Lumipas pa ang mga araw at naging regular ang pag-uusap nila Lenna at Larry through chats and videocall at mas naging malapit pa nga ang dalawa sa isa't-isa dahil ngayon ay komportable na sila sa halos lahat ng bagay.
That Monday morning ay nakatanggap ng tawag si Lenna mula sa lawyer na siyang nagha-handle para sa hatian nila ng conjugal properties ni Harold at ayon dito ay lumabas na daw mula sa korte ang mga makukuha ng bawat isa kaya kailangan niyang pumunta sa Fiscal office para malaman kung ano ang makukuha niyang parte.
Within that 3 years na naging mag-asawa sila ni Harold ay madami din silang naipundar na property including 2 cars, 3 doors apartment at mga lupang nabili nila including nga sa property sa Bulacan na kung saan ito nagpatayo ng bodega, na siya mismo ang bumili sa sarili niyang pera.
Alas-dos ng hapon ang napag-usapan nila ng lawyer at siguradong magkikita na naman sila doon ng ex-husband niyang si Harold.
Nagpaalam siya sa boss nila sa bangko para makapag-half day lang para makapunta sa opisina ng Fiscal kaya agad na siyang nag-umpisa sa trabaho.
"Beks--- lafang na tayo ng lunch, tom jones na aketch." Nakangusong saad sa salitang bakla sa kanya ni Brianna, gutom na daw ang bruha.
Nag-angat siya ng tingin at saglit lang sinulyapan ang beki niyang kaibigan.
"Mauna ka na bakla--- mamaya na ako, I need to finish my job bago ako pumunta sa Fiscal office." She told him at tuloy lang sa trabaho.
"Bakit ka pupunta sa Fiscal office, beks?" Kunot ang noong tanong ng tsismosa niyang kaibigan.
"Tumawag 'yung lawyer namin at sinabing nahati na daw ang properties na naipundar namin noon ni Harold at kailangan kong pumunta para malaman ang parte ko." Imporma niya kay Brianna.
"Wow talaga ba beks--- ano kasali ba doon sa hahatiin yung sa Bulacan na tinayuan ni Harold ng bodega?" Tanong ng kaibigan na nangalumbaba na sa harap niya at atat sa tsismis.
"Oo, malamang kasali yun, pati yung iba pa naming naipundar na property." Saad ni Lenna na abala ang atensyon sa trabaho.
"Hay naku beks--- sana naman fair ang hatian nyo,
oh siya una na akong lumafang ha, balitaan mo ako pagdating mo." Sambit ni Brianna bago umalis sa harap niya para magtungo sa cafeteria.
Madali na niyang tinapos ang ginagawa at nang mamataan ang oras ay agad na siyang naghanda para pumunta sa Fiscal office.
Nag-didrive si Lenna ng maalalang i-chat si Larry para sagutin ang chat nito kanina na tinatanong kung kumain na ba siya ng lunch.
Sweet at very thoughtful ang binata at medyo pilyo din kaya naman hindi nakakapag takang agad niya itong nakapalagayan ng loob.
'Hi Larry, sorry ngayon lang ako nakasagot busy kasi ako kanina.'
Ang laman ng mensaheng ipinadala niya sa binatang seaman.
After awhile ay nagreply naman ito agad.
'Ayos lang, bebeloves nasa work na ako, ingat ka ha at kumain ka na.' Sagot ng chat nito na siyang iki-nangiti naman niya.
Pagkatapos nilang magpalitan ng ilang mensahe ay nag-focus na siya sa pagdi-drive papunta sa Fiscal office.
Nang makarating siya doon ay nadatnan na niya si Harold na naroon kaharap sa upuan si Atty. Marquez ang kanilang lawyer.
"Hi Lenna." Bati ng abogado sa kanya.
"Hello kumusta po atty.?" Ganting bati niya sa lawyer.
Tinapunan lang niya ng sulyap si Harold na nakatingin din sa gawi niya.
Umupo siya sa tapat nito at nagsimula na silang i-discuss ang mga hahatiing properties.
"So since you both agreed before that the house na tinirhan 'nyo ay ipinaubaya mo na Lenna kay Harold ay of course sa kanya iyon mapupunta. Ang paghahatian 'nyo na lamang ay iyong mga properties at ilang mga gamit na napundar 'nyo during your marriage."
Pagsasaad ni Atty. Marquez na hawak-hawak ang ilang documents including ng mga titulo ng lupang nabili nila noong kasal pa sila ng ex-husband.
"Im planning to sell the 3 doors apartment at paghahatian na lang namin ni Lenna ang mapagbebentahan atty." Ani Harold na kay atty. Marquez nakatuon ang atensyon.
Napatingin siya agad dito. Pero hindi na umimik pa dahil iyon naman talaga dapat ang gawin ang ibenta na lang at paghatian ang bayad.
"So Lenna payag ka ba sa gustong mangyari nitong si Harold?" Atty. Marquez asked her.
"Yes it's okay." Tipid niyang sagot at hindi na nakipagtalo pa.
Sumunod namanng nilang pinag-usapan ang tungkol sa iba pang properties hanggang sa dumako ang usapin tungkol sa lupa na nabili nya noon sa Bulacan.
"About that land atty. ang gusto ko sana ay bayaran na lang ako ni Harold dahil nagpatayo na naman siya ng bodega niya doon at ang lupang iyon ay ako naman ang bumili sa sarili kong pera." Saad niya na sumulyap sa gawi ng dating asawa.
"Why would I do that? It's a conjugal property kaya paghahatian din natin ang lupang yun--- but if you want I will just pay your share of that land." Harold told her na prenteng nakaupo at nakatingin sa kanya.
Napatiim bagang siya sa sinabi nito.
'Babayaran niya lang yung kalahati? Ang kapal naman talaga ng mukha ng ganid na 'to!', naiinis na hayag niya sa isip laban sa lalaki.
"Bayaran mo ng buo, dahil akin naman 'yun--- bakit ba sobrang selfish mo ha! Iyong bahay na kung tutuusin din ay may karapatan ako ay hinayaan ko nalang sayo dahil pera mo naman ang ibinili mo 'nun, pero bakit ikaw hindi mo maibigay sa akin ang lupa kong 'yun sa Bulacan at talagang gusto mo pang makihati!"
Di na napigil ni Lenna ang sariling sumbatan ang dating asawa dahil sa pagka ganid nito. Sobra talaga ang inis na nararamdaman niya at gusto niya itong sampalin para matauhan.
"Well--- hindi ko 'yun gagawin para sayo Lenna, kung ano ang nasa batas ay 'yun ang masusunod---- Tsaka ano pa bang gusto mo lahat ng properties na naipundar ko din ay hahati ka." Nakangising turan nito na parang inaasar pa siya.
Ang mga properties na sinasabi nitong napundar nila ay may pera din naman siya dahil ito nga mismo noon ang nagsabi sa kanya na mag-loan para mabili ang mga iyon kasama ng 3 doors apartment na tinutukoy nito kanina.
"Sige Harold papayag na ako na hatiin ang lupang 'yun sa Bulacan tutal naman hindi ko iyon ikayayaman---- pero iyong bahay natin ay makikihati na rin ako tutal naman conjugal property pa rin iyon at wala pa akong pinirmahang kasulatan na ipina-uubaya ko na sayo iyon."
Taas ang noong sikmat niya sa dating asawa at nakipagsukatan ng tingin sa lalaki.
Nakita niyang napakuyom ito ng kamao. At tinignan siya ng masama.
"What the hell is that you're saying Lenna! Hindi pwedeng makihati ka sa bahay na 'yun dahil pumayag ka nang ipaubaya iyon sa akin and now babawiin mo!" Singhal niya at halatang galit na.
Kung dati ay nai-intimidate siya sa galit nito ngayon ay hindi na, she's not scared of him anymore kaya sinalubong niya ang galit na mukha nito.
"Well nagbago na ang isip ko." She said smirking at bumaling sa atty.
"Ahmm atty. pwede pa namang makihati sa bahay diba kasi wala naman akong pinirmihang kasulatan." She asked the lawyer.
"Yes Lenna, pwede pa kasi kasali naman 'yun talaga sa conjugal property ninyo." Sagot ng abogado na parang natetensyon na sa pagbabangayan nila ni Harold.
"I won't allow that Lenna!
That house is just mine and you doesn't have the right para makihati pa!" Halos pasigaw ng saad na nito mukhang galit na talaga pero hindi siya nagpatinag.
"Pwes-- alisin mo ang bodegang ipinatayo mo sa lupa ko!,
Tapos ang usapan kung ayaw mong ibigay ng buo ang lupa ko sa Bulacan ay makikihati din ako sa bahay mo." She said na buong-buo ang confident sa tinig tsaka tumayo at bumaling ulit kay atty. Marquez.
"Atty. Just call me na lang kung na-settle na lahat ng mga shares ko sa hatian namin---- mauuna na ako." Saad at paalam niya sa abogado at ni hindi na tinapunan ng tingin si Harold na malamang ay halos umusok na ang bumbunan sa sobrang galit.
Dali-daling lumabas si Lenna sa Municipal trial court kung nasaan ang opisina ng Fiscal.
Pero hindi pa man siya nakakalayo ng may marahas na kamay ang humila sa braso niya at nang tingalain niya ay nasalubong ng mata niya ang galit na mukha ni Harold.
"Ano ba! Bitiwan mo nga ako!" Piksi niya sa braso at pilit hinihila ang kamay mula sa pagkakahawak nito pero mas diniinan pa ni Harold ang paghawak sa braso niya.
"Walanghiya ka Lenna! Talagang matapang ka na ngayon ha!--- Im telling you bawiin mo ang sinabi mo kay Atty. Marquez tungkol sa bahay ko dahil hindi ako papayag na makikihati ka doon!" Halos mag-apoy ang matang sikmat nito sa kanya, pero hindi siya nagpatinag sa pananakot nito.
"Kausapin mo nalang ako kung babayaran mo na ng buo ang lupa ko." She told him na relax lang ang mukhang bumaling dito.
Napatiim bagang si Harold at akma siya nitong sasampalin ng bigla siyang sumigaw kaya napahinto ito.
"Ano ha? Sasaktan mo ako!
Sige Harold at ng tuluyan na kitang idemanda---
hayop ka talaga! Kung noon ay nagagawa mo akong pagbuhatan ng kamay sa tuwing nagagalit ka, pwes ngayon hindi na ako papayag!"
Halos sigaw niyang sumbat dito at galit na pilit binabawi ang brasong hawak pa rin nito.
Oo noon ay madalas siyang makatikim ng pananakit nito. Kung hindi sampal ay hahawakan nito ng mahigpit ang pisngi niya o di naman kaya ay itutulak.
Lahat iyon ay tiniis nya noon sa piling nito at ni wala siyang pinagsabihan dahil nahihiya siyang sabihan ng mga taong kasalanan din niya dahil masyado siya noong nagpadalos-dalos sa pagpapakasal sa lalaki, kaya pinili na lamang niyang manahimik at kimkimin ang pananakit nito noon sa kanya.
*to be continued*