Nang makarating sa apartment sila Lenna at Brianna ay agad na siyang pumasok sa kanyang silid para magbihis.
She was very tired that day dahil sa dami ng trabaho at client na dapat na pakiharapan. Ang sarap nang ihiga sa kama ang pagod. She thought.
After she got change ay lumabas na siya ng kwarto para maghanda ng hapunan nila ni Brianna pero laking gulat niya nang paglabas niya ay bihis na bihis naman ang bakla.
"Hoy bakla-- bihis na bihis saan ang punta mo?" takang tanong niya sa kaibigan.
"Nag-chat si jowa may importante daw siyang sasabihin girl, pupuntahan ko lang ha. Kumain ka na lang diyan." turan ni Brianna na madali nang lumabas ng apartment.
Napapa-iling na lamang siya habang nakatingin sa pintong nilabasan ng baklang kaibigan. 'talaga lang bakla--hindi ka makatiis!' gigil na hayag niya sa sarili patungkol sa kaibigan.
Nagtungo siya sa may ref para tumingin ng pwedeng kainin, at dahil sa tinatamad siyang magluto ay kumuha na lamang siya ng instant noodles at isang itlog para iyon ang kanyang kainin for dinner.
Pagkatapos niyang kumain ay nag-decide siyang manood ng movie pero hindi naman niya type lahat ng mga movie kaya kumuha na lamang siya ng beer at uminom na lamang para kahit paano ay matanggal ang kanyang stress sa trabaho.
Nakadalawang lata na siya ng beer nang tumunog ang kanyang cellphone, kinuha niya iyon at nakita niya ang pangalan ni Larry sa screen. Medyo nahihilo na siya that time when she answered his call.
"Hello Lenna!" masiglang bati ni Larry sa kanya.
"Oh hi! Mister seaman kumusta?" namumungay ang matang tanong niya sa lalaki.
"Umiinom ka?" he even asked her nang namataan siguro ang beer na nasa tabi niya.
Itinaas ni Lenna ang beer na hawak-hawak.
"Ah eto? Oo umiinom ako, Cheers!" saad niyang itinaas pa sa ere ang beer sabay tungga.
"Hey Lenna, wag kang maglalasing ha." bakas ang pag-aalala sa tinig ng binata habang nakatingin sa kanya.
"Hmmnn-- hindi noh, I just want to sleep easily later." saad niyang namumungay na ang mata dahil medyo natamaan na siya sa nainom.
"Are you okay?" tanong pa nito nang mapansing malungkot siya.
Lenna stare at him at bigla siyang natigilan. Okay pa ba siya?' tanong niya sa sarili.
Nag-umpisang pumatak ang luha sa mga mata ni Lenna and before she realize it ay bigla na lamang niyang naipakita sa lalaki ang kanyang vulnerability.
"O-okay naman k-kahit na minsan naaiisip ko pa rin ang mga maling desisyon ko sa buhay." garalgal ang tinig na himutok ni Lenna kay Larry.
"May problema ka ba?--- pwede mo namang sabihin sa akin ang kahit ano, Lenna." tugon ni Larry trying to pacify her.
"W-wala naman akong problema--- p-pero bakit ganun ang lungkot ng pakiramdam ko ngayon." di na napigil ni Lenna ang sarili and she broke down in tears in front of him.
"Im here Lenna, pwede mong sabihin sa akin lahat, makikinig ako." Saad ni Larry na biglang nakaramdam ng awa para sa dalaga.
"He still makes me feel so low, kahit wala na nga siya sa buhay ko." She uttered at muli ay tumungga sa hawak niyang beer.
"You're too special for me Lenna, and you're the strongest woman I've ever met." he told her na pinapagaan ang loob niya.
"Hindi yan ang nakita ni Harold sa akin eversince-- para sa kanya isa lang akong mahinang klase ng babae na laging naka-asa sa kanya." malungkot ang tinig na sambit niya.
Mula nang magpakasal kasi sila noon ni Harold ay hinayaan na niya itong kontrolin ang buhay niya dahil nga sa sobrang pagmamahal niya noon sa lalaki, but that was the biggest mistake she'd ever done dahil sa masyado siya nitong minaliit noon. At ngayon na wala na nga sila ay ganoon pa rin ang tingin nito sa kanya.
"Don't waste your time trying to please that bastard Lenna, hindi niya deserve na pag-aksayahan mo pa siya ng panahon." saad ni Larry na seryoso ang mukhang nakatingin sa kanya.
"Alam mo ba na halos madurog ang pagkatao ko noong mawala ang anak namin dahil sa kagagawan niya--- ginawa ko ang lahat ng gusto niya noon, naging sunod-sunuran ako sa kanya to the extend na para na akong walang sariling desisyon dahil siya lahat ang in-control sa buhay namin---- sambit niya, sabay singa ng sipon dahil sa pag-iyak.
"Sana hindi na lang ako noon nagpakasal sa kanya kung alam ko lang na ganun pala ang ugali niya.",
Hindi na napigilan ni Lenna na ibuhos kay Larry ang lahat ng sama ng loob na meron siya para kay Harold na noon pa niya kinikimkim.
"Ang tanga niya para sayangin ang isang tulad mo Lenna." he told her and pouted his lips to give her a virtual kiss.
Napasinghot si Lenna at kahit paano ay gumaan ng konti ang loob niya. Oo nga at hiwalay na sila ni Harold legally pero bakit hanggang ngayon ay naapektuhan pa rin siya sa kahit na anong bagay tungkol dito.
"Are you feeling better now?" tanong binata sa kanya kapagdaka. Bahagya niyang pinunas ang luha at tsaka tipid na ngumiti sa kausap.
"S-salamat sa pakikinig ha at pasensya ka na pati ikaw nadamay sa stress ko sa buhay." natatawang turan niya na ngayon ay magaan na ang loob sa binata.
"Ayos lang yun ganda, Just call me kapag nakakaramdam ka ng lungkot at handa kitang damayan, malakas ka kaya sa akin." pilyo ang ngiting saad ni Larry sabay kindat kay Lenna.
"Ikaw ha mambobola ka din talaga." natatawang hayag niya but deep inside her ay biglang may kakaibang kilig siyang naramdaman.
"Hindi ako nambobola, lahat ng sinasabi ko sayo ngayon ay totoo from the buttom of my heart, miss beautiful." turan pa nito na abot hanggang tenga ang pagkakangiti.
At kung ano-ano pa ang napag-usapan nila ng binatang seaman hanggang sa hindi na nila namamalayan na lumalalim na pala ang gabi kasabay ng paglalim din ng nararamdaman nilang pagka-gusto sa isa't-isa.
Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan nila afterwards at para silang naubusan na ng pag-uusapan.
"Ah-- Larry, it's getting late na, So paano sa susunod na lang ulit tayo mag-usap." basag ni Lenna sa pananahimik bigla ng binata. She saw the sadness in his eyes na labis naman niyang ipinagtaka.
"I still wanted to talk to you Lenna." he uttered softly, mababakas sa tinig ang lungkot.
"Okay ka lang ba, may maitutulong ba ako mukha kasing malungkot ka?." tanong niya sa binata.
"Oo Lenna sobrang lungkot dito sa barko-- puro trabaho lang kasi kami tapos minsan sa sobrang pagod ay matutulog na lang at wala ng oras para mag-realax." sambit nito. Naisip niyang sobra sigurong pagtitiis ang dinaranas ng marino kapag nasa barko ang mga ito. Imagine na ang tanging nakikita nila doon ay ang malawak na dagat at nasa loob lamang sila ng barko sa loob ng ilang buwan o kung minsan ay aabutin pa ng isang taon. Kaya hanga din siya sa tatag ng mga kagaya ng binata.
"W-wag kang mag-alala Larry, from now on magiging magkaibigan na tayo at pwede mo akong kausapin whenever you feel sad or kapag kailangan mo nang kausap." nakangiting saad niya dito.
"Talaga ba Lenna? So pwede na kitang ligawan?" mapanuksong tanong nito.
Bigla niyang tinaasan ng kilay ang binata sa tinuran nito.
'Hokage moves din ang isang 'to.' sa isip-isip niya.
"Anong ligawan yang pinagsasabi mo Mister seaman-- Ayoko ng ganyan ha, ang sabi ko magkaibigan lang tayo." aniya na ipinagdiinan pa ang salitang 'magkaibigan lang sila'.
"Ha? pero Lenna naman baka naman pwedeng bigyan mo ako ng chance, besides we both are free-- binata naman ako at ikaw single ka na ulit, So why don't we try?" giit pa ng binata na talagang pursigido sa gusto nitong mangyari.
"Ayoko Larry, hindi pa ako handa para sa bagay na yan." sagot ni Lenna kay Larry sa seryosong tinig.
"Are you scared to get hurt again?" tanong nito.
Napa-isip siya at pinakiramdaman ang sarili. Oo natatakot pa siyang pumasok sa isang seryosong relasyon sa ngayon dahil na rin sa hindi magandang kinahinatnan ng kasal nila noon ni Harold at ayaw na niyang maulit pa 'yun kaya naman kung maaring iwasan ay iiwasan na lamang niya.
"Sige na matulog ka na---you need to get rest dahil may trabaho ka pa bukas." pag-iiba ni Lenna sa usapan nila at agad na siyang nag-paalam sa binata. Ni hindi na niya ito hinintay na sumagot pa at pinatay na ang tawag.
After nang pag-uusap nila ng binata ay para siyang nahimasmasan sa nainom na beer. Hindi niya mapaniwalaan ang sariling damdamin dahil parang ang bilis niyang magtiwala sa lalaking kelan lamang niya nakilala and worst online pa, although nakita naman na niya ito ng personal pero hindi pa rin sapat 'yun para lubos siyang magbigay ng tiwala agad-agad dito. Pero ang gaan ng loob niya kay Larry at agad siyang naging komportable na kausapin ito kahit through chat and videocall lang.
*to be continued*