Pakikipaglaban ni Selena at Baste

1243 Words
Nagpumiglas si Selena mula sa pagkakahawak ng dalawang tauhan ni Hector sa kanya. "Bitawan niyo ako kong ayaw niyong samain!" matigas na turan ni Selena. Ngunit nakangisi lang ang mga ito na nakatingin sa kanya. Wala na yong lider na si Hector dahil pumunta sa sasakyan kaya biglang inapakan ni Selena ang paa ng isang nakahawak sa kanya at dahil matulis ang takong ng sapatos niya at muntik ng bumaon ito sa paa ng isa kaya napabitiw siya sa pagkakahawak sa babae at agad na napatalon talon habang hawak niya ang isang paa at napasigaw sa sobrang sakit! Nakuha ni Selena ang pagkakataon para harapin din ang isang lalaki na nakahawak sa kaliwa niyang kamay, kaya agad na man niyang hinila ang braso ng lalaki gamit ang kanan niyang kamay at ng mawalan ito ng balanse at bahgyang napasubsob sa harapan niya ay agad niyang tinuhod ang gitna ng hita ng lalaki dahilan para mapasigaw din ito sa sobrang sakit at paika ikang tumatalon! Binalingan niya ang lalaking inapakan niya at sinipa sa mukha dahilan para matumba ito. Habang nasa ganoong eksena si Selena ay pagkakataon din ni Baste na harapin ang dalawang taong nakahawak sa kanya. Nagtaka man kong bakit ganon ang kilos ng dalaga, ay agad din niyang siniko ang mukha ng isang lalaki kaya napaatras ito kasabay ng pag ikot niya sabay sipa sa mukha ng isa pang may hawak sa kanya dahilan para din ito matumba at namilipit sa sakit na nakaupo sa lupa, akmang susugod ang isang suniko niya sa mukha kaya agad niya din itong sinipa sa ilalom ng tenga dahilan para matumba. Nakita ni Hector at ng isa pa niyang tauhan na kasalukuyang na papunta sa kanilang sasakyan para sana ilapit ito sa dalawa dahil plano nila sagasaan si Baste! Agad hinugot ni Hector ang kanyang baril na nakasukbit sa gilid at itinutok kay baste at nag kakalabitin na sana niya ang gatilyo ay agad namang tumalsik ang baril na hawak niya dahil naunahan siya ni Baste dahil ng makita ni Selena bumunot ng baril si Hector ay agad niya sinipa ang baril na nahulog sa lupa ng isa sa mga tauhan ni hector na may hawak kanina sa kanya. "Sebastian!" sigaw ng dalaga sabay sipa paitaas ng baril at nasalo naman ito agad ni baste, kaya dere deretso niya itong kinalabit at inasinta ang hawak na baril ni Hector! Nagngitngit sa galit si hector kayat patakbo niyang nilusob si baste ngunit hindi pa siya nakalapit dito ay agad ng inasinta ulit ni Baste ang isang tuhod ni Hector at natamaan ito kaya nadapa ito sa lupa at namilipit sa sakit! "F**k!.. lusubin niyo!" sigaw ni hector sa mga tauhan niya na kasalukuyan ding namimilipit pa sa sakit lahat. Ngunit tila mga bubuwit na nakakita ng pusa ang mga tauhan ni Hector na isa isang umatras! "Gusto pa naming mabuhay boss bahala na kayo kong itutuloy niyo ang balak niyo!" sigaw ng isa at tuluyan nang tumakbo palayo! Ganon din ang iba ay unti unting umatras lalo na ng hinubad ni Selena ang suot niya g sapatos at hinawakan magkabilaan ng kanyang kamay na parang naghahanda para ipanghampas ang mga takong! "Bw***t! wag niyo ako iwan dito!" sigaw ni hector sa mga tauhan nito na naduwag na! Binalikan siya ng isa at inalalayang tumayo habang ang iba nilang kasama ay nasa sasakyan na agad nila inatrasan di Hector at isinakay! Babarilin pa sana ni baste ngunit wala na palang bala ang baril na hawak niya! "Anak ng tinapa mga hayop na to' wala naman palang bala ang mga baril ng mga animal!" pagmumura ni Baste ng pinulot niya ang isa pang baril at pinaputok pero wala ding bala kaya ibinato niya ito sa sasakyan ng mga tumatakas! Agad siyang tumakbo sa sasakyang dala nila ni Selena para sana habulin ang mga tumakas pero agad siyang pinigilan ng dalaga. "Sebastian hayaan mo na sila!" matigas na utos ng dalaga. "Senyorita sigurado po kayo pagkatapos nilang pagtangkaan ang buhay natin pababayaan natin sila?" pagtatakang tanong ni Baste sa amo. "Yes, mas malaking gulo pag hinabol mo pa sila dahil baka.makarating pa sa Daddy ito!" dagdag pa ng dalaga na lalo na mang pinagtaka ni Baste " Senyorita mawalang galang na po pero papaano naman po yung ginawa nila s inyo? sa atin, kong wala pala kayong planong iparating ito sa daddy niyo? Hindi tayo magpapa blotter? "I can handle it, ako ng bahala magpahanap sa kanila ang plesae don't tell daddy about what happened pleaseeeee Sebastian..." Malambing at maamong boses ni Selena na narinig niya sa unang pagkakataon at nag please pa ito bagay na na sa di malaman na dahilan ni Baste ay napa oo siya sa dalaga. " Lets get out of here bago pa may makakita sa'tin..." tinig ulit ng dalaga sa malambot na boses na nagpahipnotismo kay Baste kaya agad naman nito pinagbuksan ng pinto ng sasakyan para makasakay na ito at umikot na rin siya sa driver set bago mabilis na nag drive paalis sa lugar. Nasa bayan na sila ulit ng nagsalita si Selena. "Sebastian, hanap ka munang' makainan." sabi ng dalaga kayat agad na humanap ng restaurant si Baste na pwede nilang makainan pero maliit na bayan lang ang kinaroronan nila ngayon at wala masyadong malalaking establisamento. "Senyorita ok lang ba sa inyo sa karenderya na kayo kumain? wala akong makitang restaurant dito banda." nag aalangang tanong ni Baste sa amo. " Its okay, as long as you can promise me, its safe." maikling sagot ng dalaga na kinatuwa naman ni Baste dahil sa pagkakataong ito ay hindi na nagtaray ang dalaga. Agad nakakita ng isang ihawan si baste na tila may seneserve din na mga ibang ulam. Malaki ang grill house na iyon hindi mn matatawag na restaurant pero malawak ang paligid at malinis. Pagkaparada nila ng kotse ay agad na bumaba si Baste para pagbuksan ng pinto ang amo pero hindi na siya nito inantay da halip ay bumaba din agad ito. Di na nakakibo ang binata at napatingin nalang sa dalaga na nauna ng humakbang paroon sa loob ng kainan, kaya sumunod nalang din agad siya "Magandag tanghali po binibini at ginoo dini po tayo at may mga bakanti pang upuan.." salubong ng isang babaeng nasa 50 ang edad at batangeña accent. Sumunod naman agad ang dalaga at nginitian lang ang matanda. Hinila ni Baste ang isang upuan para makaupo ang dalaga at na tumayo siya sa isang tabi. "What are you doing?" nakataas kilay na tanong ng dalaga na parang nagtataka sa ginawa ng binata. "Nakatayo po senyorita babantayan kita habang kumakain." magalang na sagot ng binata. "What? are you crazy? anong balak mo pakakainin akong mag isa? umupo ka at sabay tayong kakain!" Napanganga si Baste sa sinabi ng dalaga pero agad ding umupo dahil ang totoo gutom na rin siya. "Senyorita ano pong gusto niyo at oorder na ako sa counter wala pong waiter dito self service po pala." saad ni Baste kayat lumingon naman si Selena sa counter kong saan may mga nkasulat na food menu. Chicken inasal with rice and vegetable salad lang. Pine apple ang drinks, ikaw bahala kana kong anong gusto mong orderen sabi kay baste ng dalaga bago dumukot ng pera sa pitaka at inabutan si Baste ng isang libo. Pagbalik ni Baste sa table nila ay bitbit na ng binata ang pagkain nila. Agad namang kinuha ni Selena ang kubyertos at sinimulan na ang pagkain halatang nagutom nga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD