Nang mga sumunod pang mga araw ay naging pursigido si Larry na i-chat si Lenna, ewan ba niya kung bakit pero natutuwa siyang kausap ito. Dahil bukod sa type niya ang dalaga physically ay nae-excite pa siya lalo habang mas nakikilala niya ito.
After ng duty niya sa hapon ay excited na siyang tignan kung may message or update si Lenna, he was just like a teenage boy na inaabangan ang crush na babae.
Agad niyang hinagilap ang cellphone at tinignan ang kanyang notification pero wala ang pangalan ni Lenna doon.
Ayaw niyang buksan ang mga mensahe ng mga makukulit na babaeng naka date niya noon na kusang nagbigay ng mga number ng mga ito para i-chat niya kapag on-board na siya.
Ang pinaka-ayaw niya sa babae ay iyong makulit at demanding sa oras niya.
Larry decided to send a message to Lenna.
'Hi, miss beautiful kumusta ang araw mo?'
And he send it to her.
Maya-maya pa ay narinig niyang tumunog ang cp nya kaya agad niya iyong binuksan.
'Im fine, pero patulog na ako bakit ba ha?' Ang nabasa niyang reply ng dalaga.
At na-realize niyang iba pala ang oras nito sa kanya. 4 hours ahead ito sa kanila ngayon.
'Im sorry Lenna kung naistorbo kita. Na-miss lang kasi kita at katatapos lang ng duty ko.'
Hingi niya ng paumanhin dahil baka naasar na ito sa kanya.
'Ah ganun ba? Bakit anong oras na ba diyan ngayon?'
Tanong nito sa reply na message.
'6pm pa lang dito. Kumusta ang araw mo?' He asked her.
'Ayos naman,
10pm na dito, kaya nakahiga na ako. Kumusta naman 'yung trabaho mo? Ano bang work mo diyan sa barko?' Lenna replied.
'Chief Engineer ako dito. Nakakapagod ang trabaho ng seaman at sobrang nakakalungkot dahil umiikot lang dito sa loob ng barko ang buhay namin.' Kwento niya sa sitwasyon nilang mga seaman sa dalaga.
'Buti kinakaya mo?, pero malaki naman ang sahod niyo kaya worth it na din di ba?' Reply ni Lenna, napapangiti pa siya habang nagpapalitan sila ng mensahe ng dalaga.
'Ayos naman ang sahod, pero tiis-tiis na lang din. Tulad niyan we can't have a normal life na katulad 'nyo especially during days off. Diyan sa atin pwede kang makapag unwind sa mga bar unlike dito na walang ganun.' Saad niya na biglang naging komportable sa pakikipag-chat sa dalaga at napapangiti pa nga siya.
'Pero may mga kasamahan ka naman diyang pinoy din diba, di sila na lang ang yayain mong mag-inuman.'
Nabasa niyang reply ni Lenna.
Naisip niya itong tawagan na lang para makita ito ng harapan, sabik kasi siyang makita ang magandang mukha nito.
He dialled her number at narinig niyang nag-ring iyon, after awhile ay sinagot naman nito ang tawag niya. And he smiled automatically upon seeing her in the videocall.
"Hello Lenna!" Nakangiting bungad niyang bati sa dalaga.
"Bakit ka tumawag?" Instead ay tanong nito. Lalo siyang nabighani sa itsura nito dahil nakita niyang nakasuot na ito ng pantulog.
She's wearing a camisole at medyo naaninag ang kurba ng katawan nito pati ang medyo malusog nitong dibdib.
Larry instantly felt something in his pants reacting by the sight of her.
"Wala lang, I just want to see you. Matutulog ka na ba?" Tanong niyang medyo nahiya dahil sa naistorbo niya ata ito.
"Oo nga eh, pero dahil tumawag ka eto kausap mo na." Saad nitong nakangisi pa sa kanya.
Natawa siya ng bahagya sa pagiging straight forward nito.
"Sorry naman- kakamot sa ulong hingi niya ng paumanhin sa dalaga.
"Ayos lang, kaw naman.
Hindi din naman kasi ako makatulog." Tugon ni Lenna na umayos sa pagkaka-upo.
"Bakit naman? Iniisip mo ba ako?
Hahaha." Natatawang hirit ni Larry to make her feel comfortable sa pakikipag-usap sa kanya.
"Ang kapal mo naman!" Nanlalaki ang matang saad naman ni Lenna at biglang naging mataray.
"Teka- joke lang, ito naman.
Gusto lang kitang patawanin." He told her at titig na titig sa mukha ng magandang dalaga.
"Pwes hindi ako natatawa sa hirit mo Mister seaman na mambobola!" Sikmat ni Lenna sa kay Larry.
"Ang ganda mo pa rin kahit nagagalit ka." Saad ni Larry na mistulang nabato balani sa itsura ni Lenna.
Bahagyang namula ang dalaga sa tinuran nito at nag-iwas ng tingin.
"K-kung wala kang matinong sasabihin ibababa ko na 'tong tawag mo." Biglang turan ng dalaga ng makaramdam siya ng discomfort dahil sa klase ng tingin ni Larry.
"Wag! M-mag-usap muna tayo, please." Pagsusumamo ng binata at mistulang maamong tupa ang itsura.
"Ano ba kasing kailangan mo ha?" Mataray na tanong niya sa binata at pinandilatan pa ito ng mata.
"Wala, malungkot kasi dito and I wanted to have someone to talk." He told her na titig na titig pa rin sa mukha ng dalaga.
"A-ano namang pag-uusapan natin aber?" Tanong niya pa dito.
"Marami, tulad ng kumusta naman ang lovelife mo?" Tanong ni Larry para magbukas ng mapag-uusapan nila.
"Wala akong lovelife dahil I just had an annulment grant sa ex-husband ko!" Sikmat niya sa pang-uusisa nito sa buhay pag-ibig niya.
Nagulat si Larry sa isinagot ni Lenna, he never thought kasi na ikinasal ito before and yes he's aware that she's older than him na hindi naman din issue sa kanya dahil mas nangingibabaw ang atraksyon niya para dito.
Ang pinaka-gusto pa naman niya sa isang babae ay yung may palabang awra at medyo intimidating ang personality and Lenna is exactly that kind of woman. He thought.
"Talaga? So you've been married before." Ang tanging nasambit ni Larry dahil hindi niya talaga in-expect ang bagay na sinabi nito.
"Yes, We've been together for 3 years but things didn't work out kaya we decided to end up our marriage." Saad ni Lenna, hindi niya namalayang nag-oopen up na siya sa binata.
"Is it because of a third party?" Tanong ni Larry out of curiosity.
"No and yes perhaps." She answered at bigla niyang naalala ang dahilan kung bakit siya noon nakunan.
"How's that? Yes and no?" Naguguluhang tanong ng binata.
"Basta ganun. I don't have to tell you all the reasons." Bigla ay naisip niyang nagiging too trusty na siya sa binatang seaman kaya pinigil niya ang sarili at hindi na nagbigay ng iba pang detalye.
"You can trust me Lenna, hindi naman kita huhusgahan and in fact nanggaling din ako sa failed relationship." Saad ni Larry na biglang naging malungkot ang tinig.
Napatitig bigla ang dalaga dito at tila ba ay gusto niyang malaman din kung ano ang nangyari but she wasn't in the right position to do that.
"Ah ganun ba. So naghiwalay din kayo ng girlfriend or asawa mo?" Alanganing tanong niya sa binata.
"My ex-fiance, we suppose to be getting married pag baba ko noon ng barko but unfortunately, I caught her with another man sa mismong bahay ko pa." Malungkot na pagku-kwento ni Larry tungkol sa nangyari sa kanila ni Jelay.
"Im sorry kung naipaalala ko." Hingi ni Lenna ng paumanhin.
"It's okay 2 years ago na din namang nangyari 'yun and I already moved on." He told her at bahagya niyang nginitian ang dalaga.
"Mabuti naman kung ganun atleast okay ka na." Saad niya and smiled back at him.
"Yes and Im ready to find another woman now." Aniya pa ng binata habang naka ngiti ng maluwag.
"Well marami namang isda diyan sa dagat kaya for sure marami kang mabibingwit." Nakatawang turan niya na may himig pagbibiro.
"Hahaha, sirena ba?" Tawang sambit ni Larry at bigla siyang naaliw na makipag usap sa dalaga.
"Hahaha, oo tutal nasa dagat nga pala kayo." Tawang turan din ni Lenna and started to feel comfortable to Larry.
Marami pa silang napag-kwentuhan na dalawa at kung saan-saan napunta ang kanilang usapan hanggang sa hindi na nila namamalayan ang oras.
Pagtingin ni Lenna sa orasan ay alas-dose na pala ng gabi. Nawili siyang makipag-usap kay Larry na sadya nga namang nakakaaliw ding kausap.
"Paano yan Mr. Seaman, kailangan ko ng magpahinga late na kasi dito." Pagpapa-alam ni Lenna kay Larry.
"Oo nga eh pasensya ka na kung naabala ko 'yung pahinga mo." Hingi ni Larry ng pasensya sa dalaga.
"It's okay, I had fun talking to you din naman eh.
Good night ha, ingat ka diyan." Saad niya and even smiled at him.
"Good night din Lenna, have a nice sleep. Thanks for the time." Paalam naman ng binata na sinuklian din ng ngiti ang dalaga.
And they both hang up.
Larry is still smiling habang nakatingin sa cellphone niya. Masaya siya dahil muli ay nakausap ulit niya ang babaeng hinahangaan niya. At naging at ease pa sila nito kaya nakikinita na niyang magiging malalim pa ang magiging ugnayan nila ng dalaga kaya sisiguraduhin niyang mapapasa kamay din niya ang babaeng napupusuan.
Iba talaga kasi ang dating ni Lenna sa kanya. Iyong tipong masarap kausap dahil may sense ang mga sinasabi plus her sexy body and beautiful face ay talagang maswerte siya kung mapapasa-kamay niya ito.
*to be continued*