Unang araw na magkasama

828 Words
"Anung titingin tingin mo diyan?" Baling ni Selena sa Secretary ng daddy niya na bahagyang napangiti! "A.... eh wala po ma'am,, alis na po pala ako may iniutos pala ang daddy mo!" sabay mabilis na pag alis ng secretary ni Senator Inriquez! At padabog na ring nilisan ni Selena ang lugar at di man lang lumilingon kong nakasunod ba sa kanya ang body guard o hindi, hanggang sa papunta siya sa elevator at naisip niyang takasan na naman ang body guard niya kayat mabilis siyang naglakad ngunit di niya inaasahan na sa kakamadali niya ay di niya napansin na may janitor na naglilinis ng sahig my nakalagay pang "beware' wet floor!" dahil basang basa pa ito. Kayat bigla na lamang siya nadulas at ipinikit nalang niya ang kanyang mata at hinintay na bumagsak sa sahig ngunit may naramdaman siyang makikisig na braso na siyang sumalo sa kanya! Hinawakan siya nito sa baywang at nakaalalay ang isang kamay sa may likod bandang balikat niya! " Ayan kasi senyorita mag ingat kasi kayo sa susunod at wag patakbong maglakad lalo na pag basa ang sahig!" pangaral pa ng lalaki kaya habang itinatayo siya nito na lalo niyang kinainis!! " Who care? Get lose!" Sabay waksi niya sa kamay ng lalaki at kunyari nagpagpag ng sarili! "Wala pa nga kalahating uras na kasama kita minamalas na ako! pwede ba lumayo ka sakin at baka madisgrasya pa ako ng tuluyan kakabuntot mo!" Pagtataray pa niya! " My senyorita alam niyo ba na maswerti nga kayo at nandito ako kasi kong wala, nako' sa sahig ang bagsak niyo at malamang tumama na yang likod at ulo niyo sa semento, Aray ko po' ang sakit noon kong nangyari!" pang aasar pa ng lalaki! " Hindi ako madudulas kong hindi dahil sayo!" matigas na turan niya habang nakaduro sa dibdib ng lalaki ang hintuturo! " Bakit namam ho ako?" Pagtataka ng lalaki! Hindin na.nagsalita si Selena at inirapan lamang nito si Baste sabay naglakad ulit pero hindi na mabilis kayat napaisip ng lalaki! "Ah alam ko na bakit ka nagmamadali, balak mo akong takasan noh?" " Don't talk to me!" tanging sagot ni selena na ikinatawa naman ni Baste. " Ok kayo pong bahala hindi naman laway ko ang mapapanis sa inyo po at pag napanis ang laway niyo babaho ang hininga nyo! Eww kadiri ang gandang babae mabaho ang hininga!" hahaha sabay tawa ni Baste ng mahina at lalo namang nainis ang dalaga! " Grrrrrrrr!! I hate you!!!" sabay lingon niya kay baste at nasa harap na sila ng elevator. Papasok na sana siya ng hinarangan siya ng lalaki! "Oppppsss my senyorita wit lang!!" hirit ni baste. "Wait not Wit anu ka?" haha sabay tawa din ni Selena. "Wet, Wit wait wat parehas lang yan! magkatunog naman eh!" " Whatever bobo! bakit mo ba ako hinaharangan huh?" asar na tanong ng dalaga! " Eh kasi po my senyorita kailangan kong siguraduhin na walang panganib sa loob ng elevator na iyan dahil ang kaligtasan mo ang prioridad ko!" hirit nito na nagsaludo pa at tumayo ng tuwid! Pero tila hindi siya narinig ng dalaga nag bingi bingian ito at nagpatuloy parin sa pagpasok kaya hinayaan na lamang ito ng lalaki. Napabuga na lamang ng hangin si Baste bago nagmadaling sumunod din at baka maisipan pa nitong isara ang elevator! Walang imik ang dalaga sa loob ng elevator, kaya tumahimik nalang din si Baste. Hanggang nakarating sila sa basement at pumunta sa parking kong saan nakaparada ang sports car ni Selena! Dali dali siyang inunahan ng lalaki at bahagyang sinilip silip ang ilalim ng sasakyan pati ang loob kaya nag alarm tuloy ang sasakyan! "Stop!" utos ni Selena sa kotse na umaalingawngaw at tumigil ito dahil sa voice command niya. "Ang OA mo sobra! hahaha bakit mo naisipang silip silipin ang ilalim ng kotse bakit? baka may bomba? Alam mo Mr..... anu nga bang pangalan mo? Whatever!!!" bigla niyang dugtong kaya di na nakasagot ang lalaki! "Konti lang ang nakakalam na anak ako ng senador at isang sikat na modelo dahil hindi naman ako nagdidisplay sa public as senator's daughter kaya wag kang mag alala walang magtatangka sa buhay ko, parehas lang kayo ng daddy kong praning eh!" sabay tawa ng dalaga at ibinato sa kanya ang susi na agad naman niyang sinalo! " Sana alam mo e drive tong kotse ko" sabay pasok niya sa kabila ng driver set kaya dali dali ding pumasok si Baste sa driver set! Pinaandar na niya ang makina at sinimulan na magmaneho. " Senyorita saan po tayo?" tanong niya sa amo. "Sa kamatayan mo!" sagot ng babae! "Di magkasama tayong mamamatay niyan senyorita? Kasi magkasama tayo eh. Hirit ni Baste sabay ngiti. "How dare you! Mamatay kang mag isa mo at bakit ba kita kinakausap grrrr!" sagot ni Selena bago naglagay ng headphone at di na umimik! Hanggang sa nakatulog na ito. "Anu ba to manghuhula pa ako kong saan kami pupunta?" bulong ni Baste sa sarili, kayat tinawid nalang niya ang daan pauwi sa mansion ng mga Inriquez.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD