Ikalawang araw ni Baste sa trabaho at ngayon nka uniporme na siya. Suot niya ang slack na itim at white polo barong! Naka ahit na rin siya at nagpagupit gaya ng bilin ni Senator.
"Good morning senyorita" bungad niya sa amo na kakababa lang a may pupuntahan daw sila.
Saglit na huminto si Selena sa paglakakad at bumaling sa kanya, tiningnan siya nito mula ulo hangang paa ng nskataas ang kilay!
"Kahit anong isuot mo walang nagbago! mukha ka ng tao pero di mo yan ikakagwapo!" pagtataray nito bago dumeretso ulit ng lakad.
Napakamot nalang din ng ulo ng binata bago nagbuga ng hangin.
Lumipas ang 10 araw at nagtatrabaho parin si Baste kay Selena. Kayat nag isip na ang dalaga kong papano niya mapapaalis ang binata. Halos lahat ng pagpapahirap ay ginawa na niya sa binata. Kahit di na masyado ito mkakain dahil bigla niya nalang uutusan o di namay dadalhin sa lugar na hindi kabisado ng lalaki pero hindi niya maiwala wala ang lalaki hanggat nag isip siya na ipabugbog ang lalaki. Uutusan ng kong anu- ano, paakyatin sa 40th floor ng gusali at paghahagdanin lang. Pero di pa rin sumuko!
Kayt naghanap nalang siya ng mga taong susuhulan at kunyari kikidnapin siya at kong ipagtatanggol siya ng lalaki ay kailangan bugbugon nila ito hangat gumapang o anu man, pero hindi dapat na mapuruhan!
May kaibigan siyang may pinsan na may mga kilalang Goons at trabaho talaga ang makipag basag ulo, magnakaw at kong anu ano pang kasamaan at yon ang gumawa ng utos! Hindi alam ng mga ito na si Selena mismo ang may pakana dahil ayaw ni Selena masangkot siya uras magkabulilyaso malaking isyo yon sa ama niyang senafor, bagay na siyang pagkakamali ng dalaga!
"Tapos na ang usapan Hector kidnapin nyo yang babaeng nasa picture pero pakakawalan niyo din agad yan, ang gusto ko lang mangyari ay mabugbog ng husto ang bodyguard niya, bahala na kayo kong anung gagawin nyo basta ang importante ay maging sanhi yan ng pagresign niya sa trabaho, basta tandaan nyo lang ang bilin ko wag puruhan baka mapatay niyo yan! Utos ni Amanda sa mga tauhang nirekomenda lamag din ng pinsan nito.
"Ang ganda nitong babae maam ah sigurado kang pakakwalan namin to agad uras na nabugbog na yung bodyguard niya?" paniniguro ng lider ng groupo na si Hector!
"Ang usapan ay usapan wag na wag niyong sasaktan ang babae wag na wag niyong gagalawin dahil hindi niyo alam ang binabangga niyo! ito kalahati ng bayad niyo ang kalahati pag natapos na ang trabaho." Sabi ni Amanda sabay lapag ng envelop sa mesa na may lamang pera.
Tinawagan na ni Amanda ang kaibigang si Selena para ipaalam na ayos na ang plano at tuwang tuwa naman amg babae.
"Sebastian," tawag ni Selena sa bodyguard.
" Yes po my senyorita anung maipaglilingod ko?" tanong ni Baste na payuko yuko pa.
" Badoy!" tanging nasabi ni Selena bago naglakad na palabas at papunta sa Ford Ranger ng daddy niya. Yun ang gagamitin niya ngayon baka magasgasan pa yong sports car niya dahil sa mangyayari mamaya.
" Teka senyorita ito bang dadalhin nating sasakyan?" tanong ni Baste habang lumalapit kay Selena.
"Yes' any problem?" mataray na sagot ng dalaga.
" Nothing po maam, sorry po." tanging nasambit ng binata bago pumasok na rin sa driver set.
"Punta tayong batangas kaya ito ang ginamit nating kotse, bilis bilisan mo lang pwede?" Utos ng dalaga ng nakalabas na sila sa gate ng subdivision.
" Ok po maam copy po," sagot naman ng binata, pero di niya maintindihan bakit tila kinakabahan siya na parang may masamang mangyayari. Sa express way ang daan nila kaya mabilis lang, pero nagtataka si Baste bakit tila may sumusunod sa kanila, ramdam na niya yon sa toll gate palang hanggang sa tuluyan na silang nakapasok ng batangas.
Binilisan ni Baste ang pagpatakbo ng sasakyan at lumiko bigla ng may nakitang kanto na may gasolinahan at don niya napatunayan na sila ang sinusundan dahil lumiko din ang sasakyang nakasunod sa kanila.
"Bakit tayo lumiko dito magpapagas kaba?" kuryusong tanong ni Selena..
"Jijingle po senyorita pero nagbago ang isip ko hindi nalang," sabay paandar ulit ng sasakyan.
Hindi na umimik ang dalaga dahil sa isip niya huling araw na rin nitong makaksama si Bste dahil sigurado mag reresign din ito.
Bumalik sila sa daang tinatawid nila patungo sa kanilang pupuntahang isang beach daw..
Nasa kalagitnaan na sila ng daan mula sa lungsod patungo sa isang masukal na lugar kong saan wala na masyadong kabahayan. Tinitingnan ni Baste sa sa side mirror pero wala na ang sumusunod sa kanila kanina kaya medyo nakampanti na siya napag isip isip niya na baka akala niya lang iyon nh biglang!!
Peeeeeepppp pip!!!!! Malakas na bosena ang kanyang pinakawalan dahil sa may biglang lumabas mula sa kong saan na isang lalaki na pumagitna sa daan. Napabreak bigla ang binata!
"Anak ng tokwa! dito pa talaga! nabangga ko yata". Tanging nabigkas niya habang tinatanaw mula sa loob ng kotse kong saan na ang lalaki.
"Babaan mo kaya di yong tutunganga ka diya, ano ako ang pababa?" mataray na utos ni Selena kaya bumaba nalang si Baste kahit kinakabahan dahil iba talaga ang kutob niya.
Umikot siya papunta sa harap ng sasakyan at nakita niya itong nakahandusay kaya agad niyang nilapitan para tingnan ang kondisyon nito ng bigla nalang ay may kong anung dinampot ito mula sa pagkakadapa at laking gulat niya ng humarap na ito at tinutukan siya nito ng baril!
"Ibigay mo samin yang amo mo kong ayaw mong samain!" sambit ng lalaki sa nakakatakot na boses!
Agad niyang sinipa ang kamay ng lalaki na may hawak na baril dahil nanatili pa rin itong naka upo sa kalsada habang nakatukod ang isang kamay at ang isan kay ay may baril na nakatutok sa kanya. Kaya tumalsik ang baril nito sa kong saan!
"Ano ka hello! No one can touch may senyorita!" pa english english pa niyang turan dito ng biglang sinipa din ng lalaki mula sa pagkakaupong pwesto nito ang isa niyang binti kayat nawalan siya ng balansi!
Natumba siya pero agad din nakatayo at ngayon ay parehas na sila ng lalaking nakabangga niya at tila humahanda na ito para sugurin siya nag bigla siyang nag squat sabay ikot ng isang paa at bilock ang isang binti ng kalaban niya kaya agad natumba at pagkakataon na niya iyon kaya agad niyang sinikmuraan ang lalaki gamit ang kanyang siko at sinakal ito ng isa niyang kamay!
"Susugod sugod kang mag isa ano ka ngayon?" mayabang pa niyang turan sa lalaking tila kinapos na ng hininga ngunit nakuha pa nitong ngumese at nakatingin sa likod niya.
"Sebastian', help!!! sigaw ni Selena mula sa likuran at ngayon ay hawak na ng dalawang malalaking lalaki!
Tang i** bitawan niyo si senyorita sigaw niya sabay suntok sa mukha ng lalaking una niyang nakalaban kaya agad ito nawalan ng malay! Laking gulat niya ng tumayo siya ay may sadakyan ng nasa likod ng sasakyan nila at yon yung sumusunod sa kanila kanina!
"Baste! anu pang tinitingin tingin mo dyan? pag ako nakidnap patay ka sa daddy ko! sigaw ni Selena.
Akma na sana siyang kikilos para sumugod pero bigla nalang may humawak na dalawa pang lalaki mula sa likuran niya at tanaw niya mula sa di kalayuan ang isang lalaking tila lider ng grupo na nakatingin lang sa kanila at nakangese!
"Sinu kayo at anong kailangn niyo?" tanong ni baste habang magpupumiglas! Lumapit ang mukhng lider ng grupo at nilapitan si Selena. Hinimas pa nito gamit amg likod palad niya ang pisngi ng dalaga.
"Nagbago ang plano sayang tong ganda nito kong hindi mapasasaakin kay patayin yang lalaki at ikaw magandang dilag sumama ka sa akin pupunta tayong langit!"
"Pe- pero boss hindi ito yong plano bka mayari tayo nito?" protesta ng isa sa mga tauhan niya na nakahawak kay Baste!
"Nagbago nga ang plano di mo ba ako narinig p**yeta!" sigaw niya sa tauhan sabay hila kay Selena kayat napasigaw ang babae dahil maging siya ay natakot na rin dahil alam niyang pati siya ay pinagkainteresan na ng grupo at wala na silang pakialam kay baste!
"Noooooo! you can't do this to me!"