I. Free
Simula.
“Pa, I'm divorced.”
“Sa wakas, Pa, malaya na ako. I… I had enough. I couldn't take it anymore. Pa, i'm sorry, I broke my promise.”
“Napagtanto ko na ito na nga talaga ang katapusan ng lahat. Pa, pagod na pagod na ako. Ubos na ‘yung pagmamahal, pasensya at sakripisyong dapat ay natitira para sa aking sarili.”
“Wala na akong lakas upang magpanggap na hindi ako nasasaktan. Pa, ayoko na. Pero alam mo kung ano ‘yung nakakatawa?”
“No'ng pinirmahan ko ang divorce papers, para akong isda sa dalampasigan na sa wakas ay naabot na rin ng alon. Alon na magdadala sa akin muli sa karagatan, sa aking kalayaan.”
“Hindi ko alam kung malungkot ako, o masaya. Basta ang alam ko, malaya na ako. Sa wakas, Pa, malaya na ako.”
Sa bawat salitang ‘yon, ni isa ay walang nasagot. Tanging tunog lang ng medical apparatus ang maririnig sa silid, kasabay ng tahimik na paghikbi ni Ruella.
Mahigpit ang hawak niya sa kamay ng ama na nakahiga sa kama at walang malay. Ang mga mata niyang nanlalabo dahil sa mga luha ay kahit kailan hindi umalis sa mukha ng kaniyang natutulog na ama.
Sayang dahil alam ni Ruella na hindi siya masasagot ng ama, at kahit anong iyak niya'y malaki ang posibilidad na hindi na gigising pa ang ama.
Halo-halo ang nararamdaman niya sa mga oras na ito. Lungkot para sa sarili at para sa comatose na ama, galit para sa tadhanang mapaglaro at sa mga taong naging instrumento nito para saktan sila, kaginhawahan dahil sa wakas, malaya na si Ruella sa kadenang nakatali sa kaniya.
Minsan ay napapatanong na lang siya, ano kaya ang nagawa niyang kasalanan upang parusahan hindi lamang siya, kundi pati na rin ang kaniyang ama na wala namang nagawang mali kahit kanino man. Siguro'y sadyang ganito lang, kung hindi ka nakatadhanang maging masaya'y pahihirapan ka ng mundo nang paulit-ulit.
Siguro'y hindi nga talaga si Ruella nakatadhanang maging masaya sa piling ng asawa, kaya't simula ngayon ay bibitaw na siya. Handa na siyang hanapin ang tahimik na buhay na nakatadhana para sa kaniya. Sa ngayon, isa lang ang malinaw, hindi ‘yon sa tabi ni Walter.
She wasted 10 precious years for him, and she finally realized that it was enough. Oras na rin upang sarili niya naman ang kaniyang piliin.
Bumuntong-hininga si Ruella bago ipinikit ang mga mata. Muling bumalik sa kaniya ang mga alaala kung bakit napili niyang makipag-divorce na lang sa asawa.
Two Days Ago…
Hindi mapakali si Ruella. Ilang araw na rin siyang walang maayos na tulog dahil sa sobrang pag-aalala sa asawa. Alam niyang nasa limit na rin ang kaniyang katawan. Ilang araw pa'y babagsak na ang katawan niya dahil kulang sa pahinga.
Subalit hindi ito pinansin ni Ruella. Iisa lang ang laman ng kaniyang isipan sa mga oras na ito. Iyon ay ang kaniyang asawa, si Walter.
Ano na bang nangyayari sa kaniya, nasaan siya, at kung ayos pa ba siya.
Naaalala man lang ba niyang may asawa pang naghihintay sa kaniya.
“Uncle Ben, may balita na ho ba kayo kung nasaan si Walter?” Malumanay na untag ni Ruella sa tulalang mayordomo noong ‘di na niya mapigilan ang sarili at ang pag-aalala sa asawa.
Tila ikinagulat ng mayordomo ang biglaang tanong ni Ruella dahil muntik na nitong mabitawan ang isang baso ng gatas na hawak nito.
Napatingin sa kaniya si Uncle Ben na tila may kung anong emosyon sa mga mata at kung hindi si Ruella nagkakamali, ‘yon ay awa.
Hindi maintindihan ni Ruella kung bakit may ganitong emosyon ang nakatatanda habang nakatingin sa kaniya, ngunit may masamang premonisyong tila unti-unting nag-uugat sa kaloob-looban niya.
Lumunok si Ruella at pilit na iwinaglit kung ano man ang negatibong ideya na sumusulpot sa kaniyang isipan.
Isang buwan na no'ng huli niyang naka-usap si Walter. Ni komunikasyon gaya man lang ng text or call, wala. Basta ang huling mensahe nito kay Ruella ay nasa business trip siya.
Ni eksplenasyon kung bakit sobrang tagal niya, wala.
It was merely informing her, and whether or not she was against it, she had no right to refute.
“Nako, madam, baka ho ay talagang busy lang si sir. Alam niyo naman kung gaano ka-hectic ngayon, maraming dapat asikasuhin sa kompanya. Huwag na muna niyong isipon ‘yon, heto, uminom muna kayo ng gatas.” Sabay abot nito ng gatas kay Ruella.
Tahimik na tinanggap ni Ruella ang gatas, kahit wala siyang ganang inumin ito'y nagpasalamat pa rin siya kay Uncle Ben.
“…Umn. Salamat, Uncle Ben.” Tahimik na tugon ni Ruella.
Umiwas ng tingin si Uncle Ben, at hindi iyon nakatakas sa mata ni Ruella. A flash of understanding appeared on her eyes, but she didn't ask anything. She understood. Uncle Ben is hiding something from her, at kung ano man ‘yon ay may koneksyon kay Walter.
Pinanood niya kung paano iwasan ni Uncle Ben ang mapanuri niyang titig. “Ah, sige ho, madam. Balik na ho ako sa trabaho ko.”
Hindi pa man nakakasagot si Ruella ay nagmamadaling umalis na ang nakakatandang lalaki. It was as if he was fleeing away from trouble, knowing something he can't let Ruella know.
Hindi inalis ni Ruella ang mga mata sa likod ni Uncle Ben hanggang makalayo na ito ng tuluyan. Bumalik ang nakakarinding katahimikan sa sala, at tanging naiwan si Ruella na mag-isa.
Busy? Hectic? Maraming dapat asikasuhin? Ilang beses niya na nga ba itong narinig? Simula no'ng maging Mrs. Xiao siya, wala na yatang narinig na rason si Ruella kundi ang mga salitang iyon. Halatang lahat ay rason lamang, pero walang magawa si Ruella kundi tanggapin ito nang paulit-ulit.
Sanay na siya rito. All those years, Walter never gave her any face, took her pride and dignity away. It was always been the same reason. Hindi na nga mabilang ni Ruella kung ilang beses niyang narinig ang mga rason na ‘yon.
Ruella sighed in defeat, pakiramdam niyang nahugot ng kung anong enerhiya lahat ng lakas niya. Ipinatong niya ang baso ng gatas na sobrang lamig na sa coffee table, at saka naupo sa sofa na tila hinang-hina.
What are you doing, Walter? How are you? Do you even remember that you still have a home to come back for?
Ruella gritted her teeth, her fists clenched. She looked around, and she can't even find a single thing of Walter's presence. Desolate, depressing, and torturing.
Ilang beses lang nga ba nanatili rito si Walter. He rarely comes home, at madalas kapag umuuwi siya rito sa opisina agad diretso niya.
But, what can Ruella do? Walter never loved her one bit.
Sa relasyong ito, siya lang naman ang ‘yung handang ibuhos ang lahat para kay Walter. Habang ang turing nito sa kaniya'y tila isang accessory, a decoration, a trophy.
Sa bagay, arranged marriage lang naman sila. Ikinasal dahil sa kasunduan ng kanilang mga lolo at lola. Si Ruella lang naman ‘yung tunay na nagmamahal sa relasyong ito?
Walter? He never loved anyone. He only loved himself.
Tumayo si Ruella at saka bumuntong-hininga. Hahakbang na sana siya paakyat sa kaniyang kuwarto no'ng biglang tumunog ang kaniyang cellphone.
Suddenly, hope filled Ruella's whole being. She couldn't help but to tremble in anticipation, thinking it was from the man of her life.
However, it seems that she was thinking too much.
Hindi si Walter ang tumatawag, it was her elder sister who never been in good terms with. Seeing her call, agad nagtaka si Ruella.
Labag man sa loob ay sinagot ni Ruella ang tawag. Alam niyang walang pakay na maganda si Ruth sa kaniya, ngunit dahil may natitirang respeto pa rin sa kadugo'y pinagbigyan na lang ito ni Ruella.
“…Ruth.” Halata ang pagod sa boses niya, ngunit pinilit niyang huwag masyadong bigyan ng emosyon ang boses.
[Heh, so kilala mo pa rin pala ako, ungrateful piece of sh*t.]
Ruella pursed her lips. Ayaw niyang patulan si Ruth, wala siyang lakas at oras upang makipagbangayan sa gaya ni Ruth. “Sabihin mo na lang ang purpose mo. Wala akong oras para makipag-argumento sa‘yo.”
Rinig niya ang tawa ni Ruth, nanunuya at tila nais pang inisin si Ruella. No'ng hindi niya marinig ang boses ng babae makalipas ang ilang segundo'y tumigil na rin siya sa pagtawa.
[Nevermind, I'll stop messing with you seeing how pitiful you are right now. Ano, umiiyak ka ngayon? Akala mo dahil pinakasalan ka ni Walter ten years ago, ikaw na ang wagi sa atin? Look what's happening between the two of you now. Kahit kailan, loser ka pa rin. What a trash.]
Nagdilim ang paningin ni Ruella sa narinig. Sobrang pagtitimpi ang ibinubuhos niya, huwag lamang sigawan at patulan si Ruth. Alam niyang ikasasaya nito kung aakto siyang naapektuhan.
“Wala akong pakialam sa sinasabi mo. Kung ‘yan ang ang nais mong sabihin, ibababa ko na ang tawag.” Kalmado niyang sagot at akmang tatapusin na ang tawag.
[Wait wait wait! Based on your reaction, mukhang wala ka pang alam. Pasalamat ka kasi ini-inform kita. Well, since you still didn't know, I'll send you the link na lang. Seeing you suffer is my greatest joy. I wish you never-ending suffering, goodbye, b*tch.]
Bumilis ang t***k ng puso ni Ruella, habang tinapos na rin ni Ruth ang tawag. Nanginginig siyang naghintay sa mensahe ng kapatid na agad naman dumating makalipas ang ilang segundo.
Nagdalawang-isip pa si Ruella kung makikinig ba siya sa pang-uusig ni Ruth. May nagsasabi sa kaniyang ang bagay na ito ang magiging sanhi ng bagong problema, ngunit meron ding nagsasabi na baka ito na ang sagot sa lahat ng kaniyang katanungan.
The link was a news report, and Ruella frowned upon seeing it. Hindi niya alam kung bubuksan ba niya ang link o hindi.
It was followed by Ruth's short message.
>> Enjoy reading. It's gonna be the best news you'll ever see today.
Ruella frowned, deciding to just block Ruth's number once she checked whatever she sent her. Once she finished checking it, aalisin niya na ang koneksyon sa kapatid.
Dahil wala na rin choice, binuksan na lang ni Ruella ang link.
It led her to a news website. Actibo dahil tumataas ang popularity nito hanggang sa ngayon. Walang tigil ang mga komento sa comment section at bawat segundo ay tumataas ang bilang ng mga share.
It's probably another explosive news. By now, halos lumabas na sa dibdib ni Ruella ang kaniyang puso sa bilis ng t***k nito. May takot na unti-unting bumabalot sa kaniya habang kinakain siya ng kaba.
It probably had to do with Walter. Sa mga salita ni Ruth, klarong sangkot si Walter sa kung ano mang nasa balitang ito. Ruella felt the suffocation of fear eating her inside out, she can barely breath, trying to calm herself down.
She took a deep breath as then scrolled down, revealing the article's headline in front of her very eyes.
[Explosive News: The man behind Xiao Group of Companies—Walter Xiao is suspected of having an affair with the hottest female star of the year—Stefany Ferrer!
//There's no one who doesn't know the power that Xiao Family holds within the country, especially Walter Xiao, who's known for being the man behind the Xiao Group's success. His marriage with Ruella Fang was witnessed by everyone inside and outside the country, making countless girls' heart broken. Being under the watch of everyone all the time, countless rumors about him having an affair had appeared since day one, but this is the first time that everyone has finally saw him on photographed acting with someone intimately aside from his wife. At this picture, Walter Xiao was seen to be exiting a famous love hotel with Stefany Ferrer, the newest and hottest artist under White Moonlight Entertainment.
For now, there's no feedback from both parties and the media is still trying to get their explanations regarding this matter.//
Likes: 2.1M
Shares: 387k
Comments:
1| FlowersBlownByTheWind: Hahaha, sabi na nga ba e, hindi magtatagal hindi rin ‘yan makakatiis. His marriage with Ruella Fang was purely business, ngayong lumabas na tunay niyang kulay.
2|BabyBlueBam: O ano, sabi ko na, hindi ‘yan mananatili kay Mrs. Xiao. Kung ako man pipiliin ko talaga si Stefany…
3|Issheyours: F*ck, ganda ng tea ngayon. @Isheyours, eto o chismis.
4| YoungMoney143: Kinda felt bad for Ruella Fang. She's a nice woman, even though daig talaga siya ni Stefany kung sa bunggahan ang usapan.
5| GuitaristAtYourService: Ako lang ba? Ako lang ba ang nakapansin na galing sila sa isang private hotel? Gara ni Mr. Xiao, inii-spoil si Stefany?
6|CheeseCake: F*ck, ang gara ni Mr. Xiao. Saya siguro ni Stefany ngayon ‘no? Nakabingwit siya ng malaking isda~
7|Mrs.Suarez: What a shame. Disgusting cheater.
…. ]
Parang binuhusan ng nagyeyelong tubig si Ruella. Unti-unting nanikip ang kaniyang dibdib at hindi makahinga. Bawat parte ng katawan niyang nanginginig, habang tila unti-unting nagyeyelo ang puso niya sa lamig na gumagapang sa kaniyang mga ugat.
Bawat salita'y parang kutsilyong tumutusok sa buong pagkatao ni Ruella. Bawat mga salita'y tila bubog sa mga mata niya.
It was so painful that she can no longer feel the pain. Everything turned numb, as if her soul was sucked out.
Kaya pala. Kaya pala isang buwan siyang nawala. Kaya pala sa tagal ng panahon, ni pa rin niya mahal si Ruella.
Turns out he had another woman making him happy. Turns out si Ruella lang pala ‘yung tangang naghihintay sa kaniya.
Of all people, siya pa ‘yung huling nakaalam.
Tears fell, and everything broke out from Ruella. She couldn't take it anymore, and she screamed.
Gusto niyang huwag maniwala, subalit noong makita niya ang mga litrato, alam na niya na hindi niya na maloloko ang sarili. She wasn't a fool. Nasa harap na niya ang katotohanan. Kahit bali-baliktarin niya ito, lahat ay parang domino, once it dawned on her, lahat ng mga alaala'y isa-isang nagsisilabasan. Ito'y parang isang lubid na isa-isang nagkokonekta sa bawat mga hinala ni Ruella.
Gusto niyang tawagan si Walter. Gusto niyang itanong: totoo ba ang lahat ng ‘yon? Nais niyang marinig ang paliwanag ng asawa, dahil ‘yon na lang ang tanging pinanghahawakan niya.
Ruella screamed again and again, and it attracted a lot of attention. Nagmamadaling lumapit sa kaniya si Uncle Ben, sinusubukang kausapin si Ruella, subalit parang bingi ang babae.
She can no longer hear anything, see anything, feel anything.
She finally let go of the lone rope she was holding on, and she fell straight down to the abyss.
Ito na ba? Ito na ba ang sagot? Ito na ba ang oras para mag desisyon s'ya?
Mukhang ito na nga. Nakakapagod na. Nakakapagod paulit-ulit na masaktan.
Maybe this is the sign.
“Madam? Ayos lang ho ba ka—”
“I-I’m fine,” Her voice cracked, revealing how vulnerable she was at this moment. Shaking her head, she repeated. “I’m fine.”
Dahan-dahang isinara ni Uncle Ben ang bibig at saka bumuntong-hininga ito. Inalalayan nitong maka-upo ng maayos si Ruella sa sofa bago tumayo ng maayos.
“Madam, huwag niyo ho masyadong paniwalaan ang mga bali-balita. Maniwala ho kayo kay sir. Hindi po gano'ng tao si sir, dahil pinanood ko siyang lumaki simula noong bata pa siya. Hintayin niyo ho na siya mismo ang magpaliwanag sa‘yo.” May bahid ng pagmamakaawa sa boses ng mayordomo, subalit pumasok lamang ang kaniyang mensahe sa isang tenga ni Ruella bago lumabas sa kabila.
Ruella was in daze, not even giving Uncle Ben a reply. She stood up, mechanically walking towards her bedroom in deep trance. Balak sana siyang hawakan ni Uncle Ben sa kamay upang itanong kung saan siya pupunta, ngunit pinigilan ng mayordomo ang sarili at hinayaan na lang si Ruella na pumasok sa kuwarto nito.
Alam niyang ito ang magiging reaksyon ng babae kapag nalaman nito ang tungkol sa balita, kaya't isinekreto niya ito. Pati mga ibang katulong ay pinagbawalan niyang magkuwentuhan tungkol sa balita upang hindi ito madiskubre ni Ruella.
Nais niyang hintayin muna si Walter bago sabihin ang tungkol sa balita, ngunit huli na siya.
Inis na inisip ni Ben kung sino ang nagsabi kay Ruella, ngunit wala siyang maisip na taong maaring magsabi sa babae. He could only grit his teeth and send his boss a message, telling him about the situation.
Gaya ng dati, walang sagot.
Sa tanda niyang ito, pati siya'y naii-stress para sa dalawa niyang amo.
Inside her room, Ruella was silently wiping her tears. Sa mga oras na ito, wala siyang ibang gusto kundi makita ang ama at mayakap ito. Nais niyang makahanap ng makakapitan.
Only her father loves her, no one else.
Tumingin si Ruella sa singsing na nakasuot sa kaniyang daliri, pinagmasdan at nais memoryahin ang bawat parte, iguhit ang larawan nito sa kaniyang alaala at namnamin ang huling beses na mararamdaman niya ito sa kaniyang balat.
Sa ngayon, napagtanto na niya ang lahat. There will be no end in this suffering as long as Ruella doesn't let go. She had to let go, or she'll forever suffer in her own nightmare.
It all started with her obsession for Walter's love, and it shall also end with her. Isa lang ang solusyon upang matapos na ang lahat.
Divorce.
She's now ready to divorce.
Wala naman siyang dapat ipaglaban, at wala naman taong ipaglalaban siya sa pamilyang ito. The Xiao Family's elders has long been disappointed with her dahil hindi siya nabubuntis o nagkakaanak sa tagal ng panahon na asawa siya ni Walter. The family needs an heir, and a partner who couldn't give a heir was nothing but a trash in the elders' eyes. Walter doesn't need her, doesn't love her.
Stefany can give Walter all he needs. Mga bagay na hindi maibigay ni Ruella sa kaniya, lahat ng ‘yon kayang gawin ni Stefany.
So what's the point in desperately holding on?
Walang ng halaga kung pipilitin pa nilang ikukulong ang sarili sa isa't isa. Handa na si Ruella na pakawalan ang sarili, gano'n na rin si Walter.
So they needed to divorce.
Sa katunayan, matagal na niya itong pinaghahandaan. Months ago, inihanda na niya lahat ng papeles. Hinihintay niya na lang ang huling hampas, at bibitaw na siya. Ito na nga ‘yon. Ito na ang sign para kumilos siya.
Ruella endured the pain and exhaustion, took a bunch of papers from her cabinet and signed it decisively. Nagsulat din siya ng note para kay Walter, ipinipaliwanag ang saloobin, naghahangad ng tahimik na hiwalayan.
Then, the next day, she left the Xiao Mansion and never came back.
In her thirty years of living, ito na yata ang pinakamalaking desisyon na ginawa niya, and she knew she did the right thing.
Now, she's free.