III. New Beginnings

3268 Words
“Ano? Anong ibig mong sabihin? Ruella…she—” Bago pa man matapos ni Walter ay nanghina na siya. Parang may humugot sa lakas niya. Nanlamig ang buo niyang katawan at nanikip ang kaniyang dibdib. Kinailangan niyang isandal sa pader ang kamay para mabalanse ang sarili. Agad lumapit sina Mr. Ji at Uncle Ben upang alalayan siya pero tinampal ng kamay ni Walter ang papalapit nilang kamay. Nang magtama ang mga mata ni Mr. Ji at Walter, kita ni Mr. Ji ang halo-halong mga emosyon sa mga mata ng amo. Para itong bulkan na handa ng sumabog ano mang oras. “S-Sir, mas makakabuti po kung pupuntahan na po natin ang k-katawan ni Mad—” “Hindi! Hindi ‘yan totoo! Bakit naman siya sasakay ng eroplano?! Buhay siya, at ako ang hahanap sa kaniya!” Sigaw ni Walter na tila wala na sa sarili. Sa unang pagkakataon ay nakita ni Uncle Ben na makaramdam ang amo ng napakaraming emosyon. “Kumalma muna ho kayo sir, baka ho—” Bang! Malakas na pagsara ng pinto ang sumagot kay Uncle Ben. Nagkatinginan sila ni Mr. Ji bago ito tumango at sinundan si Walter. Mabilis ang mga yapak ni Walter papunta sa kaniyang garahe. Sa hindi kalayuan ay si Mr. Ji na gusto siyang pigilan. Nagmamadaling sumakay si Walter sa kotse, isa lang ang tanging nasa isip. Ruella… Ruru, please be safe… Please be safe… Hindi pamilyar kay Walter ang maging emosyonal. Turo sa kaniya ng ama na walang maitutulong na maganda ang emosyon sa mga gaya nilang negosyante. All of those years growing up under his father molded him into a emotionless, unsympathetic monster. Ito ang unang beses na nakaramdam siya ng napakaraming emosyon. Halo-halo at hindi niya alam kung paano ito kokontrolin. He never felt fear for he always stood above everything. But for the first time in his life, he was dominated by the emotion he had always looked down upon. Hindi niya alam kung ano ang kinatatakutan niya. All he knew was that if Ruella disappears, he would lose something very important. Biglang nanlabo ang kaniyang paningin, at nang hawakan niya’y ramdam niya ang pamamasa ng kaniyang mga daliri. He’s actually crying. So this is crying. Ganito pala. Kahit kailan hindi siya umiyak simula no’ng magkaroon ng malay at kaalaman. Madalas sabihin ng ama niya na para sa mahihina lamang ang pagluha. Isa itong kahinaan, at hindi ka karapat-dapat na maging tagapagmana ng mga Xiao kung isa kang mahina. Walter remembered it all his life, wrote it as his creed and tattooed it on his whole being—but this time, he didn’t mind being weak. Sa mundong ito, si Ruella lang ‘yong tanging nakakagising sa mga natutulog niyang emosyon. Siya lang. Ang banayad niyang dampi, ang marahan niyang pag-aalaga at ang walang hanggang pag-ibig—lahat ng ‘yon ay ang tanging nagpapaalala kay Walter na siya’y isang tao pa rin. Higit sa lahat, siya rin pala ang magpapa-iyak kay Walter. Subalit, lahat ng ‘yon ay hindi niya masuklian. Hindi niya alam kung paano ito suklian. Siya ang may kasalanan ng lahat. Pero, mukhang huli na yata ang pagsisisi. Ipinikit ni Walter ang kaniyang mga mata sa pagnanais na muling luminaw ang mga mata na natatakpan ng mga luha, ngunit sa pagkakataong ‘yon ay hindi niya nakita ang rumaragasang truck na papalapit sa kaniya. Huli na noong hilahin ni Walter ang manibela. Wala ng oras para umiwas at ang huli niyang naalala ay ang nakakabulag na ilaw kasunod ng walang hanggang kadiliman. Imbes na takot ang huling maramdaman, nakaramdam si Walter ng kasiyahan at kalayaan. I’ll accompany you, Ruru. We’ll be together, even in death. ༺❀༻ Huni ng ibon at kuliglig at ang paminsan-minsang tunog ng mga dahon ang gumising kay Ruella sa malalim niyang pagkakatulog. Dahan-dahan niyang iminulat ang mata at sinipat ang paligid. Nasaan ako? Teka… Hindi ba’t…patay na ako!? Agad napabalikwas si Ruella habang gulat na gulat na sinapo ang buong katawan. Nang makasiguradong wala siyang kahit na anong sugat ay agad niyang sinipat ang paligid. Pamilyar na kuwarto, pamilyar na desenyo at pamilyar na presensya… Hindi ba’t ito ‘yung kuwarto niya no’ng dalaga pa siya!? Am I dreaming? Why am I here? Isn’t this room locked for years already? Kinurot niya ang kaniyang hita at sinampal ang magkabilang pisngi para makasiguradong hindi siya nananaginip. Nang maramdaman niya ang sakit ay mas lalo lamang siyang kinabahan. Mala-flash na hinawi niya ang kumot at saka tumakbo papasok sa banyo at nang makita niya ang itsura sa salamin, walang ibang nagawa si Ruella kundi sumigaw ng pagkalakas-lakas. She’s back! She’s back to the past! Totoo ba ‘to? Hindi ba talaga siya nananaginip? Para makasigurado ay muli niyang pinagmasdan ang sariling repleksyon. Mas bata siyang tingnan, at kung tatansiyahin ay mukha siyang nasa desi-syete hanggang desi-nuwebe. Dali-daling lumabas si Ruella sa banyo at tumingin sa kalendaryo. Nang makita ang malaki at pulang ‘2020’ ay tuluyan na nga siyang napaiyak sa saya. She was young once, so she had read similar stories of being reborn or being sent back to the past. Hindi mahirap para sa kaniya na tanggapin ang pangyayaring ito. Ang dahilan ng kaniyang luha ay ang dala nitong magandang balita. Sa nagdaang mga panahon, marami siyang mga desisyon na tunay niyang pinagsisihan. Mga maling bagay na inakala niyang tama, mga sakripisyong siya ring umubos sa kaniya, at mga pagkukulang sa mga taong tunay na nagmamahal sa kaniya. Ito ba ang regalo ng D’yos para sa kaniya? Ito ba ang plano ng tadhana kaya’t namatay siya sa una niyang buhay? Ito ba ang kabayaran sa lahat ng masasakit na pangyayari sa buhay niya? Alin man do’n, wala ng pakialam pa si Ruella. Ibinigay ito sa kaniya, kung gayon ay hinahayaang siyang baguhin ang mga gusto niyang baguhin, pigilan ang gusto niyang pigilan, at itama ang mga gusto niyang itama. This is her only chance, and she will never let it slip away. She’ll rewrite the past and correct all her mistakes, even if it means breaking her heart apart. Knock-Knock-Knock! “Anak? Ayos ka lang ba? I heard you scream, are you okay?” Natigilan si Ruella, nanlaki ang mata at tumalon ang puso sa saya. Agad niyang napagtanto kung sino ang may-ari ng boses sa kabila ng pinto. She’s back eleven years ago, at ibig sabihin no’n ay hindi pa naaaksidente ang kaniyang ama! Buhay siya at masigla! Mabilis na binuksan ni Ruella ang pinto at binulaga ng mahigpit na yakap ang ama, ang pamilyar na init ng bisig ng ama ang siyang nagtulak kay Ruella para muling lumuha. Dali-dali itong pinunas ni Ruella upang hindi makita ng kaniyang ama. “O, bakit? Ano bang nangyayari sa‘yo, hija?” Nag-aalalang tanong ni Roberto sa anak. Kumalas si Ruella sa pagkakayakap at umiling-iling habang nakangiti sa ama. “Ayos lang ako Pa. Na-miss lang kita.” Nagpakawala ng pagak na tawa si Roberto at ginulo ang blonde na buhok ni Ruella. “Aysus, alam ko na ‘yang istilo mo. Anong gusto mong hingiin kapalit ng lambing na ‘yan?” Ngumuso si Ruella at saka dumepensa, “Bakit kapag naglalambing ba kailangan may kapalit?” “Ewan ko sa‘yo, anak. Meron ba?” Itinaas-baba pa ni Roberto ang dalawa nitong kilay. Pareho silang natawa bago sumagot si Ruella. “Wala po talaga, Pa. Talagang na-miss ko lang kayo bigla.” Dahil dito’y mas lalong lumawak ang ngiti ni Roberto. Halatang masayang-masaya sa narinig. “Ang sweet naman ng anak ko. H’wag kang mag-alala, pagbalik namin ng Aunty mo galing business trip, may pasalubong ka sa akin.” Pangako nito saka hinalikan si Ruella sa noo. Akmang magtatanong si Ruella nang biglang marinig nila pareho ang pamilyar na boses. “Roberto! Hurry up, we’re late!” Muling niyakap ng ama si Ruella bilang paalam. “Sige anak, aalis na ako. Study well and wait for me to get home!” Tumango na lang si Ruella at ibinalik ang yakap sa ama. Malungkot dahil hindi niya ito makasama ng mas magatal. “Opo. Ingat ka, Pa. Take care of yourself.” “Noted, darling. Alis na si Papa, bye!” At saka nagmamadaling lumakad pababa ng hagdan. Nang makalabas lang ito ng mansyon tuluyang inalis ni Ruella ang tingin sa ama. “Tsk, sipsip ka rin e ‘no? Mana ka sa nanay mo.” Bago pa man makapasok si Ruella muli sa kaniyang kuwarto, ito ang narinig niya galing sa hindi kalayuan. Sa kaniyang kanan, naroon ang bente anyos na si Ruth, nakasandal sa pader at matalim ang tingin kay Ruella. Pinasadahan lang ni Ruella ng tingin si Ruth, dahilan para mas lalong mainis ang babae. “What are you looking at? Finally realized I’m prettier than you?” Ismid na giit ni Ruth. Hindi ito pinansin ni Ruella at ngumisi lang sa kalahating kapatid. “Wala. Na-realize ko na nakaka-miss din pala ‘yang pangit mong mukha at mabaho mong ugali.” Sabay pasok sa kuwarto at sara ng pinto. Rinig niya ang galit na sigaw ni Ruth, at hindi niya napigilan ang malakas na tawang lumabas sa kaniyang bibig. It feelt good. So good. Dahil may klase sa araw na ito ay inihanda ni Ruella ang sarili. Medyo excited siya na kinakabahang makita muli ang kaniyang mga kaklase. Ang malapit niyang kaibigan na si Sally, gano’n na rin ang nakasabay niya sa eroplanong si Grenielle. It’s good to be back. This time, she’ll do better. She’ll erase all her mistakes, and save people she wants to save. Wala ng atrasan. Pagpasok pa lang ni Ruella sa gate, rinig na niya ang pamilyar na ingay ng eskwelahan. Nakaka-miss din pala ang pumasok at mag-aral. Iginala niya ang mga mata at inimprinta sa isipan ang bawat itsura ng mga gusali, mga kahoy, at kung anu-ano pa. She’s actually going to school even though she’s already in her 30’s. Spiritually, of course. May talon ang bawat yapak niya at hindi niya mapigilang humuni ng isang pamilyar na tono. “Ha, hindi ba’t iyan ‘yong obsessed na obsessed kay Walter? She actually dyed her hair blond? What a scum!” “Oo, anak nga lang ‘yan sa labas pero kung umasta sa harap ni Walter, feeling important! Akala niya ikinaganda niya ‘yan pagkukulay ng buhok?” “Naaawa ako kay Walter. Kung ako may gan’yang stalker baka na-depress na ako.” “Ano pa! Tama ka r’yan.” Ito ang pumasok sa tenga ni Ruella no’ng dumaan siya sa mga grupo ng estudyante. Naghuhusga ang mga mata nitong nakatitig sa kaniya. Siguro kung siya pa ‘yong orihinal na Ruella ay siguradong makikipag-away na siya sa mga chismoso at chismosang mga estudyanteng ito. Ngunit ang kaluluwa niya’y trenta anyos na. Sa tagal ng panahon na lagi siyang hinuhusgahan ng publiko, nasanay na siyang magpanggap na hindi niya ito naririnig. Wala pa nga ang mga ‘yan sa mga naririnig niya no’ng makasal siya kay Walter. Naming her things such as scum, b*tch, stalker and etc. no longer bothers her as much. Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa meron siyang biglang naalala. Ano nga bang klase niya? Class A? Class B? Buti na lang dahil may agad sumagot sa katanungan niya. “Ruru!!!” Agad tumingin si Ruella sa pinaggalingan ng pamilyar na boses. Bumilis ang t***k ng puso niya nang makita ang pamilyar na pigura ng matagal ng nayamapang kaibigan. “Sally!!!” Sigaw pabalik ni Ruella. Tumakbo siya upang harangin ang tumatakbong kaibigan. Nang magkalapit ay niyakap nila ng mahigpit ang isa’t isa, parehong hinihingal at nakangiti. “Buti naman gumaling ka na! Akala ko talaga magiging loner na naman ako for another week.” Ani Sally habang hawak ang parehong kamay ni Ruella. “Ano ka ba, iiwan ba naman kita ng matagal dito. Siyempre babalik agad ako.” Sagot naman ni Ruella habang titig na titig pa rin sa pabilog na mukha ni Sally. Isa sa mga pinakamalaki niyang pagsisisi ay ang pagkamatay ni Sally sa una niyang buhay. Sikat na noong beauty queen ang kaibigan niya, ngunit dahil sa paulit-ulit na panloloko ng asawa nito ay hindi na kinaya ni Sally ang depresyon at namatay dahil sa drug overdose. It was one of Ruella’s greatest regrets. Sally’s passing was a huge blow on her, and she never got better afterwards. Kaya naman ngayong na-reborn siya, gagawin niya ang lahat upang baguhin ang kapalaran ni Sally. Pipigilan niyang makilala nito ang taong naging dahilan ng kaniyang paghihirap. “Titig na titig ka yata sa akin. Na-miss mo ako ‘no?” Ngising giit ni Sally kay Ruella. Pagak silang natawa pareho. “Oo naman. Na-miss kita. Na-miss asarin.” Hinila siya ni Sally papasok sa isang klasrom. Nong makapasok sila’y agad sa kanila dumirekta ang mga tingin ng mga kaklase. Ilan sa kanilang mga mukha ay pamilyar, habang iba naman ay malabo na sa alaala ni Ruella. “Yo, blonde ka ngayon ah. Bagong tricks ba ‘yan para mapansin ka ni Walter?” Nanunuyang usal ng isang estudyanteng lalaki. Nakataas ang mga paa nito sa mesa habang nakangisi kay Ruella. Hindi na kilala ni Ruella kung sino ang lalaking ito. Ngunit sa aura niya ay halatang may poot itong nararamdaman sa kaniya. Tumingin si Ruella sa lalaki at saka tumugon. “Hindi. What I do has nothing to do with Walter. Simula sa araw na ‘to, hindi ko na siya gusto.” Natahimik ang buong klase. Si Sally ay kasing laki na ng itlog ang mga at halos bumagsak na ang baba sa sahig. Ilang segundo pa ay napa-‘woah’ ng malakas ang kaniyang mga kaklase. “Joke ba ‘yan, Ruella? Ikaw? Hindi na gusto si Walter? Iimposible!” “Oo nga. Akala mo maloloko mo kami! Hindi ‘no!” “Ang waley ng joke mo, hindi man lang kami natawa.” Walang nagawa si Ruella kundi tumingin sa kaniyang mga kaklase. Bakit ayaw maniwala ng mga kaklase niya? Gano’n ba talaga siya ka-obsessed kay Walter na pati mga kaklase niya ay ayaw na maniwalang hindi niya na gusto si Walter? Ewan. Bahala sila. “Ewan ko sa inyo kung ayaw niyo maniwala.” Sabay upo ni Ruella sa tabi ni Sally. Nagtawanan pa ang kaniyang mga kaklase, may naririnig pa siyang mga salita gaya ny ‘clown’ at ‘patawa’. Hindi na lang ‘yon pinansin ni Ruella. Hindi na niya problema kung ayaw maniwala ng mga kaklase niya. Nang maka-upo ay agad siyang kinurot ni Sally. Magkadikit ang kilay nito na nagsabi. “Nako, bes! Siguradong trending ka na naman n’yan sa school forum mamaya. Ano ‘yan ha, bagong istilo para mapansin ni Prince Charming mo?” “Hindi nga sabi. Totoong hindi ko na gusto si Walter, okay? I don’t like him anymore and that’s the truth.” Napatakip na lang ng bibig si Sally, tumingin-tingin sa paligid bago bumulong kay Ruella. “Pero paanong nangyari na naglaho na lang ‘yang feelings mo gayong inlababong-inlababo ka kay Walter? Na-magic, gano’n?” Natahimik si Ruella. Mukhang suspicious nga na bigla na lang mawawala ang feelings niya kay Walter na parang bula. She needs a reason. Looking at Sally who’s always been a gullible one, Ruella cleared her throat and formulated the most believable lie she could think of. “Hindi ba’t nagkasakit ako no’ng isang linggo? Ayon, habang nagdedeliryo ako ay napanaginipan ko ‘yung mga pinagdaanan ko raw no’ng napang-asawa ko si Walter. And none of those are happy. Kaya napa-isip ako, kaya ko bang manatili sa gaya ni Walter? Turns out I loved myself more, so ayon, my feelings vanished.” Kumurap-kurap si Sally na parang dina-digest pa ang rason ni Ruella. Nang tuluyang maintindihan ang sinabi ng kaibigan ay naging komplikado ang ekspresyon nito. “Gano’n? Baka precognitive vision ‘yon, bes! Pero sigurado ka na ba r’yan? Baka maya-maya makita kita sumusunod-sunod ka na naman kay Walter na parang tuta.” Ruella gave her friend a firm look and replied. “I’m sure. My decision will never change.” Nagkuwentuhan pa sila ni Sally, dahilan para makakuha ng maraming impormasyon si Ruella. Medyo naaalala niya na rin ang ilan sa mga pangyayari sa taong ito. Nang pumatak sa 8:30 ang oras ay may pumasok na guro. Mababa, may malaking beer belly at sa magkabilang-gilid na lang ng kaniyang ulo tumutubo ang kaniyang buhok. May bigat sa bawat yapak niya at nong dumating ay biglang natahimik ang buong klase. Kilala siya ni Ruella. Si Sir Fuentes, ang kanilang homeroom at Physics teacher. Pabagsak nitong inilapag ang librong hawak sa kaniyang mesa at saka inilibot ang mala-agila nitong mata sa bawat estudyante. Nang makita nito ang kapansin-pansin na buhok ni Ruella ay mas lalong kumunot ang noo nito. “Miss Fang, how many times do I have to tell you that I prohibit my students dying their hair. What is that? Please stand up and explain!” Napakagat labi si Sally at saka sinenyasan si Ruella na hintayin na lang ang litanya ni Sir Fuentes. Pero imbes na sundin siya ni Ruella ay proud pa itong tumayo at taas no’ng tumingin pabalik kay Sir Fuentes. “Pasensya na ho, sir. I made a bet with a friend and lost, so the punishment was to color my hair blonde.” Walang kagatol-gatol na pagsisinungaling ni Ruella. Sir Fuentes’ eyebrow twitched in anger. “Tsk! Sinong kaibigan ‘yan? Para pareho ko kayong dalhin sa guidance!” Anito na kulang na lang ay may lumabas na usok sa ilong at tenga. Umiling-iling si Ruella, “Hindi po siya pumapasok sa school na ‘to, Sir. Don’t worry sir, I’ll color my hair black tomorrow—when the time of my punishment is up.” “So mas pinapahalagahan mo talaga ‘yang punishment na ‘yan kaysa sa punishment ko!? Magaling! Magaling na estudyante!” Dinuro-duro pa nito si Ruella bago napahimas ng makakalbo na niyang ulo. “Kayo talagang Class C! Lagi na lang! Bakit ba lagi niyo akong nais pahirapan! Nasapawan na nga kayo ng Class D sa overall school ranking, gan’yan pa mga asta niyo! Hindi talaga magtatagal tayo na ang magiging Class F!” Overall ranking? Class F? May isang ideya na biglang lumitaw sa isipan ni Ruella. She suddenly wanted a challenge at ito na ang pagkakataong ‘yon. “How about this, Sir. I will promise you na tutulungan kong makabalik tayo sa dati nating ranking kapalit ng pag-ignore niyo sa buhok ko. Ano, sir? Deal?” Ramdam niya ang panlalaki ng mga mata ng kaniyang kaklase, gano’n na rin ang gulat ni Sir Fuentes na natulala. “Ha! Ikaw! Huwag mo nga akong patawanin, Miss Fang. I won’t fall for your tricks.” “Pero sir, isn’t it a good deal. If I fail, you can directly transfer me to Class F. Ano sir? Deal?” Nagtama ang mga mata ni Sir Fuentes at Ruella. The old teacher saw naked provocation in Ruella’s eyes and couldn’t help feeling provoked. Sa huli, tumango-tango si Sir Fuentes. “Tingnan natin. Let the whole Class C be our witness. Kapag nagawa mo nga ‘yon ay ipapakalbo ko na ang buo kung ulo.” “Deal, sir!” Hindi makapaniwala ang lahat, ngunit gaano man sila ka-shook ay nagsimula na mag-lecture si Sir Fuentes at wala silang magawa kundi makinig at dali-daling mag-jot down habang prinoproseso pa rin ang pinasok nilang trouble na pinangungunahan ni Ruella. D*mn, what did just happen?! Did she just dug a pit for the whole Class C!?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD