Agad nagbihis nang pambahay si Lenna at naghanap ng mailulutong pagkain sa fridge. Nakakita siya ng sausage at iyon na lamang ang inilabas niya para prituhin. Siguradong hindi na naman uuwi para kumain doon ang kaibigan niyang bakla dahil sa malamang ay naroon na naman ito sa jowa nitong salesboy.
'Hay naku Brianna, pag ikaw ay nabuntis-- naku! ewan ko nalang.' bulong niya sa sarili na bahagya pang natawa sa naisip dahil kung babae nga lang na tunay ang kaibigan ay matagal na malamang itong nabuntis sa palagiang pagpunta sa boylet nito.
Habang kumakain ay bigla namang nag-ring ang cellphone niya na nasa tabi lang naman niya.
Kinuha niya iyon at nakita niya ang pangalan ni Larry sa screen, tumatawag ang binatang seaman.
Pinalipas muna niya ang ilang sandali bago sagutin ang tawag nito para naman hindi halatang na-excite siya na maka-usap ito, tumikhim muna siya bago pinindot ang answer button.
"Hello beautiful!" Maluwang ang ngiting bungad na bati ng binata.
Kunwari siyang umismid but deep inside syempre natuwa siya, masyado kasing wagas makapambola ang isang 'to, sa isip niya.
"Anong kailangan mo?" kunwaring pagtataray niya dito sabay subo ng paharap sa hotdog na kinakain.
Nakita niyang namilog ang mata ng binata na parang nagningning pa habang nakatingin sa kanya, and when she realize it ay natigilan siya.
Paano ba naman ay pulang hotdog ang kinakain niya at kinagat pa niya iyon paharap at alam niya kung ano ang nasa isip ng malisyosong seaman.
Naka-isip ng kapilyahan si Lenna para takamin ang binata.
"Ang sarap nitong hotdog, mainit-init pa kasi." Nakangising turan niya sabay kagat ulit na parang nanunukso sa hawak na hotdog na nakatusok sa tinidor.
"Masarap din ang hotdog ko." pilyong sambit ni Larry na ngayon ay nakatitig na sa kanya ng malagkit at parang nanunukso rin.
"Ah talaga ba?-- sobrang juicy kaya ng hotdog ng tender juicy." natatawang saad niya sabay subo ng paharap ulit sa kinakaing hotdog, teasing him as well.
"Ma-juicy din 'yung akin, matigas pa nga eh." ganting pakiki-sakay nito sa kapilyahan niya.
"Nakakabulon ba 'yang hotdog mo Mister seaman?" Nakangising pakikisakay niya sa hirit nito.
"Hindi ka mabubulunan dahil tiyak swak na swak 'to sayo Lenna-- hahaha." Pilyong turan nito sabay tawa sa sinabi.
Hagalpak na ng tawa si Lenna sa takbo ng usapan nila ng binata tungkol sa hotdog. Maya-maya ay natahimik sila pareho parang biglang nagkailangan.
"Ikaw lang bang mag-isa diyan sa apartment mo Lenna?" tanong nito kapagdaka. Tapos na siya noong kumain at kumukuha na siya ng tubig para inumin.
Napabaling siya dito. "Pumunta yung kaibigan kong kasama ko dito sa bahay sa jowa niya, kaya ako lang mag-isa ngayon dito." sagot niya sa tanong ng binata.
"So you're all alone?" ulit nito sa sinabi. kunot-noong tinignan niya ang lalaki.
"Oo nga ako lang-- bakit ba ha?" bigla siyang nairita sa kausap.
Napangisi ang binata.
"Init agad ng ulo---
Ahh Lenna ayos lang ba kung mag-usap muna tayo tutal naman wala kang kasama diyan ngayon." He uttered at umayos ng higa.
"Ano pa nga bang ginagawa natin eh diba nga nag-uusap na tayo." usal niya habang nagliligpit ng pinagkainan niya.
"Oo nga--- napakamot sa ulong turan nito.
"Ano pala pinagtalunan 'nyo nung ex mo kanina at mainit ang ulo mo?" Dugtong na tanong pa ulit ng binata.
Biglang naalala ni Lenna ang inis na naramdaman niya para kay Harold kanina.
"Hay naku nakaka-stress ang lalaking yun, pinuntahan niya ako sa office para lang sirain ang araw ko." di na niya napigilang ibulalas kay Larry ang inis na nararamdaman niya sa ginawang pang-iimbyerna sa kanya ni Harold kanina.
"Oh wag nang ma-stress ang ganda-ganda mo para lang ma-stress sa lalaking 'yun." pagpapa-gaan nito sa pakiramdam niya.
"kaya nga eh, naku wag na natin siyang pag-usapan. Ikaw kumain ka na ba?" pag-iiba niya sa usapan nila ng binatang seaman.
"Ikaw na lang ang kainin ko." pilyo ang ngiting tugon nito na mababakas ang pakikipag-biro sa tinig.
Natawa lang si Lenna dahil alam niyang nag-fiflirt na naman ang binatang seaman sa kanya.
"Baka hindi mo ako maubos." pakikisakay niya sa kapilyuhan nito.
"Hahaha--- baka mabitin pa kamo ako." tawang turan nito tsaka sila sabay nagtawanan. Naging magaan agad ang loob niya sa binata sa iilang araw pa lamang na nagkaka-usap sila sa videocall at sa chat, para ngang matagal na silang magkakilala kung magbatuhan ng joke as in green jokes.
"Sige na matulog ka na dahil baka may trabaho ka pa bukas." Pagputol niya sa usapan nila bago pa kung saan mapunta.
"I really enjoyed talking to you Lenna. Sige good night." He said and even smiled at her tenderly.
"Ako din Mr. Seaman, buti na lang nakaka-usap kita atleast kahit paano ay nalilibang din ako. Mag-ingat ka diyan. bye." saad niya sabay patay sa end call after nila magpaalam sa isa't-isa.
Napabuntong-hininga siya after niyang makipag-usap sa binata, tsaka pa-simpleng ngumiti tanda ng tuwa dahil sa nagkaka-palagayan na sila ng loob ni Larry.
*****
Lumipas pa ang ilang araw at nabalitaan ni Lenna na itinuloy pa rin ni Harold ang plano nitong pagpapatayo ng bodega sa property niya sa Bulacan. Nag-init ang ulo niya sa nalaman kaya agad niya itong tinawagan.
"Hello?" narinig niyang sagot nito sa kabilang linya.
"Talaga nga namang ang kapal ng mukha mo ano? itinuloy mo pa rin talaga ang pagpapatayo ng bodega sa property ko kahit hindi naman ako pumapayag!" agad na ratrat niya sa ex-husband niyang si Harorld.
"Huh! Diba sabi ko naman sayo kahit wala ang pahintulot mo ay itutuloy ko pa rin." saad nito sa nakakalokong tinig.
Lalo siyang nakaramdam ng ibayong galit sa lalaki.
"Talagang ganid ka Harold! Yung bahay mo na kung tutuusin ay conjugal property din sana natin ay hinyaan ko na sayo at ni hindi na ako nakihati pa dahil alam kong pera mo 'yung ginastos mo doon! tapos ikaw alam mong pinaghirapan ko sa pagta-trabaho ang pinambili ko sa lupang iyon ngayon ay aangkinin mo din! Saan ka ba kumukuha ng kapal ng mukha ha?!"
Nanggagalaiting sikmat niya sa kausap. Sobrang bilis ng pintig ng puso niya at gusto niya itong sampalin, baka sakaling magising ito sa katotohanan.
"Alam mo Lenna wala ka din naman magagawa eh dahil kahit pumunta ka pa sa korte lalabas pa ring may karapatan ako sa property na 'yun. tsaka ano bang ikinagagalit mo eh kaunti lang naman ang nagamit sa bodega ko--- kung gusto mo iyong patayuan ng bahay ay pwede pa rin naman." hirit pa nito na parang relax pa ang boses sa pagsasalita.
"Ano? alam mo ba yang sinasabi mo ha? paano ako makakapag-patayo ng bahay kung sa gitna mo pa pinatayo ang lintik na bodega mo. Ang kapal-kapal mo talaga!." hiyaw na niya sabay patay sa tawag dahil wala din namang silbi ang pakikipag-usap niya sa lalaking singkapal ng semento ang mukha.
'Bwisit ka!' sambit niya matapos na maibaba ang tawag.
"Uy besh-- anyare sayo? Para kang nakipag-gyera ah." bungad ni Brianna na nasa harap na pala niya. Nasa labas siya ng banko dahil sa pagkontak niya kay Harold.
"Paano ba naman yang Harold na yan, sobrang kapal ng mukha! akalain mo ba namang itinuloy pa rin ang pagpapatayo ng bodega sa lupang nabili ko noon." Umpisa niyang pagku-kwento kay Brianna, halos umusok ang ilong niya sa galit.
"Ha? ginawa niya 'yun? Ibang klase talaga yang ex mo besh--- mautak talaga, alam niya kasing may karapatan siya dahil kasal na kayo noong nabili mo iyon." tugon ni Brianna na iiling-iling pa.
"Oo nga kaya ang lakas ng loob niya. Hindi man lang niya inisip na pera ko naman yung ipinambili ko doon sa lupang 'yun, sana man lang hinayaan na niya sa akin diba." Masama ang loob na himutok pa niya.
"Hayaan mo na besh--- makakabili ka pa naman ng ibang property, teka bakit hindi na lang kaya niya bilhin 'yun sayo?." biglang saad ni Brianna. Napalingon siya bigla sa kaibigan ng ma-realize na may punto ang sinabi nito.
"Ayun na nga at wala atang balak ang hudas na'yun na kahit man lang bayaran nalang sana ang lupa. Kilala ko si Harold Brianna at sobrang ma-utak niyang tao at malamang hindi iyon papayag na bayaran ang lupa sa akin." hayag niya. Bigla siyang napanghinaan ng loob dahil sa mga pangyayari.
"So anong balak mo besh?" tanong ni Brianna. Napailing siya dahil hindi din niya alam kung ano ang magiging aksyon niya sa bagay na iyon.
"Hindi ko alam bakla--- pero kailangan niyang matutong rumespeto, kung iniisip niyang hahayaan ko na lang siya sa gusto niyang gawin ay nagkakamali siya." determinado ang tinig na hayag niya.
Kinalma muna niya ang sarili bago sila sabay na pumasok ni Brianna sa loob ng banko para magtrabaho.
After ng office hour ay nakatanggap naman si Lenna ng chat message mula kay Larry asking her kung pwede daw ba itong tumawag. Kababalik lang ang reception nito ng signal dahil nasa port daw ang mga ito kaya pag ganoon ay sinasamantala nito iyon para matawagan siya.
Nasa loob na siya ng kotse at pauwi na, kasama niya si Brianna na parang may LQ yata sa jowa nito at hindi doon dumiretso.
"Wait lang bakla-- tatawag daw si Mr. seaman." pasintabi niya sa kaibigan na agad namang sumilay sa labi ang nanunuksong ngiti.
"Uyyy--- ang landi mo ha." panunukso nitong pabiro pa siyang kiniliti sa tagiliran.
Inirapan niya ito pero nakangiting pinindot ang answer button.
"Hello ganda!" masayang bungad ni Larry at as usual ang ngiti nito ay abot na naman sa tenga.
"Kamusta ang mga isda?" biro niya sa binata habang si Brianna ay parang kinikiliti ang singit sa kanyang tabi.
"Ha? ayos naman--buti pa ang isda kinamusta mo, eh ako ba hindi mo ba ako na-miss?" tanong nito na may himig pagtatampo.
Natawa siya ng pagak sa pagtatampo nito.
"Aysus naman, eh kamusta ka naman nawala ka ng ilang araw ha." bawi niya sa sinabi dito kanina.
"Okay lang naman ako-- Na-miss kita ng sobra Lenna." seryosong sambit ni Larry na nakatitig ng matiim kay Lenna.
"Ayieee ang mga langgam ayarn na." tili bigla ni Brianna na hindi na nakapagpigil pa. Tinapunan ni Lenna ang kaibigan ng masamang tingin.
"Ah Larry, pwedeng mamaya ka nalang tumawag pauwi na kasi kami, kasama ko si Brianna." pagbibigay alam niya sa binata dahil baka kunga ano-ano pa ang mabanggit nito sa harap ng kaibigan niya.
"Okay sige Lenna, tatawagan na lang kita pag naka-uwi na kayo. Ingat ka sa pagdi-drive."tugon nito bago niya pindutin ang end call button.
"Hay naku naman Lenna kaya pala ang ningning ng mga mata mo these past few days dahil inspired ka pala. LDR is real." hirit agad ni Brianna ng maibaba niya ang cellphone.
Binalingan niya ang kaibigan at tinaasan ng kilay habang nagsimula nang magmani-obra ng sasakyan.
"Gaga! LDR ka diyan!, hindi ba pwedeng magka-chat lang LDR agad?" patuyang turan niya sa kaibigan sa panunukso nito.
"Oh bakit doon din 'yun mapupunta bakla--- sus kunwari ka pa diyan eh halata namang kinikilig ka sa shokoy na 'yun." tawang-tawa pa nitong kantiyaw sa kanya.
"Well cute din naman siya bakla at ang macho!." di na niya napigilang saad. Naglaro sa imagination niya ang napaka-kisig at mala adonis nitong hot body na nasilayan niya noong minsang natawagan niya itong bagong ligo.
"Ayieee!! ang landii mo girl." saad ni Brianna na naaliw sa kalandian niya. Nagkatawanan sila ng kaibigan habang binabagtas ang kahabaan ng daan pauwi sa kanilang apartment.
*to be continued*