Nagising si Selena na nasa tapat na ng bahay nila. Pinagbuksan siya ng pinto ng kotse ni Baste at dahil naalimpungatan ang dalaga ay agad itong nagalit!
"Bakit tayo nandito sa bahay?" tanong niya na nagkasalubong na naman ang mga kilay.
"Bakit maam saan ba tayo dapat pupunta eh kong kinausap niyo ba naman ako at hindi tinulugan e di sana alam ko kong saan ang punta natin!" pangangatwiran ng lalaki.
"Grrrrrrrr palpak ka talaga!" ngitngit ni Selena bago padabog na pumasok ng bahay.
"Problema non' parang parating may regla," bulong ni Baste na napakamot sa ulo!.
"Hijo ikaw ba ang bagong driver bodyguard ni Selena?" bati ng isang babaeng siguroy nasa 50 na mahigit ang edad.
"Opo manang", sagot ni baste ng magalang sa matanda.
"Mukhang pinakitaan kana kaagad magandang asal ng batang yon' sa unang araw mo ah", dagdag ng matanda na nakangisi pa.
"May regla ho yata parati manang palagi mainit ang ulo!" sagot din ni baste na nakatawa kaya nakitawa na rin ang matanda.
"Hijo pagpasensiyahan mo na yang batang 'yan palibhasa nag iisang anak at nakukuha lahat ng gusto kaya ganyan, pero may kabaitan din sa puso yan lalo na sa mga nangangailangan . Pag nagtagal ka dito makikilala mo din siya ng husto. Ako nga pala si Yaya Hilda ako na ang nag aalaga at nagpalaki kay Selena 25 yrs na akong nanilbihan dito sa pamilya simula governador pa si Senator." salaysay ng matanda bago magpaalam na aakyat daw sa taas para alamin kong anung gustong kainin ng alaga niya.
" Iba talaga tong mayayaman ki tanda na eh may yaya pa." sa isip ni Baste na umiiling iling at inalala ang kanyang kabataan.
Apat na taong gulang siya noon ng huli niyang nakita ang kanyang ama, pinuntahan pa sila dito ng kanyang ina at gusto siyang kunin nito apra dalhin sa Saudi, Pero hindi pumayag ang kanyang ina kaya umalis ang kanyang ama at hindi na nagpakita o nagparamdam pa!
Mag isa siyang binuhay ng kanyang ina sa pamamagitan ng paglalabada at paglalako ng kakanin, hanggang sa nakilala ng mama niya si Sarhento Buston. Isang matapang at magalang na police. Minahal nito ang mama niya at tinanggap din siya nito bilang anak ngunit sa kasamaang palad ay mayrong naka engkwentrong hold upper ang kanyang ama amahin at dahil nanlaban ito ay nakipag agawan ng baril at tinamaan ang kanyang step father sa dibdib dahilan ng agad nitong pagkamatay!
Mula noon laging wala sa sarili ang kanyang ina at nalalag pa ang pinagbubuntis nito na nasa tatlong buwan kaya lalong nasiraan ng bait ang kanyang ina.
Yun ang dahilan kong bakit galit na galit si Baste sa mga magnanakaw, dahil kong hindi pinatay ng hold upper na yon ang step father niya ay masaya sana sila at hindi nabaliw ang kanyang ina! Nasa isang mental institution ang kanyang ina magpahanggang ngayon at yon ang isa din sa dahilan kong bakit siya nagsusumikap.
Napabuga nalang ng hangin si Baste sa pag alala niya sa mga nangyari dahil magmula noon ay natoto na siyang mag banat ng buto para mabuhay. Kong anu anong trabaho ang pinasok niya, sa murang edad nagtinda siya ng kandila at sampaguita sa simbahan. Nag bote bakal, nag kargador din siya sa palengke hanggang sa kinuha siya ng ninong niyang hepe yong kaibigan ng step father niya dati, at pinag aral siya ngunit ng huli ay nagkasakit ang ninong niya at natigil sa trabaho kaya nagpasya siyang magpahinga muna sa pag aaral at magtatrabaho para makaipon ng pera para makapagpatuloy sa pag aaral.
Nasa ganong pagmumuni muni si Baste ng tawagin siya ni yaya Hilda.
"Baste kain ka muna, at wala pa yatang planong umalis si senyorita." At sumunod naman si Baste sa matanda papunta sa kusina.
Wala pa nakakalahati si Baste sa pagkain ng biglang tinawag siya ni Selena.
"Sebastian asa kaba aalis ako!" Pasigaw na tawag nito kong kayat muntik pang mabulunan ang binata dahil sa gulat!
"Eh senyorita kumakain po paano po kasi tinawag na ako ni yaya Hilda na kumain na eh," sagot ng binata na may kanin pa ang bibig.
"So? kong kumakain ka dapat mag hintay ako? siguro naman ako ang amo at siguro naman hindi ko na kasalanan kong ang bagal mo kumain! tsaka' pwede ba wag ka nga magsasalita sa harap ko ng may kanin ang bibig!! Grrrrrrrr kahit kaylan talaga!" Galit na turan ng dalaga at nagmadaling ng pumunta sa labas, kaya dali daling uminom ng tubig si Baste at sumunod dahil baka umalis pa 'yon mag isa siya pa ang lagot!
"Manang kayo na po bahala sa pinagkainan ko ha pasensiya na di ko nabubos!" bilin ni baste sa mataas na boses sa matandang nakasalubong niya papuntang kusina. Hindi na nakasagot ang matanda at umiling iling lang dahil mukhang pinapahirapan na ng alaga niya ang bagong driver nito!
Ganyan talaga ang ginagawa ni Selena sa mga bagong driver bodyguard niya, sinasadya niyang habang kumakain ay aalis o di naman hindi pa talaga nakakain aalis na. Minsan ayaw niya sabihin saan pupunta basta mag dadrive ka lang na parang tanga.
Nagmadali si Baste na maunahan sa sasakyan si Selena, muntik pa siyang madapa kanina buti nalang at agad siyang naka balanse. Agad niyang binuksan ang pintuan ng kotse nagulat pa ang dalaga na andiyan na agad siya biglang sumulpot! Tinaasan lang siya nito ng kilay bago pumadsok sa kotse. Mabilis din siyang umikot papuntang driver set at pinaandar na ang makina.
"Saan po tayo senyorita?" tanong ni baste habang hinihintaybmabuksan ng guard ang gate ng mansion.
"Fairview", maikling sagot ni Selena.
"Saan po sa fairview senyorita? para deredretso na tayo." tanong ulit ng binata.. kaya nagsalubong na naman ang kilay ng dalaga habang tinitingnan siya!!
"Oo nga po bawal magtanong! pag tayo naligaw bawal din magalit," bulong ng binata pero malakas kaya nadinig parin ni Selena.
"Ikaw bay' talagang nang iinis? Gusto mo bang mawalan agad ng trabaho ha?" tanong niya kay Baste na parang nanghahamon!
"Abay kong matatanggal ako sa trabaho senyorita at alam kong may kasalanan ako ay buong puso kong tatanggapin, pero kong matatanggal ako dahil sa kagagawan niyo dahil ayaw niyo na mya bodyguard kayo ay di rin ako mag dadalawang isip na ipagtanggol ang aking sarili sa inyong ama!" pahayag ng binata kayat lalong sumimangot ang mukha ng dalaga.
"At talagang ang galing makasagot!" galit na turan ng dalaga. Hanggang nakarating sila ng fairview ay wala na silang imikan.
"Daan tayo sa mall may kikitain ako utos ng dalaga kaya doon ang tinahak na daan ng binata hanggang sa pumasok ang dalaga sa isang malaking salon at pinaiwan niya sa labas ang binata kaya nagmukha tuloy gwardiya ang binata kasi nakaabang sa may pintuan ng salon at yung ibang costumer na pumapasok at lumalabas ay nag aantay din na pagbuksan niya ng pintong de salamin.
Natatawa pang nakatingin sa kanya ang dalaga na tila masaya ito sa ginagawa niya!