Chapter 9

1526 Words
"Uy beshie-- kumusta naman yung ka-chat mong seaman ha? Ano nag-do na ba kayo?" Nakangising tanong ni Brianna kay Lenna habang kumakain sila sa may canteen. Lunch break nila noon sa pinapasukang banko. "Anong nag-do ang sinasabi mo diyan bakla?" Kunot-noong tanong niya sa kaibigan. "Hala! Kunwari di alam, 'yung ano besh nag-online sex." Sambit nitong ngiting-ngiti ng maluwag habang nakatunghay sa gawi niya. Muntik pa niyang maibuga ang kinakain sa labis na gulat sa sinabi nito. "Sira ka ba Brianna ha?!, nanlalaki ang matang sikmat niya sa baklang atrabida. "Grabe ka namang maka-react girl--- hoy Lenna nasa new generation na tayo ngayon 2021 na at hindi na uso ang pa-inosente noh." Sambit nitong tumikwas pa ang daliri sabay subo sa kinakain nitong saging na parang nagsusubo ng ari ng lalaki dahil sa dinidilaan pa nito iyon bago kagatin habang nang-aasar ang mukhang nakabaling sa kanya. Halos manlaki ang ulo ni Lenna sa pangangantiyaw ni Brianna at namula ang kanyang magkabilang pisngi sa labis na hiya. "H-hindi ko 'yun gagawin noh. At pwede ba wag mo akong itulad sa ibang babae diyan, ni hindi ko nga lubos na kilala yung lalaking 'yun." Sambit niya kay Brianna na nanlalaki ang nguso. On her mind naisip niya kung saan ba hahantong ang pakikipaglapit sa kanya ng seaman na 'yun. Siguro ay gusto lamang nitong may makausap dahil naho-home sick ito sa barko pero aaminin din naman niyang nag-eenjoy siyang kausap ito kahit sa online chat lang. Ilang linggo na din silang magka-chat at minsan katawagan ni Larry at kahit pa minsan ay mahirap ang reception nito ng signal sa barko ay regular naman itong nagre-reach out na sobrang na-appreciate naman niya dahil sa effort na kausapin siya kahit na madalas pa niya itong tarayan. "Wee-- alam mo bhe wala namang masama kung magkamabutihan kayo ni Mr. Seaman kasi single ka na ulit." Hirit pa ng kaibigan. "Hindi ko pa masasabi sa ngayon dahil magkaibigan lang kami 'nun okay." Tugon niya sabay ubos ng pagkain sa plato. She saw him rolled his eyes tanda ng hindi pag-sang ayon pero hindi na din ito umimik pa. Maya-maya after lunch break ay bumalik na ang dalawa sa kanilang trabaho. Nasa kalagitnaan si Lenna ng trabaho ng mag-vibrate ang cellphone na nasa side ng table niya. Kinuha niya iyon at nakita niya ang pangalan ni Larry at tumatawag ito, napakunot-noo siya dahil nasa gitna pa siya ng trabaho. Pinindot niya ang cancel call button at agad nag-type ng message para dito. 'Bakit ba ha?, nasa trabaho ako ngayon.' Ang laman ng message na ipinadala niya sa binata. After a few moments ay nakita niyang sumagot din ito. 'Sorry Lenna, akala ko hindi ka busy. Nasa port kasi kami ngayon at  malakas ang signal kaya I tried to call you.' Ang nabasa niyang reply nito sa mensahe niya. 'It's Okay-- pero pwede bang mamaya na lang kasi busy pa ako.' Sagot niya at agad ng itinabi ang cellphone dahil nag-iikot ang manager nila. Pagkatapos ng trabaho niya ng bandang hapon ay sabay na silang umuwi ni Brianna. Nasa labas na ito at hinihintay siya. "Bakla-- halika na uwi na tayo." Anyaya niya sa kaibigang beki. "Teka beshie-- may dadaanan muna ako mauna ka na, susunod na lang ako." Anya pa at agad nang humalik sa pisngi niya at nagmamadali nang umalis. Napa-buga na lamang ng hangin si Lenna dahil alam niya kung saan na naman pupunta ang kaibigan. Iiling-iling siyang nagtungo na lamang sa kinapaparadahan ng kanyang sasakyan at akmang bubuksan ang pinto ng may tumawag sa pangalan niya. "Lenna!" Narinig niya kaya agad siyang lumingon sa gawi ng nagtawag sa kanya. She saw Harold at papalapit ito sa gawi niya. Kunot ang noong nakasunod ang tingin niya dito. She didn't expect to see him again after na ma-grant ang annulment nila ng lalaki. "A-anong ginagawa mo dito?" Malamig pa sa yelong tanong niya sa ex-husband. "I came here to talk to you regarding sa property na nabili natin sa Bulacan, remember dalawa tayong nakapangalan doon." He told her na ngayon ay nasa harap na niya. Sumama ang mukha niya sa narinig mula rito. 'So, ayun pa rin pala ang concern nito ang mga bagay na mapapakinabang nito. She thought and rolled her eyeball. Naalala niya na ang property na 'yun ay sa kanya ibinenta noon pero dahil kasal na sila ni Harold ay automatic na conjugal property na iyon kahit pa pera lang niya ang ipinambayad nila sa property na 'yun dati. "Oh anong tungkol doon? Don't tell me na makikihati ka pa eh pera ko naman ang pinambayad ko doon 'nun." Sikmat niya na nairita na sa kaharap na lalaki. "I still have the right dahil kasali 'yun sa conjugal property natin and the reason Im talking to you right now is because I wanted to use that property para gawing bodega." Saad nitong parang pormalidad na lang ang pagsasabi nito sa kanya dahil naka-set naman na dito ang plano nito. Biglang kumulo ang dugo niya para dito at tinapunan ng masamang tingin si Harold. "Eh kung sabihin ko sayong ayoko at hindi ko ipapagamit sayo ang property na 'yun para sa pansarili mong interest." Sikmat niya sa lalaki. "You can't do anything, Lenna ako pa rin ang masusunod dahil I still have the right to decide." Aniya pa at tinalikuran na siya nito. Naiwan siyang halos mag-usok ang bumbunan sa sobrang inis at galit kay Harold. 'Ang kapal ng mukha! Saan kaya ito kumukuha ng tapang para itrato pa rin siyang walang silbi. Usal ni Lenna sa sarili. Agad siyang pumasok sa loob ng sasakyan at kinalma muna ang sarili bago magmaneho. Akma na niyang bubuhayin ang makina ng kanyang sasakyan ng mag-vibrate ang cellphone niya  na nasa loob ng kanyang hand bag. Nakita niya ang pangalan ng seaman na si Larry sa screen, ayaw sana niyang sagutin iyon pero hindi naman ito tumitigil sa pag-ring kaya she decided to just  answer his call. "Hello? Ano na naman bang kailangan mo ha?" Mataray na tanong niya dahil hindi pa din nawawala ang iritasyong nararamdaman niya kanina dahil kay Harold. "Wow ang sungit mo na naman Miss beautiful. Halikan kita diyan eh." Tawang-tawa nitong turan and she even saw him pout his lips na parang manghahalik. Inirapan niya ito ng matindi sa pagbibiro nito. "Wag mo akong asarin ha dahil baka sayo ko maibuhos ang labis na inis ko sa ex-husband kong ubod ng yabang!" Sikmat niya at hindi na niya napigilan ang  matinding iritasyon. "Hey--- easy ka lang. Tell me what did he do? Uupakan na ba natin?" Birong saad pa nito na siyang ikinalingon niya sa binata habang naka videocall sila. Kinalma ni Lenna ang sarili at huminga ng malalim. Hindi siya dapat nagpapa apekto sa lalaking 'yun. She even told herself. "Ayoko siyang patulan noh--- tapos na kami at ayoko nang ma-stress pa sa kanya." Sambit niya na ngayon ay bahagya nang kalmado ang pakiramdam. "That's right Lenna, wag kang pa-apekto sa ex-husband mo--- By the way How's your day?" Tanong ng kausap niya sa kabilang linya habang ang luwang ng pagkakangiti na nakatingin sa kanya. "Okay lang kanina, until dumating ang asungot na 'yun." Gigil pa ring turan niya na halata sa mukha ang matinding iritasyon. Natawa naman ng pagak si Larry sa hilatsa ng mukha ni Lenna habang gigil na gigil sa ex-husband nito, ang cute kasi nitong tignan pag nagagalit at mas nakadagdag sa s*x appeal na taglay nito. "Relax ka lang Lenna, anong gusto mong gawin ko para mawala ang inis mo ha?" He asked her at inayos ang pagkakahiga sa kanyang kama. Pahinga na niya ng mga sandaling iyon kaya siya tumawag sa dalaga dahil gustong-gusto niya itong nakakausap. Napataas naman ang kilay ni Lenna sa tinuran ng binata. Nagsimula na siyang mag-drive habang kausap pa rin sa videocall si Larry. "Pauwi na ako, mamaya na tayo mag-usap." Pormal ang mukhang saad niya at pinatay na ang tawag nito hindi pa man ito nakakasagot. Pagkarating sa apartment ay agad niyang initsa ang bag sa sofa at pasalampak na naupo. She was so upset that day at idagdag pa ang pagod niya sa trabaho. Bigla siyang nakaramdam ng ibayong lungkot at pakiramdam ng pag-iisa. Lenna decided to call back Larry dahil sa pakiramdam niya ay kailangan niya ng makakausap. After a few rings ay tumambad na sa harap ng cellphone screen niya ang bagong ligong si Larry, nakatapis pa ito ng towel kaya bigla siyang nahiya. "Hello Lenna--- na-miss mo naman ako agad." Nakangising saad nito sabay pa-cute pa sa kanya. Namula siya dahil sa tumambad ang matitipunong dibdib ng binata sa paningin niya. 's**t! Nakakapang-laway naman ang abs nito' saad ng isip niya at di mapigilang humanga sa ganda ng katawan ng binatang seaman. "M-magbihis ka muna kaya, hindi kita na-miss noh I just need someone to talk." Taas ang kilay na sambit niya kay Larry tasaka madaling pinatay ang tawag dahil bahagya siyang nailang sa ayos nito na nakatapis lang tuwalya. Bigla tuloy nag-init ang mukha niya paano ba naman ay medyo matagal na siyang hindi nakakita ng hubad barong lalaki mula ng maghiwalay sila ng landas ni Harold. *to be continued*
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD