II. Death

3068 Words
SINIPAT NI Ruella ang orasan at no'ng makitang isang oras na lang ang natitira bago ang kaniyang flight, nagsimula na siyang magpaalam sa comatose na ama. “Pa, aalis na ako. Hindi ko alam kung kailan ako babalik, pero babalikan kita Pa. Always remember that I love you the most, and you'll always be inside of my heart.” Sabay halik sa noo nito. Naaksidente ang kaniyang ama three years ago. He had a fierce fight with Ruella at that time, at habang nagda-drive ay nawalan siya ng kontrol dahilan upang bumangga ang kaniyang kotse sa isang gusali. Dahil sa lakas ng impact, direktang na-comatose si Roberto at hanggang ngayon ay hindi pa nagigising. His fall made the whole Fang Family in turmoil. Dahil kasalanan ni Ruella ang lahat, ito ang nagtulak kina Ruth upang tuluyang kalimutan ang pagiging kadugo nila kay Ruella. Ever since that day, Mrs. Fang and her two daughters erased her from the family. Tumutol no'n si Ruella, alam niyang kahit siya ang pinaka-bunso sa kanilang magkakapatid, siya pa rin ang tunay na tagapagmana ng mga Fang. Siya ang legitimate child, at ‘yon ang hindi magbabago. Ngunit kahit anong tutol niya, sina Ruth na ang may hawak ng pamilya. Maibabalik lang ang lahat kay Ruella kung magigising ang kaniyang ama. But as the time passes by, humina na rin ang kagustuhan ni Ruella na bumalik sa pamilyang Fang, dahil sa Xiao Family pa lang ay ubos na ang kaniyang lakas. Habang iniisip niya ito'y may na-realize siya. It seems that she really doesn't belong to anything. She's always the cast away, the outsider. And now that her father can't protect her, siguro'y tama naman ang desisyon niyang iwanan ang bansang ito at ang lahat ng magpapaalala sa kaniya hindi lang kay Walter kundi pati na rin sa lahat ng mga nagpahirap sa kaniya. Italy, she's going to Italy. Tumayo si Ruella, sinukbit ang bag at hinila ang kaniyang maleta. Binigyan niya ng isang huling tingin ang walang malay na ama at saka tuluyang lumabas ng pinto. Do'n ay nakaharap niya ang private doctor ng ama. “Dr. Laxon, aalis na ho ako. Kayo na ho ang bahala sa Papa ko, kayo lang ho ang mapagkakatiwalaan ko rito.” Malapit na kaibigan ng ama ni Ruella si Dr. Laxon, sa tagal ng panahon ay ito na rin ang naging ikalawa niyang ama kaya't malaki ang tiwala niya rito. Alam niyang hindi papabayaan ng doktor ang kaniyang ama. Isang banayad na ngiti ang namutawi sa labi ni Dr. Laxon. Lumapit ito at saka ginulo ang buhok ni Ruella na madalas nitong gawin no'ng bata pa siya. “Kailangan pa ba ‘yang sabihin? Huwag kang mag-alala Ruru, ako ang bahala sa ‘yong ama.” Ang pangako ni Dr. Laxon ang tanging kinakapitan ni Ruella. Nang marinig ang sinserong mga salita ng lalaki ay tuluyan na siyang nakahinga ng maluwag. Matamis at hindi pilit na ngiti ang isinukli ni Ruella kay Dr. Laxon at mariin na nagpasalamat. “Salamat po, Uncle Tim. Tatanawin ko po itong malaking utang na loob.” “Ano ka ba, kaibigan man ako ng ama mo, isa pa rin naman akong doktor. Hindi ko man siya masagip bilang kaibigan niya, gagawin ko ang lahat upang mailigtas siya bilang isang doktor.” Yinakap ni Dr. Laxon si Ruella, at sa mga oras na ‘yon, pakiramdam niya'y muli siyang nayakap ng ama matapos ang ilang taon. Hindi niya mapigilang hindi maging emosyonal subalit ubos na ang luha, wala na siyang maiiyak pa. “Salamat po talaga. Sige ho, aalis na ho ako.” Kumalas si Ruella sa kaniyang pagkakayakap at ngumiti sa doktor. Hahakbang na sana siya no'ng bigla siyang hawakan ni Dr. Laxon sa kaniyang balikat. “Ruru, teka.” “Bakit po, Uncle? May gusto ho ba kayong ibilin?” “Sigurado ka na ba sa desisyon mong umalis? Hindi na talaga ‘yan magbabago?” Natigilan si Ruella, at saka diretsang tumingin sa mga mata ni Dr. Laxon. “Sigurado na ho ako. Ilang buwan ko na itong pinag-isipan kaya't alam kong ito ang tamang desisyon.” Sinuri ni Dr. Laxon ang ekspresyon ni Ruella, at no'ng makita na walang hesitasyon sa mga mata ng babae ay bumuntong-hininga na lang siya. There's a look of resignation in his face and he smiled at Ruella. “Okay. Since you've decided, susuportahan kita d'yan sa desisyon mo. Alam kong gano'n din ang gagawin ni Bert kung gising siya ngayon. Hindi ka na bata, pero marami ka pang oras upang pagalingin ang ‘yong sarili. Sana sa pagbalik mo, ‘yong dating Ruru na ang makikita ko. Mag-iingat ka, Ruru, para sa papa mo.” Tumango si Ruella, nangangakong babalik para sa ama sa tamang panahon. Nagpasalamat siya sa kay Dr. Laxon bago tuluyang umalis patungong airport. Maraming tawag at text na dumarating sa kaniyang cellphone, pero kahit isa'y wala roon ay galing kay Walter. Those messages are either full of sincere and earnest concern, or full-blown mockery. Hindi ito pinansin ni Ruella, dahil para sa kaniya'y naramdaman niya na ang pinakamatinding sakit, ang ganitong mga panlalait ay hindi sapat upang maapektuhan siya. Numb. She's now numb. Sinara niya ang kaniyang cellphone at isinuksok ito sa pinaka-ilalim ng kaniyang bag. Ilang minuto lang siyang naghintay bago nagsimulang sumakay ang mga pasahero sa eroplano, at habang paakyat si Ruella sa hagdan papasok sa loob, tumigil siya at tumingin sa kapaligiran. Kung nasaan ka man ngayon, Walter, sana masaya ka. Ito na ang huling beses na sasabihin kong mahal kita. Sana ay hindi na tayo muling magkita. I, Ruella Fang, ends our relationship right here at this moment. May happiness be with the both of us. Tuluyan ng umalis ang eroplano, unti-unting nawala sa paningin ni Ruella ang bayang kaniyang iniwan hanggang sa ulap na lang ang kaniyang nakikita. Sa mga sandaling ‘yon, she felt nothing but emptiness inside of her. Tahimik si Ruella, ngunit ang malungkot niyang postura ang umakit sa atensyon ng katabi. Nang makita ang mukha ni Ruella ay may realisasyon sa mukha ng babae. “On a vacation?” Walang hesitasyong tanong nito kay Ruella. Ruella was perplexed, but still answered politely. “Umn. Gusto ko lang mag-unwind…” Sagot niya gamit ang mahinang boses. Tumango-tango ang babae, “Gano’n naman talaga kapag bakasyon ‘di ba? Unwinding, rediscovering one's self… Actually hindi ko ini-expect na makakasabay kita sa flight. It must be fate.” Fate? Why would fate bring us together? I don't even know you. Hindi mapigilan ni Ruella na isipin ito sa loob-loob niya. Sa tingin niya ay kilala siya ng babae sa paraan ng pananalita nito. Dahil walang alam na ibang itutugon, ngumiti na lang siya sa babae at saka tumingin sa kabilang direksyon. Ngumisi ang babae sa harap-harapang ‘di pagpansin at kawalan ng interes ni Ruella. Ang mga mata niya'y hindi mahiwalay sa mukha ni Ruella na tila maligayang-maligaya na nakasabay niya ito sa byahe. “Sa ekspresyon mong ‘yan, sigurado akong hindi mo na nga ako kilala. It's been a long time after all, so I'm gonna re-introduce myself.” Sumandal ito sa backrest ng upuan at saka nagpatuloy. “Long time no see, Ruella Fang. I'm Grenielle Vergara, your former high school nemesis and love rival.” Grenielle Vergara…? Unti-unting nanigas si Ruella no'ng isa-isang bumalik sa kaniya ang mga alaala tungkol sa babaeng katabi. Sa kaniyang alaala, meron ngang isang babae na nagngangalang Grenielle no'ng high school siya. Dahil sa obsession niya kay Walter, simula elementary hanggang college, iisang school lang pinapasukan nila. Kahit hindi naman masyadong matalino, basta makasama lang si Walter ay naging matalinong estudyante si Ruella, resulta ng pagiging masugid niyang mag-aaral. She can no longer remember Grenielle's face in high school. Basta ang naalala niya, ito ang isa sa mga pinakamatibay niyang kompetisyon sa puso ni Walter. Grenielle confessed to Walter before graduation, pero dahil ipa-finalize na ang arrange marriage ni Walter kay Ruella ay walang hesitasyong tumanggi ang binata kay Grenielle. Kung tama ang memorya ni Ruella, Grenielle even tried to physically hurt her, pero pinigilan siya ng mga guro at pinarusahan. Looking at her now, medyo nahihirapan si Ruella na i-associate siya sa Grenielle no'n. Ang laki na kasi ng pinagbago niya patungkol sa personalidad. Kung dati ay isang siyang hot-blooded youth, ngayon ay halatang matured na siya at kalmado na ang kaniyang pag-uugali. “…So it's you.” Sa huli, ‘yon na lang ang naisagot niya sa katabi. Grenielle smiled and nodded, “Ako nga. Ako ‘yung lagi mong kaaway sa notes ni Walter, at lagi mong kakompitensya na bumili ng tubig kapag naglalaro si Walter ng basketball o kapag nagpi-P.E.” Hindi sumagot si Ruella. Matapos ang ilang minuto'y saka lang niya ibinuka ang bibig. “…Do you want to mock me too? Go on then.” In her understanding, Grenielle probably still haven't forgiven her and still resents her up to now. Halos lahat ng mga tao, tinatawanan siya. Iniinsulto ‘pagkat hindi naman talaga raw siya ang karapat-dapat sa isang lalaking gaya ni Walter. Ang iba akala'y pera lang ang habol niya. None of those people hated Stefany who should be hated by people. All of them are either siding the supposed mistress, or just neutral. No one is siding Ruella. Since obvious naman na alam ni Grenielle ang nangyayari, bakit naman siya magiging pabor kay Ruella. Since she took initiative to talk to her, it's probably to mock her. Hinintay ni Ruella ang masasakit na salita, ngunit lumipas ang oras ay walang kahit na anong salita ang lumabas sa bibig ni Grenielle. Umiling-iling lang ito at saka huminga ng malalim. “I won't. Kung siguro ako pa ‘yong Grenielle years ago, I would probably do that, but I'm no longer that hot-blooded kid from before.” “Years had passed, at marami na rin akong pinagdaanan. Marami na rin akong natutunan at napagtanto. At saka bakit kita iinsultuhin kung ang nangyayari sa'yo ngayon ay gaya rin ng nangyari sa akin?” “Oo, nagalit ako sa'yo noon, pero bata pa ako no'n. I actually moved on fast enough too. I'm now a mother of two children and a divorced woman. I will not hurt a compatriot.” Sa mga sinabing ‘yon ni Grenielle ay agad nakabuo ng ideya si Ruella. Turns out, Grenielle also just divorced months ago. May kung anong emosyon na nabuhay kay Ruella. Even though she never had a good relationship with Grenielle before, hindi niya mapigilang maki-simpatya. Tama nga siguro si Grenielle. Maybe its fate, fate leading two similar people to meet. They're indeed a compatriots. “Seeing you here, you prolly divorced too. Congratulations, you're free now. Tatagan mo lang ang loob mo, at darating din ang panahon kung kailan muli kang tatayo at maghihilom ‘yang mga sugat mo.” “…I know.” Tanging tugon niya kay Grenielle. Tumagal din ang kanilang pag-uusap ng ilang oras, nagkuwentuhan tungkol sa mga sariling buhay at nagkasundong kalimutan na ang dating alitan. Nang mapagod ay wala siyang magawa kundi ipikit ang mga mata at subukang matulog. She dreamt of her pasts, her regrets, and Walter. Ilang oras siyang nanaginip hanggang sa biglang magising. Bigla kasing yumugo ang eroplano na ikinagulat ng lahat ng mga pasahero. Pati si Ruella'y nagulat dahil sa lakas ng impact. Agad nagkaroon ng panic sa loob na agad rin pinigilan ng mga flight attendants. Buti na lang dahil kumalma na ang lahat nang makitang wala naman masamang nangyayari. But they're obviously thinking too much. Hindi pala ‘yon simpleng kalog lang. Muling niyanig ang eroplano, and this time, its left wing suddenly caught fire. Binalot ng pangamba ang bawat isa sa kanila, sigawan at iyakan ang namayani sa loob ng eroplano. Bumulusok ang eroplano dahil sa kawalan ng kontrol, nagsibagsakan ang mga emergency oxygen masks galing sa overhead compartments dahil sa lakas ng cabin pressure. It was this time that Ruella felt fear, but at the same time, she was calmer than never before. Nagkatinginan sila ni Grenielle, parehong kalmado sa gitna ng kalbaryo. They wore their oxygen masks amidst the cries of panic and fear. Are we going to die now? Mensahe ni Grenielle kay Ruella gamit ang kaniyang mga mata. Ruella shrugged, resigned. I don't know. Probably. Are you scared? Tanong muli ni Grenielle. Ruella shook her head. No. Hindi siya takot mamatay. She only thought it was ridiculous how much the world hated her, not even giving her a chance to find her own happiness. Before she could even complain, there's a loud bang as the plane crashed on a mountain. Ngumiti si Ruella at sa huling segundo ng kaniyang buhay, isa lang ang kaniyang nasa isip. I hate you, Walter. Sana sa susunod kong buhay, hindi na kita makita pang muli. Then, everything went dark, pushing each and everyone of them to eternal slumber. ༺❀༻ In Xiao Family Mansion… Hindi mapakali si Ben. Lahat kasi ng inutusan niyang hanapin si Ruella ay pare-parehong nabigo. Hindi niya maintindihan kung paanong basta na lang naglaho ang babae, ngunit malakas ang kutob niyang may koneksyon iyon sa balitang nakita ng babae tungkol sa asawa nito. “Pa! Pa! Nandito na si sir, ano'ng gagawin natin?” Sigaw ng anak ni Uncle Ben na hawak-hawak pa ang walis at hingal na hingal. Hindi pa man nakakasagot si Ben ay sabay nilang narinig ang ugong ng mga sasakyan. Narito na nga si Walter. Hindi masukat ang kabang nararamdaman ni Ben, ngunit pinilit niyang kumalma. Ngayong narito na si Walter, mas malaki ang posibilidad na umuwi si Ruella. He knew how much the woman loved Walter, at ano man ang mangyari'y hindi nito matitiis ang asawa kahit anong lamig ng pakikitungo nito sa kaniya. Ngunit ilang araw na rin hindi umuuwi si Ruella. Bagay na hindi naman gawain nito. Nakakabahala. “Wala pa rin bang balita sa mga inutusan kung pumunta sa hospital? Baka naroon si Madam! Sa bahay ng mga Fang, wala rin? Sa libingan ng nanay ni Madam, ano?” Sunod-sunod na kuwestiyon ni Ben sa anak. Umiling-iling ang anak ni Ben na si Bianca na halos mabali na ang leeg sa paulit-ulit na pag-iling. “Wala raw, Pa! Kinausap din nila ‘yung doktor na may hawak kay Sir Roberto pero wala naman daw alam…” Wala? Paanong wala? Naglaho na lang ng parang bula, gano'n? “Imposibleng wala siyang iniwang bakas! Sabihin mo—” “Nand’yan na si sir, papasok na!” Bumukas ang pinto at ang unang pumasok ay ang secretary ni Walter na si Mr. Ji. Nang mapansin nito ang itsura nina Ben ay napataas ang kilay nito. Kasunod ng lalaki ang pinaka-batang lider ng pamilyang Xiao. Agad lumiit si Mr. Ji nang makalapit si Walter, ang matangkad at makisig niyang katawan ay walang binatbat kumpara sa kung gaano kaperpekto ang hubog ng katawan nito. Sa pagpasok ni Walter ay agad niyang napansin ang kakaibang ikinikilos nina Ben. Agad hinahanap ng kaniyang mga mata ang presensya ng asawa, ngunit noong tila walang maamoy na pamilyar na amoy ng luto ni Ruella o ang pamilyar nitong pabango'y kumunot ang noo ni Walter. Madalas kapag naririnig ng babae ang sasakyan ay bababa ito upang salubungin ng yakap si Walter. Hindi man mahilig sa yakap si Walter ay nakasanayan niya na itong gawin sa kaniya ng asawa. Since no one is greeting him, she probably wasn't in the house. But, where could she go? “Uncle Ben, saan si Ruella? Wala ba siya rito?” Napatikom ng labi si Ben, tumingin siya sa anak at sinenyasan ang anak na umalis na't hayaan na lang siya na ang kumausap sa kadarating lang na amo. “Sir, ilang araw na hong hindi umuuwi si Madam.” Kalmadong tugon ni Ben sa nakakabatang amo. Parang tumigil ang oras, lumamig ang hangin at naghari ang katahimikan. Ilang segundo ang lumipas bago muling nagsalita si Walter. “Where did she go? Sinabi ba niya?” May kung anong bumubulong kay Walter na may mali, hindi siya mapakali na para bang may masamang mangyayari. “Yon nga po sir, walang kahit na anong mensaheng iniwan si Madam. Hinanap na rin siya ng mga tauhan ngunit wala silang nakita.” “That’s impossible. Hindi aalis si Ruella kung walang dahilan. Did something happen?” This time, Uncle Ben's face turned weird. Kind of distorted, as if keeping something abay and not wanting to blurt out his words indiscriminately. He looked at Walter's handsome face, then looked away. Sa sandaling ito, si Mr. Ji na ang lumapit kay Walter. “Sir, baka ho dahil sa balita. It might have angered the Madame, thus she left to cool off.” Mas lalong kumunot ang noo ni Walter. Hindi niya alam ang tungkol sa balita. For almost one month, wala siyang koneksyon sa outside world. Pagod, stress at puyat ang nararamdaman ni Walter kaya't wala na siyang oras pa para makipag-word games kay Mr. Ji. “Balita? Anong balita, explain it to me.” Utos pa niya sabay himas sa kaniyang noo. Inayos ni Mr. Ji ang salamin at saka kalmadong sumagot. “It’s about you and Ms. Stefany photographed outside the hotel.” Me? Hotel? Who? Mas lalo lamang sumakit ang ulo ni Walter. Iwinagayway niya ang kamay at inutusan si Mr. Ji na burahin ang balita dahil wala naman itong katotohanan. He was obviously in an isolated island, not inside a damn hotel with a random woman. Mas problema niya ngayon si Ruella. Ni minsan ay hindi umakto ng ganito ang asawa. Sa alaala ni Walter, Ruella never took a step away from him. Napakadikit nito sa kaniya't hindi mahiwalay-hiwalay. This is the first time she acted rebellious, and Walter felt it was very novel. “Search for Ruella. Tell her I'll explain—” “Sir, not good!” Nawasak ang kalmadong itsura ni Mr. Ji at napalitan ito ng gulat at takot habang nakadikit ang cellphone sa tenga nito. He hang up the call, looking shocked to the core. Agad may kung anong premoninsyon na nag-ugat sa puso ni Walter. “What is it? Did something happen? Nahanap na si Ruella?” Umiling-iling si Mr. Ji bago tumango. Walter gave him a confused look, demanding an explaination. “Sir… Just 20 minutes ago, an airplane crashed and exploded… one of the passengers…is confirmed to be…Madame.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD