parang siya ang mas may alam?
Pagkatapos magbayad, hindi na ako nakabalik sa office. Gabing-gabi na rin.
Nag-text na lang ako kay Mr. Locsin.
Sir, OB po ako today.
Nag-reply siya agad.
Noted.
Nag-Grab ako.
Sa Condo ni Ashley.
Ibig sabihin—kay Ashley ko dadalhin.
Napahinto ako saglit sa labas ng grocery habang hawak ang mga eco bag.
Ano ba ’to?
Marketing associate ba ako,
O runner?
Pero pinili ko pa rin manahimik.
Ayoko ng gulo.
Ayoko ng drama.
At higit sa lahat—
Ayokong magmukhang nagseselos.
Sumakay ako ng Grab.
Habang nasa biyahe, nakatingin lang ako sa ilaw ng lungsod.
Tahimik.
Pero sa loob ko,
May unti-unting nabubuong tanong.
Hanggang kailan ako mananahimik?
Pagdating ko sa condo, sinalubong ako ng kasambahay ni Ashley. Isang matandang babae, mukhang mabait ang mga mata.
“Ikaw ba si Jassie? Halika, iha. Mukha kang pagod,” sabi niya.
“Okay lang po,” sagot ko, pero inabutan niya pa rin ako ng tubig.
“Umupo ka muna. Pawisan ka.”
Napangiti ako nang bahagya. “Ihahain ko lang po sana ’yung pinamili.”
“Sandali lang ’yan. Magpahinga ka muna.”
Hindi ko alam kung bakit, pero sa simpleng gesture na ’yon, parang mas lalo akong napagod.
Umupo ako saglit.
Tahimik ang condo. Malinis. Mabango. Modern ang design. Halatang mayaman ang nakatira.
Inikot ko ang tingin ko sa paligid.
At doon ako natigilan.
Isang malaking framed photo sa may sala.
Si Keano.
At si Ashley.
Mukhang college pa sila roon. Nasa parang university grounds. Nakangiti. Close. Natural.
Hindi pilit.
Hindi posed para sa business.
Personal.
Parang piniga ang puso ko.
Napakurap ako.
Jassie, Jassie… umayos ka. Wala kang karapatan. Huwag kang umarte.
Alam mo mula sa simula kung ano ang pinasok mo.
Kasal sa papel.
Walang pangakong may kasamang nakaraan.
At malinaw naman, may history sila.
Matagal.
Bago ka pa dumating.
Napabuntong-hininga ako at tumayo.
“Inay, iiwan ko na lang po dito sa kitchen,” sabi ko sa kasambahay.
“Sige, iha. Salamat ha.”
“Wala po ’yon.”
Habang naglalakad ako palabas ng condo, hindi ko maiwasang silipin ulit ang frame.
Ang saya nila doon.
Hindi ko alam kung bakit mas masakit ’yon kaysa sa mga tsismis sa opisina.
Kasi ito,
May ebidensya.
May nakaraan.
Paglabas ko ng unit, saka ko lang napansin na medyo mabigat ang dibdib ko.
Hindi ako umiiyak.
Hindi rin galit.
Pero may malinaw na realization.
Hindi ako parte ng kuwento sa litrato.
At baka,
Hindi rin ako parte ng kuwento na gusto nilang balikan.
Huminga ako nang malalim bago sumakay ng elevator.
Focus ka lang, Jassie.
Trabaho.
Goal.
Sarili mo.
Iyon lang dapat.